You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY ARALIN sa MAPEH (HEALTH) IV

Inihanda ni : Hazel J. Cahucom


Ika- 9 ng Hunyo 2020
7:00 – 7:40 AM

I. Mga Layunin
Sa loob ng 40-minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang ;
a) Naibibigay ang mga kagamitang ginagamit sa panahon ng kalamidad ;
b) Naiuugnay ang paghahanda at angkop na lugar sa oras ng kagipitan ,kalamidad at sakuna ; at
c) Nakikilala ng wasto ang mga paraan at kagamitan sa panahon ng kalamidad at sakuna.
II. Paksang Aralin
Paksa : Sa Panahon ng Kalamidad ,Sakuna at Kagipitan
Sanggunian : Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan IV
Grace M. Forming ;et.al,2015
Pahina 385-400
Mga Kagamitan : Mga Larawan Manila Paper
Pisara Yeso
Estratihiya : Nakasentro sa mga mag-aaral at nakikipagtulungan sa bawat mag-aaral
Integrasyon: Science, Araling Panlipunan

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a) Panalangin

Rejj, maari mo bang pangunahan ang  Opo Ma’am (Sa ngalan ng Ama ng Anak at
ating panalangin sa araw na ito. Espiritu Santo….Amen)

b) Pagbati

Magandang Umaga sa lahat!  Magandang Umaga po Ma’am Hazel.

c) Pagtala ng mga Lumiban

Mayroon bang lumiban sa klase  Wala po.


ngayon?
Magaling at walang lumiban sa araw
na ito.
Bago tayo magsimula mayroon muna
akong mga munting kasunduan sa
klaseng ito.
 Itaas ang kamay ng tahimik  Bawal po ba tumayo,ma’am?
kapag sasagot.
 Tumayo lamang kapag  Opo Ma’am.
ikaw ay tatawagin para
sasagot.
 Ang mata at tenga ay
ihanda sa bawat oras.  Opo Ma’am.
Naintindihan ba mga bata?
Magaling!
Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-aaral
B. Panlinang Gawain
a) Panganyak

Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong


aralin .Pero bago ang lahat nais ko munang
tignan ninyo ang mga larawan na nasa pisara.

Lovely,ano ang iyong nakita base sa larawang  Ito po ay nagtutukoy ng mga masamang
iyong nakita? panahon/ kalamidad na naranasan natin.

Magaling Lovely.

Magbigay ng isang kagamitang ginagamit sa  Bota Ma’am.


panahong ito
(Panahon ng Tag-ulan)

Magaling,Rejj  Sombrero ma’am.

Ano pa?  Payong po.

Sa panahong ito ano ba ang importanteng  Pagkain po at gamot para hindi tayo gutumin
kagamitan na dapat nating ihanda? Bukod sa at hindi tayo magkasakit.
payong o buta?

Napakahusay ,Gerald

b) Paglalahad ng Paksa

Ngayong umaga ay ating alamin at


kilalanin ang mga kagamitan sa panahon ng kagipitan
at sakuna. At aasahan ninyo na ang bawat isa ay
makakabigay ng halimbawa at dapat maiugnay at
matugunan kung paano ,saan at kalian tayo maging
handa sa panahon ng kalamidad at sakunang
darating.
 Handang Handa po Ma’am.
Handan a ba kayo?dapat laging handa sa
ano mang oras.

c) Pagtatalakay

KALAMIDAD
Ay isang sakuna na maaring nagmula sa natural na
kondisyon ng panahon at kalikasan tulad ng:
 Lindol
 Bagyo
 Landslide
 Pagputok ng bulkan
 Baha  Ma’am ang mga iyan po ba ay gawa ng tao?
 Polusyon
Ang mga ito ay maaring magsanhi ng kapahamakan sa
tao at pagkasira ng mga ari-arian.

Mga kagamitan na dapat ihanda sa panahon ng


kalamidad:
 Emergency kit
 Tubig
 Tools/Radyo at flash light
 Fisrt aid kit
 Mga gamit sa bata tulad ng
gatas,diaper,feeding bottle
 Pera
 Mahalagang Documento  Ma’am ang aming pamilya ay laging
mayroong nilalaan tuwing panahon ng
Paraan para maiwasan ang kalamidad kagipitan.
 Huwag magtapon ng basura kahit saaan
 Huwag putulin ang mga magagandang kahoy
 Magtanim ng kahoy

Para sa iyo Jeames ,kailangan ba nating


magimbak ng pagkain at maging handa sa
ano mang oras?  dapat po ay maging handa sa anu mang
oras ,mag-ipon ng pera,magimbak ng pagkain
dahil hindi natin alam kung kalian darating
Tumpak Jeames, Magaling dahil diyan ang kalamidad/sakuna.
bibigyan ka naming ng isang (VERY GOOD
APPLAUSE)

 Ma’am,kailangan po nating alagan ng mabuti


Mahusay Jenny,dapat hindi natin an gating kapaligiran.
kalimutan na ang kapaligaran ay bigay n
gating diyos ama,dpat ay alagaan natin
ito.

Dahil marami na kayong natutunan,dapat


sa maagang panahon kailangan na nating
maging handa.

d) Paglalapat
Pangkatang Gawain
Papangkatin ng guro ang klase sa
dalawang pangkat. Magbibigay ang guro
ng salitang bubunutin nila sa box at
ibubulong nila ito sa kanilang kagrupo at
ang nasa huli ang siyang pupunta sa
pisara para bilugan ang salitang kanilang
nabunot,ang unang makabilog o
makahanap sa salita ay ang panalo at
bibigyan ng malaking puntos.(Chain
Message/Crossword).
Naintindihan ba mga bata?
Pangkat 1  Opo Ma’am

Pangkat 2  Handang Handa na po kami sa laro Ma’am

P E G X B A G Y O  PERA
V E B G A W P W Y  BAGYO
S J R B H F O L H  BAHA
H G D A S C R P G  FIRST AID
P G P H L Z L W I  KIT
L D Q A O N K L B  TUBIG
P A A L O K M I U  TOOLS
F I R S T A I D T

Ang nanalo ay ang pangkat 1,Bigyan natin


sila ng (WOOW APPLAUSE)

e) Paglalahat
Carla,magbigay ng isang mahalagang  Pagkain Ma’am,ang napakaimportante sa
kagamitan na kalian natin sa panahon ng lahat.
kalamida.

Mahusay ,Carla.

Katulad sa kwentong si Tipaklong at ang


laggam,dapat ba na kagaya tayo ni langgam na  Opo ma’am ,dahil hindi natin alam kung
masipag na nagiimbak at naghahanda sa sarili. kalian darating ang kalamidad.

Magaling mga bata. Dahil alam niyo na


ang mga kagamitan at paraan sa panahon ng
kalamidad.Dapat lage tayong handa.

IV. Pagtataya

Kumuha ng isang buong papel at sagutin ang


mga sumusunod:
Panuto
1-5 Isulat ang TAMA kung ang pangugunsap ay
nagsasaad ng tamang paraan sa panahon ng
kalamidad at MALI kapag nagsasaad ng maling
paraan.

1. ________Laging nakikinig si Mrs. Lopez sa TAMA Laging nakikinig si Mrs. Lopez sa radio
radio kung may bagyong paparating. kung may bagyong paparating.
2. _________Naliligo ang mga bata sa baha. MALI Naliligo ang mga bata sa baha.
3. _________dapat ilagay sa emergency bag ang TAMA dapat ilagay sa emergency bag ang
mga importanteng bagay. mga importanteng bagay.
4. _________matutulog lamang kung may MALI matutulog lamang kung may bagyong
bagyong paparating. paparating.
5. __________ magtanim ng mga punong kahoy TAMA magtanim ng mga punong kahoy sa
sa bukid. bukid.
6-10 6-10
Magbigay ng limang kagamitan na ilalagay sa  Emergency kit
emergency bag.  Tubig
 Tools/Radyo at flash light

 Fisrt aid kit


 Mga gamit sa bata tulad ng
gatas,diaper,feeding bottle
 Pera
 Mahalagang Documento

V. Kasunduan

Para sa karagdagang kaalaman magbigay o


magsaliksik ng isang malaking kalamidad na
naranasan ng ating bayan.

Ano ang gagawin?  Magsaliksik tungkol sa kalamidad na tumama


sa ating bayan ma’am.
Magaling .

Hanggang sa muling pagkikita mga bata!  Hanggang sa muling pagkikita Ma’am Hazel

 Maraming Salamat po.

You might also like