You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Pnalipunan 4

Inihanda ni Abby Gail C. Abdon

I. Layunin

Sa katapusan ng 50 minutong talakayan, 85% ng mga bata sa ikaapat na


baitang ay inaasahang makapagsasagawa ng mga sumusunod:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng pambansang pamahalaan.
2. Nakagagawa ng graphic organizer patungkol sa mga tungkulin ng
bawat sangay ng pamahalaan.
3. Nasasabi ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan sa
pamumuhay ng tao.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan ng Sangay Nito


Sanggunian: Araling Panlipunan, pp. 228-236
Kagamitan: powerpoint presentation, mga larawan
Pagpapahalaga: Ang pamahalaan ay may mga sangay o mga ahensiyang may
kinalaman sa pagtiyak sa kapakanan ng bawat mamamayan na nasasakupan ng
isang bansa. Kaya naman, bilang isang mamamayan, mahalagang alam mo kung
ano-ano ang kahalagahan ng bawat ahensiya ng pamahalaan.

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

a. Panalangin
Mga bata, tayo ay magsitayo para
sa panalangin. Itungo natin ang ating ulo
at sabayan ang Audio-Visual Presentation
na nasa telebisyon.
https://youtu.be/EIgcS9EcFOE
Amen. Amen.

b. Pagbati
Magandang umaga, Ikaapat ng Magandang umaga po, Ma’am
baitang! Abby.

c. Pagtatala ng liban
Maaari na kayong magsiupo.
Mayroon bang liban ngayong araw na ito?

Wala po.
Natutuwa ako at lahat kayo ay nakapasok
ngayong araw na ito. Bigyan ang sarili ng
Love Clap!

Para masimulan natin ng masigla


ang ating aralin, mayroon akong
inihandang awitin na pinamagatan kong
“Kay Saya sa AP” sa tono ng “Kung Ikaw
ay Masaya”. Alam ‘nyo ba mga bata ang
awiting iyon?

Opo!
At dahil alam na ninyo, mas Madali
kayong makakasabay sa awit. Ngunit
hayaan nyong ako muna ang umawit at
pagkatapos ay kayo naman. Naiintindihan
ba ng lahat?

Opo!
Handa na ba ang lahat?

Opo!
Kay saya sa AP
Araling Panlipuna’y simulant natin
Pandayin, linangin, palaguin
Kaalamang bigay sa’tin
Hasai’t pagyamanin
Karunungang taglay, ibahagi rin.

Makinig, makiisa sa Gawain


Tiyak ng malulutas ang suliranin
Sa panahon natin ngayon
Kailangang maging listo
dahil iba na talagang matalino!

Nakuha nyo ba mga bata ang tono


ng ating awit? Opo!

Ngayon ay sasabayan na ninyo


ako. Araling Panlipuna’y simulan natin,
handa awit!

2. Pagganyak
Handa na ba kayong tuklasin ang
bagong aralin ngayon araw? Opo!

Dahil lahat kayo ay handang-handa


na, mayeoon akong gustong ipakilala sa
inyo.

Kilala ‘nyo ba siya, mga bata? Si Dora po!

Magaling! Siya si Dora at siya ang


makakasama natin ngayong araw. Si Dora
ay napapanood natin sa palabas na “Dora
The Explorer!”

Paano ninyo ilalarawan si Dora? May nakasabit po sa kanyang


likuran.

Tama! Gusto ‘nyo bang makita


kung ano ito? Opo!
3. Paglalahad
Ang dala-dala ni Dora ay isang
larawan at ito iyon.

Nais kong pagmasdan ninyo ang


larawang ito. Sino sa inyo ang may ideya
Isang pamahalaan po.
kung ano ito?

Mahusay! Mga bata, sa palagay


ninyo, ano ang tungkulin ng isang Ang pamahalaan po ang
pamahalaan base sa inyo sariling pang- nagsisilbing tagapagpanatili ng
unawa o karanasan? kaayusan at kapayapaan ng bansa.

Magaling! At para sa inyong


karagadagang kaalaman, ang
pamahalaan ay isang samahan o
organisasyong politikal na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng
isang sibilisasyong lipunan. Ito rin ay
isang uri o sistemang presidensyal at
demokratiko ng pinamumunuan ng isang
pangulo at ikalawang pangulo.

Mga bata, ngayong araw, ating


palalawakin pa ang inyong kaalaman
tungkol sa pamahalaan sa pagtatalakay
natin ng tatlong sangay ng pamahalaan.

4. Pagtatanghal at Talakayan

You might also like