Professional Documents
Culture Documents
Ap10 LLM3
Ap10 LLM3
G. DANTE M. MONTER,MAT-PE
Punong Guro
I. Panalangin:
Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito
kung wala po kayo sa aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na
mag-aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos
ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo
ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan
upang maihatid sa mga estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro.
Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.
Amen.
II. Mission:
We commit: to build the Saint Joseph College Educative Family
(SJCEF) centered on Christ; to form every member into an integral
human person imbued with the gospel values and equipped with
excellent quality education; and to be an active agent in making a
humane society.
III. Vision:
Saint Joseph College, a Catholic School, envisions an evangelized and
evangelizing community providing excellent integral education and
involvement in social transformation.
V. Kabuang Panuto:
1. Kukuha/papasahan kayo ng modyul tuwing Lunes at sa
susunod na Lunes niyo naman ito ipapasa sa paaralan at
kukuha ng panibagong modyul. Ang pagpasa ng mga
gawain ay hanggang 5 ng hapon lamang sa araw na Lunes.
Ang hindi makakabot sa oras ng pagpasa ay mamarkahan
ng guro ng “Late” at magkakaron ng pagkuha ng puntos
(deduction of points) dahil sa taong ito ay magbibigay na
ang paaralan ng mga gantipala/Honors.
2. I-download ang file o magpapapasa sa opisina sa nasabing
file.
3. Maaaring hindi i-print ang buong LLM kung pwede niyo
naman itong basahin gamit ang inyong selpon o laptop. Ang
iprint niyo lamang ay ang pagsubok na kung saan doon
kayo sasagot.
4. Maaari niyong sagutan ang Pagsubok gamit ang isang
buong papel/bondpaper. Hindi pwede ang 1/8,1/4,1/2, atbp.
5. Bawal niyo isulat sa kwaderno ang inyong sagot kahit na
kukunan niyo ito ng larawan at ipapasa niyo ito sa
messenger.
6. Pagmagpapasa kayo ng gawain, huwag kakalimutang
lagyan ng bilang ng LLM/LAS, pangalan, at seksiyon.
7. Ang bawat guro ay maglalagay ng kahon doon sa
groundfloor ng paaralan at doon ninyo ipapasa niyo o
ilalagay ang inyong ginawa sa bawat asignatura.
VII. Layunin:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas
VIII. Nilalaman:
Dimensiyong Pampolitika
Ang pagbabago ng klima ay hindi lamang usaping pangkapaligiran. Ito
ay usaping pampolitika rin. Ang estado ay may tungkulin na pangalagaan
ang kapakanan ng mga mamamayan nito. Ang mga namumuno ng estado
ay siyang naatasan upang gumawa at magpatupad ng mga polisiya na
mangangalaga sa kapakanan ng tao lalo na kung ito ay may kaugnayan
sa pagbabago ng klima. Ang pamahalaan ang siyang may higit na
kapangyarihan upang matukoy kung sino ang higit na nangangailangan ng
ayuda sa panahon ng kalamidad. Ito rin ang may kapangyarihan na pag-
isahin ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang matugunan o malutas ang
mga epekto ng pagbabago ng klima.
Ang pamahalaan ay binigyan ng responsabilidad na moral upang
manguna at isakatuparan ang iba’t ibang adhikain upang mapaghandaan
ang mga posibleng epekto ng pagbabago ng klima. Ang mga sumusunod
na gawain ay iminumungkahi upang maging mas mabisa ang pagtugon ng
pamahalaan sa mga hamon ng pagbabago ng klima:
a. paggawa ng mga batas at alituntunin upang maiwasan ang
matinding epekto ng pagbabago ng klima;
b. pagsasagawa ng mga planong pagkilos upang matugunan ang iba’t
ibang hamon ng pagbabago ng klima;
c. pagkilala at paggamit sa iba’t ibang estratehiya at gawain upang
mabawasan ang matitinding epekto ng pagbabago ng klima; at
d. pagpapalawak sa kaalaman ng mamamayan ukol sa usapin ng
pagbabago ng klima.
Bilang isang isyung may aspektong pampolitika, ang pagbabago sa
klima ay tinutugunan ng iba’t ibang bansa sa mundo sa pamamagitan ng
mga polisiya ng mga pandaigdigang organisasyon, mga batas na binubuo
ng mga bansa, at mga programang itinataguyod ng mga grupo at
samahan. Sa kasalukuyan, itinutulak ng Sustainable Development Goals
(SDGs) ng United Nations Development Programme (UNDP) ang
inisyatibong climate action. Ito ay naghihikayat sa bawat bansa na
gumawa ng mga programa at gawaing makatutulong sa pagtugon at
pagpapagaan sa mga epekto ng pagbabago ng klima.
Sa Pilipinas, mayroong iba’t ibang batas, polisiya, at programa na
naglalayong matugunan ang iba’t ibang hamon ng pagbabago ng klima.
Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
a. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 –
Ito ay isang batas na naipasa noong 2010 na nagtatag ng National
Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang
ahensiya na siyang may tungkulin sa kahandaan at sa pagharap sa mga
kalamidad.
Dimensiyong Pang-ekonomiya
Ang pagbabago ng klima ay mayroon ding epekto sa ekonomiya ng mga
bansa. Ang ekonomiya ay labis na tinatamaan ng iba’t ibang problemang dulot ng
pagbabago ng klima, gaya na lamang ng pagkaunti ng likas na yaman at pagkaubos
ng mga hayop. Ang pagbabago ng klima ay nagdudulot din ng pagbagal o pagtigil ng
mga gawaing pang-ekonomiya tulad ng produksiyon at pagbili ng mga produkto.
Anumang hindi magandang epekto ng pagbabago ng klima ay may epekto sa
ekonomiya, gawain, kita, at pagbalanse ng suplay at konsumo ng tao.
Ang pagbabago ng klima ay nakaaapekto sa kalagayan ng mga tao sa
pamayanan, lalong lalo na sa mahihirap, may kapansanan, at matatanda dahil sa
kawalan ng mapagkakakitaan. Ang mga sektor na ito ng pamayanan ay mas hirap
kumita mula sa paghahanapbuhay at mayroon lamang limitadong materyal na
pangangailangan. Ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng dagdag na gastusin sa
pamahalaan. Halimbawa, sa bansang Estados Unidos ay umaabot sa bilyong dolyar
ang ginagastos ng pamahalaan upang matugunan ang pagkawala ng kagamitan,
pangunahing pangangailangan, gamot, at mga ari-arian sa tuwing makararanas ang
bansa ng malakas na bagyo at malubhang pagbaha. Ang gastusing ito ng isang
bansa ay patuloy na lalaki upang maibalik ang kabuhayan at nawalang ari-arian ng
mga tao. Ang mga mamamayan ay nakadepende sa produksiyon sa larangan ng
agrikultura at gawaing industriyal. Sa pagtama ng isang kalamidad, ang mga
mamamayan ay lubos na nagdurusa dahil sa pagkawala ng kabuhayan. Sa
mahihirap na bansa sa Timog-silangang Asya gaya ng Pilipinas at Indonesia na
madalas tamaan ng mga kalamidad, ang ekonomiya ang siyang nalulugmok dahil sa
kakulangan ng pinansyal at materyal na yaman upang agad makatugon sa mga
epekto ng sakuna o kalamidad. Ang mga tao ay dumaranas ng hirap bago pa man
maibalik ang kanilang nawalang kabuhayan lalo na sa sektor ng agrikultura at
pangingisda.
Dimensiyong Panlipunan
Ang pagbabago ng klima ay nakapagpapabago rin sa kaayusan ng ating
komunidad. Ito ay direktang nakaaapekto sa uri at paraan ng pamumuhay ng mga
tao sa bawat komunidad. Dahil sa pagbabago ng klima, matindi rin ang
pagbabagong nagaganap sa pamumuhay ng tao sa kanyang komunidad. Ang
pagtugon sa hamon ng pagbabago ng klima ay nangangailangan ng pagbabago sa
mga kilos at gawain ng isang tao hindi lamang sa loob ng tahanan kundi maging sa
kanyang pamayanan. Ilan sa mga gawain na dapat maisakatuparan ng miyembro ng
isang pamayanan ay ang tamang pagtatapon ng basura, pagtitipid sa paggamit ng
koryente at tubig, at pakikipagtulungan sa kapuwa sa pagtupad sa mga alituntuning
pangkapaligiran.
Ang pagbabago ng klima ay maaaring makaapekto sa ugnayan ng mga tao
sa pamayanan, pag-uugali ng tao, at pamamaraan ng pamumuhay sa araw-araw.
Makikita ang epekto ng pagbabago ng klima sa pamayanan at mga taong kasapi
nito. Sa Pilipinas, halimbawa, ang mga pamilya na naaapektuhan ng mga kalamidad
tulad ng bagyo ay napipilitang maghiwa-hiwalay upang matiyak ang kanilang
kaligtasan. Lumilikas ang ilang miyembro sa mas ligtas na lugar, samantalang pinipili
ng ibang miyembro na manatili sa kanilang tahanan upang protektahan ito. Ang mga
lumikas at nasa evacuation center ay kinakailangang umangkop sa sitwayson na
malayo sa kanilang nakasanayang pamumuhay. Ipinapakita ng halimbawang ito ang
nagiging pagbabago sa kondisyon ng pamumuhay ng mga pamilyang naapektuhan
ng kalamidad. Kaya maraming nagmumungkahi na isaalang-alang ang lahat ng
sektor ng lipunan sa pagtugon sa pagbabago ng klima. Ang pagtutulungan ng iba’t
ibang sektor ng lipunan ay makatitiyak sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
mapagkukunan ng pangangailangan, at angkop na pagkilos sa pagtugon sa
pagbabago ng klima.
Dimensiyong Pangkapaligiran
Ang pagbabago ng klima ay isang usaping pangkapaligiran. Ito ay isyung tumutukoy
sa pagbabago ng iba’t ibang aspekto ng klima gaya ng temperatura, lebel ng tubig
sa mga karagatan, at iba pa. Ayon sa datos na nakalap ng Environmental Protection
Agency ng Estados Unidos noong 2015, naitala ang patuloy na pagtaas ng antas ng
temperatura sa iba’t ibang rehiyon sa mundo simula pa noong 1970 gaya ng
ipinapakita sa grap 1.1.
c. Ang Philippine Strategy on Climate Change Adaptation ay binuo noong 2009. Ang
layunin ng alintuntuning ito ay mapalawak ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor sa
mga gawain at programang tumutugon sa pagbabago ng klima. Naglalayon din ito
na patatagin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa iba’t ibang epekto ng
pagbabago ng klima. Naglunsad din ito ng programa para sa kahandaan ng mga
lokal na pamahalaan na makagawa ng mga plano at estratehiyang ipatutupad upang
harapin ang pagbabago sa klima. Nakatuon ang estratehiyang ito sa paglalaan ng
pondo mula sa pamahalaan upang matulungan ang mga barangay at pamayanan na
makagawa ng inisyatiba na tutugon sa hamon ng pagbabago ng klima sa agrikultura
at pangingisda; pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan upang magtaguyod
ng mga alituntunin at polisiya sa pangangalaga ng bakawan, mga anyong tubig; at
sa pagtatanim at pagtatatag ng mga samahan upang makatuwang ng lokal na
pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pagbabago ng
klima.