You are on page 1of 8

UNIFIED 3rd QUARTERLY ASSESSMENT sa

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________


Guro: _______________________ Istrand/Seksyon: ___________ Iskor: __________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

SOLO FRAMEWORK
Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
binasa

1. Sa isang liblib na pook, nakatagpo ng mahiwagang puno si Maria. Ipinagtapat ng


puno ang mga lihim na pangarap ng bawat tao na dumadaan. Natutunan ni Maria na
ang tunay na kayamanan ay nasa puso ng bawat isa.
Ano ang paksang tinutukoy sa teksto?

a. Ang mahiwagang puno ni Maria


b. Ang lihim na pangarap ng bawat tao
c. Ang tunay na kayamanan
d. Sa isang liblib na pook.

2. Sa isang bayan, may isang puno ng mangga na kilala sa buong lugar dahil sa laging
maganda at masarap ang bunga nito. Ang mga tao ay nagtutulungan upang
panatilihin itong malusog. Isang araw, isang bagyong malakas ang dumating, at sa
tulong ng buong komunidad, nailigtas nila ang puno ng mangga.
Ano ang paksang tinutukoy sa teksto?
a. Ang puno ng mangga
b. Ang pagtutulungan ng komunidad
c. Ang pagligtas sa puno ng mangga mula sa bagyo
d. Isang bagyong malakas ang dumating

Kasanayang Pampagkatuto:Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang


salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa

“Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng
pambubully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambubully sa kapwa gamit
ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video at iba pa sa e-mail at sa
social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento;
paggawa ng mga pekeng account ng isang tao nang walang pagsang-ayon niya o sa paninira
sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga
ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o pagkawala ng kapayapaan sa
nagiging biktima nito.” (Sinipi mula sa tekstong “CYBERBULLYING” sa aklat na Pluma).
3. Ang tekstong binasa ay isang halimbawa ng tekstong impormatibo, ano ang layunin ng
nasabing teksto?
a. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon

1
b. ito ay naglalayong magbigay kabatiran
c. ito ay naglalayong magpaliwanag ng mga bagay-bagay o mga pangyayari
d. ito ay naglalayong papaniwalain ang mga mambabasa patungkol sa paksa ng
binasa
4. Ayon sa akdang binasa, bigyang-kahulugan ang salitang “cyberbullying”?
a. Ang cyberbullying ay pambubully gamit ang makabagong teknolohiya.
b. Ang Cyberbullying ay pagpapadala ng text o e-mail na nagtataglay ng masasamang
salita.
c. Ang cyberbullying ay pagpapalaganap ng mga larawan at video sa email at social
media
d. Ang Cyberbullying ay paghingi ng tulong sa kinauukulan

Kasanayang Pampagkatuto: Naibahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang


tekstong binasa

5. ‘‘Kumikinang ang kanyang maputing kutis sa sikat ng araw, ngunit hindi siya makaalis
sapagkat hindi ganoon kabilis ang kanyang pagtakbo sa lilim buhat ng taba sa kanyang
mabigat na katawan. Nakasabunot ito sa ulo sa pagkainis sa kanyang pigura. Mabuti na
lamang at siya’y maliit, dahilan upang sumilong ito sa payong ng katabi na hindi
namamalayan.’’ (https://gabay.ph/ano-ang-tekstong-deskriptibo/)
Anong katangian ng tekstong deskriptib ang makikita sa talata?
a. Obhebtibo, sapagkat ipinakikita sa teksto ang mga dapat malaman ng mambabasa
b. Subhetibo, sapagkat ang paglalarawan ay nakabatay sa sariling opinion o
imahinasyon at ginagamitan ng mga tayutay.
c. Subhetibo, sapagkat ang paglalarawan ay batay sa sarili at nasa malikhaing
paglalarawan.
d. Subhetibo, sapagkat nailarawan ang teksto batay sa sarili.
6. Sa Taal Volcano advisory ng PHIVOLCS nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas
mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng makapal na
usok na umabot hanggang 3,000 metro mula sa Taal Volcano Island (TVI). Ito anila ay
lumikha ng volcanic smog o vog sa kapaligiran ng bulkan.(sipi mula sa Dyaryong Philippine
Star Ngayon, Hunyo 5, 2023)
Anong kalikasan ng tekstong impormatibo ang makikita sa talata?
a. Naglalahad ng kapani-paniwalang datos
b. May malawak na kaalaman ang manunulat tungkol sa paksa.
c. Ang kaalaman ay nakaayos ng sunod-sunod at inilalahad ang buong diwa ng may
kaisahan.
d. Karaniwang makikita sa mga pahayagan, tekbuk, magasin at iba pang
pangkalahatang sanggunian.

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling


halimbawang teksto
7. Naatasan kang bumuo ng isang paglalarawan na kinapapalooban ng mga cohesive
devices, naalala mo bigla ang paksang tinalakay sa inyo ng iyong guro patungkol
dito.
Ano ang naitutulong ng cohesive device reference para makabuo ng makabuluhang
teksto?
a. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay maaaring matukoy at maging reperensiya
ng paksang pinag-uusapan.
b. Nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ult ang salita.

2
c. Nagiging maayos ang kaisipan
d. Maitatama ang mga bantas at gramatika

Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang


teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Impacts of Taal Volcano Phreatic Eruption (12 January 2020)
Tatlong linggo matapos ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12,2020, ibinaba
ng PHIVOLCS ang Alert Level mula sa 4 patungo sa 3. Sa panahong ito, mahigit
400,000 katao ang naapektuhan. Sa pamamagitan ng mga larawang kinuha mula sa
kalawakan at iba pang nakalap na impormasyon, naipakita ang mga epekto ng
pagputok ng bulkan sa kapaligiran at sa komunidad. Gamit ang mga larawang
kinuha mula sa kalawakan, napuna ang pagkatuyo ng lawa sa bunganga ng bulkan,
ang mga abong ibinuga nito sa Pulo at sa mga karatig na probinsya, ang paglabo ng
tubig sa Lawa ng Laguna, ang pagkasira ng mga palaisdaan, at ang pagbabago ng
hubog ng lupa. Binalot ng abo ang mga bayan sa kanluran ng Lawa ng Taal. Ang
mga bayang ito ay siya ring dating kinalalagyan ng mga bayang winasak ng pagputok
ng Bulkang Taal noong 1911. Mayroon ding pagkakapareho sa mga lugar na
nakaranas ng mga pagbitak ng lupa, sa mga lugar kung saan naitala ang mga bitak
noong 1911.
(https://www.observatory.ph/wp-content/uploads/2020/04/Report-
III_revised20200305.pdf)
8. Sa binasang teksto tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12, 2020,
naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob dito sa iba't ibang antas ng pag-unawa,
mula sa personal hanggang sa pambansang antas. Narito ang isang halimbawa ng
tanong kaugnay ng kasanayang pampagkatuto:
Paano naiuugnay ang mga epekto ng pagputok ng Bulkang Taal sa mga komunidad
sa mga bayan sa kanluran ng Lawa ng Taal sa kasalukuyan sa karanasan ng mga
bayang naapektuhan noong pagputok ng bulkan noong 1911?

A. Walang pagkakapareho sa mga epekto ng dalawang pagputok ng Bulkang Taal.


B. Ang mga epekto ng pagputok noong 2020 ay halos pareho sa mga epekto noong
1911 sa mga bayan sa kanluran ng Lawa ng Taal.
C. Ang mga epekto ng pagputok noong 2020 ay mas malala kaysa sa mga epekto
noong 1911 sa mga bayan sa kanluran ng Lawa ng Taal.
D. Ang mga epekto ng pagputok noong 2020 ay hindi gaanong malalang kumpara sa
mga epekto noong 1911 sa mga bayan sa kanluran ng Lawa ng Taal.

9. Noong nag-aaral si Ana tungkol sa kasaysayan ng kanilang pook, natutunan niyang


ang kanyang lola ay isa sa mga bantog na guro sa kanilang lugar noong dekada
1950. Nakakita si Ana ng mga lumang litrato at dokumento na nagpapatunay sa mga
kontribusyon ng kanyang Lola sa edukasyon sa kanilang komunidad.
Paano nakatulong ang personal na kuwento tungkol sa Lola ni Ana sa pag-unawa
niya sa kasaysayan ng kanilang komunidad?
A. Nakita ni Ana ang mga larawan ng mga magulang ni Lola.
B. Nakilala ni Ana ang mga dating estudyante ng Lola na nagbahagi ng kanilang mga
alaala.
C. Natuklasan ni Ana ang mga kilalang personalidad sa kasaysayan ng bansa.
D. Natutunan ni Ana na ang Lola niya ay isa sa mga bantog na guro sa kanilang
pook noong dekada 1950.

3
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa
Kalinawan,Kaugnayan at Bisa sa reaksyong papel na isinulat
10.“Kung tutuusin, ang partisipasyon ng mga manonood sa pamamagitan ng pagboto ay
bahagi rin ng reality show. Nililikha ang mga naturang programa batay sa hatak nito
sa mga manonood. Upang maging katotohanan, kailangang iparamdam sa mga
manonood na sila at wala nang iba pa ang pumili ng nananalo. Ang paisa-isang boto
ay nadaragdagan hanggang sa hindi nila namalayang lulong na sila sa pagtaya para
sa kanilang pambato.” Sanggunian:Palmes,Diana “ Ang Realidad sa mga
Reality Shows:Tunay o Huwad?”
Ano ang ipinahihiwatig sa halimbawang ito?
A. Personal na pananaw dahil naglahad ng opinyon ang sumulat
B. Pakikilahok o pagsang-ayon sapagkat sinangayunan ng sumulat ang pangyayari
C. Pagbibigay ng kahulugan ukol sa isang paksa dahil ipinaliwanag ng sumulat nag
paksa
D. Masusing pagsisiyasat sapagkat dumaan ito sa pag-aaral at panannaliksik

NON-SOLO

Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong


binasa

11. Ang uri ng tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na
may pinagbabatayan.
A. Impormatibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

12. Ang uri ng tekstong ito na tumutukoy sa pagsasalaysay na isinulat o ikinuwento ang
mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa isang tiyak na panahon.
A. Impormatibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

13. Ang uri ng teksto na nagbibigay kung paano gumawa ng isang bagay o kaya’y
maisakatuparan ang mga hakbangin.
A. Impormatibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

14. Ang uri ng tekstong gumagamit ng mga salitang naglalarawan. Binubuhay nito ang
imahinasyon ng sinomang babasa ng teksto.
A. Impormatibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

15. Ang uri ng tekstong ito na ang layunin ay mangatwiran.


A. Impormatibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural
Kasanayang Pampagkatuto:Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
Noo’y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga nayon ay
“pinamimitakan na ng araw.” Ang gulang na iyan ay lalong kilala sa tawag na “dalaginding”
ng ating matatanda. Bagama’t hindi gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan
namang lubos, palibhasa’y nakatatawag ng loob sa lahat ang pungay ng kanyang mata, ang
kulay na kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na sa bilugang pisngi’y
may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan mandin ng pag-ibig, ang malagong buhok
na sa karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa
nagmamanibalang na mangga, saka ang mga labi’t ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay
ng luwalhati’t pangarap.

4
Mula sa “Ang Dalaginding” ni Inigo Ed. Regalado
16. Ano ang tawag sa kalagayan ni Ineng sa nayon?
a) Dalaginding
b) Dyosa
c) Matanda
d) Alingawngaw
17. Ano ang mga katangian ni Ineng na nagpapahanga sa mga tao sa nayon?
a) Pungay ng mata, kulay kayumangging kaligatan, at bilugang pisngi
b) Kayumangging kaligatan, buhok na may bukol, at kinis ng mukha
c) Malapad na ngiti, matangos na ilong, at kulay ng mga mata
d) Madalas magsalita, malambing na boses, at magandang tabas ng mukha
18. Anong aspeto ng kanyang pagkatao ang itinatanghal ng mga labi't ngiping
"nagkakatugunan"?
a) Pagiging mapanuri
b) Kagandahan ng kanyang mga mata
c) Pagkakaroon ng malalapad na ngiti
d) Kakayahan sa pagsasalita
19. Ano ang naghahari sa mga labi't ngipin ni Ineng kapag siya'y nagngingiti?
a) Luwalhati at pangarap
b) Kaligayahan at kasayahan
c) Kalungkutan at pag-aalala
d) Kagandahan at katalinuhan
20. Ano ang kahulugan ng pahayag na "pinamimitakan na ng araw" tungkol kay Ineng?
a) Siya ay palaging nasa ilalim ng araw
b) Siya ay laging sinusundan ng araw
c) Siya ay isang sikat na personalidad sa nayon
d) Siya ay may magandang kinis dahil sa araw

Kasanayang Pampagkatuto: Naibahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang


tekstong binasa

Mapalad ang Pilipinas sapagkat pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t


masaganang lupain. Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang
walumpung bahagdan (80%) ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas
ang pangunahing pagkain ng mga tao subalit mayroon ding mais na ipinanghahalili bilang
pangunahing pagkain
21. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng makatotohanang datos o
impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang batayan?
A. Obhetibo B. Subhetibo C. Makabanghay D. May ebidensiya
Isa ang panahon ng eleksiyon sa maituturing na mahalagang panahon sa ating
bansa. Mahalaga ito sapagkat sa panahong ito, tayo ang pumipili ng mga taong gusto
nating maglingkod sa atin. Huwag nating ipagkakatiwala ang kinabukasan ng ating bayan
sa mga kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa atin. Dapat na maging matalino
tayo sa pagpili ng mga kandidatong iboboto natin. Huwag tayong basta maniwala sa
kanilang mga sinasabi at ipinangangako sa atin. Lagi nating isasaisip ang tatlo hanggang
anin na taong pag-upo nila sa puwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi
sila agad mapapalitan.

22. Ang tekstong persuweysib ay may katangiang


A. baguhin ang takbo ng isip ng mambabasa batay sa opinyon at karanasan.
B. mapaniwala ang mambabasa batay sa mga datos at mga ebidensiya.
C. mailahad ang maayos na mga detalye, kaisipan at mga ideya
D. makilala ang paksa at mailarawan ang mga tauhan, kaisipan, at mga pangyayari.

5
Alas nuebe pa lang. Paglabas ko sa kusina, nagtimpla ako ng kape. Bubuksan ko
sana ang TV pero mas pinili kong maupo na lamang malapit sa hapag-kainan. Napansin ko
ang dyaryong nakakalat sa mesa. Ibinaba ko muna ang tasa upang makapagbasa. October
12, 2007, bago, ngayong araw lang ito.
-halaw sa “Tampisaw sa Lason” ni Eljay Castro Deldoc
23. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng elemento, ano ang
tawag sa elemento kung saan may maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa teksto upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda?
A. Tagpuan B. Banghay C. Tauhan D. Obhetibo

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakarinig ako ng malakas na


ingay sa labas. Nagulat ako. Nataranta. Hindi ako makabangon, parang napako ako sa
pagkakahiga. Pinilit kong ibuka ang aking bibig para humingi ng tulong, pero nabigo ako.
Sinikap kong igalaw ang aking mga kamay at paa. Pero parang may pumipigil sa akin.
Tulong, tulong! Isinisigaw ng aking isip. Maya-maya, nasilaw ako. Binuksan ni Ina ang ilaw
at nilapitan ako. Ginising niya ako, binabangungot pala ako.

24. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pananaw,
saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa mga bagay na kaniyang
nararanasan, naaalala, o naririnig sa kuwento?
A. Unang Panauhan C. Ikatlong Panauhan
B. Ikalawang Panauhan D. Ikaapat na Panauhan
Pagluluto ng Egg Souffle.
1. Una, kumuha ng dalwang bowl na pwede pag lagyan ng itlog.
2. Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog.
3. Ikatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
4. Ang puti ay ilagay sa isang bowl, at ang yellow ay ilagay sa isa pa.
5. Lagyan ng isang kutsarang kalamay ang puti ng itlog at haluin hanggang maging
-“whipped cream” like ang mukha nito.
6. Lagyan ng asin ang yellow ng itlog at haluin rin.
7. Ihalo ang yellow na timpla sa puti ng itlog.
8. Lagyan ng butter ang mainit na frying pan.
9. Ilagay ang hinalong itlog sa low-medium heat.
10.Hintaying maluto.
https://philnews.ph/2020/04/09/halimbawa-ng-tekstong-prosidyural-kahulugan-at-
halimbawa/
25. Isa sa katangian at kalikasan ng tekstong ito ang makapagbigay ng sunod-sunod na
direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain
na ligtas, episyente, at angkop sa paraan.
A. Prosidyural C. Argumentatibo
B. Persweysib C. Deskriptibo

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling


halimbawang teksto

26. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
a. salita c. mensahe
b. pangungusap d. sugnay
27.Ang “at” sa tambalang pangungusap ay nagsisilbing:
a. Pandiwa c. panghalip
b. Pang-ugnay d. pangatnig
28. Naku! Naubos ko ang iyong tinapay. Ibibili nalang kita ng kapalit

6
a. Elipsis c. Leksikal
b. Substitusyon d. pang-ugnay
29.Masayang nagbasa ang mga bata. Ang mga bata ay natuto sa binasa.
a. Elipsis c. Leksikal
b. Substitusyon d. pang-ugnay
30. Susi ang magandang paliwanag at pagsasalita upang mahikayat ang mamamayan na
making sa kanya.
a. Elipsis b. Leksikal
b. Substitusyon d. pang-ugnay

Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang


teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

31. Nabasa mo sa isang pahayagan na muling naglalabas ng SMOG ang Bulkang taal.
Anong uri ng teksto ang nakapaloob dito?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

32. Tinanong ka ng iyong guro kung ano ang tekstong maihahalintulad sa isang larawang
ipininta o iginuhit.
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

33. Anong elemento ng tekstong naratibo ang nagsasaad sa maayos na daloy o pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari?
A. Banghay B. Paksa o tema C Tagpuan at panahon D. Tauhan

Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong


binasa

34. Ayon sa American Chemist Society, umaabot sa halos 129 na bilyong disposable masks
at 65 bilyong disposable gloves ang ginagamit kada buwan ngayong panahon ng
pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa kabila ng pagkakaroon ng bakuna,
inaasahang ilang taon pa bago maging sapat ang suplay nito para sa lahat ng mamamayan.
Dahil dito, nakaamba ang panibagong krisis: ang tambak ng basurang mula sa PPEs.
(https://www.plaridel.ph/index.php/2021/03/11/bundok-ng-basurang-ppe-krisis-
pangkalikasan-mula-sa-pandemya/)
Anong kaisipan ang nakapaloob sa teksto?
A. Pagtambak ng basura mula sa PPEs
B. Kakulangan ng suplay ng bakuna
C. American Chemist Society
D. Pandemyang coronavirus disease 2019

35. Dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, ang pera natin dating sapat para sa isang punong
grocery kart ay kulang na ngayon para sa mga pangunahing pangangailangan natin.
Nasusukat ang implasyon gamit ang inflation rate, o bilis ng pagtaas ng presyo ng isang
basket ng mga produkto at serbisyo. Isa sa pinakamalaking dahilan ng implasyon ay ang
patuloy na paggawa ng bagong pera. Halimbawa, dahil sa pandemyang ito, kinailangang
magpalabas ng pera ang gobyerno para maipamigay sa mga nangangailangan. Pero, dahil
sa pagdami ng pera sa isang ekonomiya, mas kakaunti na lamang ang mabibili nito.
Alin sa sumusunod na ang pinakamainam na nagbibigay-kahulugan sa implasyon?
A. kakauntian ng mabibiling produkto

7
B. paglalabas ng pera ng gobyerno
C. patuloy na paggawa ng bagong pera
D. pagtaas ng presyo ng bilihin
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa
Kalinawan,Kaugnayan at Bisa sa reaksyong papel na isinulat

36.Ginagamit kung sasabihing muli ang nakuhang ideya o kaisipan mula sa sanggunian
ngunit gagamitin ang sariling salita.
A. Direktang sipi B. Paraphrasing C. Pagbubuod D. Red
herring

37.Pumupukaw sa interes ng mambabasa, sa damdamin, kaisipan at kaasalan


A. Kalinawan B. Kaugnayan C. Bisa D. Kawilihan
38.Isinusulat kung tuwirang kinopya lahat ng salita mula sa sanggunian at gingamit ito
upang suportahan ang katwiran at pabulaanana nag panig ng may akda.
A. Direktang sipi B. Paraphrasing C. Pagbubuod D. Red
herring
39.Karaniwan nang nagsisimula ito sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa at
inilalahad din dito ang authorial stance o ang pananawa ng may akda.
A. Panimula B. Katawan C. iskema D. Wakas
40.Tumutukoy sa paglalahad ng katarungan, patas o balanseng panghuhusga sa mga
pangyayaring tinatalakay.
A. Bahagi sa pagsulat C. Reaksyong papel
B. Hakbang sa pagsulat D. Elemento ng akda

You might also like