You are on page 1of 6

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


Guinayangan. Quezon

Pangalan:
Taon at Pangkat:10-WISDOM
Petsa:

Araling
Panlipunan
10
Modyul 3

1
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Nilalaman
Modyul 3: Mga Isyung Pangkapaligiran
Aralin 1: Mga Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning
Pangkapaligiran: Ang Isyu ng Climate Change

Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas.
 Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan.
 Natatalakay ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran sa
bansa at sariling pamayanan

Panimula at Pagganyak/Hook

Pagdarasal Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng


Espiritu Santo. Amen

Ama namin……
1. Bakit mahalagang paghandaan ang mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran?
2. Bakit dapat ituring na panganib sa mga Pilipino ang suliraning pangkapaligiran katulad ng climate change?
Isulat mo ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Lunsuran/Engage

Binibigyang kahulugan ang climate change bilang malakihang pagbabago (significant/substantial change) sa
average weather ng mundo, o ng isang rehiyon o lugar sa loob ng mahabang panahon. Samakatuwid ang
climate change ay binubuo ng malakihang pagbabago sa average temperature na maaaring pag-init o paglamig,
presipitasyon, wind pattern, at taunang pag-ulan. Magkaiba rin ang global warming sa climate change.

2
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Upang mas mapalawak natin ang ating pang-unawa sa konsepto ng climate change, maaari mo itong makita sa
pahina 37 ng iyong aklat.

Gawain 1
Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Paano nagkakaugnay ang global warming at climate change?

2. Ano-ano ang mga indikasyon na sadyang umiinit ang mundo?


3. Paano mapatutunayan ng mga nabanggit na indicator na totoong nangyayari ang global warming at climate
change?
4. Paano nagkakaugnay ang pag-init ng mundo o global warming sa climate change?

Gawain 2
I. Tama o Mali. Isulat ang Tama sa patlang kapag totoo ang isinasaad ng pangungusap. Kung ito ay mali,
palitan ang salitang may salungguhit at isulat ang tamang sagot sa linya. Upang magkaron ng mas malawak na
kaalaman sumangguni sa pahina 37 hanggang 52 ng inyong aklat na Padayon.

3
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

_______________1. Ang climate change ay pangmatagalang pagtaas ng average temperature sa lower


atmosphere ng mundo.
_______________2. Ang greenhouse effect ay ang tinutukoy na sanhi ng climate change.
_______________3. Ang methane ay ang itinuturing na pinakamalaking tagapag-ambag sa mga greenhouse
gases sa global warming.
_______________4. Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change noong 2013, ang mga aktibidad ng
mga tao ang tagapag-ambag ng 95% ng climate change.
_______________5. Ang General Circulation Models (GCMs) ay computer programs na ginagamit sa pag-
aaral ng mga siyentipiko sa climate change.
_______________6. Ang Kyoto Protocol na pinagtibay noong 2015 ay ang umiiral na pandaigdigang
kasunduan sa kasalukuyan (2020) ukol sa climate change.
_______________7. Ayon kay Dr. James Hansen, ang konsentrasyon ng carbon dioxide sa atmospera ng
mundo ay dapat maibaba sa 400 parts per million upang maging ligtas sa tao, hayop, at
halaman.
_______________8. Ang Department of Environment and Natural Resources ay ang tanggapan ng pamahalaan
na inaatasang mangasiwa sa lahat ng usapin ukol sa climate change ng Climate Change
Act of 2009.
_______________9. Ayon sa Climate Risk Index noong 2014 ng Greenwatch ang Pilipinas ay ang
nangungunang bansa sa daigdig na pinaka apektado ng climate change.
_______________10. Ang climate change ay isa lamang sa maraming tagapag-ambag ng global warming.

Gawain/Activity

Gawain 3
Kumpletuhin ang tsart upang masuri ang epekto ng mga pagbabago sa klima at katangiang pisikal ng
daigdig sanhi ng climate change sa Pilipinas at sa sariling pamayanan.
Mga Pagbabago sa Klima Implikasyon sa Implikasyon o Epektong Implikasyon o Epekto sa
at Katangiang Pisikal ng Kapaligirang pisikal ng Pangkapaligiran, Sariling Pamayanan at
Daigdig Sanhi ng Climate mga Bansa, Rehiyon, at Ekonomiko, Sarili
Change Daigdig Pangkalusugan, at
Politikal ng Pilipinas
Halimbawa
El Niño Pagkakaron ng mahabang Kakulangan ng suplay ng Pagkatuyo ng mga
tagtuyot. pagkain. pananim na pangunahing
hanapbuhay ng mga
naninirahan sa
pamahalaang rural.

4
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Gawain 4
Ibigay ang buong kahulugan at ang bahaging ginagampanan ng mga termino sa ibaba sa climate change.
Isulat mo ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
a. IPCC g. NFSCC
b. COP h. NCCAP
c. CMP i. UNEP
d. INDC j. WMO
e. GCMs k. GHG
f. UNFCCC

Gawain 5
Paghahambing. Talakayin ang pagkakaugnay, pagkakatulad, at pagkakaiba ng magkakasamang
termino sa bawat bilang. Isulat mo ang iyong sagot sa isang papel.
1. Climate Change at Global Warming 6. Green Climate Fund at People’s Survival Fund
2. El Niño at La Niña 7. Policy relevant at Policy prescriptive
3. UNFCCCC at NFSCC 8. COP at CMP
4. IPCC at UNEP 9. Tokyo Protocol at Paris Agreement
5. RA 9729 at RA 10174 10. NCCAP at LCCAP

Pagninilay/Reflection
Bilang isang mag-aaaral, bakit mahalagang paghandaan ang mga panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran gaya ng climate change.

Paglalapat/Transfer
Gumupit ng larawan, 1 larawan na nagpapakita ng kapaligiran noon at 1 larawan na nagpapakita ng
kapaligiran ngayon epekto ng climate change. Lagyan ng paliwanag ang bawat larawan. Maaaring
sumangguni o kumuha ng larawan sa mga lumang libro na hindi mo na ginagamit, mga pahayagan (newspaper)
o iba pang pwedeng mapagkunan. Idikit mo ito sa isang bondpaper.

5
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Sanggunian: Kontemporaryung Isyu 10 pahina 34-63

Nagampanan mo ang iyong tungkulin sa moyul na ito.


Magkita-kita muli tayo sa susunod na modyul!

Ama maraming salamat po sa bawat araw, na kami ay iyong


ginagabayan sa pagsasagot ng aming modyul. Umaasa po kami
na patuloy mo kaming gagabayan upang magkaron kami ng
malawak na kaalaman sa mga susunod pa naming na modyul.
Nawa po ay matapos na ang krisis na nararanasan namin upang
bumalik na sa normal ang lahat at makapag-aral na po muli kami
sa aming mga paaralan. Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa
iyo ama. Amen.

Pagtataya/ Evaluation
Nahirapan ka ba sa pagsasagot ng modyul na ito? Ilagay mo ang 10 kung ikaw ay nahirapan at 1 naman
kung ikaw ay hindi nahirapan
10-9 8-7 6-5 4-3 2-1
Napakahirap Mahirap Katamtaman Madali Napakadali

Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Gawain 5
Pagninilay/
Reflection
Paglalapat/Transfer

Lagda ng magulang

You might also like