You are on page 1of 7

St.

Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3


Inihanda ni Abdon, Abby Gail C.

I. Layunin
Sa loob ng 40-minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga wastong pagtugon sa mga kalamidad na madalas maranasan.


2. nakapagsasagawa ng maagap at wastong pagtugon sa mga kalamidad.
3. nasasabi ang kahalagahan sa wasto at maagap na pagtugon sa mga kalamidad.

II. Paksang Aralin


Paksa: Maagap at Wastong Pagtugon sa mga Kalamidad
Sanggunian: Araling Panlipunan, pp. 98-105;
Kagamitan: powerpoint presentation, mga larawan, mentimeter, Google Forms

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

a. Panalangin
b. Pagtatala ng Liban

Magandang umaga, Ikatlong baitang! Magandang umaga din po, Binibini!


Kamusta kayo? Mabuti po.

Ako ay mayroon inihandang awitin na


pinamagatan kong “Kay Saya sa AP” sa tono ng
“Kung Ikaw ay Masaya”. Alam nyo ba mga bata
ang awiting iyon?
At dahil alam na ninyo, mas madali kayong
makakasabay sa awit.
Ngunit, hayaan nyong ako muna ang umawit at
pagkatapos ay kayo naman. Opo!

Handa na ba ang lahat?

Kay Saya sa AP
Araling Panlipuna’y simulan natin
Pandayin, linangin, palaguin
Kaalamang bigay sa’tin
Hasai’t pagyamanin
Karunungang taglay, ibahagi rin.
Makinig, makiisa sa gawain
Tiyak na malulutas ang suliranin
Sa panahon natin ngayon
Kailangang maging listo
dahil iba na talagang matalino.
Opo!
Nakuha nyo ba mga bata ang tono ng ating awit?

Magaling! Ngayon naman ay sino ang gustong


umawit mula sa inyo?

Araling Panlipuna’y simulan natin, handa awit!

Mga bata, ano ang pamagat ng ating awit? Ang pamagat po ng ating awit ay
kay saya sa AP.

Ano ang kailangan gawin sa kaalamang bigay sa Ang kailangan pong gawin sa

M. H. Del Pilar St., Batangas City


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

atin? kaalamang bigay sa atin ay


pandayin, linangin, palaguin.

Ayon sa awit, ano naman ang kinakailangan natin Ayon po sa awit, ang kinakailangan
sa panahon ngayon? po natin sa panahon ngayon ay
maging listo.

2. Balik-aral
Bago tayo tumungo sa ating paksa ngayong araw
ay balikan muna natin ang ating pinagtalakayan
noong nakaraan.

Tungkol saan nga ang tinalakay natin noong


nakaraang araw? Tungkol po sa panahon ng tag-araw
at tag-ulan
Magaling! Tuwing anong buwan natin
nararanasan ang tag-araw Mula sa buwan ng Disyembre
hanggang Mayo.

Mahusay! Tuwing anong buwan naman natin


nararanasan ang panahon ng tag-ulan? Mula sa buwan ng Hunyo hanggang
Nobyembre.
Mahusay! Ako ay natutuwa sapagkat naaalala nyo
pa rin ang ating nakaraang talakayan.

3. Pagganyak
Ako ay may ipaparinig sa inyo na isang tunog.
Huhulaan nyo lamang kung anong tunog ang
inyong mapapakinggan.

https://www.youtube.com/watch?v=NZlFAFmnVh4

Alam nyo ba kung ano ang tunog na iyon? Opo/Hindi po

Para sa mga sumagot ng opo, ano ang tunog na TV Patrol po.


iyon?

Ano naman ang pinapalabas ng programang TV Mga balita po.


Patrol?

Ngayon ay may ipinadala ang TV Patrol team sa


akin na isang sobre at ito daw ang magiging
sentro ng balita nila sa susunod na araw.

Atin ng tingnan ang laman nito.

Tayo ay magpopokus muna sa unang larawan.

Ano ang nakikita ninyo sa larawan? May malakas po na pag-ulan.


May nahati po na lupa.
Pagputok po ng bulkan.
Lubog po ang bahay dahil sa baha.
May nasusunog po.

Naranasan na din ba ninyo ito? Opo/Hindi po.

Alin sa mga ito ang naranasan mo na?


Ano naman ang iyong ginawa noong naranasan
mo ito?

Alam nyo ba mga bata kung ano ang tawag sa Opo/Hindi po

M. H. Del Pilar St., Batangas City


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

mga ito?

Ang iba sa inyo ay may ideya na kung ano ito.


Mga bata, ang mga ito ay tinatawag nating
kalamidad. Ito ay mga pangyayari na
nakakapinsala sa mga ari-arian, sa kalikasan o sa
buhay ng tao.

4. Paglalahad
Kung inyong matatandaan, may isa pa na
ipinadala sa atin ang TV Patrol Team. At ito iyon.

Ano ang sinisimbolo ng larawang ito? Sulat po.

Ito ay isang sulat. Ngunit bago natin tingnan ang


nilalaman ng sulat, ako muna ay may ipapanood
sa inyo na maikling video. Makinig ng mabuti.

https://www.youtube.com/watch?v=2JihPYiSOac

Tungkol saan ang napanood ninyong video? Tungkol po sa paghahanda sa


panahon ng bagyo at baha.

Ano ang natatandaan ninyong paghahanda o Huwag lulusong sa baha upang


paalala mula sa videong inyong napanood? hindi malunod at maghanda ng mga
pagkain.

Ilan lamang iyan sa mga paghahanda na ating


pwedeng gawin tuwing may kalamidad.

Ngayon ay bubuksan na natin ang sulat. Ang sulat


ay naglalaman ng “Maagap at Wastong
Pagtugon sa Baha, Bagyo at Lindol”.

Tulad sa napanood ninyong video tungkol sa mga


paghahanda, ngayon ay mas papalawakin pa
natin ang ating kaalaman tungkol sa maagap at
wastong pagtugon sa bagyo, baha at lindol.

5. Talakayan

Maagap at Wastong Pagtugon sa Baha, Bagyo


at Lindol

Bago mangyari ang baha, bagyo at lindol:


1. Makinig sa radyo at telebisyon tungkol sa
weather updates.
2. Alamin ang antas ng kalamidad na
mararanasan sa inyong lugar.
3. Maghanda ng mga ilawan at radyong de
baterya.
4. Mag-imbak ng pagkain at malinis na tubig.
5. Ihanda ang first aid kit at iba pang gamot.
6. Suriin ang bahay kumpunihin ang
mahihinang bahagi nito.
7. Iayos ang mga kagamitan upang hindi
masira.

Alin sa mga ito ang inyong nagawa na tuwing


makakaranas kayo ng mga kalamidad na ito?

Habang may baha, bagyo at lindol:


1. Makinig sa radyo ng balita tungkol sa

M. H. Del Pilar St., Batangas City


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

kalagayan ng inyong lugar.


2. Ibaba ang main switch kapag tumataas na
ang tubig baha.
3. Iwasang lumabas ng bahay.
4. Huwag lulusong sa baha upang makaiwas
sa sakit.
5. Lumikas sa ligtas na lugar kung
kinakailangan.
6. Iwasan ang pagkataranta (panic).
7. Isagawa ang “Dock, Cover, and Hold”.
8. Humanap ng ligtas na lugar, kung nasa
gusali, humanap ng matibay na lamesa at
magtago sa ilalim nito.

Alin naman sa mga ito ang nagawa na ninyo?

Pagkatapos ng baha, bagyo at lindol:


1. Makinig sa radyo ng balita tungkol sa lugar
na apektado pa.
2. Manatili sa bahay hanggang may abiso ng
ligtas na ang lumabas.
3. Suriin ang mga nasirang bahagi ng tahanan.
4. Ipasuri muna sa mga electrician ang main
switch bago gamitin.
7. Inspeksyunin ang sarili at ang mga kasama.
Isagawa ang paunang lunas kung
kinakailangan.
8. Magsuot ng sapatos o bota.

Alin sa mga ito ang nagawa na ninyo?

Naintindihan nyo ba ang sulat na ipinadala sa atin


ng TV Patrol Team? Opo!

Tungkol saan nga ang sulat? Tungkol po sa maagap at wastong


pagtugon sa baha, bagyo at lindol

Bakit sa palagay nyo kinakailangan na mayroon Para po mailigtas ang sarili sa


tayong maagap at wastong pagtugon sa mga anumang panganib.
kalamidad?

Ngayon naman, para malaman ko kung talagang


nauunawaan ninyo ang nakasaad sa sulat, may
ipapakita akong mga larawan.

Panuto: Ipakita ang “finger heart” kung ang


larawan ay nagpapakita ng wastong pagtugon sa
mga kalamidad at “peace sign” kung hindi ang
iyong sagot.

(Attachmet)

6. Paglalahat

Mga bata, ngayon ay may aktibidad tayong


gagawin at ito ay pinamagatan kong “Kumpletuhin
Mo Ito!”

At ang aking tanong ay…


Ano ang iyong magagawa sa panahon ng
kalamidad upang ikaw ay manatiling ligtas maging
ikaw ay nasa tahanan o sa paaralan man?
Kumpletuhin Mo Ito!

M. H. Del Pilar St., Batangas City


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

Bilang bata, magiging ligtas ako sa


panahon ng kalamidad kung ________. Mananatili ako sa aming tahanan
Kung ako ay nakapasok na sa paaralan
bago pa ideklarang walang pasok, ako
ay _______ Makikinig at susunod sa payo ng
aking guro.
7. Pagpapahalaga
Mga bata, sa palagay nyo, mahalaga bang
magkaroon ng kaalaman tungkol sa wastong
pagtugon sa kalamidad?

Bilang mag-aaral sa ikatlong baitang, sa paanong


paraan ninyo mapapahalagahan ang wastong
pagtugon sa kalamidad?

Para sa aking isa pang katanungan, maaari


kayong pumunta sa link na ito
https://www.menti.com/ffu1k4cd5m para
magbigay ng inyong kasagutan. Isa hanggang
tatlong salita lamang ang maaari nyong itype sa
kada kahon.

8. Paglalapat

May tumatawag sa atin. Atin ngang tingnan kung


sino ang tumatawag.

Tumatawag sa atin si Mr. Ricardo Jalad, ang head


ng National Disaster Risk Reduction and
Management Council (NDRRMC). Handa ba
kayong sagutin ang tawag na ito? Pindutin ang
raise hand button para malaman ko kung handa
na kayo.

At dahil handa na kayo ang tawag na ito ay


nagsasabi na mayroon kayong PANGKATANG
GAWAIN!

Ngayon ay magkakaroon kayo ng pangkatang


gawain. Kayo ay akin ng naipangkat at naipasa
kona ang inyong pangkatang gawain sa inyong
mga gc. Makilahok, sumunod sa panuto

Ngunit bago ang lahat, ano nga muli ang


pamantayan sa pangkatang gawain?

Ang bawat pangkat ay bibigyan ko lamang ng 5


minuto para gawin ito.

Unang Pangkat: Iguhit ang mga bagay na dapat


ihanda kung alam mong may dadating na
kalamidad.

Ikalawang Pangkat: Gumawa ng maikling


panalangin upang maligtas sa anumang
kalamidad.

Ikatlong Pangkat: Gumawa ng slogan tungkol sa


maagap at wastong pagtugon sa kalamidad.

M. H. Del Pilar St., Batangas City


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

Ikaapat na Pangkat: Gumawa ng maikling


usapan tungkol sa kung paanong paraan ka
makakatulong sa mga nasalanta ng kalamidad
bilang ikatlong baiting.

9. Pag-uulat ng bawat Pangkat

At dahil naging masaya ang si Mr. Jalad sa naging pangkatang gawain ninyo, siya ay
nagpadala rin ng isang regalo.

At ang regalo na ito ay isang PAGSUSULIT!

IV. Pagtataya

Para sa pagsusulit, pumunta sa link na nasa conversation box at sagutan ang mga
katanungan na nakapaloob sa google form. Mayroon lamang kayong 3 minuto para
matapos ang pagsusulit.
https://docs.google.com/forms/d/e/
1FAIpQLScKYijaWkskbqwDjrqNOXsH5CR0NqM3ibvv7cgwOON1N9kVpQ/viewform?
usp=sf_link
I. Piliin ang TAMA kung ang sinasaad ng bawat pangungusap ay nagpapakita ng wastong
pagtugon sa mga kalamidad at MALI naman kung hindi.

1. Sa panahon ng bagyo, nararapat lamang na ako ay maligo sa ulan.


2. Kapag lumilindol, nararapat lamang na ako ay sumilong sa ilalim ng mesa.
3. May bagyong parating kaya’t ako ay mamamasyal sa parke.
4. Kapag gumuguho ng lupa, kailangan kong mataranta at magsisigaw.
5. Sa panahon ng kalamidad, kailangan kong alalahanin ang mga dapat gawin tuwing may
kalamidad.

I. Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.

6. Iwasang lumusong sa tubig.


a. bagyo b. baha c. lindol

7. Ano ang iyong gagawin para mailigtas mo ang iyong sarili sa anumang kalamidad?
a. Maglalaro ako.
b. Lalabas sa tahanan.
c. Ihahanda ang sarili at anumang makakatulong sa akin.
8. Kapag lumilindol kailangang kong _________.
a. Itulak ang aking mga kamag-aral
b. Sumilong sa ilalim ng mesa
c. Manatiling nakaupo sa sariling upuan.

9. Isagawa ang “Dock, Cover, and Hold”.


a. lindol b. bagyo c. baha

10. Sa panahon ng bagyo, kailangang _________ ?


a. Magtampisaw sa ulan.
b. Makinig ng balita sa radyo at telebisyon tungkol sa weather updates.
c. Ihanda ang mga laruan para madaling dalahin kapag lilikas na.

Mga bata, may kapapasok lamang na balita, kayo raw ay magkakaroon ng isang
TAKDANG ARALIN!

IV. Takdang Aralin

Gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa magandang naiidulot ng may kaalaman sa


wastong pagtugon sa mga kalamidad.

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay

M. H. Del Pilar St., Batangas City


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Nilalaman 10
Organisasyon 5
Estilo 5
Kabuuang Puntos 20 /20

ATTACHMENT:

M. H. Del Pilar St., Batangas City


www.sbcbatangas.edu.ph

You might also like