You are on page 1of 7

ASHLEY P.

APOLINARIO FILIPINO V
KAYTOME GULOD ELEMENTARY SCHOOL BANGHAY ARALIN

Banghay Aralin Sa Filipino Ikalimang Baitang

Ikatlong Markahan

Pagbasa

I. LAYUNIN

Nasusuri kung ang pahayag ay Opinyon o Katotohanan.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa

Pagsusuri kung ang pahayag ay Opinyon o Katotohanan.

B. Sanggunian
K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 5, F5PD IIIc-h-10, F5PD, IIIf-h-19.
http://thesilentlearner 2014.blogspot.com/2014/06/Filipino-2-pagkilala-sa-
pagkakaiba-ng.html
https://samutsamot.com/2019/12/31/magbasa-tayo-ang-bagyo/

C. Kagamitan
Larawan, Tsart
D. Pagpapahalaga

Paghahanda sa sakuna

III. PAMAMARAAN:

Gawain ng guro Gawain ng Mag aaral.


A. Paunang Gawain.

1. Panalangin Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito


na muli kami ay nagkatipon tipon.
Maraming salamat rin po sa mga guro at
magulang na patuloy na gumagabay at
sumusuporta sa amin. Maraming salamat po.
Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata!! Magandang umaga po, Maam Ashley!

3. Balik aral.
Mga bata balikan natin Ano ang ating
napagaralan noong nakaraang araw.

Tungkol saan ating pinag_aralan Ang atin pong pinag-aralan kahapon ay tungkol sa
“Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto”.
Magaling! May ipababasa ako sa inyong
kuwento at pagkatapos ay inyong sagutin
ang mga katanungan.

ANG TALAMBUHAY NI DR PIO VALENZUELA.

Noong Ika-11 ng Hulyo 1869, siya ay isinilang


Sa Polo Bulacan ( ngayon ay Valenzuela City)

Si Valenzuela ay mag-aaral sa medisina ng


University of Santo Tomas ng sumali siya sa bagong
tatag na Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio
noong noong Hulyo 7, 1892 sa Tondo Manila.

Si Dr. Valenzuela din ang kinomisyon ni Bonifacio


upang makipa-usap kay Dr. jose Rizal na ipinatapon sa
Dapitan, tungkol sa Katipunan at sa plano ng grupo na
bumangon laban sa mga awtoridad ng Espanyol

Si Valenzuela din ang tumulong kay Emilio


Jacinto sa pagtatatag ng “Kalayaan” ang pahayagan ng
Katipunan, gamit ang mga ninakaw na makinilya
Mula sa Diario de Manila.

Ngayon mga bata ay isalaysay muli ang talambuhay ni


Dr Pio Valenzuela sa pamamagitan paglalagay ng mga
pangyayari sa angkop na Kahon na SIMULA, GITNA AT
WAKAS.

SIMULA :

GITNA :

WAKAS :

A. Tumulong siya kay Emilio Jacinto sa pagtatatag


ng “Kalayaan” ang pahayagan ng Katipunan
B. Isinilang si Dr Valenzuela noong ika-11 ng
Hulyo, 1869
C. Mag-aaral siya ng medisina sa University of Santo
Tomas ng sumali siya ng Katipunan
Magaling mga bata, ako’y natutuwa at talagang
nauunawaan ninyong mabuti ang ating mga pinag-
aralan.

B. Paghahawan ng balakid

Ngayon naman mga bata ay magpapakita ako sa


inyo ng mga larawan. Ibigay ang mga pangyayari na
ipinakikita ng bawat larawan.

1. Unang larawan

2.

Bahay po na natabunan ng lupa.


Landslide po o pagguho ng lupa.

Pangalawang larawan

3. Pangatlong larawan

-Malakas na ulan
- mga bahay na nalubog sa baha

Base sa mga Nakita nating larawan ,ano kaya sa


palagay ninyo ang dahilan at nangyari ang mga ito..
( baha, malakas na ulan nagibang poste atbp) -Mga nagibang poste ng kuryente
- mga sirang bahay

Tama ang iyong sagot.. magaling!

Naniniwala ba kayo na totoo o maaaring mangyari


ang mga nasa larawan?
So para maiwasan natin ang mga sakunang tulad ng
nasa larawan ano ang ating dapat gawin?
Sa palagay ko po ang naging dahlia kung bakit
nagkaganito ang mga nasa larawan ay dahil may
C. Panlinang na Gawain: malakas na bagyong dumaan.

1. Pagganyak
Word webbing Opo
Panuto: Magbigay ng mga salita na maari nyong Paghandaan po natin ang mga sakuna bago ito sumapit
maiugnay sa bagyo. sa atin

Magbibigay ang mga bata ng mga salita na may ka-


ugnayan sa bagyo tulad ng mga:
1. Landslide o pagguho ng lupa
2. baha
3. ulan
4. malakas na hangin
5. kulog
6. kidlat
7. Etc.

Ngayon mga bata , may babasahin tayo na maikling


seleksyon na may Pamagat na “ Ang Bagyo”

Pero bago iyan ay atin munang basahin ang Pagganyak na


Tanong.

2. Pagganyak na tanong:
Dapat ba nating paghandaan ang pagdating ng bagyo?

3. Gawain:
Pagbasa sa seleksyon “ Ang Bagyo”

4. Pagtatalakayan:
A. Pagsagot sa pagganyak na tanong. Dapat ba nating
paghandaan ang pagdating ng bagyo?

Magaling mga bata!


B. Pagsusuri:
1 Ano ang pamagat ng inyong binasa?
2. Sino ang nagsabing may paparating na bagyo?
3. Saan naihambing ang bagyo? -Opo, upang maligtas ang pamilya.
4. Ano ano ang maaring maranasan kapag -Opo upang hindi masira ang ating mga tahanan
may bagyo? -Opo upang makaiwas tayo sa mga pagbaha at pagguho
5. Dapat ba nating paghandaan ang bagyo? Bakit? ng lupa
6. Bilang isang batang mag-aaral paano ka makakatulong sa
iyong pamilya kung may nabalitaan kang paparating na
bagyo.
-Ang pamagat po ng aming binasa ay tungkol sa “ Ang
Bagyo”
-Ang tatay po ang nagsabi na may paparating na bagyo.
-Naihambing po ito na isang Malaki at malakas na
bagyo.
- malkas na ulan, tubig-baha at malakas na hangin ang
C. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Katotohanan at/o maaring maranasan
Opinyon - opo, dapat itong paghandaan upang mailigtas ang
buhay ng maraming tao, hayop, tahanan atbp.
Ngayon mga bata ay ating kikilalanin kung ano ang - Bilang isang mag-aaral po ay sasabihin ko sa aking mga
pagkakaiba ng katotohanan at Opinyon. magulang na kami ay magtabi ng pagkain, tubig, damit ,
    katotohanan ay pahayag o pangyayari na umiiral o ayusin ang tahanan upang maiwasan ang maraming
nangyari na may batayan at tiyak. Hindi ito nagbabago at aksidente sa buhay.
maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong
nakasaksi nito.
Tulad ng ating binasang kuwento na nakasaad dito na
sinabi ng tatay na may paparating na malakas at malaking
bagyo.ito ay isang katotohanan na hindi magsisinungalin
ang isang ama para sa kaligtasan ng kanyang pamilya..
Maari niya itong napanood o narinig sa mga balita sa
telebisyon at radio.
Sa pagpapahayag ng katotohanan maaaring gumamit ng
mga sumusunod na pananda:
1. batay sa resulta,
2. pinatutunayan ni,
3. mula kay,
4. sang-ayon sa,
5. tinutukoy ng,
6. mababasa sa…

Halimbawa:
1. Ang bagyo ay may kasamang malakas
na hangin at ulan.
2. nagdudulot din ang bagyo ng pagbaha
at pagguho ng mga lupa sang-ayon
sa PAGASA

   Ang opinyon naman ay tumutukoy sa isang paniniwala,


pananaw o kuro-kuro tungkol sa isang bagay o paksa.

      Sa pagpapahayag ng opinyon, maaaring gumamit ng


mga salitang pananda:
1. sa aking palagay,
2 sa tingin ko,
3. sa nakikita ko,
4. sa pakiwari ko,
5. kung ako ang tatanungin,
6. para sa akin,
      7. sa  ganang akin
   Positibong Opinyon – totoo, tunay,
talaga, ganoon nga,
mangyari pa, sadya
   Negatibong Opinyon – ngunit, subalit,
habang at samantala
Halimbawa;
1. Sa pakiwari ko ay malapit ng matapos ang pandemya
na ating nararanasan
2. kung ako ang tatanungin , masasabi ko na ang
Digmaan sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine ay
magtatagal pa.

(note: dapat na magbigay ang mga bata ng ilang


pangungusap tungkol sa katotohanan at opinyon)

5. Pagsasanay:
PANUTO: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang
titik K kung ito ay nagsasabi ng katotohanan. At isulat ang
titik O kung nagsasaad ng Opinyon.

_____ 1. Ang mga mata ay ginagamit upang makakita


ng mga bagay- bagay.
______ 2. Mas nakakaaliw ang mga palabas sa
ABS-CBN kaysa palabas ng GMA.
______ 3. Mas masarap ang spaghetti kaysa sa sopas
______ 4. Si Presidente Duterte ang kasalukuyang
Presidente ng Pilipinas
_______ 5. Ang 1 oras ay binubuo ng 60 na minuto.

6. Paglalahat:
Ano ang pagkakaiba ng katotohanan at Opinyon

Ang Katotothanan po ……………….


Samantalang ang opinion po naman ay ……….

7. Paglalapat:
Panuto: Lagyan ng ang pangungusap kung
nagsasaad ito ng opinion at lagyan naman
Kung nagsasaad ng katotohanan

Imoje Pangungusap
1. Para sa akin, si Hanna ang pinaka
maganda sa lahat.
2. Batay sa DepEd, magkakaroon na ng
FACE TO FACE classes.
3. Mas matalino raw ang kababaihan
noon kaysa ngayon.
4. Ayon sa PAGASA may parating na bagyo
sa susunod na buwan.
5. Ang aking nanay ang pinakamaganda
sa buong mundo.

IV. Pagtataya:

Gurong Nagsasanay:
Ashley P. Apolinario.
BEED 4C

You might also like