You are on page 1of 6

DAILY Paaralan Verdant Homes Elementary School Baitang II

LESSON Guro Zharmine E. Funtanares Asignatura Araling Panlipunan


PLAN Araw ng Pagturo October 11, 2023 Kwarter 1
Oras ng Pagturo 9:40-10:20 AM Bilang ng araw Day 3 of 5

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay…
Pangnilalaman naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng kinabibilangang komunidad
Ang mag-aaral ay…
B. Pamantayan sa
malikhaing nakapagpapahayag/ nakapagsasalarawan ng kahalagahan ng kinabibilangang
Pagganap
komunidad
Nailalarawan ang panahon at kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad AP2KOM-If-h-8
(code from Curriculum Guide)
C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) Pagkatapos ng aralin na ito, 80% ng mga mag-aaral ay…
(Kung mayroon, isulat ang 1. Nailalarawan ang kalamidad na bagyo, baha, at pagguho ng lupa na nararanasan sa sariling
pinakamahalagang komunidad;
kasanayan sa pagkatuto 2. Naiguguhit ang kalamidad na bagyo, baha at pagguho ng lupa na nararanasan sa sariling
o MELC) komunidad; at
3. Nabibigyang halaga ang paglalarawan sa kalamidad na bagyo, baha at pagguho ng lupa na
nararanasan sa sariling komunidad sa pamamagitan ng pakikilahok sa talakayan.
II. NILALAMAN Natural na Kalamidad o Sakuna sa Komunidad
Method: Deductive
Approach: Collaborative
Strategy: Jigsaw (TDAR-Think, Discuss, Act, Reflect)
Subject Integration: PE, Mathematics, Araling Panlipunan
Values Integration: Disaster Preparedness, Helpfulness
Core Values: Makakalikasan, Makabansa, Maka-Diyos
Localization: Areas in Naic affected by natural calamities
Contextualization: Pupils’ own experiences during natural calamities
III. KAGAMITAN
PANTURO
A. Mga Sanggunian
K to 12 Gabay Pangkurikulum. Araling Panlipunan 2 pp. 40-41
a. Mga Pahina sa Gabay
K to 12 Most Essential Learning Competencies pp. 29-30
ng Guro
CLMD 4A Budget of Work Version 3.0 p. 17
Pivot 4A Learner’s Materials. Grade 2. Araling Panlipunan. Quarter 1 pp. 34-37
b. Mga Pahina sa Modyul para sa Sariling Pagkatuto. Araling Panlipunan 2. Unang Markahan. Sariling Kalinangan
Kagamitang Pangmag-aaral Modyul 17. Natural na Kalamidad o Sakuna sa Sariling Komunidad
Kagamitan ng Mag-aaral. Araling Panlipunan 2. p.92
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang https://wordwall.net/resource/61669098
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Pictures, Laptop, TV, Manila paper
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

1. PAUNANG GAWAIN Panalangin


Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
Pagsusuri ng pagdalo.
Ano ang mga alituntunin natin sa loob ng silid-aralan kapag may panibagong aralin na
tatalakayin?
Balitaan
2. BALIK-ARAL Tama o Mali
Gawin ang dub gesture kapag tama ang nilalarawan sa pangungusap, at ekis gesture naman ng
mali.
Kapag ginawa ang dalawang gesture na ito, anong uri ng kilos ang inyong ginagawa, lokomotor
o ‘di-lokomotor? (Integrasyon: PE)

https://wordwall.net/resource/61669098

1. Ang panahon ay ang pang-araw-araw na kalagayan ng ating paligid na may kinalaman sa init
at ulan ng ating kapaligiran. (Tama)
2. Ang tag-init ay may makulimlim na kalangitan at pumapatak ang tubig mula roon. (Mali)
Paano magiging tama? (tag-ulan)
3. Ang tag-ulan ay nagsisimula sa buwan ng Mayo hanggang Oktubre. (Tama)
4. Enero hanggang Hulyo ang panahon ng tag-init. (Mali) Paano magiging tama? (Nobyembre
hanggang Abril)
5. Tuwing tag-init ay uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration o kakulangan
ng tubig sa katawan. (Tama)

3. PAGGANYAK Pangkatang gawain


Ano ang dapat tandaan kapag magkakaroon ng pangkatang gawain?

PUZZLE!

Buuhin ang puzzle na ibibigay ng guro. Bibigyan lamang ng 20 segundo upang mabuo ang
puzzle. Pagkatapos ay idikit ang nabuong puzzle sa pisara.

Pangkat Santol Pangkat Saging Pangkat Suha

4. PAGLALAHAD Anong mga bagay ang makikita sa puzzle na binuo ng pangkat Santol? (May malakas na hangin
(THINK) at ulan)
Ano ang tawag natin sa pangyayaring ito? (Bagyo)
Paano natin mailalarawan ang bagyo?

Ano namang mga bagay ang makikita sa puzzle na binuo ng pangkat Saging? (Nakalubog sa
tubig ang mga bahay)
Ano ang tawag natin sa pangyayaring ito? (Baha)
Paano natin mailalarawan ang baha?

Ano naming mga bagay ang makikita sa puzzle na binuo ng pangkat Suha? (Naharangan ng lupa
mula sa bundok ang kalsada)
Ano naman ang tawag natin sa pangyayaring ito? (Pagguho ng lupa o landslide)
Paano natin mailalarawan ang landslide o pagguho ng lupa?

5. PAGTATALAKAY Ayon sa mg larawang nakita natin, ano kaya ang tawag natin sa tatlong pangyayaring ito?
(DISCUSS) (Kalamidad o Sakuna)

Sa palagay ninyo, ano kaya ang ibig sabihin ng Kalamidad o Sakuna?

Ang kalamidad ay itinuturing na pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran,


ari-arian, kalusugan at ng mga tao sa lipunan o komunidad.

Ang bagyo, baha, landslide o pagguho ng lupa ay mga halimbawa ng natural na kalamidad.
Ito ay nagdudulot ng iba-ibang epekto sa anyong lupa, tubig, at sa tao. Nasisira nito ang mga
puno at halaman, kagamitan, bahay, gusali, at iba pa. Nagdudulot din ito ng sakit sa mga tao at
kung minsan ay kamatayan.

Bagyo
Sa palagay ninyo, paano kaya nagkakaroon ng bagyo?

Ang bagyo ay napakasamang lagay ng panahon na may dalang malakas na hangin, ulan, kulog at
kidlat. Nagiging dahilan ito ng pagkasira at pagkatumba ng mga bahay, gusali, puno, halaman,
poste at iba pa.
Tignan ang mga halimbawa ng pagbaha sa Naic at iba pang bahagi ng Cavite.
Halimbawa:

Sabang Balsahan Bacoor


Bilang bata, paano mo paghahandaan ang pagdating ng bagyo upang tayo ay maging ligtas?

Baha
Sa palagay ninyo, paano naman kaya nagkakaroon ng baha? Bakit kaya bumabaha sa isang
lugar?

Ang pagbaha ay dulot ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig mula sa ilog.
Sanhi ito ng pagpuputol ng puno, pagmimina sa kagubatan at hindi tamang pagtapon ng basura.
Halimbawa:

Sabang Bancaan Bucana Malaki


Bilang bata, paano mo paghahandaan ang pagdating ng baha upang tayo ay maging ligtas?

Pagguho ng Lupa o Landslide


Sa palagay ninyo, paano kaya nagkakaroon ng landslide? Bakit kaya gumuguho ang lupa mula sa
bundok?

Ang pagguho ng lupa ay pagbagsak ng lupa mula sa matarik na bundok sanhi ng paglambot ng
lupa dahil sa matinding pag-ulan o pagyanig ng lupa.
Halimbawa:

Bailen Indang Landslide Road Sign (Warning Sign)


Bilang bata, paano mo paghahandaan ang pagkakaroon ng landslide upang tayo ay maging
ligtas?

Alin sa mga kagamitang ito ang maaaring ihanda tuwing may sakuna sa sariling komunidad?

Kapag hindi maiiwasang mapinsala ang ating tahanan, sino-sino sa mga bumubuo sa komunidad
tayo pwedeng lumapit para humingi ng tulong? Paano sila makatutulong sa atin?

6. PAGPAPAHAYAG NG ILARAWAN MO!


KAALAMAN Buuhin ang graphic organizer na bulaklak. Bumunot ng papel na nasa paso at basahin ang
nakapaloob dito. Sa gabay ng larawan na nasa gitna ng bulaklak, ilagay ang nabunot na papel sa
inilalarawan nitong kalamidad.

Ilan ang bulaklak? Ilang petal mayroon sa bawat bulaklak? Kapag pinagsama-sama lahat ng
petal, ilan ang kabuuang petal? Basahin natin ang mga nakasulat sa petal na tumutukoy sa
larawan na nasa gitna.

Maliban sa mga nakasaad sa petal, paano pa natin mailalarawan ang mga kalamidad na bagyo,
baha at pagguho ng lupa sa ating komunidad?

7. PAGLALAPAT (ACT) Iguhit Mo!


Pangkatang Gawain
Ano ang dapat tandaan kapag magkakaroon ng pangkatang gawain?

Pangkat Santol – Ipakita kung ano sa palagay ninyo ang dapat gawin kapag nagkaroon ng bagyo
sa inyong sariling komunidad sa pamamagitan ng paggguhit.
Pangkat Saging – Ipakita kung ano sa palagay ninyo ang dapat gawin kapag nagkaroon ng baha
sa inyong sariling komunidad sa pamamagitan ng pagguhit.
Pangkat Suha – Ipakita kung ano sa palagay ninyo ang dapat gawin kapag nagkaroon ng
landslide sa inyong sariling komunidad sa pamamagitan ng pagguhit.

Rubric
Batayan/ Pamantayan Pangkat Santol Pangkat Saging Pangkat Suha
Mahusay na sinunod ang panuto sa
paggawa ng gawain
Malinis at maayos ang kabuuang
presentasyon
Natapos sa takdang oras ang pangkat
Nakita ang pagkatutulungan at
pagkakaisa ng mga bawat isa
Tahimik at maayos na naisagawa ang
gawain
ISKOR
9. PAGLALAHAT Ano-ano ang mga kalamidad na tinalakay natin ngayon?
(REFLECT) Paano natin inilarawan ang bagyo? baha? landslide o pagguho ng lupa?
Bakit kailangang maging handa tayo bago pa man magkaroon ng kalamidad?
10. PAGTATAYA Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Malakas ang ulan sa komunidad ni Carlo sa Verdant Homes. Kumatok sa kanilang pintuan ang
opisyal ng barangay upang anyayahan silang lumikas at pumunta sa evacuation center dahil unti-
unti nang tumataas ang tubig sa Water Ways sa Saklangan malapit sa kanila. Ano ang maaaring
gawin ni Carlo?

a. Huwag pansinin ang opisyal ng barangay.


b. Pumunta na kaagad sa evacuation center.
c. Bago bumaha ay pumunta na kaagad sa evacuation center at dalhin ang mga mahahalagang
bagay kagaya ng first aid kit, flash light, tubig, pagkain, kumot at iba pa.
d. Paalalahanan ang magulang sa mga bagay na dadalhin pagpunta sa evacuation center.

2. Nakasilip si Eurie sa bintana habang napakalakas ng hangin at ulan na may kasamang kulog at
kidlat. Nakita niya ang pagtangay ng hangin sa bubong ng bahay ng kanilang kapitbahay. Ano
kaya ang kalamidad na maaaring mangyari?
a. bagyo
b. pagguho ng lupa
c. baha
d. landslide

3. Malapit sa bundok ang tirahan nila Racel. Anong kalamidad o sakuna ang pwedeng mangyari
kapag walang tigil na bumuhos ang ulan sa kanilang komunidad?
a. baha
b. bagyo
c. sakuna
d. pagguho ng lupa
8. PAGPAPAHALAGA Bilang isang bata, paano mo maibabahagi ang iyong kaalaman tungkol sa kalamidad na bagyo,
baha at pagguho ng lupa? Sa iyong murang edad, makatutulong ka na ba kapag magkaroon ng
kalamidad sa iyong komunidad? Paano? (Indicator 3: Applied a range of strategies to develop
critical and creative thinking, as well as other higher-order thinking skills.)

Para sa karagdagang kaalaman, sa oras na iyong maranasan ang kalamidad, manatiling alerto at
kalmado, at higit sa lahat ay manalangin sa Poong Maykapal.
11. KARAGDAGANG Takdang Aralin
GAWAIN/TAKDANG
ARALIN Maglista ng limang (5) wastong gawain at pagkilos sa tahanan sa panahon ng kalamidad.

V. PAGNINILAY
1. Bilang ng mga mag- 21 sa 32 na mga bata ang nakakuha ng 80% at pataas na marka sa pagtataya.
aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
2. Bilang ng mag-aaral na 11 na mag-aaral ang nangagailangan ng iba pang gawain para sa remediation
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
3. Nakatulong ba 9 sa 11 na mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain ang nakaunawa sa aralin
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
4. Bilang ng mag-aaral na 2 na mag-aaral ang magpapatuloy sa remediation
magpapatuloy sa
remediation.

5. Alin sa mga Ang paggamit ng inobasyon gamit ang materyal sa pagtuturo na gawa ng guro, mga totoong
istratehiyang pagtuturo ang bagay na nahahawakan at nakikita, angkop na ekspresyon ng mukha at lakas ng boses, paglapat
nakatulong ng lubos? ng scaffolding at springboard mula sa pagganyak at talakayan at ang pagpasok ng integrasyon sa
kapareho at ibang asignatura ay nakatulong upang maging epektibo ang pagtuturo ng aralin.
Paano ito nakatulong?

6. Anong suliranin ang Ibinahagi sa akin ng aking Ulong Guro ang tamang paraan ng pagsagawa ng Paglalahat ng aralin
aking naranasan na upang masiguro ang kasanayan ng mga mag-aaral kung saan maaaring tanggalin na ang mga
solusyunan sa tulong ng materyal sa pagtuturo na nakadikit sa pisara at isulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa mga
tanong, ang pagbigay ng sapat lamang na halimbawa para hindi lumampas sa oras ang pagtuturo,
aking punong guro at
at ang paghawan ng balakid upang mas mabilis na maintindihan ang paksang aralin.
suberbisor?

7. Anong kagamitang Naging matagumpay ang paggamit inobasyon na may pamagat ng Bulaklak ng Karunungan sa
panturo ang aking paglinang ng kabihasaan na nagpaengganyo sa mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

ZHARMINE E. FUNTANARES
Teacher I
Iwinasto ni:

JANICE D. MAGPILI
Head Teacher I

Proficiency Level
No. of Cases: 32

Score x Cases

5 x __ = __

4 x __ = __

3 x __ = __

2 x __ = __

1 x __ = __

Total = ___ / ___ (No. of cases)

Mean = ____

Average (MPS) = ____ Mean / ___ No. of items

= _____

Reflection

A. No. of learners earned 80% in the evaluation.

B. No. of learners who required remediation.

C. Did the remedial work? No. of learners who have


caught up.

D. No. of learner who continue to require remediation.

E. Which of my teaching strategies work well?

F. What difficulty did I encounter which my principal and


supervisor help me solve?

G. What innovation or localized materials did I use?

You might also like