You are on page 1of 1

URI NG KONTEMPORARYONG ISYU:

May iba’t ibang uri ng kontemporaryong isyu depende sa interes ng tao. Sa pagtalakay natin sa
konsepto mapag-aaralan natin ang mga isyung may kinalaman sa kapaligiran, globalisasyon at
ekonomiya, gender at sex, pagkamamamayan at karapatang pantao. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga uri ng kontemporaryong isyu:

1. Isyung Pangkapaligiran
Ito ay tumutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa ating kalikasan. Maikokonsidera
rito ang pagkakaroon ng problema ng bansa tungkol sa iba’t- ibang uri ng polusyon,
deforestration, kalusugan at Solid Waste.

2. Isyung Pang-ekonomiya
Ito ay mga isyung nakabatay sa kalagayan ng bansa na may kinalaman sa globalisasyon, trabaho,
sahod, negosyo, industriyalisasyon, kontrakwalisasyon, migranteng manggagawa at iba pa.

3. Isyu sa Kasarian at Sex


Ito ay mga isyung tumutukoy sa sekwalidad at mga gampanin ng isang lalaki at babae.

4. Isyu sa Pagkamamamayan at Karapatang Pantao


Ito ay mga isyung may kinalaman sa kapakanan at kagalingan (welfare) ng lahat. Kabilang dito
ang mga isyu ukol sa batas, citizenship at mga paglabag sa karapatan.

You might also like