You are on page 1of 4

ST. MARY’S COLLEGE BAGANGA, INC.

Conception Street, Baganga


Davao Oriental
S.Y. 2021-2022

Banghay Aralin

Department: BED Kwarter: Una Petssa: March 18,2022


Asignatura/Baitang: Sibika 5 Yunit: I Leksyon: 2

Paglilipat ng natutunan:

Ang mga mag-aaral ay inaasahang malayang magagamit ang mga natutuhan sa paggamit ng
kaalaman sa kasanayan Pangheograpikal ng mga solusyon sa pangunahing problema o isyung pangkapaligiran
ng sariling pamayanan bilang responsible at mapagmahal na mamayan sa mga biyayang pinagkaloob ng diyos.

Pamalagiang Kaalaman:

1. Kailangang matutunan natin ang mga lugar sensitibo sa panganib upang maiwasan ang
kapahamakan sa buhay at ari-arian.
2. Mahalaga ang paghahanda at wastong pagtugon sa mga sakuna upang mapangalagaan ang
kaligtasan ng sarili at pamilya.

Mahalagang Katananguan:

1. Bakit kailangang malaman kung aling bahagi ng iyong lalawigan ang sensitibo sa panganib?
2. Bakit mahalaga ang paghahanda at wastong pagtugon sa mga sakuna?

I. Pambungad na Gawain

Balik-Tanaw:
Mga Anyong lupa at Anyong tubig
Tanong:
1. Anu-anong mga anyong tubig at anyong lupa ang matatagpuan sa ibat ibang lalawigan at
rehiyon sa ating bansa?
2. Alin sa mga ito ang matatagpuan sa inyong lalawigan?

Pokus:
Mga lugar na Sensitibo sa Panganib

Vocabulary:

 Hazard Map- Batayan upang malaman ang mga lugar na maaring apektado ng isang
panganib.
 Fault line- Madalas nagaganap ang mgapaglindol
 Landslide- Ang pagdausdos ng lupa, bato,at putik pababa ng bundok.
 Lahar- tawag sa rumaragasang putik ng pinaghalong tubig sa bulkanik na material.
 Tsunami- Ay pangkat ng dambuhalang alon na dulot ng paggalaw ng at pagputok ng bulkan
sa ilalim ng lupa.

Pagganyak:

Magpapakita ang guro ng video tungkol sa mga mapanganib na lugar at tatanungin ng guro ang mga
mag-aaral kung ano ang kanilang masasabi base sa kanilang nakita.

Pagkuha ng dating kaalaman:

Tanong: Anu-ano sa mga sakunang dala ng kalikasan ang nararanasan na sa inyong lalawigan o
rehiyon?
II. Pagpapalawak ng aralin:

A. Paglalahad ng Konsepto

Ang mga mag-aaral ay makakaunawa:

1. Mga lugar na Sensitibo sa Panganib

Ang mga mag-aaral inaasahang:

1. Natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya neto
2. Nakagagawa ng maagap at wastong pagtugon sa mga panganib na madalas mararanasan sa sariling
rehiyon.

B. Pangkatang gawain

Hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral at Sila ay gagawa ng dula kung paano nila
tutugunan ang mapipili nilang lugar na mapanganib. Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto at 2
minuto naman sa presenhtasyon.

Pamantayan :

Pamantayan 5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos

Nilalaman Kompleto at May ilang kakulangan sa Maraming kakulangan


komprehensibo ang nilalaman ng dula. May ang ipinapakita sa
nilalaman at wasto ang ilang maling nilalaman.
impormasyon. impormasyon ang
ipinapakita.

Kooperasyon Nagtutulungan ang Iilan lamang ang mga Ang lider lamang ang
bawat membro sa tumulong sa paggawa tanging gumagawa ng
pagbuo ng dula. ng dula. dula.

Presentasyon May pagkamalikhain, Hindi masyadong Hindi maayos


maayos ang pagkagawa nagpapakita ng presentasyon at hindi
at naayun sa konsepto. pagkamalikhain at hindi gaanong nauunawaan
gaanong maayos and ang konsepto.
pagkagawa.

C. Pagpapalawak ng konsepto:

1. Paano magagamit ang iyong mga natutunan upang tiyakin ang kaligtasan ng iyong sarili at pamilya sa
sakuna?
2. Bakit mahalagang malaman kung ligtas ang iyong lalawigan mula sa mga panganib?

D. Integrasyon

ICV/RV: (Paglilingkod/Pagkakatiwala)

Paghihiwatig: Inilalaan ang sarili sa paglilingkod sa anumang oras or lugar kung kinakailangan

Bigyang-diin sa mga bata ang pagiging handa sa sarili upang maging isang responsableng
mamamayan.

Tanong: Bilang isang mag-aaral, handa ka bang tumulong sa mga taong nangangailangan sa anumang
panahon? Sa paanong Paraan?
Panlipunang Oryentasyon:(Maling pagpili ng Lugar na titirahan )

Paggamit ng sariling natutunan upang matiyak ang kaligtasang ng sarili at ibang Tao.

Tanong: Nalaman mong may kamag-anak kang may balak magtayo ng bahay malapit sa isang
malaking ilog. Bilang isang mabuting kamag-anak, Paano mo sila kukumbinsihin upang Malayu sila sa
sakuna ?

LAD: Health (Safety guidelines during disasters, emergency, and other high-risk situation)

Ask: Ilarawan ang mga bagay na dapat nating isaalang-alang kung may paparating na kalamidad o
sakuna?

BR: Lukas 6:35.

Gumawa kayo ng mabuti, magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon,
malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo.

Tanong: Bilang mabuting mag-aaral, ano ang pakiramdam na nakakatulong ka sa iyong kapwa?

III. Ebalwasyon

Pagtatasa sa Natutuhan

A: Pumili ng wastong sagot. Komletohin ang pangugusap. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ang ________ ay ang mga dambuhalang alon na dulot ng paggalaw ng lupa at pagputok ng
bulkan sa ilalim ng karagatan.
a. alon c. tsunami
b. landslide d. pagputok ng bulkan

2. Mapanganib manirahan sa ______ ng bulkan.


a. paanan c. malapit
b. dalisdis d. lahat ng nabangggit

3. Makikita sa _____ ang mga lugar sa lalawigan o rehiyon sa sensitibo sa sakuna.


a. mapang pisikal c. hazard map
b. mapang political d. wala sa mga nabanggit

4. Ang ____ ang rumaragasang putik ng pinaghalong tubig at bulkanik na material.


a. lindol c. tsunami
b.pagbabaha d.lahar

5. Ang ______ ay ang pagdausdos ng lupa, bato, o putik pababa ng bundok.


a. lindol c. landslide
b. tsunami d. lahar

B. Tama o mali. Lagyan ng tsek ang mga pahayag na nagpapakita ng wasto at maagap na pagtugon sa
sakuna.

6. Maghanda ng survival kit


7. Makinig sa balita
8. Lumikas ang mga pamilya malayo sa ilog kapag sunod-sunod ang malakas na ulan.
9. Lumiban sa klase tuwing may earthquake drill
10. Mag-imbak ng karne, prutas, at gulay bilang paghahanda sa bagyo o lindol.
IV. Pagbubuod/ Aksyon

 Ano-anu ang iyong natutunan sa araw na ito?


 Bakit mahalagang malaman kung ligtas an iyong lalawigan mula sa mga sakuna?
 Paano magagamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito upang tiyakin ang kaligtasan ng
iyong pamilya sa sakuna?

V. Purposive Assignment

Kumuha ng mapa ng iyong lalawigan. Tukuyin sa mapa ang mga lugar na sensitibo sa panganib sa
tulong ng iyong mga magulang at local na pinuno. Idikit ang mapa sa isang bond paper.

Mga sanggunian:

Kultura, kasaysayan at Kabuhayan 3


Lydia N. Agno. Ed.D. et.al
Pahina 52-57

Mga Kagamitan:

 PowerPoint
 Visual aids

Inihanda ni: Iniwasto ni at inobserbahan ni:

CARL IRA P. CABALHIN Gng. EDNA DELOS REYES


Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like