You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

MYSTICAL ROSE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


Pogonlomboy Mangatarem, Pangasinan
S.Y.2021-2022
10 Anthurium
SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN 10

MODULE 2
WEEK 3-4

LAYUNIN: Ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Malalaman ang ibig sabihin ng climate change;


2. Naiisa isa ang masamang epekto ng clkimatye change sa tao at kapaligiran, at
3. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagiingat sa kalikasan.

Ang kapaligiran at ang climate change

CLIMATE CHANGE

Ang climate change ay ang paglihis ng klima mula sa nakasanayang pattern ng klima na naitala daang taon na ang
nakalipas simula noong ika-20 na siglo. Naipapamalas ito sa maraming paraan tulad ng mas maagang pagdating ng tag-init o
tag-lamig, mas matinding kalagayan ng panahon at malaking pagbabago sa takbo nito.

SANHI NG CLIMATE CHANGE

Ang climate change ay napapalubha ng global warming o ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang temperature
ng daigdig. Nagkakaroon ng global warming dahil sa pagbuga at atmospera ng mga greenhouse gas. Ang isang greenhouse
gas ay isang compound na sumasagap ng init ng araw at inilalabas ito bilang infrared radiation na naiipon sa ibabaw ng
daigdig.

MGA DULOT NG CLIMATE CHANGE

1. Mas mainit na pangkalahatang temperature ng daigdig.


2. Mas malalakas na bagyo
3. Pagtaas ng tubig sa dagat
4. Mga nakakahawang sakit
5. Pagkasira ng agrikultura
6. Pagbabago sa ecosystem

IBA’T IBANG ASPEKTO NG CLIMATE CHANGE

1. Pampolotika- sa aspektktong pampolitika, mayroong tatlong pangunahing epekto ang sakuna. Ang mga ito ay ang
pagtugon ng pamahalaan, pagpapadrino, at pagpaplano.
 Pagtugon ng pamahalaan- pangunahin sa aspektong pampolitika ay ang pagdedeklara ng state of calamity.
 Patronage o pagpapadrino- isang negatibong aspektong pampolitika ng mga sakuna ay ang paglaganap ng
patronage politics o sistemang pagpapadrino.
 Pagpaplano- matapos ang pangunahing tugon sa sakuna, lumilikha ang pamahalaan ng plano upang lubos
na makaahon sa mga epekto ng sakuna ang mga tao.
2. Panlipunan- bukod sa deriktang epekto nito sa tao tulad ng takot, trauma, at pagkasawi, maisasama rin sa
sapektong panlipunan ang epekto nito sa hanapbuhay ng mga tao.
 Kahirapan- nakadaragdag sa kahirapan ang mga sakuna at nagiging sanhi ng kahinaan ang kahirapan sa
pagharap sa mga sakuna.
 Pagtugon ng mga mamamayan- isa sa mga bunga ng mga sakuna ay ang pagtugon ng mga mamamayan
kung saan nagbubuklod-buklod ang mga karaniwang Filipino upang tumugon sa mga pangangailangan ng
mga naapektuhan ng mga sakuna.
 Mga kilusang panlipunan at NGOs- nariyan din ang mga civil society groups o mga kilusang panlipunan na
tumutugon sa sari-saring isyung panlipunan.
3. Pang-ekonomiya- mayroong tatlong pangunahing epekto sa ekonomiya ang mga sakuna dulot ng climte change.
 Pagkasira ng imprastraktura- mahalaga sa ekonomiya ang mga tulay, daanan, pantalan, paliparan, at iba
pang mahahalagang imprastraktura dahil napapadali nito ang pagdaloy ng komersyo sa isang lugar.
 Kawalanb ng kabuhayan- ang mga nasisirang taniman at palaisdaan ay nagkakahalaga ng milyong-lmilyong
piso.
 Paglipat ng pamumuhunan- ang pag-alis o pagiwas ng mga mamumuhunan sa mga lugar na tinatamaan ng
sakuna ay sanhi ng takot na malugi ang kanilang mga negosyo.
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:___________________________________________________________
Baiting at panbgkat:___________________________________________________

Unang Gawain:

Panuto:Buuin ang dayagram tungkol sa mga dahilan ng pagkakaroon ng climate change. Isulat sa
nakalaang espasyo ang iyong sagot.

1. Patuloy na paggamit ng mga kemikal na may chlorofluorocarbon (CFC)

2. Ang pagkakalbo ng kagubatan

3. Ang illegal na pagmimina

4. Pagtatapon ng basura at mga kemikal sa mga anyong tubig tulad ng ilog at dagat
5. Maling pagiimbak ng mga dumi

PANGALAWANG GAWAIN:
Panuto: tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang
tamang sagot sa nakalaang espasyo.

_____1. Ang pagbabago ng klima ay dulot ng polusyon na ikinakalat sa hangin bunga ng mga materyal o
kagamitan na binubuo mula dito.
_____2. Ang pamahalaan ay may malaking ginagampanan na papel sa isyu ng climate change.
_____3. Ang mga mamamayan ay kinakailangan din makialam sa isyu ng climate change.
_____4. Ang oxegyn ay bahagi ng mga tinatawag na greenhouse gases.
_____5. Ang framework ng gobyerno sa oaggamit ng edukasyon bilang paraan na mapalawak ang
kaalaman tungkol sa climate change.
_____6.Ang CO2 ang gas na nakapagdudulot ng sakit.
_____7. Ang climate change ay isang malubhang suliranin ng pamahalaan.
_____8. Ang mga mamamayan ay dapat makiisa sa [pamahalaan tungkol sa climnate change.

Reference: (book) Mga kontemporaryong isyu, page. 18-28

Prepared by : EDDIE MATEO COLLADO LPT

You might also like