You are on page 1of 37

Kailangan ng bawat isa ang mga payong makahuhubog ng magandang disiplina at pag-uugali.

Dito
makikita ang kahusayan ng isang ina. Kung ang bata ay may mahusay na marka sa klase, kung siya ay di
mahilig makipag-barkada, kung pangangailangan niya ang kaayusang pansarili, kung kawiliwili siyang
kausapin ay bunga ng mahusay na paghubog na ginagawa ng iba sa kanyang mga anak.

1. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing diwa ng talata?


a. Nasusukat ang kahusayang magdisiplina ng isang ina sa pamamagitan ng magandang asal at
pagkatao ng kanyang mga anak.
b. Higit sa malaki ang impluwensiya ng ina kaysa sa ama sa paghubog ng ugali ng kanilang mga anak.
c. Kailangan ng isang ina ang malawak na kaalaman.
d. Ang mabait na ina ay may mabait na anak.

Essential Learning Skills


May kasabihang sa pagkakaisa ay may natatamong lakas. Nararapat lamang na ang mga mamamayan
ay magkakabuklod-buklod upang taas-noong harapin ang kinabukasang higit na matatag at masagana.
Kailangang itanim sa isipan ng bawat isa na ang kaligtasan ng Inang Bayan ay nasa sariling pagsisikap ng
tao.

2. Isinasaad ng pangunahing diwa ng talata na _________.


a. Ang nagkakaisang mamamayan ay may karangalan at taas-noong mahaharap ang isang
kinabukasan.
b. Ang nagkakaisang mamamayan ay tiyak na magiging malakas upang harapin ang anumang
suliranin.
c. Alang-alang sa Inang Bayan, ang mamamayan ay dapat magsama-sama minsan pa para sa matatag
at masaganang buhay.
d. Ang kaligtasan at ang matatag na kinabukasan ng Inang Bayan ay nakasalalay sa sama-samang
pagsisikap ng mga mamamayan.
“Bakit kami aalis sa pook na ito ngayon?” tanong ni G. Tomas. “Sagana kami rito sa lahat ng bagay. Hindi kami
kakapusin sa pagkain. Maaari kaming kumuha kahit na ilang kabang bigas at hindi namin kailangang magbayad ng kahit
isang sentimong higit sa dapat naming ibayad. At hindi ko pa nasasabi sa aking pamilya,” ang tuwirang wika niya sa
akin, “ngunit mayroon akong kakilalang dating naglilingkod sa pamahalaan. Kakilalang dating naglilingkod sa
pamahalaan. Maaari ko raw bilhin ang ilang ektarya ng kanyang lupa. Naiisip kong mga itikan at magtanim ng mga
gulay. Anong palagay mo riyan, Audie?”
“Iyan po’y kapaki-pakinabang gawain sa mga araw na ito,” ang tugon ko naman.

3. Ano ang binubuong desisyon ni G. Tomas hinggil sa kanyang suliranin?


a. Bumili ng pagkain c. Umutang ng bigas
b. Manatili sa pook d. Magbayad ng utang

4. Anong plano ang hindi pa nasasabi ni G. Tomas sa kanyang pamilya?


a. Ang usapan nila ni Tomas
b. Ang kanyang pagbili ng ilang ektaryang lupain
c. Ang kanyang utang sa tindahan
d. Ang kakilalang dating naglilingkod sa pamahalaan

5. Ang pariralang “magbayad ng kahit isang sentimong higit sa dapat naming ibayad” ay nagpapahiwatig na ang mga
tao sa pook na iyon ay hindi _____
a. mapagpabaya b. mapagpakunwari c. mapagwaldas d. mapagpatubo
Paano mo mailalarawan ang kalagayan ng
ating kapaligiran sa kasalukuyan? Gaano
kalaki ang mga naging pagbabago nito
noon at ngayon?
ARTICULATION OF OBJECTIVES
Sa konteksto ng Pilipinas, hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan dahil simula pa lamang sa
pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng mga tao tungo sa lugar na magbibigay sa kanila ng
pangangailangan maging ito man ay usaping pangkabuhayan, seguridad o personal man.

  Dahil dito, nararapat lamang na magkaroon ng malawak na kaalaman ang guro sa mga
suliraning kinakaharap ng mga migrante sa pagpunta ng maraming Pilipino sa ibang bansa upang
maihanda ang mga nagbabalak at makapagbigay ng malawak na kaalaman sa ilang panganib na
maibibigay ng migrasyon para narin sa kanilang kahandaan o pananaliksik na nakabatay sa Domeyn 1, 2,
3 at 6 ng Philippine Professional Standards for Teachers.

  Bilang mga guro sa hinaharap na may pananalig sa Diyos, tayo ay binigyan ng pagkakataong
maging instrumento upang hubugin ang mga mag-aaral at turuang pahalagahan ang mga bagay na likha
ng Maykapal. Nararapat na hubugin natin ang mga darating pang mga mag-aaral na tamang asal,
mayaman sa kasanayang pagkatuto ng ika-21 siglo at may pagnanasang maitaguyod at mapaunlad ang
bansa.
Na sa pamamagitan ng First City Providential College, ang College of Education na nagtataguyod ng
kanilang Program Educational Objectives ay nagnanais na ang mga mag-aaral ay:
 
a. Maipakita ang kakayahan at kaalaman sa pagbibigay nang maagap at mainam na solusyon sa mga
suliranin sa ika-uunlad ng propesyon;
b. Magampanan ang tungkulin na nakasaad sa pamantayan ng paaralan;
c. Maisabuhay ang pamantayan ng Philippine Professional Standards for Teachers sa pagtuturo o sa
pakikipag-ugnayan; at
d. Makilahok sa mga pagsasanay sa napiling propesyon upang maging isang mahusay na guro.

Sa tulong nito, maisasakatuparan natin ang Program Outcome 9 upang magkaroon ng malawak na
kaalaman sa napapanahong isyu ng lipunan tulad ng kalalagayan ng mga Migranteng pinoy na
nakatuon sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng Programang Pang Edukasyon.
 
Kaya sa pagtatapos ng ating klase inasahan ko na ang lahat ay makagagamit ng iba’t ibang
mapanuring paraan ng paglutas ng suliranin, makapagbabalangkas ng gabay etikal gamit ang iba’t
ibang porma ng midya na gagawing batayan ng mabuting gawi ng bawat mamamayang Pilipino at
maisaalang-alang ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kalikasan bilang natatanging pamana ng
kahapon at ng kinabukasan.
Ang mga Kalamidad at
ang Malawakang
pagkawasak ng
Kalikasan dulot ng
Ano ang KALAMIDAD?

Ito ay itinuturiing na mga pangyayaring nagdudulot


ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian,
kalusugan, at ng mga tao sa lipunan.
Ano ang ilan sa mga kalamidad na
nararanasan sa Pilipinas?

Bagyo Baha
Lindol Landslide
Flashflood Pagputok ng
bulkan
Storm surge
Ano ang BAGYO?

Ito ay isang sistema ng klima


na may nakabukas na
sirkulasyon sa paligid ng isang
sentro ng mababang lugar,
tumatakbo sa pamamamagitan
ng init na inilalabas kapag
umaakyat at lumalapot ang
basing hangin.
• May 19 hanggang 30 ang bagyong dumaraan sa ating bansa taon-
taon, maliban kung panahon ng El Niño.
• Kadalasang nagaganap ito mula Mayo hanggang Oktubre.
• Dahil naliligiran ang ating bansa ng mga malalaking anyong tubig,
nagiging mataasa ang posibilidad na magkaroon ng mga tsunami,
storm surge, tidal wave sa mga baybayin nito.

*storm surge o daluyong bagyo ay isang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-
pressure na panahon, na nagdudulot ng malalakas na hangin at pag-ulan, na maaring mamuo bilang
bagyo.
Ano ang BAHA?

Ito ay ang pagtaas ng tubig sa


mga ilog, sapa, lawa, at iba
pang anyong-tubig na
umaapaw sa mababang lugar.
Mga dahilan ng pagbaha

 Natural na dahilan

• Matindi at mahabang pag-ulan – “low pressure areas, tropical


cyclones, intertropical convergence zones, monsoons at cold
fronts
 Natural na dahilan

• Malawakang Pagpapaunlad - nababawasan ang kakayahan ng lupa upang sumipsip ng


tubig na nagdudulot ng pagbaha.
• Informal Settlers (iskwater) – ang paninirahan ng mga iskwater sa tabing ilog o daaan
ng tubig ay nakasisikip sa maayos at normal na daloy ng tubig.
• Di-maayos na pamamahala ng basura – nagiging sanhi ng pagbara ng mga
pangunahing daluyan ng tubig.
• Pagkakahoy at pagkakaingin – nawawala ang mga punong kahoy na sumisipsip sa
tubig ulan na nagdudulot ng malawakang pagka-agnas ng lupa.
• Pagpapasabogy at Pagmimina – nagdudulot ng pagbara sa mga daana ng tubig.
• Pagkasira ng Dam – maaaring magdulot ng malawakang pagbaha sa mga mababang
lugar sa isang komunidad.
Ano ang LINDOL?
Ito ay ang mahina hanggang sa
malakas na pagyanig ng lupa dulot ng
biglaang paggalaw ng mga bato sa
ilalim nito.
Maraming panganib ang maaaring idulot ang lindol:
• Pagyanig (ground shaking) at pagguho– maaari itong makapagdulot ng
pinsala o tuluyang pagguho sa mga gusali
Hal. Hyatt Hotel sa Baguio Hulyo 16, 1990
Bohol at Cebu Pebrero 8, 2013
• Pagbitak ng Lupa (fault) – muling paggalaw ng mga bitak na lupa na
nakapagitan sa dalawang bloke ng lupa na gumagalaw nang palihis o sa
magkabilang direksyon.
Hal. Sa kahabaan ng Digdig Fault Hulyo 1990
*active fault lines – Western Philippine Fault, Eastern Philippine Fault, South of Mindanao
Fault, Central Philippine Fault at Marikina/Valley Fault System (East – Rizal Province, West –
Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Manila)
• Paglambot ng lupa – pagbabago ng katangin ng lupa mula sa paginging
matigas at solidong buhangin tungo sa pagiging parang likido
Hal. Pagtagilid ng gusali dahil sa “liquefaction” sa Dagupan City Hulyo 16, 1990

• Tsunami– Ang sunud-sunod na pagdatiing ng alon sa dagat na nalilikha ng


isang lindol na ang epicenter ay nasa ilalim ng dagat o malapit sa baybay-
dagat.
Hal. Mga dingding at bubong ng kubo na tinangay ng tsunami sa Brgy. Malaylay,
Lumang Bao, Oriental Mindoro
Ano ang CLIMATE CHANGE o Pagbabago ng
Klima?
Ito ay tumutukoy sa mga
pangmatagalang pagbabago sa klima
na nangyayari sa mga dekada, siglo o
mas matagal. Ito ay sanhi ng mas
mabilis na pagtaas ng mga
greenhouse gases sa kapalirigan ng
mundo lalo na sa pagsunod ng fossil
fuels (hal. Karbon, langis, at natural
gas)
Ang mga heat-trap na gas na ito ay nagpapainit sa Earth at sa mga
karagatan na nagreresulta sa pagtaas ng antas ng dagat, mga pagbabago
sa mga pattern ng bagyo, binagong alon ng karagatan, pagbabago sa
pag-ulan, pagtunaw ng niyebe at yelo, mas matinding kaganapan sa init,
sunog, at tagtuyot.
Maaaring Sanhi ng Climate Change:
• Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang
matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw,
sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na
napapataas ng temperature o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
• Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide
at ibang pang greenhouse gases. Ang mga greenhouse gases ang
nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga
sasakyang gumagamit ng gasoline, ang pagpuputol ng mga puno, at ang
pagkabulot ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane ay ilan sa
mga dahilan ng climate change.
Ano ang Epekto ng mga Kalamidad:

 Sa mga tao?
 Sa mga anyong lupa?
 Sa kalagayan ng anyong tubig?
Mga Epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.
• Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na dala ng tubig o pagkain
tulad ng choler at iba pang sakti na may pagtatae. Dala ng insekto
tulad ng lamok (malaria at dengue) at ng daga (leptospirosis).
Dulot ng polusyon (Allergy)
• Malnutrisyon at epektong panlipunan dulot ng pagkasira ng mga
komunidad at pangkabuhayan.
Solusyon Sa Sakuna
Ano-anong mga ahensiya ang aktibong nakaantabay sa mga
posibleng kalamidad na mararanasan ng bansa?

• PAGASA – isang ahensiya sa ilalim ng DOST na nagbibigay ng


real-time na update ng mga babala ukol sa panahon at
bagyo.
• Project NOAH – isang programang inilunsad ng DOST na
tumutugon sa pag-agap at pagpapagaan sa mga sakuna
gamit ang mataas na uri ng teknolohiya upang lalong
pahusayin ang kasalukuyang geo-hazard vulnerability maps
na inilalatag sa mga lugar sa bansa na malubha kung tamaan
ng mga sakuna.
• PHIVOLCS – isang institusyong pangserbisyo ng DOST upang
paliitin ang epekto ng sakunang dulot ng pagputok ng
bulkan, lindol, tsunami, at ibang heotektonikong
phenomenon.
• National Disaster Risk Reduction Management Counil
(NDRRMC) – Itinatag ito para sa pag-agap sa mga sakuna at
pagbawas sa panganib na dulot ng mga kalamidad.
Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakang para
paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at iba
pa.
• Department of Transportation and Communications
(DOTC) – isang ahensiya ng pambansang pamahalaan na
nakatoka at nagbibigay ng update sa lagay ng Sistema ng
pampublikong transportasyon sa buong bansa tulad ng
biyahe sa himpapawid, karagatan at kalsada.
• Civil Aviation Authority of the Philippiines(CAAP) – Ito ang
isang ahensiyang nasa ilalim ng DOTC na inatasang
magpatupad ng mga patakaran ukol sa civil aviation o
pagpapalipad. Nagbibigay ito ng mga ulat sa mga operasyon
at problema ukol sa biyaheng panghimpapawid.
• Philippine Coast Guard (Tanod Baybayin ng Pilipinas) – ito
ay ahensiya sa ilalim ng DOTC na nagpapatupad ng
kaligtasang pandagat, seguridad, at search and rescue
operations. Nagbibigay ito ng mga babala sa biyaheng
pandagat at mga ulat sa operasyon sa mga pantalan.
• National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) – Ito
ang entidad na tinitiyak ang pagbabahagi ng ligtas at
maaasahang elektrisidad sa kapuluan ng Pilipinas.
Nagbibigay ito ng mga babala at paalala ukol sa suplay ng
kuryente.
• Philippine Coast Guard (Tanod Baybayin ng Pilipinas) – ito
ay ahensiya sa ilalim ng DOTC na nagpapatupad ng
kaligtasang pandagat, seguridad, at search and rescue
operations. Nagbibigay ito ng mga babala sa biyaheng
pandagat at mga ulat sa operasyon sa mga pantalan.
• National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) – Ito
ang entidad na tinitiyak ang pagbabahagi ng ligtas at
maaasahang elektrisidad sa kapuluan ng Pilipinas.
Nagbibigay ito ng mga babala at paalala ukol sa suplay ng
kuryente.
PAGLALAHAT

1. Anu-anong uri ng mga kalamidad ang nagbibigay ng malaking epekto sa


buhay ng bawat mamamayan at sa ekonomiya sa bansa?
2. Anu-ano ang mga epekto ang maaaring maidulot ng mga sakunang ito sa
kasalukuyan pamumuhay ng mga tao?
3. Sa paanong paraan magiging ligtas ang bawat isa sa panahon ng
kalamidad?
Anim (6) na Aspekto ng Pag-unawa
 Explanation: Paano naipakikita at napatutunayan ang kaugaliang Bayanihan sa mga
panahon ng kalamidad sa bansa?

Interpretation: Bakit sa kabila ng dagsa at samu’t-saring anunsyo gamit ang iba’t


ibang pamamaraan na ibinibigay ang pamahalaan ay marami parin ang nasasalanta
o napipinsala?

Application: Ano ang dapat gawin at isaalang ng bawat mamamayan sa pagharap sa


mga sakuna at kalamidad sa bansa?  
Perspective: Bakit kailangang isaalang-alang ng bawat isa ang pabago-bagong
panahon sa pagpaplano para sa hinaharap?
 
Empathy: Ano ang iyong maaaring maging saloobin sa nagaganap na patuloy na
pagbabago sa kasalukuyang panahon dulot ng Climate Change?
 
Self-Knowledge: Bakit kailangang bigyan ng pansin o pag-aralan ang iba’t ibang uri ng
kalamidad na nararanasan sa bansa? Paano nakakaapekto ang mga natural na
kalamidad sa paghina ng bansa
 
Pagpapaliwanag, Paglalapat, at Repleksiyon (EAR)

Pagpapaliwanang (Explanation) 
a. Ipaliwanag ang epekto ng iba’t ibang kalamidad o sakunang dulot ng kalikasan sa bawat mamamayan at sa ating
bansa sa kasalukuyan.
 
Paglalapat (Application)
a. Ibigay kung paano mabibigayan ng ibayong solusyon ang mga suliraning kinakaharap ng mga mamamayan sa
bawat sakunang kanilang nararanasan at kung paano sila makakabangon sa epektong dulot nito.
b. Ilahad ang ginagawang programa ng pamahalaan upang mapanatiling ligtas ang mga mamamayan sa oras at
pagkatapos ng sakuna o kalamidad.

 Repleksiyon (Reflection)
b. Ilahad kung paano mo mapagyayaman ang kaisipan at kaalaman sa pananaliksik bilang isang mamamayang
handa sa sakuna at kayang ibigay ang sarili sa pagtulong sa ibang taong nangangailangan higit sa mga taong
nakarating nga matinding trahedya dulot ng kalamidad.

You might also like