You are on page 1of 2

Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka, at Pambansa

Ang Panitikang Panlipunan/Sosyedad at Literatura ay isang kurso sa


pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga
tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito
ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan,
malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon,
pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon
ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.

LAYUNIN:
Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. matukoy ang pambansang suliraning tungkol sa mga manggagawa;
2. maisa-isa ang mga sanhi at bunga ng suliraning agraryo at manggagawa;
3. masuri ang rehiyon at maitala ang danas ng mga manggagawa, magsasaka, at iba pa.

Introduksyon

Maraming mahalagang salik na nagbubuo ng kasaysayan ng karapatang manggagawa.


Kadalasan, ang mga mamamayan ay naniniwala na ang batas ay sanhi pagkakaroon ng
karapatan ng mga tao. Sa halip, ang mga batas na pinaniniwalaan natin sa kasalukayan ay
batay sa mga paniniwala na may likas na karapatan ng mga tao, at bukod doon, ang
tungkulin ng pamahalaan ay magtanggol ng likas na karapatan. Sa paglipas ng kasasayan,
marami ring mamamayan sa Estados Unidos ang naniwala sa dito. Datapwa’t, kadalasan,
hindi nagtatanggol o pumapansin ang pederal na pamahalaan ng karapatang manggagawa.
Dahil dito, ang kasaysayan ng karapatang manggagawa ay umunlad mula sa mga
pakikibaka ng mga manggagawa. Halos lahat ng mga batas para sa mga karapatang
manggagawa na nakikita natin sa kasalakuyan ay nanggagaling sa kasaysayan ng
pakikibaka ng mga kilusan ng mga manggagawa. Ngunit, sa espesipiko, nanggagaling ito sa
pagkilos ng mga organisasyong manggagawa. Ang isang malakas na boses upang
ipagtanggol ng mga batas pantrabaho sa pandaigdig ay ang ILO o International Labour
Organization. Ang ILO ay nagsimula pagkatapos ng Unang Pandaigdigang Digmaan. Ngunit
pagkatapos ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, naging bahagi ng United Nations ang
ILO. Ang ILO ay naging kasangkapan upang bigyang-tuon ang ilang napakaimportanteng
batas na pandaigdig.

Mga Mahalagang Karapatan

Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang


karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour Organization (ILO) ay ang
sumusunod.
Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula
sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng
grupo sa halip na mag-isa.
Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping
trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng
pamimilit o ‘duress’.
Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid may
minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo
para sa parehong na trabaho.
Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa
mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang
panganib at ligtas.
Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong
pamumuhay.
Isang pinakaimportanteng batas na nagmula sa kilusan ng manggagawa ay ang batas na 8
oras na karaniwang araw ng trabaho at 40 oras na lingguhang trabaho. Ang isa pang
halimbawa ng
pakikibaka ng manggagawa upang magtatag ng batas pantrabaho ay ang minimong
suweldo (o
minimum wage). Ang unang batas minimong suweldo at nagsimula sa Estados Unidos
noong 1938.
Kadalasan din, ang kanilang suweldo ay masyadong mababa upang mamuhay. Dahil dito,
binigyang- tuon ang dapat na makatarungang suweldo ay paraan upang mabawasan ang
mga
pinakamahirap
na kasapi ng lipunan.

You might also like