You are on page 1of 12

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-10 Baitang

I.Layunin

Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Natatalakay ang siyentipikong depinisyon at konsepto ng global warming.

2.Natataya ang epekto ng global warming sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng tao sa pamayanan, sa bansa, at sa
daigdig.

3.Naipapaliwanag ang mga sanhi at epekto ng climate change

4.Nakakagawa ng mga hakbang upang pahalagahan, ingatan, alagaan, at protektahan ang ating kalikasan.

II.Nilalaman

A. Paksa: Global Warming at Climate Change: Kambal na Hamong Pangkapaligiran


1.Kahulugan at konsepto ng global warming
2.Mga epekto ng global warming at
3.Dahilan ng pagdami ng Greenhouse gases
4. Mga epekto ng Greenhouse gas

B. Sangunian: Paglinang sa Kasaysayan Kontemporaneong iIsyu 10 Kabanata 1

C. Kagamitan: Laptop, Power point presentation

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag aaral


A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
Ating simulan ang ating kalse sa isang panalangin isang mag aaral ang mangunguna sa panalangin

2.Pagbati
Isang magandang umaga sa inyong lahat Magandang umaga rin po!

3.Pagtatala ng liban itataas ng mag-aaral ang kanilang kamay pag narinig ang
(itaas ang kamay kapag tinawag ang pangalan) kanilang pangalan

Bago tayo magsimula, pakiayos ang mga upuan,pulitin


ang kalat, iwasan ang makipagusap sa katabi,
Itaas ang kamay kung sasagot o may tanong.
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

4. Balik-aral
Mula sa inyong pinag-aralan kahapon, tignan nating kung Opo sir
nakikilala nyo pa ang mga ahensya na may kinalalaman sa
Disaster Risk Mitigation, may ipapakita akong logo at
sabihin nyo kung anong ahensya ito,at ipaliwanag ang
ginagampanan nito, naiitindihan ba ang gagawin

(Posibleng saagot ng magaaral)


Number 1 anong ahensya ito? DSWD po sir!
Ito ang ahensya ng pamahalaan may kinalaman sa pag
bibigay ayuda at tulong sa mga nasalantang komunidad
matapos ang isang sakuna, sila ang nangangalap ng mga
donasyon para maipamahagi sa mga tao,

Ano ang Ibig sabhin ng Acronym na DSWD? Department of Social Welfare and Development po sir…

Tama! Magaling,
(Posibleng saagot ng magaaral)
Number 2 ano nmn ito? NDRRMC po sir!!
Ito ang pangunahing sanghay ng pamahalaan na may
kinalaman sa paghahanda, pagtugon at pagpaplano sa
tuwing panahon ng sakuna

Tama! Magaling, ano namn ang ibig sabhin ng acronym Ito po ang National Disaster Risk Reduction and
na NDRRMC?? Management Council sir…

Tama ulit! Magaling


(Posibleng saagot ng magaaral)
Number 3 ano naman ang ahensyang ito PAGASA po sir,
Ito naman ang ahensya na nagbibigay ng mga ulat
panahon tuwing may bagyo o malakas na ulan. Sila din
ang nagbibigay babala sa lakas ng bagyo o ng ulan

Ano nga ulit ang ibig sabhin ng acronym na PAGASA? Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical
Services Administration

Very good, tama!!


Number 4 ito na ulit ang ahensyang ito? PHIVOLCS po sir o ang Philippine Institute of Volcanology
and Seismology

(Posibleng saagot ng magaaral)


Ito namn ang ahensya na nagbibigay babala sa tuwing
may napipintong pag putok ng bulkan o di kaya’y
nagsusukat kung gaano kalakas ang isang lindol

Tama! Very good

Ang mga nabangit ay ilan lamang sa mga aheyensia ng


pamahalaan nay may kinalaman sa Disaster Mitigation
(Posibleng sagot ng magaaral)
Bago tayo tumungo sa bago nating paksa ano ulit ang
konsepto ng Disaster Mitigation Ito po ang pag bawas sa masasamang epekto ng mga
sakuna sa ating pamayanan
Paano namn nasabing nababawasan ang epekto ng
sakuna sa pag kakaroon natin ng konsepto Disaster
Mitigation May mga sakuna po na hindi na po natin mapipigilang
maganap dahil sa pwersa ng kalikasan. Ngunit mayroon
tayong magagawa bilang mga mamamayan tulad ng
paghahanda sa sakuna upang hindi na lumala ang
masamang epekto nito sa atin.
Tama! Bilang pang huling katanungan, gaano kahalaga
ang ating papel bilang mamamayan sa Disaster
Mitigation? Mahalaga ang ating papel sa disaster mitigation, sapagkat
kung hindi tayo gagawa ng paraan para paghandaan ang
Maraming salamat. Nawa sa mga darating na panahon ay ating kaligtasan, mababale-wala ang paghahandang
lagi kayong handa sa sakuna at hindi kayo maging mga ginagawa ng pamahalaan, kaya kailngan natin, tayo
biktima ng mga kalamidad.Maaasahan ko ba iyon? mismo ang maki-pagtulungan para din maging ligtas tayo
sa oras ng sakuna.

6. Pagganyak

A. Panlinang na Gawain
Hahatiin sa dawalang grupo ang klase
Shape text box
Unahan Ayusin ang mga sumusunod na titik na nasa loob
ng shape box upang mabuo ang salita o konsepto na
tumutukoy sa iba’t-ibang sanhi ng climate change

Naintindihan ba ang panuto?


Opo sir!
TERWA PORVA
WATER VAPOR

BONCAR XIDEDIO

CARBON DIOXIDE

ANEMETH
METHANE

BONCAR XIDEMONO CARBON MONOXIDE

BONSCARFLUOROCHLO
CHLOROFLOUROCARBONS

ROUSNIT
XIDEO NITROUS OXIDE
B. Paglalahad

Ngayong araw tatalakayin natin ang tungkol sa Global


Warming at mga sanhi nito, at anu-ano nga ba ang
epekto nito sa atin, at ang iba’t ibang uri ng greenhouse
gases, at ang mga likas na kalamidad na nararanasan sa
bansa

C.Pagtalakay

GLOBAL WARMING AT CLIMATE CHANGE: Kambal na


Hamong Pangkapaligiran

Umiinit ang daigdig ayon ito sa National Oceanic And


Atmospheric Administrartion (NOAA)

Ang katampatang temperatura ng rabaw (surface) ng


daigdig ay tumataas ng 0.95degree celsius sa pagitan ng
mga taong 1880 at 2016

Maliit man ang itinataas ng temperatura sa mga


nakalipas na taon, marami pa ding nababahala dito
dahil na din sa patuloy at mabalis napag-init ng daigdig.

Global warming ang tawag sa suliraning pangkapaligirang


ito.

Maraming mga siyentista ang nagpapalagay na iinit pa


ng -13degree celsius pag sapit ng taong 2100

Kahit bahagya lamang ang pagtaas ng temperatura malaki


na ang epekto nito sa daigdig at ang mga epektong ito ay
naranasan na sa kasalukuyan
Kayo ba,? Ano ba ang mga nararanasan ninyong epekto (posibleng sagot ng magaaral)
ng global warming?? Sige nga mag bigay ng mga Sobrang init na panahon po sir
halimbawa
Pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan

Tama magaling!! Pagka-tunaw po ng yelo sa north pole


Pero alam nyo ba na ilan lamang yan sa mga epekto ng
global warming marami pang iba,, at yan ang aalamin
natin,,,

Ang daigdig ay may sariling greenhouse na binubuo ng


mga gas, kagaya ng carbon dioxide, methane, nitrous
oxide, chloroflourocarbons, (CFCs) water vapor, at
ozone ang mga ito ang bumubo sa greenhouse gases.

Ang mga ito ang direktang sumasala sa radyasyon na


natatanggap ng mundo mula sa araw.

Kung wala rin ang mga gas na ito ang katampatang


temperatura ng daigdig ay -18degree celsius magiging
napaka lamig at mahirap para daigdig na magsuhay ng
buhay

Kung sakali ring mawala ang mga greenhouse gas


masama din ang magiging epekto nito sa daigdig.
(posibleng sagot ng magaaral)
Ano sa tingin nyo ang mangyayari sa mundo natin kung Magkakaroon ng abnormal na panahon katulad ng
sakaling mawala ang greenhouse gas? mag bigay ng sobrang lamig o labis na pag-init
halimbawa

Tama magaling, at isa yan sa mga nararanasan na natin sa


kasalukuyan, ang labis na pag-init ng panahon minsan
naman ay sobrang lamig kahit panahon pa ng tag init.

Ano pa ang ibang halimbawa?? Dadami ang bilang ng tao na posibleng magkaroon ng
kanser sa balat

Tama ulit! Dahil sa sobrang init maaari tayong magkaron


ng sakit sa balat dahil sobrang inti ng araw dahil na din sa
sobrang pagka babad ultra violet light

Ano pa? Meron pa ba Maraming tao ang magkakasakit dahil sa paghina ng


kanilang resistensiya upang labanan ang sakit.
Tama! Very good
Kapag hindi kasi tama ang sikat ng araw na natatanggap
natin magiging sanhi ito ng pag baba ng ating immune
system madali nalang tayong tatamaan ng mga sakit,,

Ano pa ?? Magkakaroon ng abnormalidad sa panganganak ng mga


hayop,
Yes tama,, isa sa maapektuhan ay ang mga hayop hindi
lang tayong mga tao, lalo na agrikultura ng pag-
hahayupan,, lalo na yung mga ginagawang karne na
kinakain ng tao,,

At ang pang huli!


Maaring lumiit ang kakayahan ng mga halaman na
mamunga at ang iba naman ay maaring mamatay.
Ang isa din sa maapektuhan ay ang mga halaman , hindi
lang tao o mga hayop.. mahihirapan tayo na mag patubo
ng mga pananim, lalo na ang mga prutas at gulay na
kinakain ng tao

Sa kabilang banda ang labis na pag dami ng greenhouse


gases sa atmospera ang dahilan ng global warming o pag
taas ng temperatura sa rabaw ng daigdig

Ano nga ba ang nagbubunsod sa pagdami ng greenhouse (Mga posibleng sagot ng magaaral)
gases , magbigay ng mga halimbawa anu ano ang dalhilan Isang halimbawa po ay yung carbon dioxide
ng pagdami ng greenhouse gases ? Dahil po sa sobrang dami ng gumagamit ng mga
-umaandar na sasakyan o makinang de-gasulina
-kasangsangkapan de-kuryente
-pagputol ng puno upang gawing uling
-paggawa ng semento at iba pang kemikal na kailangan
sa industriya

Very good!! Isa talaga sa pangunahing pinagmumulan ng


carbon dioxide ay ang polusyon na nagmumula sa mga
sasakyan o sa mga makinang de-gasulina.

Ano pa bukod sa carbon dioxide?


Methane sir !
Tama! Methane! Pano ito nalilika?
-Sa pagmimina ng coal na nagpapakawala ng methane
sa himpapawid
-Pagtunaw ng mga hayop ng mga halamang kanilang
kinain ang dumi ng mga ito ay lumilikha ng methane
-Paggamit ng landfill na uri ng tapunan ng basura na
lumilikha ng methane.

Tama ulit magaling!


Ano pa yung iba pang gases??
Nitrous oxide po sir..
-tinutunaw ng mga bakterya sa lupa ang nitrohena na
nasa pataba o fertilizer na nagreresulta sa pag likha ng
nitrous oxide
-Paggamit ng aerosol propellant, makina ng sasakyang
pang hipapawid

Very good .. magaling!!


Meron pa ba bang halimbawa?
CFCs po sir
Dahil sa paggamit ng refrigerator, aircondition at iba
pang kagamitan na gumagamit ng CFCs
-paglikha ng computer chips

Very good! Tama lahat ng inyo mga nabanggit na


halimbawa

Dahil sa sobrang paggamit ng mga tao sa ibat ibang uri ng


sasakyan o kagamitan naglilikha ito ng CFCs kaya mas
nagiging mas mainit ang panhon

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit humaharap


tayo sa climate change
CLIMATE CHANGE

Ang klima ang kabuuang kondisyon ng panahon sa isang


rehiyon batay sa temperatura, hangin, ulap at iba pa.,
Nitong mga nakaraang taon kapuna-puna ang kakaibang
pagbabago ng klima o climate change.

Ang climate change ay iniuugnay sa global warming.


Gayunman inilalarawan ng mga siyentista ang climate
change bilang kompleks na pagbabago na sumasaklaw
di lamang sa pagtaas ng katampatang temperature
kundi pa at isa tumitinding weather events
(Posibleng sagot ng magaaral)
Ano nga ba yung tinatawag na mga weather events??
-Kakaibang lakas ng buhawi
-Malakas na bagyo sa panahon ng tag-init
-Pagdaluyong ng tubig dagat
-Matinding pagbabago sa ihip ng hangin (wind pattern)
-Galaw ng tubig sa karagatan (ocean pattern)
Magaling! Ilan pa lamang iyan sa mga halimbawa ng
tinatawag na weather events

Iniuugnay din sa climate change ang kakaibang lakas ng


mga bagyo daluyong (storm surge) nagiging mabilis din
ang pagkakabuo ng malalakas na bagyo na nagdudulot
ng malawakang pag baha.

May tanong ba??

Talakayanin naman natin ang:

Mga Epekto ng Global Warming at Climate Change sa


Pilinas
Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical
and Astronomical Services Administration)
magkakaroon ng ibat’-ibang pangkapaligirang
phenomena sa bansa na dulot ng global warming at
climate change

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga penomenon at (Posibleng sagot ng magaaral)


at ano ang epekto nito sa bansa. EL niño
- bumababa ang ani dahil sa kakulangan ng tubig at
nangamamatay ang panamin kundi naman ay di
maganda ang kalidad
-nababawasan ang suplay ng malinis na tubig na
Yes! El Niño, Very good! maiinom at iba pang pangangailangan ng tao.

Dahil sa pagtaas ng temperatura ng tubig sa karagatang


pasipiko nagiging sanhi ito ng pag ihip ng mainit na
hangin. Kaya na kararanas tayo ng tag-tuyo
May tanong ba??
Ano pa yung ibang penomenon?

Very good! LA Niña


LA Niña
-Mas maraming super typhoon ang dumadaan sa
pilipinas
-Nasisira ang pananim at ari arian ng mga tao dahil sa
pagbaha.

Nangyayari ito dahil sa pagkakaipon ng malamig na tubig-


dagat sa karagatang pasipiko kadalasan nararanasan
pagtapos ng EL niño.
Ano ang panghuling penomenon? (Posibleng sagot ng magaaral)
Pagtaas ng Lebel ng Tubig-dagat
-ang Palawan, Zamboanga Del Sur, Northern Samar,
Zamboang Sibugay, Basilan, Cebu, Bohol, Camarines Sur,
Quezon,Tawi-Tawi, Masbate, Negro, Maguindanao,
Malabon at Navotas sa NCR at iba pang pamayanan na
nasa babayin ay maaring lumubog sa tubig-dagat
-Magiging maalat ang tubig sa mga likas na water
Sanhi ito ng global warming tinatayang aabot ng 6 na reservoir
metro ang inaasashang pagtaas ng tubig dagat

D. Paglalahat

Class ano sa tingin nyo ang dapat nating gawin upang


ang mga suliranin pangkapaligiran na ito ay hindi na
lumala sa daarating pa na panahon,,

Bilang isang mamamayan ano ang magagawa mo para (Posibleng sagot ng magaaral)
mapaigilan ang Climate change Dapat po ay alagaan natin ang ating kapaligaran, para
hindi na lumalala pa ang global warming
Bilang isang mamamayan napaka laki ng responsibilidad
natin para alagaan at ingatan ang mundo, tandaan nyo Iwasan po natin ang labis na pag gamit ng mga makina na
class nagiisa lang earth nakadadagdag sa polusyon

Hindi maliit na suliranin lang ang global warming at ang


climate change, hindi natin namamalayan unti unti na
pala natin nasisira ang mundong tinatayuan natin, yung
iba sa atin walang paki alam, patawa-tawa lang, wag na
natin hintayin na maranasan pa natin ung ganti ng
kalikasan bago tayo magising sa katotoohanan, kumilos
na tayo habang may panahon,, at hindi kung kelan huli
na,,
Nawa’y lagi ninyong taandaan na kailngan nating
ingatan at alagaan ang mundo na meron tayo,

IV. Pagtataya
Panuto: Buuin ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ang global warming ay tumutukoy sa________


2. Ang tsunami ay__________________
3. Tumutukoy naman ang climate change sa_________________
4. Ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay magkaka ugnay dahil_______________
5. May kaugnayan ang mga suliraning pangkapaligiran at ang Climate Change_______________

(Mga posibleng sagot ng mga mag aaral)

1. Ang global warming ay tumutukoy sa pag taas ng temperatura sa rabaw ng daigdig


2. Ang tsunami ay ang pag taas ng alon sa dagat dahil sa malakas na hanging dala ng bagyo
3. Ang climate change ay tumutukoy sa pabago bago ng panahon dulot ng global warming
4. Ang mga suliranin at hamong pang kapaligiran ay ay magkakaugnay dahil ang sanhi at bunga nito ay may
malaking epekto sa bawat tao.
5. May kaugnayan ang mga suliraning pangkapaligaran at climate change dahil ang mga illegal na gawain ng
tao tulad ng pagpuputol ng puno at pagsusunog ng basura ay nagiging sanhi ng global warming

V. Takdang Aralin

Gumawa ng maliit na karatula o signage na nag sasaad ng mga hakbang kung paano pangangalaagaan at
ingatan ang kapaligiran.

Maari itong gawin sa cartolina o illustration board.

You might also like