You are on page 1of 8

6 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 2: Week 3
Learning Activity Sheets

1
Araling Panlipunan 6
Pangalan: ________________________________Ikalawang Markahan-Ikatlong Linggo
Baitang at Pangkat: _______________________ Petsa: _______________________

PAMAHALAANG KOMONWELT: TUNGO SA MALAYANG PILIPINAS


Panimula (Susing Konsepto)
Maraming mga pagbabago ang nangyari sa panahon ng Komonwelt na nagpabuti sa
kalagayan ng mga Pilipino. Maraming mga Pilipino ang naupo sa matataas na posisyon
upang pamahalaan ang bansa at nagkaroon ng boses ang mamayang Pilipino. Nabigyan ng
karapatan ang mga kababaihan sa pulitika at naisulong ang karapatan ng bawat Pilipino.

Pamahalaang Komonwelt
Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong
1935 hanggang 1946 kung kailan naging komonwelt ng Estados Unidos (Amerika) ang
bansa.
Sinasabing Komonwelt ng Bansang Estados Unidos ang Pilipinas sapagkat ito ay
kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika bilang paghahanda ng Pilipinas tungo sa
pagiging malayang bansa.
Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging
panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at
soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones sa loob ng sampung
(10) taon.
Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay pinasinayaan noong Nobyembre 15, 1935.
Ang mga nanumpa sa tungkulin ay sina Manuel L. Quezon bilang Pangulo at Sergio Osmena
bilang Pangalawang Pangulo. Sila ay nanumpa sa harap ni Punong Mahistrado Ramon
Avancena ng Korte Suprema. Sa panig ng Estados Unidos, dumalo sina John Garner na
Pangalawang Pangulo; Joseph Byrnes na Ispiker ng Kongreso; George Dern na Kalihim ng
Digmaan at Heneral Douglas MacArthur. Si Kalihim George Dern, bilang opisyal na
kinatawan ng Pangulo ng Estados Unidos na si Franklin Roosevelt ang nagpahayag ng
pagwawakas ng pamahalaang- sibil ng mga Amerikano at pagsilang ng Komonwelt ng
Pilipinas.

Balangkas ng Pamahalaang Komonwelt


Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang Kongreso na may
isang Kapulungan ng mga Kinatawan. Sinusugan ito noong 1940 upang magkaroon ng
parehong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa saligang batas na ito, may
hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang
termino.
Sa Saligang-Batas ng 1935, isinasaad dito ang pagkakahati ng pamahalaan sa tatlong
magkakapantay na sangay. Ito ay ang ehekutibo (executive), na siyang pangunahing
tungkulin ng pangulo: lehislatibo (legislative) na hawak ng Kongreso; at hudisyal (judiciary)
na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Korte Suprema.

Pamahalaang Komonwelt

EHEKUTIBO LEHISLATIBO HUDIKATURA


Tagapagpaganap Tagapagbatas Tagapaghukom
(Pangulo) (Senador at Kinatawan) (Korte Suprema)

2
Sangay Ehekutibo- Ang pangulo bilang punong ehekutibo ay magsisilbi sa bayan sa loob
ng apat (4) na taon at maaring kumandidatong muli bilang pangulo sa ikalawang termino.
Katulong ng pangulo ang ikalawang pangulo na kapwa halal ng mamamayan. Bilang punong
ehekutibo, siya ang may kontrol sa lahat ng kagawaran at kawanihang tagapagpaganap na
naaayon sa saligang batas.

Sangay Lehislatibo- Ang Pambansang Asembleya na may kapangyarihang lehislatibo o


gumawa ng batas ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang lalawigan. Sila ay may
kapangyarihang manungkulan sa loob ng tatlong taon. Ngunit nang lumaon, nahati sa
dalawang kapulungan ang sangay na ito. Ang mataas na Kapulungan o Senado at ang
Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan.
Alinsunod sa Saligang-Batas, ang Senado ay dapat buuin ng dalawampu’t apat (24)
na senador at ang mga kinatawan naman ay dapat buuin ng hindi hihigit sa 250 kinatawang
pawang halal ng din ng mamamayan.
Nabuo rin ang listahan ng karapatan ng mga mamamayan o tinatawag na Bill of Rights
upang mapangalagaan sa anumang uri ng pang-aabuso ang mga Pilipino gaya ng karapatan
sa pagsulat, pagsasalita, pagsamba, pag-aari, at iba.

Sangay Hudikatura- Ito ay pinamamahalaan ng Korte Suprema na may kapangyarihang


maglitis at magpasya sa mga kaso o paglabag sa batas sa lahat ng mga sangay,

Mga Naisagawa ng Pamahalaang Komonwelt

Ekonomiya
1. Itinatag ang Sanggunian ng Pambansang Kabuhayan upang tumugon sa suliraning
pangkabuhayan.
2. Lumaganap ang industriya ng pagmimina, tela, tabako, langis ng niyog, bigas at
mais na pinangasiwaan ng National Rice and Corn Corporation.
3. Napabuti rin ang suplay ng kuryente at tubig.

Lipunan
1. Pagbibigay ng sapat na sahod sa mga manggagawa, pagtatakda sa 8 oras na
paggawa at takdang pasahod, at pagbuo ng hukumang lilitis sa pang-aabuso sa mga
manggagawa.
2. Pagbabahagi ng lupain sa mga magsasaka ngunit hindi nagtagumpay ang
programa dahil sa mga hacienderong tumulong kay Quezon sa halalan.
3. Itinaguyod ang Kagandahang Asal o Code of Ethics ni Pangulong Quezon.

Pulitika
1. Paghihiwalay ng Simbahan at Estado.
2. Pagkakaroon ng mga sangay, kagawaran at ahensya ng pamahalaan na tumitiyak
sa maayos na serbisyong publiko tulad ng pananalapi, katarungan, pangangalakal,
paggawa, at edukasyon.
3. Pagpapatatag ng sistemang prudensyal at demokrasya.
4. Kauna-unahang pagkakataon na nakaboto ang mga babae na dating karapatan
lamang ng mga lalaki.
5. Noong Disyembre 14, 1937 ay nahalal na unang Konsehal ng Maynila si Carmen
Planas, at si Elisa Ochoa naman bilang kinatawan sa Mababang Kapulungan.
6. Sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 1 ay itinadhana na ang mga
mamamayang may gulang 21 pataas na nasa maayos na kondisyon ang pangangatawan ay
dapat maglingkod sa Tanggulang Pambansa.

3
7. Ginawang Tagapayong Militar si Gen. Douglas McArthur upang bumuo at
magsanay ng mga sundalong Pilipino (Ang paghahanda ay nagamit sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig).
8. Binatikos ang malaking pasahod kay Gen. Douglas Mc Arthur na nakatira pa sa
Manila Hotel.

Relihiyon
1. Pagdating ng Protestantismo o ang pagiging malaya sa pagpili ng relihiyon.
2. Pagpapatuloy ng Katolisismo sa bansa.

Kultura
1. Malawak ang impluwensyang naiwan ng mga Amerikano sa ating sining sa sayaw
tulad ng mga sayaw na rhumba, jazz, samba, at polka.
2. Kundiman at banyagang musika sa mga komposisyon nina Nicanor Abelardo
at Felipe Buencamino.
3. Mga pinta nina Fernando Amorsolo at Fabian Dela Rosa tungkol sa pamumuhay sa
nayon.
4. Nakilala si Guillermo Tolentino sa larangan ng iskultura.
5. Sa larangan ng arkitektura ay naging bantog sina Juan Napkil at Juan Arellano.
6. Sa panitikan ay nakilala sina Lope K. Santos, Severino Reyes, at Rafael Palma.
Dumami rin ang mga manunulat dahil sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino. Dumami
ang mga pahayagan at magasin.
7. Pagkahilig natin sa mga artistang mula sa Hollywood.
8. Larong baseball, football, bowling, volleyball, bilyar.
9. Pagsikat ng kinagigiliwan ng maraming Pilipino basketball.

Edukasyon
1. Tumaas ang karunungan (literacy) sa pamamagitan ng malawakang libreng
edukasyon sa elementarya, pagkakaroon ng adult education, bokasyonal, at paghihikayat sa
mga pribadong paaralan na magbukas.
2. Paggamit ng wikang Ingles sa paaralan at pang-araw-araw na pakikipag-usap.
3. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 13, 1936 sa
pamamagitan ng Batas Blg. 184 na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa Pambansang
Wika. Dahil dito itinuring na “Ama ng Wikang Pambansa” si Pangulong Quezon at
nagdiriwang tayo ng Araw ng Wika tuwing Agosto. (Ngayon ay Buwan ng Wika.)
4. Naging batayan ang Tagalog sa pagbuo ng Pilipino bilang Wikang Pambansa
noong Hulyo 4, 1946 ayon sa Batas Blg. 570.

Transportasyon at Komunikasyon
1. Lumaganap ang paggamit ng tren, mga sasakyang pandagat, panlupa at
panghimpapawid.
2. Mayroon na ring telepono, radyo at pinalaganap ang sistema ng koreo. Totoong
malawak at maraming nagawa ang Pamahalaang Komonwelt, subalit naiwan din ito ng
malalim na tatak sa ating kaisipan na kung tawagin ay Colonial Mentality o ang pagkahilig
natin sa mga dayuhang produkto lalo na iyong Stateside.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Nasusuri ang Pamahalaang Komonwelt (Ikalawang Markahan-Ikatlong Linggo)
Mga Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:
1. Naipaliliwanag ang balangkas at katangian ng pamahalaang Komonwelt.
2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa panahon ng
Komonwelt.

4
Pagsasanay 1:
Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang ipinairal ng mga Amerikano tungo sa mabuting pamamahala
ng mga Pilipino?
A. Pagbibigay ng kalayaan sa mga Pilipino na makapamahala sa sarili
B. Paglawak ng mga kalakal sa pamilihan mula sa Estados Unidos
C. Pagpapahintulot sa mga kababaihang Pilipino upang mag-aral
D. Pagsunod ng mga Pilipino sa kabuhayang Amerikano
2. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay masuring binalangkas ng mga Pilipino dahil ito ang
magiging pamantayan ng Estados Unidos upang malaman kung may kakayahan na ang
Pilipino na makapagsarili ng pamamahala. Ang probisyon na ito ay tungkol sa:
A. Mapaunlad ang sistemang military ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang
Komonwelt.
B. Kasanayan ng mga Pilipino na maisulong ang sistema ng edukasyon na itinatag sa
ilalim ng Komonwelt
C. Kwalipikasyon ng mga pinuno at sistema ng pamahalaan sa ilalim ng Pamahalaang
Komonwelt
D. Pagsulong ng ekonomiya at kabuhayan ng mga Pilipino sa ilalim ng Komonwelt
3. Pinagtibay ang Saligang-Batas ng 1935 matapos ang plebisito na sinang-ayunan ng
nakararaming Pilipino. Kasunod nito ay pinili ang mga delegado na magsasagawa nito.
Ipinakita ng mga Pilipino na sila ay may:
A. Kalayaan sa pagsapi sa Estados Unidos bilang opisyal na teritoryo
B. Karapatang mahalal at maghalal ng pinuno sa pamahalaan.
C. Karapatang makapag-aral ang bawat Pilipino
D. Pantay na karapatan sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa.
4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting pagbabago sa Pamahalaang Komonwelt na
nasaksihan ng mga Pilipino sa larangan ng pamamahala?
A. Libreng pag- aaral sa pampublikong paaralan sa lahat ng bata.
B. Malayang pagmamay-ari ng sariling negosyo at kabuhayan
C. Pagdami ng kaugaliang Amerikano na ginaya ng mga Pilipino
D. Pagkakaroon ng karapatang na makapili at maghalal ng mga pinuno
5. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay may pangunahing probisyon tungkol sa pagkakaroon ng
tatlong sangay ng pamahalaan at paghihiwalay ng Simbahan at Estado.
A. Tama B. Mali
C. Maari D. Walang Katiyakan
6. Ang pamahalaang Komonwelt ay naitatag ayon sa Saligang Batas. Anong Saligang Batas
ang haligi ng Pamahalaang Komonwelt.
A. Saligang Batas 1973 B. Saligang Batas 1989
C. Saligang Batas 1935 D. Saligang batas 1989
7. Nagpatupad ng karapatan sa pagboto ang pamahalaang komonwelt sa kauna-unahang
pagkakataon para sa mga:
A. bata
B. babae
C. Lahat ng mamamayang Pilipino edad 10 pataas
D. Lahat ng mga lalaki edad 21 pataas
8. Nagkaroon ng takdang oras ng trabaho at takdang pasahod ang mga manggagawa.
A. Tama B. Mali
C. Maari D. Walang Katiyakan
9. Maraming pag-unlad ang naganap sa panahon ng komonwelt, alin sa mga ito ang
pinakamatagumpay sa larangan ng edukasyon.
A. Paggamit ng wikang Ingles sa pang-araw araw na komunikasyon
B. Libreng pag-aaral sa elementarya

5
C. Pagkakaroon ng Wikang Pambansa
D. Pagkakaroon ng mas maraming private schools.
10. Ilang taon inihanda ng Pamahalaang Amerikano ang Pamahalaang Komonwelt upang
makapagsarili?
A. 3 taon B. 5 taon
C. 7 taon D. 10 taon

Pagsasanay 2:
May kanya kanyang gawain ang bawat sangay ng pamahalaang Komonwelt. Lagyan
ng ang angkop na sangay para sa mga sumusunod na mga gawain.

Gawain Sangay Sangay Sangay


Ehekutibo Lehislatibo Hudikatura
1. Gumawa ng mga batas upang ang bansa ay
maging maayos at payapa.
2. Naglilitis at nagbibigay ng takdang parusa sa
mga taong nagkasala.
3. Ito ang may kontrol ng lahat ng mga
kagawaran at kawanihan ng pamahalaan.
4. Gumawa ng listahan ng mga karapatan (Bill of
Rights) ng pagiging isang Pilipino.
5. Libreng edukasyon para sa mga Pilipino sa
elementarya ay isa sa mga gawaing
ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon.
6. Ang hindi pagsunod sa batas ay may takdang
kaparusahan.
7. Nabigyang prayoridad ang pagpapabuti ng
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.
8. Siya ang may kontrol sa lahat ng kagawaran at
kawanihang tagapagpaganap na naaayon sa
saligang batas.
9. Nangangalaga sa mga karapatan ng mga
mamamayan.
10. Gumagawa ng mga batas para sa
pagpapabuti ng kabuhayan ng mga
mamamayan.

Pagsasanay 3:
Ilagay sa patlang ang salitang TAMA kung ipinahahayag na kaisipan ay tama at MALI
kung ang kaisipan ay Mali. Iwasto ang maling kaisipan at isulat sa patlang ang tamang
paliwanag para rito.

_________1. Ginamit ang wikang Ingles bilang Pambansang Wika ng Pilipinas.

6
_____________________________________________________________
_________2. Nagkaroon ng takdang oras ng trahabo at takdang pasahod sa bawat araw.
_____________________________________________________________
_________3. Hindi binigyan ng karapatan ang mga kababaihan na bumoto.
_____________________________________________________________
_________4. Lumaganap ang kahirapan at walang nagawa ang Pamahalaang Komonwelt
upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
_____________________________________________________________
_________5. Lumaganap ang karunungan dahil sa libreng pag-aaral sa elementarya.
_____________________________________________________________
_________6. Naiwan ng pamahalaang Amerikano ang pagkahilig ng mga Pilipino sa
produktong stateside at natatak ang colonial mentality.
_____________________________________________________________
_________7. Itinadhana na mga mamamayang may edad 21 pataas na may maayos na
kondisyong pisikal ay dapat maglingkod sa Tanggulang Pambansa.
_____________________________________________________________
_________8. Nagkaroon ng kalayaan ang mga mamamayan na pumili ng kanilang relihiyon
ayon sa kanilang paniniwala.
_____________________________________________________________
_________9. Sa Panahon ng Komonwelt, ang kulturang Pilipino ay hindi nahaluan ng
impluwensya ng Amerikano at nanatili ang katutubong kulturang Pilipino.
_____________________________________________________________
_________10. Lumaganap ang pagpapaunlad sa transportasyon at komunikasyon.
Nagkaroon ng mga bagong daan, riles at makabagong sistema ng komunikasyon.
_____________________________________________________________

Pagsasanay 4: (Performance Task)


Punan ang larawan ng tamang kasagutan ang tungkol sa mga nagawa ng
Pamahalaang Komonwelt sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino.

EDUKASYON LIPUNAN

________________________
_______________________
_______________________ ________________________

PULITIKA
EKONOMIYA
__________________
_______________
__________________
____
_______________
_____
KOMUNIKASYON AT
TRANSPORTASYON
KULTURA
___________________
__________________
____________________
_ 7

_________________
Repleksiyon:
Lagyan ng ang kahon ayon sa iyong natutunan.

Aralin Lubos na Naunawaan Hindi


naunawaan naunawaan
1. Naunawaan ko ang balangkas at
katangian ng pamahalaang Komonwelt.
2. Naisa-isa ko ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa panahon ng
Komonwelt.

Sanggunian

Bansang Pilipinas, Lahing Pilipino 6, Amado E. Borbon at Jaquilyn Zacarias, Ephesians Publishing
Inc. 2017. Barangay Bahay Toro, Quezon City
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
“Balangkas at Layunin ng Pamahalaang Komonwelt”, Learning Resource Management and
Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the
Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas
(STRIVE).
Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan I
MODYUL 13: ANG PAGHAHANDA PARA SAPAGSASARILI, Bureau of Secondary
Education, Department of Education, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City
https://www.slideshare.net/jetsetter22/balangkas-at-layunin-ng-pamahalaang komonwelt

Susi sa Pagwawasto

Lehislatibo Napabuti ang sistema ng komunikasyon


Hudikatura Napabuti ang mga daan at tulay
Ehekutibo Komunikasyon
Hudikatura 2. Naging isip kolonyan ang mga Pilipino
Ehekutibo 1. Nakilala ang mga Pilipino sa Iba’t-ibang larangan 10. Tama
Lehislatibo Kultura Filipino.
Lehislatibo 2. Karapatan ng mga babae na makaboto mga Amerikano ang kultukang
Ehekutibo 1.Paghihiwalay ng Simbahan at Pamahalaan. 9. Mali-Naimpluwensiyahan ng
Hudikatura Pulitika 8. Tama
Lehislatibo Lumaganap ang industriya ng agrikultura 7. Tama
Pagsasanay 2: Napabuti ang supply ng kuryente at tubig 6. Tama
D Ekonomiya 5. Tama
B 2. Itinaguyod ang Kagandahang-Asal panahon ng Komonwelt
A 1. Pagbibigay ng sapat sa sahod at takdang oras ng trabaho. 4. Mali-Umunlad ang bansa sa
B Lipunan ang mga kababaihan na bumoto.
C Wika 3. Mali-Binigyan ng karapatan
A Pagpapatupad na ang Wikang Filipino bilang Pambansang 2. Tama
A Libreng Pag-aaral sa elementarya ang lahat ng bata. ginamit na pambansang Wika
B Edukasyon 1.Mali- Wikang Filipino ang
C Maaring may Iba’t ibang kasagutan Pagsasanay 3:
A Pagsasanay 4:
Pagsasanay 1:

Inihanda ni:
MIRIAM C. SANTIAGO
Master Teacher-I

You might also like