You are on page 1of 5

UNANG MARKAHAN

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya

LESSON 1
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Naipaliliwanag ang konsepto ng Konteporaryong Isyu.
 Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig.

EXPLORE
Maraming suliraning kinahaharap ng ating bansa ngayon. Ang ilan sa mga suliraning
nararanasan sa bansa ay maituturing na mga kontemporaryong isyu. Matutukoy mo ba ang ilan
sa mga ito? Gumamit ng mga simbolo na naglalarawan o nagpapakita ng mga isyung
kinakaharap ng mga bansa sa mga kahon sa baba.

Alin sa mga isyung iyong ipinakita o inilarawan ang lubhang nakakabagabag sa iyo?
Bakit?

FIRM UP
Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryo – mga pangyayaring nagaganap sa mga nakalipas na mga dekada na
nakaaapekto sa kasalukuyang panahon.
Isyu – mga paksa, tema, o suliraning nakaaappekto sa lipunan dahil sa ito ay napag-
uusapan, nagiging batayan ng debate ng mga tao sa lipunan at may malaking epekto sa
pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Kontemporaryong Isyu – ang tawag sa mga pangyayari o suliraning bumabagabag o
gumagambala at nagbabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang
panahon.
Mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu:
1. Pagkilala sa primary at sekondaryang sanggunian.
2. Pagtukoy sa katotohanan at opinion.
3. Pagtukoy sa paghiling.
4. Pagbuo ng paghihinuha (inference), paglalahat at kongklusyon.
Kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu:
1. Upang maging kabahagi ng pandaigdigang pamayanan o global community.
2. Upang makabuo ng pagpapasya o sariling pananaw sa usapin.
3. Upang pasimulan ang isang makabuluhang diskusyon.
4. Upang tulongan kang magpasya sa iyong kukuning kurso.
5. Upang matutunan ang pagkilala at paggalang sa paniniwala ng iba.
DEEPEN
Ipaliwanag ang mensahe ng graphic organizer sa ibaba.
KAALAMAN SA PAGIGIGNG
KONTEMPORARYONG RESPONSABLENG MGA
ISYU MAMAMAYAN

TRANSFER
Maglista ng sampung mga kontemporaryong isyu sa mundo at magbigay ng sariling
opinyon ukol sa mga napiling kontemporaryong isyu (Bigyan ng sariling opinyon isa-isa ang
mga kontemporaryong isyu sa di kumulang tatlong pangungusap).
LESSON 2
Disaster Risk Reduction and Management

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa
bansa.
 Naiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad.
 Natutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga kalamidad.
 Natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng
mamamayan sa panahon ng kalamidad.
 Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan ng mga
mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
EXPLORE
Jot List
Magtala ng mga kalamidad na nararanasan dito sa ating bansa. Anu-ano ang mga epekto
nito sa ating bansa at sa kabuhayan ng tao?

FIRM UP
Kalamidad – Itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa
kapaligiran, ari-arian, kalusugan at buhay ng mga tao sa lipunan.
Disaster o Sakuna – Tumutukoy sa malubhang pagkasira o kaayusan ng isang komunidad
o lipunan na may kinalaman sa malawakang pagkawala ng buhay ng tao, ari-arian, kabuhayan at
pagkasira ng kapaligiran na nahihigitan ang kakayanan ng apektadong komunidad na
makabangon gamit ang kanilang pansariling kakayahan o kaban.
State of Calamity – kalagayan kung saan lubhang napakarami ng mga bilang ng mga
namamatay, napinsala na ari-arian, pagkasira ng mga pinagkakakitaan, daanan at mga tulay na
labis na nakaapekto sa normal na pamumuhay ng mga apektadong lugar bunga ng kalamidad o
mga sanhi ng gawang-tao.
National Disaster Risk Reduction Management Center (NDRMMC) – ahensyang
nagbibigay ng mga pogramang paghahanda (disaster preparedness) at mga pangunahing
babala/early warning system.
Mga iba’t ibang uri ng sakuna:
1. Bagyo/baha
2. Lindol
3. Pagsabog ng bulkan
4. Tsunami
5. Sunog
Mga Programang Pampamahalaan Kaugnay sa paghahawan ng mga balakid Dulot
ng mga Sakuna at Kalamidad/Disaster Risk Mitigation
1. Paghahanda sa sakuna
2. Mga pangunahing babala (Early Warning System)
3. Mga dapat at hindi dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng sakuna
Mga ahensya ng pamahalaan na responsable sa pagbabawas sa mga nakaambang
panganib sa oras ng sakuna
1. NDRRMC
2. PDRRMC – Provincial Disaster Risk Reduction Management Center
Mga katuwang na ahensya ng pamahalaan
1. Priyoridad Bilang 1: Pag-iwas at Pagbawas ng Sakuna (Prevention and Mitigation)
a. DOST – Department of Science and Technology
b. PAGASA – Philippine Atmospheric, Geographical and Astronomical Service
Administration
c. PHILVOLCS – Philippine Institute of Volcanology and Seismology
d. DOF – Department of Finance
e. OCD – Office of Civil Defense
f. DPWH – Department of Public Works and Highways
g. DENR – Department of Environment and Natural Resources
2. Priyoridad Bilang 2: Disaster Preparedness/Paghahanda sa Sakuna
a. DILG – Department of Interior and Local Government
b. PIA – Philippine Information Agency
c. DepED – Department of Education
d. CHED – Commission on Higher Education
3. Priyoridad Bilang 3: Pagresponde sa Sakuna
a. DSWD – Department of Social Work and Development
b. OCD – Office of Civil Defese
c. Department of National Defense
d. DOH – Department of Health
4. Priyoridad Bilang 4: Rehabilitasyon at Pagbangon Mula sa Sakuna/Rehabilitation and
Recovery
a. NEDA – National Economic and Development Authority
b. DTI – Department of Trade and Industry
c. National Housing Authority
d. Pag-ibig Fund
e. SSS
f. GSIS
g. DPWH
h. DOTC
DEEPEN
Maglagay ng sanhi at epekto ng mga nakatalang mga sakuna.

SAKUNA SANHI EPEKTO


1. Baha
2. Sunog
3. Pagguho ng kalupaan
4. Pagsabog ng Bulkan
5. Tsunami
6. Lindol
7. Taguyot

TRANSFER
Gamit ang PowerPoint Presentation o Google Slides, gumawa ng news report ukol sa
mga sakuna na nangyayari sa ating mundo ngayon.

You might also like