You are on page 1of 7

ST. MARY’S COLLEGE BAGANGA, INC.

Conception Street, Baganga

Davao Oriental

S.Y. 2021-2022

Banghay Aralin

Department: BEED Kwarter: Una Petssa:


April 30,2022

Asignatura/Baitang: Sibika 5 Yunit: I Leksyon: 2

Paglilipat ng natutunan:

Ang mga mag-aaral ay inaasahang malayang magagamit ang mga natutuhan sa


paggamit ng kaalaman sa kasanayan Pangheograpikal ng mga solusyon sa pangunahing
problema o isyung pangkapaligiran ng sariling pamayanan bilang responsible at mapagmahal na
mamayan sa mga biyayang pinagkaloob ng diyos.

Pamalagiang Kaalaman:

1. Kailangang matutunan natin ang mga lugar sensitibo sa panganib upang maiwasan ang
kapahamakan sa buhay at ari-arian.

2. Mahalaga ang paghahanda at wastong pagtugon sa mga sakuna upang mapangalagaan ang
kaligtasan ng sarili at pamilya.

Mahalagang Katananguan:

1. Bakit kailangang malaman kung aling bahagi ng iyong lalawigan ang sensitibo sa panganib?

2. Bakit mahalaga ang paghahanda at wastong pagtugon sa mga sakuna?

I. Pambungad na Gawain
Balik-Tanaw:

Mga Anyong lupa at Anyong tubig

Tanong:

1. Anu-anong mga anyong tubig at anyong lupa ang matatagpuan sa ibat ibang
lalawigan at rehiyon sa ating bansa?

2. Alin sa mga ito ang matatagpuan sa inyong lalawigan?

Pokus:

Mga lugar na Sensitibo sa Panganib

Vocabulary:

Ø Hazard Map- Batayan upang malaman ang mga lugar na maaring apektado
ng isang panganib.

Ø Fault line- Madalas nagaganap ang mgapaglindol

Ø Landslide- Ang pagdausdos ng lupa, bato,at putik pababa ng bundok.

Ø Lahar- tawag sa rumaragasang putik ng pinaghalong tubig sa bulkanik na


material.

Ø Tsunami- Ay pangkat ng dambuhalang alon na dulot ng paggalaw ng at


pagputok ng bulkan sa ilalim ng lupa.

Pagganyak:

Magpapakita ang guro ng video tungkol sa mga mapanganib na lugar at tatanungin ng guro
ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang masasabi base sa kanilang nakita.

Pagkuha ng dating kaalaman:


Tanong: Anu-ano sa mga sakunang dala ng kalikasan ang nararanasan na sa inyong lalawigan
o rehiyon?

II. Pagpapalawak ng aralin:

A. Paglalahad ng Konsepto

Ang mga mag-aaral ay makakaunawa:

1. Mga lugar na Sensitibo sa Panganib

Ang mga mag-aaral inaasahang:

1. Natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya


neto

2. Nakagagawa ng maagap at wastong pagtugon sa mga panganib na madalas


mararanasan sa sariling rehiyon.

B. Pangkatang gawain

Hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral at Sila ay gagawa ng dula kung
paano nila tutugunan ang mapipili nilang lugar na mapanganib. Gawin ito sa loob ng
limang (5) minuto at 2 minuto naman sa presenhtasyon.

Pamantayan :

Pamantayan 5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos

Nilalaman Kompleto at May ilang Maraming


komprehensibo ang kakulangan sa kakulangan ang
nilalaman at wasto nilalaman ng dula. ipinapakita sa
ang impormasyon. May ilang maling nilalaman.
impormasyon ang
ipinapakita.

Kooperasyon Nagtutulungan ang Iilan lamang ang Ang lider lamang


bawat membro sa mga tumulong sa ang tanging
gumagawa ng
pagbuo ng dula. paggawa ng dula. dula.

Presentasyon May Hindi masyadong Hindi maayos


pagkamalikhain, nagpapakita ng presentasyon at
maayos ang pagkamalikhain at hindi gaanong
pagkagawa at hindi gaanong nauunawaan ang
naayun sa konsepto. maayos and konsepto.
pagkagawa.

C. Pagpapalawak ng konsepto:

1. Paano magagamit ang iyong mga natutunan upang tiyakin ang kaligtasan ng iyong sarili
at pamilya sa sakuna?

2. Bakit mahalagang malaman kung ligtas ang iyong lalawigan mula sa mga panganib?

D. Integrasyon

ICV/RV: (Paglilingkod/Pagkakatiwala)

Paghihiwatig: Inilalaan ang sarili sa paglilingkod sa anumang oras or lugar kung kinakailangan

Bigyang-diin sa mga bata ang pagiging handa sa sarili upang maging isang
responsableng mamamayan.

Tanong: Bilang isang mag-aaral, handa ka bang tumulong sa mga taong


nangangailangan sa anumang panahon? Sa paanong Paraan?

Panlipunang Oryentasyon:(Maling pagpili ng Lugar na titirahan )


Paggamit ng sariling natutunan upang matiyak ang kaligtasang ng sarili at ibang Tao.

Tanong: Nalaman mong may kamag-anak kang may balak magtayo ng bahay malapit sa
isang malaking ilog. Bilang isang mabuting kamag-anak, Paano mo sila kukumbinsihin
upang Malayu sila sa sakuna ?

LAD: Health (Safety guidelines during disasters, emergency, and other high-risk situation)

Ask: Ilarawan ang mga bagay na dapat nating isaalang-alang kung may paparating na
kalamidad o sakuna?

BR: Lukas 6:35.

Gumawa kayo ng mabuti, magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran.


Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo.

Tanong: Bilang mabuting mag-aaral, ano ang pakiramdam na nakakatulong ka sa iyong


kapwa?

III. Ebalwasyon

Pagtatasa sa Natutuhan

A: Pumili ng wastong sagot. Komletohin ang pangugusap. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ang ________ ay ang mga dambuhalang alon na dulot ng paggalaw ng lupa


at pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.

a. alon c. tsunami

b. landslide d. pagputok ng bulkan

2. Mapanganib manirahan sa ______ ng bulkan.

a. paanan c. malapit

b. dalisdis d. lahat ng nabangggit

3. Makikita sa _____ ang mga lugar sa lalawigan o rehiyon sa sensitibo sa


sakuna.

a. mapang pisikal c. hazard map


b. mapang political d. wala sa mga nabanggit

4. Ang ____ ang rumaragasang putik ng pinaghalong tubig at bulkanik na


material.

a. lindol c. tsunami

b.pagbabaha d.lahar

5. Ang ______ ay ang pagdausdos ng lupa, bato, o putik pababa ng bundok.

a. lindol c. landslide

b. tsunami d. lahar

B. Tama o mali. Lagyan ng tsek ang mga pahayag na nagpapakita ng wasto at maagap
na pagtugon sa sakuna.

6. Maghanda ng survival kit

7. Makinig sa balita

8. Lumikas ang mga pamilya malayo sa ilog kapag sunod-sunod ang malakas na
ulan.

9. Lumiban sa klase tuwing may earthquake drill

10. Mag-imbak ng karne, prutas, at gulay bilang paghahanda sa bagyo o lindol.

IV. Pagbubuod/ Aksyon

· Ano-anu ang iyong natutunan sa araw na ito?

· Bakit mahalagang malaman kung ligtas an iyong lalawigan mula sa mga


sakuna?

· Paano magagamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito upang tiyakin ang
kaligtasan ng iyong pamilya sa sakuna?
V. Purposive Assignment

Kumuha ng mapa ng iyong lalawigan. Tukuyin sa mapa ang mga lugar na sensitibo sa panganib
sa tulong ng iyong mga magulang at local na pinuno. Idikit ang mapa sa isang bond paper.

Mga sanggunian:

Kultura, kasaysayan at Kabuhayan 3

Lydia N. Agno. Ed.D. et.al

Pahina 52-57

Mga Kagamitan:

Ø PowerPoint

Ø Visual aids

Inihanda ni: Iniwasto ni at inobserbahan ni:

JOHN ANTHONY S. PIAMONTE RICKY D. SARMIENTO

Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like