Pagkatapos masunod ang lahat ng probisyong itinakda ng Batas Tydings-McDuffie,
pinasinayaan ang Komónwelt ng Filipínas noong 15 Nobyembre 1935, ang pansamantalang pamahalaan ng Filipinas na hahawakan ng mga Pilipino hanggang sa itinakdang pagbibigay ng ganap na kasarinlan. Umupô si Manuel L. Quezon bilang pangulo at si Sergio Osmeña bilang pangalawang pangulo. Binibigyan ng nasabing batas ang Filipinas ng sampung taon simula 1935 hanggang 1945 upang maghanda sa pamamahala at pamamalakad ng sarili nitong gobyerno para sa napipintong pagbibigay ng kalayaan sa 1946. Gayunman, sa loob ng panahong ito, ang ugnayang panlabas ng bansa ay pamamahalaan ng presidente ng America sa pamamagitan ng kaniyang high commissioner. Itinatakda din sa nasabing batas ang pagrebisa ng gobyernong Americano at Komonwelt sa usapin ng independensiya pagkalipas ng tatlong taon matapos ang inagurasyon nitó. Noong 10 Hunyo 1934 idinaos ang eleksiyon para sa mga delegado sa kumbensiyon. Makalipas halos ang isang taon ng pagbalangkas ng konstitusyon, inaprubahan ng humigit- kumulang na isang milyon at dalawang daang libong boto ng mga Filipino ang nasabing konstitusyon noong 14 Mayo 1935. Makasaysayan din ang naturang plebisito dahil ito ang unang pagkakataon na bumoto ang kababaihan. Kasunod nitó, idinaos ang halalan para sa mga opisyal ng Komonwelt noong Setyembre 17. MGA PAGBABAGONG PANLIPUNAN
Eight-hour Labor Law- nagtatakda na kapag lumampas sa walong oras ang
pagtatrabaho ay kinakailangan ng karagdagang bayad sa serbisyo. Code of Citizenship and Ethics- Ito ay kodigo ng kagandahang asal. Minabuti ni Quezon na ang edukasyon ay isalig sa pagpapaunlad ng disiplina, kagalingang pansibiko at kasanayan sa paggawa ng mga handicraft. Sinikap ni Quezon na maging Makabayan ang edukasyon. Surian ng Wikang Pambansa- Layunin ng surian na pumili ng isang katutubong wika na gagamiting batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Naniniwala si Quezon na ang pagkakaroon ng isang wikang Pambansa ang magbubuklod- buklod sa mga mamamayan sa kapuluan. Dahil dito tinawag si Quezon na “Ama ng Wikang Pambansa”. MGA PAGBABAGONG PAMPOLITIKA
Simulan ni Quezon ang reorganisasyon ng
pamahalaan. Pinatatag niya ang tanggulang Pambansa at isinabatas ang paglilingkod sa hukbo ng mga mamamayang may pisikal na kakayahan at may edad 21 taong gulang pataas. Tinawag itong National Defense Act of 1935. Itinalagang Field Marshall of the Philippine Army at Military Adviser si Heneral Douglas Mac Arthur. Women’s Suffrage bill- Ang kababaihan ay nabigyan ng karapatang bumoto at makilahok sa halalan noong 1937 alinsunod sa batas na ito. Carmen Planas- unang babaeng nahalal na konsehal ng Maynila. Elisa Ochoa-unang babaeng nahalal na kinatawan ng Mababang Kapulungan. Programang Homestead- Ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga magsasaka na walang sariling lupa na makapagmay-ari ng lupang sasakahin. Diversification- pag-iiba-iba ng mga produktong agrikultural na pananim ng mga magsasaka.