You are on page 1of 5

JOEFERSON C.

GUHIT BSEE 102A


GAWAIN BLG.2
GNED 04: PANG PINAL NA MARKAHAN

“Kategoryang Panlipunan”
Ano ang kahulugan ng Lipunan?
Ang Lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o
paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang
naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong
nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at
imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming
tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang
mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan,
katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak
pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadong boluntaryong
asosayon ng mga tao para sa mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-
politika, patriyotiko, o ibang pang dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o
akademikong, pag-aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa
yunit ng isang lipunan.
Ano nga ba ang naging kasaysayan ng Pilipinas patungkol sa Lipunan?
Ang batas militar o Martial Law ay isa sa pinakamalagim na pangyayari sa
kasaysayan ng Pilipinas. Taong 1972 ay idineklara ng noo’y pangulo na si Ferdinand
Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas. Pinamunuan niya ang Pilipinas sa loob ng
dalawang dekada. May magagandang naidulot daw ang Batas Militar sa bansa pero
para sa marami, ito ay isang bangungot. 

Dahil sa pinirmahan niyang Proclamation 1081, nagkaroon siyang


kapangyarihang kontrolin ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan kung saan maraming
Pilipino raw ang nawalan ng karapatan. Walang kalayaang magpahayag ang mga
Pilipino noon. Ang mga tumaliwas sa gobyerno, inabuso at pinahihirapan.

Rekomendasyon o solusyong naisip para sa isyung Panlipunan:

Bilang isang kabataan, anak, mag-aaral, kaibigan, at mamamayan, mahalaga


na tayo ay mulat sa mga suliranin ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng pakialam sa
mga nangyayari sa lipunan ay inaasahan sa ating mga kabataan, ang susunod na
henerasyon na magtataguyod sa matayog at maunlad na bayan.
Kilala ang ating bansa sa gandang taglay nito, mula sa mga tanawing  kaakit-
akit, mga pagkaing pagkasarap-sarap, at kasaysayang tumatak sa bawat bahagi ng
bansa. Ang pagpupunyagi at pagsisikap ng bawat Pilipino ang nag-angat at
nagpaganda ng kanyang buhay. Ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang pinakamagandang
regalo na ating matatanggap, ang ating kapwa at ang mundo. Tulad na lamang ng
nakasaad sa bibliya, Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kalikasan at isa't-
isa. Nabuo ang mga pangkat ng tao, nagtatag ng mga lungsod para sa maayos na
pamamahala at pagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan ng bawat mamamayan.
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging matatag sa anumang problema na ating
kakaharapin. Hindi tayo nagpapadaig sa mga taong pilit tayong hinihila pababa.
Lumalaban tayo kaysa nagpapatalo.
Bilang kabataan, may mga bagay na hindi natin kayang gawin, dahil hindi sapat
ang ating karanasan at kaalaman sa buhay na puno ng pagsubok. Gayunpaman, hindi
dapat nawawala ang ating interes na alamin ang mga suliranin ng ating lipunan. Mga
problemang hindi masolusyunan at nag-iintay lamang ng kasagutan at resolusyon.
Hindi natin maitatago na maraming suliranin ang kinakaharap ngayon ang ating bansa,
tulad na lamang ng mataas na kakulangan sa suplay ng mga pangangailangan ng
bawat mamamayan, mataas na antas ng korapsyon, kahirapan at talamak na paggamit
o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Ang mataas na antas ng korapsyon ay nagdudulot ng kahirapan. Habang ang
mga sakim na politiko ay nahihiga sa limpak-limpak na pera na kanilang nanakaw mula
sa taong-bayan na kanilang niloloko kaysa paglingkuran, naghihirap naman ang mga
mamamayan at minsan pa ay kumakapit sa patalim para makaahon sa kahirapan.
Lingid man sa ating kaalaman kung paano nangyayari ang mga imoral na kilos na ito ng
mga sakim na politiko, lubos naman nating alam kung paano sila pagbabayarin
ng Diyos, na siyang may karapatang maghusga sa mga may kasalanan. Ngunit hindi
dapat tayo pumapayag na ang mga magnanakaw na ito ang magtatakda ng ating
kinabukasan, ipaglaban natin ang mga bagay na ipinagkakaloob at nakalaan para
sa atin.
Ang kabataaang bukas ang isip sa mga suliranin ng lipunan ay isang mabuting
tao. Ang Pilipinong may malasakit sa kanyang bansa ay dapat ipagmalaki ng kahit nino
man. Isa siyang kabataang mag-aangat sa kagitingan at kabutihan ng mamamayang
Pilipino, ipapakilala niya ang Pilipinas bilang isang maunlad at makapangyarihang
bansa.

“Kategoryang Pang-ekonomiya”
Ano ang kahulugan ng ekonomiya?
Ang Ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o
ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng
mga kalakal at serbisyo ng areang ito. Ang isang ibinigay na ekonomiya ay resulta ng
isang proseso na sumasangkot sa ebolusyong teknolohikal nito, kasaysayan, at
panglipunang organisasyon gayundin ang heograpiya nito, pagkakaloob ng natural na
mapagkukunan at ekolohiya bilang mga pangunahing paktor. Ang mga paktor na ito ay
nagbibigay ng konteksto at nagtatakda ng mga kondisyon at parametro kung saan ang
ekonomiya ay gumagana.
Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham
panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.
Ang salitang "ekonomika" ay nagmula sa Sinaunang Griyegong οἰκονομία(oikonomia,
"pangangasiwa ng isang sambahayan, administrasyon") mula saοἶκος (oikos, "bahay")
+ νόμος (nomos, "kustombre" o "batas") at kaya ay "mga batas ng sam (bahay)an". Ang
larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Ang pokus ng paksang ito ay kung
paanong ang mga ahenteng ekonomiko ay umaasal o nakikipag-ugnayan at kung
paanong ang mga ekonomiya ay gumagana. Sa pag-ayon dito, ang isang pangunahing
pagtatangi sa mga aklatan ay sa pagitan ng mikroekonomika atmakroekonomika. Ang
mikroekonomika ay sumusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento sa
ekonomiya kabilang ang mga indibidwal na ahente (gaya ng mga sambahayan at
negosyo o bilang mga mamimili o tagatinda) at mga pamilihan (markets) at mga
interaksiyon nito. Ang makroekonomika ay sumusuri sa kabuuang ekeonomiya at sa
mga isyu na umaapekto rito kabilang ang kawalang trabaho, inplasyon, paglagong
ekonomiko, at patakarang piskal at pananalapi.
Ano nga ba ang naging kasaysayan ng Pilipinas patungkol sa ekonomiya?
Ating balikan ang panahon ng termino ng dating pangulo ng Pilipinas na si
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos noong mula 30 December 1965 hanggang 25
February 1986. Kung saan nakilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang
makapangyarihan at mayaman sa kontinente ng Asya. Simula ng maupo siya bilang
pangulo marami na ang mga humanga sa kanyang pamamalakad. Sa panahon ng
kanyang unang anim na taon ay maganda ang mga pagbati sa mga nasasagawa nitong
mga peoyekto at mga batas na para sa ikakabuti ng mga Pilipino. Maraming mga
istrukurang napatayo at natulungang mga mahihirap na mga mamamayan na naging
resulta ng oagiging maayos at marangya na pamumuhay ng mga Pilipino. Mataas ang
kalidad ng edukasyon sa panahon ng kayang termino kung kaya maraming mga
dayuhan ang nagnanais na makatungtong at makapag-aral sa Pilipinas. Subalit naglaon
ang ilang mga taon ng kanyang pamumuno kung saan ang bilang ng mga rebelde at
mga iba pang kasapi ng mga grupo na tuligsa sa gobyerno ay tumataas lalo.
Nagdesisyon ang dating Presidenteng Marcos na ilatag na ang Batas Militar or Martial
law upang mawagsi at mabawasan ang mga rebelde o hindi suportado sa gobyerno at
tutol. Dahil sa batas militar na lumitaw sa basang Pilipinas naging disiplinaryo na ang
mga Pilipino dahil sa higpit at istriktong pagsasagawa ng parusa at pangangasiwa ng
mga sundalo. Sa panahon na iyon September 21, 1972 kung kailan opisyal na
inanunsyo at pinirmahan ang batas na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga
miyembro ng sandatahang lakas na maging kabahagi sa kapangyarihan ng Pangulo
upang mapangalaga at mataboy ang mga rebelde maging ang iba pang mga grupo ng
tao na tuligsa sa plano at batas ng gobyerno. Sarado ang mga telwbisyon at radyo sa
panahon na iyon maging sa mga dyaryo ay limitado lang ang mga balita na makakalap.
Kung kaya masasabu na naging sarado ang mga bibig at mata ng mga Pilipino sa
panahon na iyon. Ngunit dahil sa pag-aabuso ng ilan sa mga sundalo sa kapangyarihan
na ibinigay sa kanila at maraming mga pinatay at ginahasa ng pagkakaisa ang mga
Pilipino na labanan ang gobyerno sa pangunguna ni Benigno S. Aquino Jr. at nakabuo
ng mga samahan ng mga Pilipino upang magparada sa kalsada upang itaboy ang
diktador na si dating presidente na si Ferdinand Marcos. Subalit nung napatay si
Benigno S. Aquino Jr. mula sa pagbaba ng kanyang eroplano ay pinagbabaril ito. Kung
kaya ang sambayanang Pilipno ay nakaramdama na ng pagmamalabis sa
kapangyarihan ng gobyerno. Dahil doon ay nagkaisa at pumarada na ang mga libo
libong mga Pilipino sa Philippines, primarily Epifanio de los Santos Avenue, Metro
Manila at tinawag na People Power Revolution, o EDSA Revolution. Matapos ang
kaganapan na iyon ay tuluyang natapos na ang termino ni dating pangulong Ferdinand
Marcos at natigil na ang batas militar. Hindi naglaon ay tumakbo ang asawa ni Benigno
S. Aquino Jr. na si Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino bilang pangulo ng
Pilipinas at nahalal ito dahil sa suporta na nakuha nya muka sa sambayang Pilipino at
bilang pag-alala na rin sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Benigno S. Aquino Jr.
simula noon ay naging malaya ang mga mamamayang Pilipno mula sa kamay ng
diktador. Subalit matapos ang ilang taon ng kanyang termino ay tumaas ang bilang ng
korapsyon, krimen, at iba oang paglabas sa batas hanggang sa mga sumunod na mga
naging pangulo ng Pilipinas hanggang sa termino ng kanyang anak na si dating
pangulo na si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III. Kung kaya unting unti naging
mahina ang ekonomiya at tumaaas ang bilang ng mga Pilipinong mahirap at walang
trabaho. Kung kaya para sa akin ay mas naging maganda ang istado ng ekonomiya ng
Pilipinas noong sa termino lang ni dating pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin
Marcos at unti unting humina lamang ito nung simula noong umupo na sina Maria
Corazon Sumulong Cojuangco Aquino at iba pang sumunod na mga pangulo.
Rekomendasyon o solusyong naisip para sa isyung Pang-ekonomiya:
Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo inirerekumenda ko;
 Una sa lahat ang aking kapwa mag-aaral, kailangang mag-aral nang mabuti
upang maging sapat na may kaalaman sa kagawaran na nais mong makuha
partikular ang kaalaman sa mga batas upang hindi maging ignorante sa harap ng
korte kung sakali.
 Pangalawa sa mga magulang at unibersidad o paaralan, maging kritikal sa mga
mag-aaral at suportahan ang kanilang edukasyon sapagkat sila ang magiging
pag-asa ng susunod na henerasyon na maaaring maiangat muli ang ekonomiya
ng Pilipinas. Hayaan ang mga mag-aaral na tuklasin ang kanilang sariling
kakayahan nang nakapag-iisa.
 At sa huli para sa gobyerno, maging malawak ang pag-iisip lalo na sa
pagpapasya upang hindi maapektuhan ang ekonomiya ng bansa sakaling hindi
mabisa ang mga plano. Iwasang maging buwaya o sakim sa pera sapagkat
maaaring mas lalong gumuho ang ekonomiya ng bansa kung tumaas ang
katiwalian at kahirapan sa bansa.

You might also like