You are on page 1of 5

URDANETA CITY UNIVERSITY

SAN VICENTE WEST, URDANETA, PANGASINAN

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MASUSING BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy kung paano pangalagaan at ano ang nakakarira sa kapaligiran;

b. nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihan ng lahat; at

c. naipapakita ang pagpapahalaga sa kapaligiran at mga batas na umiiral para sa kabutihan ng lahat.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mga Batas ating Sundin Para sa Kinabukasan Natin

B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao, 3rd Kwarter, Modyul 6, p.g. 1-11

C. Kagamitan: Pagtatanghal ng powerpoint.

D. Balyu: Pagpapahalaga, pag-aalaga at pagbibigay importansya kapaligiran.

III. PAMAMARAMAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

1. PANALANGIN

Bago natin simulan ang araw na ito, tayo muna ay (Pangungunahan ng napiling mag-aaral ang
manalangin panalangin.)

2. PAGBATI

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po!

3. PAGTATAYA NG LUMIBAN SA KLASE

Ngayon naman, meron bang lumiban sa ating klase


ngayong araw na ito? Wala pong lumiban sa klase.

Magaling!

4. PAGPAPAKSA NG MGA TAKDANG-ARALIN


AT PAGWASTO

Pakipasa ang inyong mga mga takdang-aralin at atin (Ang mga bata ay pumasa ng kanilang mga takdang-
itong iwawasto. aralin.)

5. PAGBABALIK ARAL

Sa ating nagdaang aralin, ano natalakay natin? Sa ating nadaang aralin ang ating natalakay ay
patungkol sa pagtatanim.
Mahusay!
Ano ang pagtatanim? Ang pagtatanim ay maaaring tumukoy sa
paghahalaman o paghahardin · pagsasaka
Magaling!

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. PAGGANYAK

Basahin natin ang mga salitang ipapakita ko

Pangkaligtasan

Magaling

pangkapayapaan

Mahusay mga bata.

pangkalusugan

Mahusay mga bata.

pangkalinisan

Tama, mahusay mga bata!

2. PAGLALAHAD

Ang mga salitang binasa natin kanina ay konektado


sa ating tatalakayin ngayon.
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay patungkol sa
Mga Batas ating Sundin Para sa Kinabukasan Natin.

Ngunit bago ang lahat, basahin muna nating ang


kwento.

Ang pamagat ng ating kwento ay?

Basahin natin ang kwento.

Pinatinding Kampanya sa Kaligtasan at Kalinisan sa


Barangay 430 Zone 44 sa Maynila

Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit,


nagkaroon ng proyekto ang Barangay 430 Zone 44
na pinangalanang “Sagot Ko: Tapat at Paligid ng
Bahay Ko”, na ipinag-uutos sa lahat na panatilihing
malinis hindi lamang ang tapat at paligid ng bahay
kundi pati ang loob na rin. (Binasa ang kwento)
Bukod sa kalinisan, pinaigting na rin ang siguridad
sa barangay sapagkat marami na ang
nananakawan dahil naging aktibo na naman ang
“Akyat-Bahay Gang”. Nagtalaga ang barangay ng
mga kagawad na magbabantay sa loob ng 24 oras.
Sinumang makakita ng mga kahina-hinalang tao ay
dapat ipagbigay-alam sa barangay. Dagdag pa rito,
nagtalaga ang konseho ng barangay, na
aprubahan ng mga miyembro, na dapat sundin ang
curfew na 10:00 ng gabi para sa mga kabataang 18
taong gulang pababa upang maiwasan ang
kaguluhan sa kalsada.
Ipinaalala ng Kapitan ng barangay na si Jose de
Jesus na magkampanya ang mga kabarangay
niya upang mapalaganap ang alituntuning ito na
batas na ring maituturing ng barangay.

Mahusay mga bata.

Mgayong nabasa na natin ang kwento, ngayon


naman sagutin nating ang mga tanong.

Basahin natin ang mga tanong at sagutan.

1. Ano ang kampanya ng Barangay 430 Zone 44 Ang kampanya ng Barangay 430 Zon3 44 sa Maynila
sa Maynila? ay “Sagot Ko: Tapat at Paligid ng Bahay Ko”

Magaling.

Ang pangalawang tanong naman?

2. Paano ka makatutulong sa kampanyang ito? Sumunod sa kampanya at isumbong agad kung may
Paano ka daw makakatulong ang kampanyang ito? kahinahinalang tao, o “mga akyat-bahay gang.

Mahusay.

3. Ano ang nagbunsod sa pamunuan ng barangay na Ang nagbunsod sa pamunuan ng barangay na


magpatupad ng curfew para sa mga kabataang magpatupad ng curfew para sa mga kabataang
edad 18 pababa? edad 18 pababa ay para maiwasan ang kaguluhan.

Magaling mga bata.

Ngayon naman, tungkol saan ang binasa natin? Tungkol sa pangkapayapaan at pangkaligtasan.
Ang mga nasa larawan ay mga gulay.
Magaling.

Ang kampanya bang ginawa ng Barangay 430 Zone Ang kampanya bang ginawa ng Barangay 430 Zone
44 ay nakapagdulot bas a kanila ng kapayapaan? 44 ay nakapagdulot sa kanila ng kapayapaan.

Mahusay.
Sa tingin nyo nabawasan ba ang kaguluhan at akyat Nabawasan ba ang kaguluhan at akyat bahay gang ng
bahay gang ng ginawa nila ang kampanyang ito? ginawa nila ang kampanyang ito

Magaling.

Mahalaga ba na sundin natin ang mga batas maging Opo, ito ay mahalaga upang tayo ay maging ligtas.
sa barangay?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. PAGLALAHAT

Inyo bang naunawaan ang ating tinalakay? Opo.

Kung ganon, ano ang ating paksa ngayon? Ang paksa natin ay tungkol sa mga Batas ating Sundin

Magaling! Para sa Kinabukasan Natin.

Ngayon naman, tungkol saan ang ang kwentong


tinalakay natin? Tungkol sa kaligtasan at kapayapaan.

Magaling.

Inyo ngang naunawaan ang ating paksa sa araw na


ito.

Kung gayo’y maari bang bigyan niyo ng limang binigyan ng limang palakpak ang mga sarili.
palakpak ang inyong mga sarili.

2. PAGPAPAHALAGA

Bakit kailangan nating sumunod sa batas at Kailangan nating sumunod para di tayo mapahamak.
panuntunan ng barangay? Para di tayo magkaroon ng kapayapaan.

Mahusay mga bata.

Ngayon naman, bigyan niyo ng sampung palakpak binigyan ng sampung palakpak ang mga sarili.
ang inyong mga sarili.

IV. PAGTATAYA
V. TAKDANG ARALIN

Inihanda ni:

Gabuyo, Christelle Dianne T.

BEED-GEN

You might also like