You are on page 1of 2

Pangalan: Flores, Freema Mae Clemente Petsa: 05/05/2022

Kurso at pangkat: BSN 1C

GAWAIN 3 – FINALS

Panuto: Pumili ng isang tiyak na paksa sa sumusunod. Magsaliksik ng napapanahong artikulo o


dokumentaryo na tumatalakay sa napiling paksa. Basahin ang nahanap na artikulo o panoorin
ang nahanap na dokumentaryo at sagutin ang sumusunod. Isaalang-alang ang wastong gramatika
at baybay ng mga salita.

1. Kahirapan ng mga Pilipino 5. Mababang kalidad ng edukasyon

2. Pang-aabuso sa mga bata 6. Mababang pasahod

3. Pang-aabuso sa mga katutubo 7. Kagutuman

4. Climate Change 8. Kontraktwalisasyon

1. Ibuod ang nasaliksik na impormasyon. (15 puntos)

Matagal ng isyu ang climate change sa buong mundo at kamakailan lamang ay muli itong naging
usap usapan dahil sa babala ng mga eksperto. Dito sa Pilipinas, may mga lugar na posibleng
mabura sa mapa kung hindi maaksyunan ang problemang pangkalikasan. Kabilang rito ang ilang
bahagi ng Pasay, Maynila, Parañaque, Las Piñas, Valenzuela, Navotas, Malabon, Cavite,
malaking bahagi ng Bulacan, ilang parte ng Bicol, Samar, Surigao, at Davao. Ayon sa
Intergovernmental Panel on Climate Change o IPCC, kapag nagpatuloy ang antas ng climate
change ay asahang iinit lalo ang temperature ng mundo at mas lalakas ang mga bagyong
nararanasan. Matutunang ang malalaking tipak ng yelo na nagiging rason ng pagtaas ng tubig sa
dagat. Magkakaroon ng tinatawag na coastal erosion na kung saan kakainin ng tubig ang lupa.
Maraming mamamayan ang nangangamba sapagkat may posibilidad na lumubog ang kanilang
mga tirahan at mga ari-arian.

2. Bakit nangyayari ang paksa na iyong napili? Sino o ano ang mga dahilan? (15 puntos)
Ang climate change ay nangyayari dahil sa pagtaas ng carbon dioxide at greenhouse gases na
siyang nagpapainit sa mundo. Walang ibang dahilan ng climate change kundi tayo ring mga tao
sapagkat hindi tayo nagiging maisip o maalam sa nangyayari sa ating kapaligiran. Sa simpleng
pagsisiga lang natin ay may epekto na ito sa mundo dahil unti unting nabubutas ang ozone layer
na siyang pumoprotekta upang hindi makapasok ang init na dala ng araw. Ngunit sa paglipas ng
panahon, mas lumalala pa ang climate change at kung hindi agad tayo kikilos, tayo ring mga tao
ang mahihirapan sa kasalukuyan.

3. Ano ang iyong reaksyon hinggil sa iyong nabasa o napanood at ano ang maimumungkahi
mong solusyon para matapos na ang ganoong pangyayari? (15 puntos)

Habang aking pinapanood ang balita, ako ay nalungkot sapagkat nababahala ako sa posibilidad
na paglala ng climate change. Naroon rin ang takot dahil gusto ko pa mabuhay ng matagl at
masulit ang buhay ko sa mundong ito. Nakakalungkot rin isipin na kawawa ang mga batang
isisilang sa susunod na henerasyon sapagkat aabutan nila ang mundo kung saan sila isinilang na
hindi na kaaya-aya ang kalagayan. Hindi pa naman huli ang lahat upang tayong mga tao ay
magbago. May ilang taon pa upang pagsikapan ang pagsasa-ayos ng ating kalikasan. Bilang tao
na ninirahan sa mundong ito, makakatulong tayo sa pamamagitan ng simpleng paglilinis ng ating
sariling bahay sa maayos na paraan. Pagbukod-bukurin ang mga basura at iwasan ang pagsisiga.
Maging aktibo rin tayo sa pakikiisa sa mga organisasyong naglalayong pangalagaan ang
kalikasan gaya ng pagtatanim ng puno. Bilang isa ring taong tutok sa teknolohiya, ang simpleng
pagdedelete ng junk emails ay nakakatulong. Kaya’t hanggat hindi pa huli ang lahat, magtulong
tulong tayo dahil walang ibang gagawa nito kundi tayo ding mga tao. Mahalin natin ang ating
kalikasan sapagkat ito ang ating tahanan.

You might also like