You are on page 1of 7

GRADES School: Grade Level: VI

1 to 12 Teacher: Learning Area: FILIPINO


DETAILED LESSON
Teaching Dates and Time: Quarter: 2nd
QUARTER
PLAN

LUNES
I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang teksto at napapalawak
A. Pamantayang Nilalaman
ang talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakakabuo ng isang nakalarawang balangkas.
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Code F6PB-IIIb-6.2
II. NILALAMAN Pag-uugnay ng sanhi at Bunga.
KAGAMITANG PANTURO
A. Sangunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Filipino 6 Modyul 11
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint and video presentation, graphic organizers
III. PAMAMARAAN
Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang kalamidad sa pamamagitan ng isang
A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at/o laro .(4pic.1 word)
pagsisimula ng bagong aralin.
Itanong sa bawat larawan: Ano ang nangyari? Bakit ito nangyari?

Sabihin: Ngayon ay dadako na tayo sa ating bagong aralin at ito ang layunin na
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
dapat nating makamtan sa araw na ito: Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ang lindol,bagyo,pagbaha at pagputok ng bulkan ay ilan lamang sa mga
bagong aralin kalamidad na ating nararanasan. Alin sa mga kalamidad na ito ang madalas
ninyong naranasan dito sa Sitio Lumintao?Naalala pa ba inyo ang bagyong
Quinta? Narito at balikan natin ang pangyayari. Bago ito, ay narito muna ang
ilang katanungan na ating sasagutin pagkatapos nating basahin ang balita.
Tanong:
1. Tungkol saan ang balitang inyong binasa?
2. Bakit binaha ang Sitio?
3. Ano ang naging epekto ng pagbaha sa kabuhayan ng mga tao?
4. Ano ang inyong naramdaman sa pangyayaring ito? Ibahagi ang inyong
karanasan.
Bilang naninirahan sa Sitio Lumintao, ano ang inyong natutunan sa nangyari?
1. Pagragasa-mabilisang pagdating ng malakas na agos ng tubig.

Maraming kabahayanang nalubog sa tubig baha dahil sa malakas na pagragasa


ng tubig mula sa ilog.
2. dumptruck- isang sasakyang panlupa na kayang magsakay ng mabibigat
gaya ng buhangin, basura at iba pa.
Sumakay sa isang dumptruck ang mga lumikas papunta sa evacuation center.

Simulan nang basahin ang balita.

Binaha ang Sitio Lumintao dala ng Bagyong Quinta,Octobre 26,2020

Malakas na pagragasa ng baha ang naranasan ng mga taga-Sitio Lumintao dahil


sa pagtaas ng tubig ng ilog dala ng bagyong Quinta , Octobre 26,2020.
Umabot hanggang hita ang tubig baha kaya lumikas ang ilang pamilya sa
paaralan ng Malawaan sakay ng dumptruck ng Munisipyo..Hindi nakaligtas sa
pagbaha ang paaralan ng Sitio na unang ginawang evacuation center dahil sa
walang tigil na buhos ng ulan,. Namatay naman ang ilan sa mga alagang hayop
gaya ng baboy na inanod ng baha.Nasira din ang mga pananim tulad ng
palay,mais at mga gulay napangunahing produkto ng Sitio. Agad namang
nagpadala ang Munisipyo at barangay ng mga relief goods sa buong Sitio at
mga lumikas na pamilya.

Tanong:

1. Tungkol saan ang balitang inyong binasa?


2. Bakit binaha ang Sitio?
3. Ano ang naging epekto ng pagbaha sa kabuhayan ng mga tao?
4. Ano ang inyong naramdaman sa pangyayaring ito? Ibahagi ang inyong
karanasan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Sabihin :


atpaglalahad ng bagong kasanayan #1
*Balikan sagot sa ikalawa at ikatlong bilang.

*Talakayin kung ano ang sanhi at bunga.

Ang sanhi ang dahilan o paliwanag kung bakit naganap ang isang pangyayari.
Ang bunga naman ang naglalahad ng resulta o kinalabasan ng tinukoy na
sanhi.

* Talakayin ang hudyat.

SANHI BUNGA
dahil/dahil sa/dahilan sa Kaya/kaya naman
palibhasa Kung/kung kaya
ngunit Bunga nito
kasi tuloy
Sabihin: Pansinin ang salitang nakaguhit sa pangungusap. Ito ay ang tinatawag
na hudyat. Ito ang nag-uugnay sa san hi at bunga ng pangyayari. Ang
hudyat ay makikita malapit sa sanhi at bunga. Narito ang mga halimbawa ng
mga hudyat.

*Tukuyin ang sanhi at bunga sa binasang balita

BUNGA
Malakas na pagragasa ng baha ang naranasan ng mga taga Sitio Lumintao
lumikas ang ilang pamilya sa paaralan ng Malawaan sakay ng dumptruck ng
Munisipyo
inabot ng baha ang paaralan
Namatay naman ang ilan sa mga alagang hayop gaya ng baboy na inanod ng
baha.
Nasira din ang mga pananim tulad ng palay,mais at mga gulay napangunahing
produkto ng Sitio.

SANHI
pagtaas ng tubig ng ilog Lumintao dala ng bagyong Quinta

Sabihin: Tandaan , upang mas mabilis nating makita ang sanhi at bunga ng
isang pangyayari, kailangan nating mahanap ang mga hudyat na mayroon sa
tekstong ating binasa. Tandaan din na kung ang hudyat na inyong nakita ay
hudyat para sa sanhi, ito ay makikita inyo bago ang sanhi at kung ito naman ay
hudyat para sa bunga, ito ay matatagpuan bago ang bunga.

Para mas lalo ninyo maintindihan ay gumamit tayo ang graphic organizer .

Maari tayong gumamit ng iba’t ibang graphic organizer para maipakita ang
sanhi at bunga.

Sabihin:ang tawag sa ginawa nating pagtukoy ng dahilan ng pangyayari at


resulta o kinalabasan nito ay pag-uugnay sa sanhi at bunga ng pangyayari

BUUIN MO!
Panuto:Pagtambalin ang mga nakuhang larawan sa kaugnay nitong sanhi
at bunga. Gumawa ng pangungusap batay sa larawang inyong nakuha
gamit ang mga hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga gamit ang
graphic organizer.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2

Ipangkat ang mga bata sa tatlo. Ibagay ang activity card.


F. Paglinang sa Kabihasaan
UNANG PANGKAT
(Tungo sa Formative Assessment)
Unang Pangkat: Gamit ang graphic organizer, ibigay ang epekto ng Modular
Distance Learning.
Modular
Distance
Learning
IKALAWANG PANGKAT
(TAMBAL STRIP)
Panuto: Gamitin ang graphic organizer, pagtambalin ang mga sanhi sa
kaugnay nitong bunga

SANHI
Sinisigurado ni Allan na palage siyang malinis
Gustong proteksiyonan ni Gilda ang sarili sa nakakahawang virus.
Mahigpit na pinapatupad ng mga pamilihanang social distancing.
Paboritong kainin ni Jun ang mga prutas na mayaman sa bitamina C.
COVID-19.

BUNGA
Naliligo siya araw-araw.
Nagsusuot siya ng face mask kapag lalabas ng bahay.
Malakas siya at hindi madaling mahawaan ng sakit.
Walang siksikan.
Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine

SANHI BUNGA
IKATLONG PANGKAT
IARTE MO

Panuto: Isadula ang maaring maging bunga at sanhi ng mga sumusunod


na larawan. Kumpletuhin ang graphic organizer

2.

1. 2. .

1. Nagbigay si Bb. Tolentino ng pagsusulit sa kanyang mag-aaral sa ika-


anim na baitang. Si Joy ay isa sa mga nakuha ng mababang marka. Sa 50
aytems ng kanilang pagsusulit, 30⁒ lamang nito ang nakuha niyang
tamang sagot. Bakit bumagsak sa pagsusulit si Joy? Isadula ang maaring
naging sanhi.

2. Binigyan si Helena ng kanyang ina ng dalawang pirasong P20.00.


Humingi din sya sa kanyang ama at binigyan siya nito ng P100.00.
Nagmamadali siyang pumunta ng tindahan upang bumili ng kendi at
tsokolate..Ibinili niya ang 90 ⁒ ng kabuuang pera na kanyang nahingi sa
kanyang mga magulang.Ano ang mangyayari kay joy pagkatpos kainin
ang lahat ng kendi at tsokolate? Isadula ang maaring maging bunga.

Magbigay ng sariling karanasan sa buhay na hindi mo nasunod o sinunod ang payo ng


iyong mga magulang?
Ano ang nanyari nang sinunod mo ito?
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-
Ano ang nangyari nang hindi mi sinunod it?
araw na buhay Mahalaga ba ng pagsunod sa mga payo ng ating magulang o sa mga nakakatanda sa
atin? Bakit?
.

Maglaro ng FACT OR BLUFF.


Panuto: Gamit ang mga cards, Itaas ang FACT kung ang pahayag ay tama at
BLUFF kung mali ang sinasabi at itama ang pahayag.

1. Ang bunga ang dahilan o paliwanag kung bakit naganap ang isang
pangyayari.

2. Sa pag-uugnay ng sanhi at bunga tayo ay gumagamit ng hudyat na nag-


uugnay sa dahilan at kinalabasan ng pangyayari.

H. Paglalahat ng Aralin 3. Ang bunga naman ang naglalahad ng resulta o kinalabasan ng tinukoy na
sanhi.

4. Palaging nauuna ang sanhi sa isang pahayag.

5. Nagsikap si Aleah sa pag-aaral kaya hindi siya nakapagtapos.

6. Nasisiyahan ang mga magulang ni Joy s kniya dahil Mabuti siyang anak.

7.Kumain ng marami si Maricel kaya sumakit ang mga mata niya.

I. Pagtataya ng Aralin
Panoorin ang isang maikling dokumentaryo tungkol sa isang malaking usapin
sa bansa ngayon: Bullying. Pag-ugnayin ang sanhi at bunga ng usaping ito
gamit ang graphic organizer.Alamin ang mga epekto ng pangyayaring ito sa
mga gaya ninyong kabataan. Isulat sa graphic organizer ang inyong sagot.

BUNGA

BULLYING BUNGA

BUNGA

Panuto: Sumulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap sa isa


sa mga paksa sa ibaba. Tiyakin na sa mga pangungusap may ugnayang sanhi at
bunga. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
J. Karagdagang gawain para sa
Paksa:
takdangaralin at remediation
1. Pag-abot sa pangarap.
2. Pagkasira ng kalikasan.
3. Pangangalaga sa sarili laban sa COVID-19.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng magaaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like