You are on page 1of 20

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10
Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran
Unang Markahan - Modyul 4

Mary Rhine B. Mallorca


Meraliza M. Zarate
Mga Manunul at
Mark Joseph C. Fernandez
Tagasuri
Mariel Eugene L. Luna
Editor

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Alamin

Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating kaalaman at pag-unawa


tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan. Simulan mo ito sa
pamamagitan ng pagtupad sa susunod na gawain.

Ang modyul na inihanda para sa iyo ay sumasaklaw sa pagtalakay ng


Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.

Sa pagtatapos ng mga aralin at Gawain, ikaw ay inaasahang -


1. Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng
CBDRRM Plan.
2. Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottom up approach sa pagharap sa
suliraning pangkapaligiran.
3. Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na approach sa pagharap sa suliraning
pangkapaligiran .

Subukin

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ng wasto ang tamang
sagot.
1 Anong likas na yaman ang tumatalakay sa pagiging bahagi ng kagubatan bilang
tirahan ng tao na kung saan din nagmumula ang mga pangunahing
pangangailanagn ng Tao?

A. Yamang tubig
B. Yamang gubat
C. Yamang lupa
D. Yamang mineral

2
2. Ano-anong mga aspeto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa
Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan
B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
D. Wala sa Nabanggit.

3. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586
C. Republic Act 8742 D. Republic Act 7582
D. Republic Act 8742 D. Republic Act 7514

4. Ang mga sumusunod ay katotohanan tungkol sa datos ng forest cover ng Pilipinas.


Alin ang HINDI?
A. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa
kasalukuyan
B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.
C. Nagkaroon ng pagliit sa forest cover ng Pilipinas hanggang sa
kasalukuyan.
D. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.

5. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga


suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t
ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Lahat ng nabanggit.

6. Ano sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dinamikong proseso na sumasakop


sa pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol?
A. Disaster C. Resilience
B. Hazard D. Vulnerability

7. Ito ay bunga ng mga gawain ng tao. Anong uri ng Hazard ito?


A. Anthropogenic Hazard C. Resilience
B. Natural Hazard D. Vulnerability

8. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging dulot ng kalikasan gawa ng


bantang mga gawain ng tao?
A. Autumn C. Resilience
B. Hazard D. Risk

9. Kadalasanng naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng


kabuhayan. Ano ang tintukoy nito?
A. Anthropogenic Hazard C. Resilience
B. Disaster D. Vulnerability

3
10. Ano ang tawag sa kakayahan ng pamamayanan na harapin ang mga epeketo
ng kalamidad?
A. Natural Hazard C. Resilience
B. Risk D. Vulnerability

II. Tukuyin kung anong konsepto na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and
Management ang tinutukoy. Piliin ang titik lamang bilang tamang sagot
.
11. Maagang umuwi ng bahay si Kim Chu mula sa kanilang trabaho dahil sa may
paparating na bagyo.
A. Anthropogenic hazard C. Natural Hazard
B. Disaster D. Risk

12. Nangangamba si Coco na magkasakit ang kanyang buntis na asawa at isang


taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang lugar.
A. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard
B. Disaster D. Calamity

13. Isa ang pamilya ni Marco na nakaligtas mula sa pinsalang dulot ng pagputok ng
bulkang Taal na tumama sa kanilang pamayanan.
A. Disaster C. Resiliency
B. Natural hazard D. Vulnerability

14. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establilismyento dahil pinadadaan nito sa
ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto.
A. Anthropogenic Hazard C. Vulnerability
B. Disaster D. Tornado

15. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika, mga sasakyan ay isang
halimbawa ng:
A. Anthropogenic Hazard C. Risk
B. Resiliency D.Lindol

Aralin
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa
3 mga Hamong Pangkapaligiran

Bilang mag-aaral at mahalagang bahagi ng lipunan, mahalagang malaman


mo kung ano ang iba’t ibang uri ng mga hamong pangkapaligiran na ating
nararanasan upang maging angkop ang iyong gagawing pagtugon. Mahalaga rin na
masuri mo kung ano-ano ang mga sanhi at bunga ng mga isyu at hamong
pangkapaligiran sa tao, lipunan at sa ekonomiya. Ito ay iyong maging aktibong
kalahok sa mga gawain ng pamahalaang tumutugon sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran.

4
Balikan

Gawain 1: Basketball Shoot!

Sagutin ang tanong na: “Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin
at hamong pangkapaligiran?”
Isulat ang mga suliranin sa Bola ng Baketball at sa basket naman para sa
inyong solusyon .

Tuklasin
GAWAIN 2: Awit Sayo!

Pakinggan ang awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran” ng Asin. Ito ay maaari


mo makita sa youtube gamit ang link na https://www.youtube.com/watch?v=ZVV8Mk1Lja8 at
maaari mo ring maunawaan ang bawat liriko ng awitin sa sipi.

M ASDAN M O ANG KAPALIGIRAN


Asin/ Lolita Carbon
Pinagkunan: https://genius.com/Asin-masdan-mo-ang-kapaligiran-lyrics

Wala ka bang napapansin Mga batang ngayon lang isinilang


Sa iyong mga kapaligiran? May hangin pa kayang matitikman?
Kay dumi na ng hangin May mga puno pa kaya silang aakyatin
Pati na ang mga ilog natin May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Hindi na masama ang pag-unlad Bakit 'di natin pagisipan


At malayu-layo na rin ang ating narating Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Hindi na masama ang pag-unlad
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim Kung hindi nakakasira ng
kalikasandarating
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag na nating paabutin Ang panahon mga ibong gala

5
Upang kung tayo'y pumanaw man Ay wala nang madadapuan
Sariwang hangin sa langit natin Masdan mo ang mga punong dati ay kay
matitikman tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting
Mayroon lang akong hinihiling kalokohan
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin upang Lahat ng bagay na narito sa lupa
Sa ulap na lang tayo magkantahan Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika'y
wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Pagkat pag kanyang binawi, tayo'y
mawawala na

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensahe ng awiting kapaligiran?
2. Gaano kahalaga ang ating kalikasan?
3. Anu-ano ang dahilan ng unti-unting pagdumi ng ating kalikasan?
4. Bilang isang kabataan sa panahon mo ngayon, paano ka makakatulong
sa paglutas ng nasisira nating kalikasan?

Ang sagot sa mga tanong na ito ay ilan lamang sa mga dapat mong
malaman upang maging ligtas ka sa panahon ng kalamidad. Ang pagiging ligtas ng
isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay
na Disaster Management.

Suriin

Sa pag-aaral ng Disaster Management, mahalagang nauunawaan mo ang


kahulugan nito at ang mga pagkakaiba ng mga terminong ginamit upang
mailarawan ang bawat konspeto na nakapaloob dito.

Ang Disaster M anagement

 Ayon kay W . Nick Carter (1992), sa kanyang akdang Disaster Management:


A Disaster Manager’s Handbook, ito ay isang dinamikong proseso na
sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa. Pagtukoy ng mga
kasapi, pamumuno at pagkontrol.
o Kabilang din dito ang iba’t-ibang organisasyon na dapat magtulungan
at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon at
makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna,
kalamidad at hazard.
o Malinaw na sinasabi dito na hindi lamang nakasalalay sa kamay ng
pamahalaan ang pagbabalangkas ng manage ment plan, kabilang din
dito ang mga mamamayan at ang pampribado at pampublikong sektor.

6
 Ayon naman kay Ondiz at Rodito (2009) , ang disaste r ay tumutukoy
sa iba’t ibang gawainna dinise nyo upang mapanatili ang kaayusan sa
panahon ng sakuna, kalamidad at Hazard.

Narito ang mga halimbawa ng mga sakuna na nararanasan ng ating bansa:

1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng


gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay,
ari-arian, at kalikasan.
A. Anthropogenic Hazard- tumutukoy sa mga hazard na bunga ng gawain ng
mga tao. Halimbawa nito ay ang maitim na usok na ibinubuga ng mga
sasakyan at pabrika.

Pinagkunan: https://www.google.com/search?q=dalawang%20uri%20ng%20azards&client=f iref ox -b

B . Natural hazard- tumutukoy sa hazard na dulot ng kalikasan. Nabibilang


dito ang lindol, bagyo, tsunami, thunderstorms, at storm surge.

Pinagkunan: :https://www.google.com/search?q=natural+hazards&tbm=isch&ved=2ahUKEwjn04e78aHqAhUUA5QKHVDf DtwQ2-

2. Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib


at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Ang disaster
ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng
isang pamayanan na harapin ang mga hazard. Kabilang pa rin dito ang bagyo,
lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon.

Pinagkunan: https://www.google.com/search?q=disaster&tbm=isch&ved=2ahUKEwjpkdXB9KHqAhUZBaYKHYiHAbkQ2

7
3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na
may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable
ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng
kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay
na materyales.

Pinagkunan:https://ph.images.search.y ahoo.com/search/images;_y lt=Awrxhdcy avde20gAlT m1Rwx.;_y lu=X3oDMT BsZ29xY3ZzBHNlYwNzZWFy Y2gEc2xrA2J1d HRvbg

4. Risk – ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at


buhaydulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi
ngpamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang
kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.

Pinagkunan:https://www.google.com/search?q=risk+of +disaster&tbm=isch&ved=2ahUKEwiEib3K9aHqAhUI DZQKHbtCC5MQ2-

5. Resilience – ang pagiging resilientng isang komunidad ay tumutukoy sa


kakayahan ng pamayanan na harapinang mga epekto na dulot ng
kalamidad.Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay
isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari
ring ito ay makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng
kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging
ligtas sa panahon ng kalamidad.

8
Pinagkunan: https://www.google.com/search?q=resilience+in+disaster&tbm=isch&ved=2ahUKEwiRz6PO9aHqAhUZzYsBHclLAbcQ2-

Ang Dalawang Approach ng Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

Tumutukoy sa sitwasyon kung


saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay
inaasa sa mas nakatataas na
tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.

Nagsisimula sa mga
mamamayan at iba pang
sektorng lipunan ang mga
hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa mga
hamong pangkapaligiran.

Ayon kina Shesh at Zubair (2006):

o Hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng


pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang
pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng
mga namumunoang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.

Ayon kina Abarquez at Zubair (2004),

o ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng
hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtatayang mga risk na maaari nilang maranasan upang
maging handa ang komunidad at maiwasan ag malawakang pinsala sa buhay
at ari-arian.

Ayon kay Sampath (2001),


o "Kung ang isang kalamidad ay hindi handa, maaaring mas maging malubha
ang epekto ng hazard at kalamidad"

9
Gawain 3: Shout-Out!

Isulat ang mga personalidad na kabilang sa Disaster Risk Management Team sa


loob ng Thingking Diagram. Pangatwiranan ang inyong naisulat na sagot.
Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t
ibang hamong pangkapaligiran na ating nararanasan?

Tungkulin na
Personalidad
Paghahanda

a. a.

b. b.

c c.

Isaisip

Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

Ang unang aralin sa modyul na ito ay tumatalakay sa iba’t ibang suliranin at


hamong pangkapaligiran na nararanasan sa ating bansa sa kasalukuyan. Ito ay
nahahati sa tatlong bahagi: una ay ang suliranin sa solid waste, ang ikalawa ay ang
pagkaubos ng mga likas na yaman, at ang ikatlo ay nakatuon sa Climate Change.

10
Sa pagtalakay ng suliranin sa solid waste ay maaari itong simulan sa pamamagitan
ng pagsusuri sa kasunod na larawan.
Larawan A Larawan B

Pinagkukunan: https://ph.images.search.yahoo.com/search/images;?p= Pinagkunan: a_leGBQAZAa1Rwx.;_ylu=


jeepney% 20in% 20muntinlupa# id=0&iurl=https% 3A% 2F% 2F2. jeepney% 20in% 20muntinlupa# id=0&iurl=https% 3A% 2F% 2F2.
bp.blogspot.com% bp.blogspot.com%

SITW ASYON

Larawan A Larawan B

Epekto sa Tao at sa Kapaligiran

11
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang sitwasyon na maaaring maganap kasunod ng pagtatapon ng
isang pasahero ng basura? Bakit ito ang iyong naisip?

2. Sa iyong sagot sa epekto, sino sa palagay mo ang higit na nakararanas


ng mas mabigat na suliranin, ang tao o ang kapaligiran? Bakit?

3. Paano maiiwasan ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran?

Pagyamanin

Gawain 4: “KKK Chart”


Punan ng tamang sagot ang KKK chart. Gamiting batayan ang
nabuong KKK chart upang sagutin ang kasunod na tanong

Kahulugan

Top Down Approach Kalakasan

Kahinaan
Pagtugon sa mga
Hamong
Pangkapaligiran
Kahulugan

Bottom Up
Kalakasan
Approach

Kahinaan

12
Isaisip

Gawain: Three-Point Program


Panuto: Umisip at bumuo ng tatlong programa na maaaring ipatupad sa
kasalukuyang kinakaharap na krisis. Ang mga programa ay kinakailangang
kakitaan ng katangian ng kahandaan, kooperasyon at disiplina

INAASAHANG
PAMAGAT NG KAHULUGAN NG
KATANGIAN EPEKTO/
PROYEKTO PROYEKTO
SOLUSYON

KAHANDAAN

KOOPERASYON

DISIPLINA

13
Isagawa

Gawain 5: Thesis the Moment!

Suriin mabuti ang artikulong nakalathala at bumuo ng isang sanaysay para


sa iyong posisyon o kasagutan para sa isyung “Dapat bang ipagpatuloy ang mga
gawaing pangkabuhayan sa kabila ng pagkasira ng kapaligiran?”
ANG PAGPAPASARA NG M GA M INAHAN: ANG DESISYON
M ULA SA KALIHIM NG DENR
Ni: Aiza Rendon and Ira Y. Cruz (edited by Jun Del Rosario)
Mula sa http://www.dwiz882am.com/index.php/unang-yug to-ang-pagp apasar a-ng-mg a-minahan-dwiz-882-special-
report-on-mining-in-ph/

Mula sa apatnapu’t isang (41) large -scale mining sa Pilipinas ay dalawampu’t tatlo
(23) dito ang ipinasara at 6 ang ipi nasuspinde kamakailan lang ni Department of
Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez matapos ang
isinagawang mining audit ng ahensya.

Kabilang sa mga lugar na apektado ng mining closure ay ang Zambales, Samar,


Dinagat at Surigao.

Sinagot din ni Lopez kung bakit hindi kabilang sa mga ipinasarang minahan ang SR
Metals Inc. (SRMI) sa Agusan na kilalang pag-aari ng ilang miyembro ng Liberal
Party.

“When we passed it, there was no siltation it so clean eh from above. I flew over
everything. I was even towing with the fact of just letting them go on, they have two
more years to go, and in 2 years we can use their SDMP fund to really kick ass the
entire economy there, but the people ayaw nila, ang sabi ko even if it’s clean how can
we go against the people here, they really don’t want it.”

Ang desisyon ni Secretary Lopez ay maituturing na mabigat sapagkat maraming mga


malalaking kumpanya ng minahan ang kanyang babanggain, ngunit nanindigan ang
kalihim.

Aniya, labinlima (15) sa 23 minahang i pinasara ay malapit o kaya ay nasa loob


mismo ng pinagkukunan ng tubig ng komunidad.

Halimbawa na lang aniya ang nangyari sa Zambales kung saan 4 na minahan ay


magkakadugtong sa loob ng watershed.

Binigyang diin nito ang polisiya ng DENR na bawal ang minahan sa isang functional
watershed.

“Nasa loob sila ng watershed that’s the reason why we closed it because it directly
puts at risk the quality of life of the people. Tinanong ko ang tao ko, bakit pinayagan
ito? Kasi daw hindi proclaimed watershed…the law does not make a watershed a
watershed, a watershed is a watershed because it functions as a watershed. Whether
the law has proclaimed it or not, it’s a watershed and to do any kind of extractive
industry near rivers and streams inside the watershed, that’s really scary, the

14
peoples’ lives will be at risk and no amount of money a company made can be worth
that risk.” Pahayag ni Lopez

Kasabay nito ay pinasinungalingan din ni Lopez ang ulat na higit isang milyong
trabaho ang mawawala sa pagsasara ng mga minahan, aniya, umaabot lang sa 0.6
percent na kabuuang trabaho ang naibigay ng pagmimina.

Ikinumpara pa ito ng kalihim sa trabahong ipinagkakaloob ng turismo sa mga


Pilipino, na namamatay aniya dahil sa maduming pagmimina.

“Mining is not labor intensive, it is capital intensive, how can it be a million over so
many years, from BIR figures in 2014, mining has given ₱ 82.4 billion in terms of
money and 235,000 jobs over a span of 34 years, this is what I know in terms of
employment it only has employed 0.6 percent employment of the total, not even 1
percent so I don’t know where they get it. In contrast to mining, tourism has given ₱
982.4 billion of GDP and 4.7 million jobs, just compare.” Ani Lopez

Samantala, itong naging pahayag ni Lopez ay tumatalima rin sa ulat ng Philippine


Extractive Industries Transparency Initiative (PH-EITI) taong 2016 kung saan
lumalabas din na 0.6 percent lamang ang total employment rate ng sektor ng
pagmimina sa bansa..

Binigyang diin ni Lopez na hindi siya kontra sa industriya ng pagmimina ngunit


aniya sa isang lugar kagaya ng Pilipinas na napapaligiran ng tubig ay lubhang
masama ito.

Ipinunto din ng kalihim na halos lahat ng kinikita ng mga minahan ay napupunta


lang din sa may-ari nito.

“From the mining law is that 82 perce nt of the net income goes to the mining
companies whatever they give pumupunta sa kanila, 95 percent of that 82 percent
goes out of the local economy but they suffer and the money goes out, so parang
sobrang lugi tayo diyan. I’m not against mining as an industry because it has role to
play but I really think in our country of 7,000 islands na may ilog, dagat, maraming
tao, it’s very hard, the mining that can be done in Canada and Australia is not
appropriate here.” Paliwanag ni Lopez

Sinabi pa ni Lopez na handa naman ang DENR na makipagtulungan sa mga


minahan na sumusunod sa mga itinakdang panuntunan, sa mga hindi sumisira sa
kapaligiran at sa buhay ng tao.

Binanggit din ng kalihim na uubrang magamit ang pondo ng SDMP ng mga


kumpanya (Social Development and Management Programs) para sa pagpapaunlad
ng mga komunidad sa paligid ng isang minahan.

“I went to Rio Tuba (Palawan) they have a school, a hospital, their mined-out area
they’ve made it into a mangrove garden, yung mga ganun nakapasa. I even want to
help them use their SDMP (Social Development and Management Programs) fund to
have an even greater impact in the area. I’m not fighting with the mining industry, I
want to work with them.”
Rubriks ng Pagmamarka sa Sanaysay:
Krayterya Kaalamang Organisasyon Paraan ng
Ibinahagi ng Ideya Pagkakasulat
(10 puntos) (5 puntos) (5 puntos) Kabuuan
Kumpleto at Organisado, Direkta ang (20 puntos)
komprehensibo Malinaw at paglalahad na
ang pagtatalakay Lohikal ginamit
Marka

15
Tayahin

I. Identipikasyon: Tukuyin kung ano ang inilahahad ng bawat


pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
________1. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa
ng tao.

________2. tumutukoy sa mga hazard na gawa ng tao.

________3. Isang uri ng hazard na dulot ng kalikasan, halimbawa nito ay bagyo,


lindol atbp.

________4. Uri ng hazard na kagagawan ng mga tao tulad ng maiitim na usok mula
sa pabrika at mga sasakyan.

________5. Tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng


pagtama ng isang kalamidad.

________6. Tumutukoy sa kakayahan ng isang komunidad o pamayanan na


harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

_______7. Kadalasang naiimpluwensyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng


kabuhayan isang halimbawa nito ang mga bahay na gawa sa mga light
materials.

_________8. Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng


pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol.

_________9. Kahulugan ng PDRRMF

_________10. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at


pinsala sa tao, kapaligiran at mga gawaing pang-ekonomiya

II. Tama O Mali. Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng mga pangungusap
wasto at Mali naman kung Hindi.
_______11. Magplano sa pagharap ng kalamidad..

_______12. Tungkulin ng lahat ang paglutas ng suliraning pangkapaligiran.

_______13. Sa pamahalaan lamang nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang


maging Disaster Resilient ang buong bansa.

_______14. Dapat na kasama ang mga NGO’s sa pagbuo ng Disaster management


Plan.

_______15. Isinusulong di ng PDRRMF Framework ang kaisipan na ang paglutas sa


mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng

16
ating pamahalaan.

Karagdagang Gawain
PAGNILAYAN AT UNAW AIN

Anong Say Mo?

Panuto: Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol sa Disaster Risk


Management Plan.

Ang Anthropogenic
1.

hazard ay tumutukoy sa
hazard na _______ at ang
________________________
2.

Ang Disaster Risk


Management Plan ay
tumutukoy sa

17
Natural hazard ay tumutukoy
sa________________________________
__________________________________
__________________________________
________________.

18
14. C 1. Hazard
15. B 2. Anthropogenic Hazard
BALIKAN (Gaw ain 1) 3. Natural Hazard
19
- Sariling SagoT 4. Anthropogenic Hazard
TUKLASIN (Gaw ain 2) 5. Risk
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Google:
 https://www.google.com/search?q=usok+ng+pabrika&client=firefox-b-
d&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=gKZ6Rmtn5KZ0IM%253A%252CeZXmQcBpi0_V8M%252C_&vet=1&
usg=AI4_-kSJ1LIAG5CXfhn8Cb_qLqD-
h5kS4g&sa=X&ved=2ahUKEwin0o31wYjqAhVXQd4KHe8yBe0Q9QEwAHoECAoQIA&biw=1366&bih=654#
imgrc=gKZ6Rmtn5KZ0IM

 https://www.google.com/search?q=air+pollution+images&tbm=isch&ved=2ahUKEwil2L_2wYjqAhWbwIsB
HRqADa4Q2-
cCegQIABAA&oq=air+pol&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyA
ggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECAAQHjoFCAAQsQM6BQgAEIMBUPLIA1ih3wNgx_IDaABwAHgEgAGOA
ogBnxKSAQUwLjkuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEA&sclient=img&ei=g9_pXuWKLZuBr7wPmoC
28Ao&bih=654&biw=1366&client=firefox-b-d#imgrc=Z32zBrHC3UK5-M

 https://www.google.com/search?q=carter+1992+disaster+management&client=firefox-b-
d&hl=en&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiRnIbDx4jqAhVT_GEKHbQ2D_UQ_AUoAXoECA0
QAw &biw=1366&bih=654#imgrc=oqOaughOiWu4PM

 https://www.google.com/search?q=disaster+&tbm=isch&ved=2ahUKEwiXn6ySyYjqAhUJgpQKHcX5CMQ
Q2-
cCegQIABAA&oq=disaster+&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIE
CAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzICCABQ9hBY9hBglBNoAHAAeACAAXyIAXySAQMwLjGYAQCgAQ
GqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=FefpXtfAC4mE0gTF86OgDA&bih=654&biw=1366&client=firefo
x-b-d&hl=en#imgrc=VXedxEAyXbDUMM

 https://www.google.com/search?q=vulnerability%20disaster&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg%3ACW
uQfHskLcypImCnKa_1ODArizo5sSHfbyULLajBNDwFDXU4PFevnpr_1WPpcJ6Df46lChadIb4Bz5W7WnNkO
lGVo40TrCWBgcMkuJ5gNUsMQnc6dYy7-G-015e_1uM7fL3R8ictE-QNJCyfkqEgmnKa_1ODArizhE-
https://www.google.com/search?q=resilience+during+DISASTER&tbm=isch&ved=2ahUKEwiE9Jmz0ojqA
hXHAKYKHaTsBwwQ2-
cCegQIABAA&oq=resilience+during+DISASTER&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCABQ5eUBWOCPAmD5lwJoA3A
AeACAAewBiAGQD5IBBjEwLjcuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=yvDpXoRnx4GYBa
T Zn2A&bih=654&biw=1349&client=firefox-b-
d&hl=en&hl=en#imgrc=M2STaYmedrheKM&imgdii=GmSPbcABlB_

20

You might also like