You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

Mga Kontemporaryong Isyu

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ang pagkakaiba ng paghadlang at mitigasyon;
b. nasusuri ang mga konepto at salik na mahalaga sa pagtataya ng mga
maaaring maidulot ng kalamidad; at
c. naisasabuhay ang kahalagahan ng mga hakbang sa Paghadlang at
Mitigasyon ng Kalamidad.

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA: Disaster Prevention and Mitigation
B. SANGGUNIAN: Paglinang sa Kasaysayan (Kontemporaryong Isyu 10) ni
Elizabeth T. Urgel; Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 5
C. KAGAMITAN: Laptop, Powerpoint Presentation, Mga Larawan

III. PAMAMARAAN

MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo na ang lahat. Prayer
leader, pangunahan mo na ang
pagdarasal sa araw na ito.

2. Pagbati ng Guro
Magandang Umaga, mga mag-aara!
- Magandang Umaga rin po, Ms.!

3. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang liban sa ating
klase ngayon, class secretary?
- Ma’am, wala po tayong absent
ngayong araw.
4. Balik-Aral

Noong nakaraang linggo ay


tinalakay natin ang Climate
Change. Mayroon bang
makakapagpaliwanag ng
pagkakaiba ng klima at
panahon?
- Ma’am, ako po!
- Yung klima po, ito po yung
pangmatagalang temperatura o
kalagayan na ating
nararamdaman tulad na lang dito
sa Pilipinas na mayroong dry at
wet season. Samantalang ang
panahon naman po ay
panandalian lamang at maaaring
magbago kada-oras o araw.
Halimbwa po nito ay ngayon ay
maaraw ngunit baka mamayang
hapon ay umulan bigla.
Mahusay, hija!

Kung gayon, ano naman ang


climate change?
- Yung climate change po, ma’am,
ay ang abnormal po na pagbabago
ng klima natin. Yung normal na
dapat ay tag-araw ay nakakaranas
po tayo ng matinding tag-ulan.
Samantalang ang normal na dapat
ay malamig na ay nakakaranas
tayo ng sobrang init na para po
bang nasa summer pa rin tayo.

Magaling, anak. Normal na


nagbabago ang ating klima ngunit
dahil sa iba’t ibang salik ay naging
abnormal ito.
Magbigay nga kayo ng
halimbawa ng salik na naging
dahilan ng climate change.
- Mga pubrika po
- Urbanisasyon at mga teknolohiya
po, ma’am.
- Pagsusunog po ng fossil fuels
- Hindi wastong pagtapon po ng
mga basura
- Pagkabutas po ng ozone layer
natin
Tama ang lahat na nabanggit niyo.
Ang mga ito ay mga gawa nating
mga tao na naging dahilan ng
climate change.

Nang dahil sa climate change,


napansin niyo ba na marami din ang
mga kalamidad na ating
nararanasan ngayon? Kaya naman
mahalaga na mayroon tayong sapat
na paghahanda at tamang mga
plano para sa kalamidad at sakuna
na maaring dumating.

5. Pagganyak

Mayroon akong inihandang gawain


para sa ganap na pag-uumpisa ng
ating aralin ngayong araw.

Naghanda ako ng bugtong at


larawan na kailangan niyong hulaan
kung anong kalamidad ang
tinutukoy nito. Magtaas lamang ng
kamay kung nais sumagot.

1. Mayroong mata, walang mukha


Walang paa, nakagagala
- Ma’am, BAGYO po!

2. Ang nahuhulog ay di tubig


Kundi lupa, bato, at putik

- Hindi po ako sure ma’am pero


LAND SLIDE po?

3. Paggalaw sa ilalim ng dagat


Malakas na daluyong pag-angat
- Tsunami po yan, ma’am.
4. Kapag nagalit ang lupa
Baga ang niluluwa

- Volcanic eruption po, ma’am

Mahusay mga, anak! Ang mga sagot


niyo ay uri ng mga kalamidad na
nararanasan nating mga tao sa
buong mundo. Ito ay nagdudulot ng
pinsala at kapahamakan. Dahil dito
ay nagkaroon ng iba’t ibang hakbang
para sa pagpaplano para maging
handa na tayo sa oras ng sakuna.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagtatalakay
❖ Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management
Plan (CBDRRM Plan)

❖ Hinahati sa apat na yugto ang


paghahanda sa CBDRRM Plan:
I. Disaster Prevention and
Mitigation
II. Disaster Preparedness
III. Disaster Response
IV. Disaster Rehabilitation
and Recovery

❖ Yugto 1: Paghadlang at
Mitigasyon ng Kalamidad o
Disaster Prevention and
Mitigation

May nakakaalam ba kung ano


ang prevention?
Very good! Ang prevention ay ang - Ma’am, yung prevention po ay
aksyon upang mapigilan o yung ginagawa natin para
mahadlangan ang panganib na maiwasan o mapigilan natin yung
maaaring mangyari. isang bagay na mangyari.
Magbigay nga ng halimbawa ng
gawain na maaari nating gawin
upang mapigilan ang isang
sakuna na mangyari?

Ang unang yugto na ating tatalakayin - Example po ay hindi pag-iwan ng


ay kung paano mapipigilan o nakasinding kandila para po
mahahadlangan (prevention) at maiwasan na matabig o malaglag
mababawasan (mitigation) ang ito na nagiging dahilan po ng
panganib na maaaring maidulot ng sunog.
mga kalamidad at sakuna. Mahalaga
na mayroong sapat na kaalaman at
pang-unawa sa pagpaplano kung ano
ang mga panganib, kung sino at ano
ang maaaring mapipinsala, at kung
maaari bang hadlangan o
mabawasan ang epekto ng
kalamidad.

❖ Paghadlang sa Kalamidad o
Disaster Prevention
a. Hazard Assessment
b. Vulnerability Assessment
c. Capacity Assessment
❖ Mitigasyon ng Kalamidad o
Disaster Mitigation
a. Risk Assessment

2. Pagsusuri
Pamprosesong Tanong:

Bakit mahalagang malaman ng


mga mamamayan ang peligro sa
kanilang kapaligiran?

- Ma’am, mahalaga po na alam


natin ang mga peligro sa ating
Very good, hijo. May iba pang kapaligiran kasi po makakatulong
gustong sumagot? po ito sa atin, pati na rin po sa
kapwa natin, upang
mapaghandaan po natin ito at
maagapan.

- Ako po, ma’am! Mahalaga po na


alam natin kung delikado po yung
lugar na tinitirhan natin o yung
komunidad natin kasi po mas
mapapadali po natin masasabi sa
namumuno sa lugar natin, tulad
Magaling! Hindi natin dapat ng kapitan at mga kagawad, kung
isinasawalang bahala ang mga ano po yung problema. Once po
peligro na nakikita natin sa ating na mapabatid natin ang peligro,
kapaligiran. Kung may makita tayo agaran po nilang maaaksyonan
na maaring maging dahilan ng ‘to.
peligro para sa atin at sa iba,
mahalaga na maipabatid na agad ito
sa kinauukulan.

C. Pangwakas na Gawain

❖ Paglalapat

Mga Panuto:
1. Papagkatin ang mga mag-aaral sa
apat na pangkat.
2. Magsagawa ng Pagtataya ng
Kahinaan at Kakulangan
(Vulnerability Assessment) sa
inyong eskwelahan.
3. Gamitin ang sumusunod na
pormat.
School:
Uri ng panganib
na maaring
maranasan:
Posibleng
dahilan:
Elementong
makakaranas ng
panganib:
Mamamayang
nalalagay sa
panganib:
Kinaroroonan
ng mga
mamamayang
nalalagay sa
panganib:
Maaaring gawin
bilang tugon sa
panganib:
Programa ng
pamahalaan
bilang tugon sa
panganib:

4. Pumili ng dalawang representatibo


upang magpresenta sa buong
klase.

Pamantayan Para sa Group Activity


Pamantayan Lubos na Mahusay-hus Hindi Kailangan
Mahusay (4) ay gaanong pang
(3) Mahusay (2) Magsanay (1)
Wasto at Malinaw at Maayos ang Magulo ang Walang
Maayos ang maayos ang kabuuan ng ilang datos kaayusan ang
Datos paglalahad paglalahad mga
ng impormasyon
impormasyon
Malinaw Lubhang Malinaw at Hindi Malabo at
malinaw at nauunawaan gaanong hindi
makabuluha ang nauunawaan maunawaan
n ang mga pagkakalaha ang ang
datos d ng mga pagkakalaha pagkakalaha
datos d ng mga d ng mga
datos dato
Epektibong Lubhang Epektibo ang Hindi Hindi
Paglalahad epektibo ang paglalahad gaanong epektibo ang
paglalahad epektibo ang paglalahad
paglalahad

IV. PAGTATAYA

Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa kolum A. Hanapin sa kolum B


ang tinutukoy sa kolum A. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

KOLUM A KOLUM B
1. Isinusulong upang bumuo ng A. NDRRMC
mga plano at polisiya sa pagharap sa
mga suliranin at hamong
pangkapaligiran.
B. Disaster Risk Reduction
2. Ito ay ang uri ng pagtataya na
ginagamit para sa Mitigasyon ng C. Mitigation
Kalamidad.
3. Ang yugtong ito ay naglalayong
mapigilan at mabawasan ang mga D. Hazard Assessment
panganib na maaaring maidulot ng
kalamidad at hamong pang-kapaligiran.
E. CBDRRM
4. Proseso ng pagsusuri sa
kakayahan ng komunidad na harapin
ang iba’t ibang uri ng hazard.
F. Capacity Assessment
5. Tinataya ang kahinaan at
kakulangan ng isang komunidad
maging ito ay sa mga mamamayaan o sa G. Disaster Prevention and
mga imprastrukturang may mataas na Mitigation
antas ng panganib.

6. Isang ahensya na may H. Risk Assessment


pananagutang tiyakin ang kaligtasan at
kabutihan ng mga mamamayan sa
panahon ng sakuna
I. Vulnerabity Assessment
7. Proseso ng pagtukoy o pagkilala
sa katangian ng panganib, pagsusuri sa
pinsala nito, at pamamahala sa J. Historical Profiling
panganib upang maiwasan ang
matinding epekto sa isang lugar na
makakaranas ng kalamidad.
K. Hazard Mapping
8. Paggawa ng balangkas ng mga
nakaraang pangyayari upang masuri
kung ano ang mga panganib na
naranasan sa isang komunidad, gaano
kadalas itong mangyari, at kung alin sa
mga ito ang nagdulot ng malaking
pinsala sa mga mamamayan at
kapaligiran.

9. Proseso ng pagtukoy sa mapa ng


mga lugar na maaaring makaranas ng
panganib at ang mga elemento na
maaaring maapektuhan nito.

10. Paghahandang ginagawa upang


mabawasan ang panganib na dulot ng
suliranin at hamong pangkapaligiran.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod na termino para sa ating
susunod na aralim:

1. Paghahanda sa Kalamidad
2. Pagtugon sa Kalamidad
3. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad

Inihanda ni:

KASSANDRA CAMILLE P. ROXAS, MAEd


Teacher II
Iniwasto ni:

PAMELA H. PASCUAL, Ed.D


Principal II

You might also like