You are on page 1of 4

Mga Batas Tungkol sa Wikang Pambansa: 1935

- sa Saligang Batas ng Pilipinas nagtadhana tungkol sa wikang pambansa. . . ang kongreso


aygagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
bataysa isa sa mga umiiral na katutubong wika.1940 (Abril 12) - Ang pagtuturo ng wikang pambansa
ay sinimulan sa mataas na paaralan at mgapaaralang Normal.1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng
Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon blg. 12. Ito ay tungkolsa pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon.Napapaloob sa panahong
saklaw nito ang pagdiriwang sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).1955 (Setyembre 23) - Nilagdaan ng
Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon blg. 186 na nagsusog saProklamasyon blg. 12 ng 1954
na inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika taun-taon saika 13 - 19 ng Agosto.1959
(Agosto 13) - Ipinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
KautusangPangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang siyang gagamitin na wikang
pambansa.1975 (Oktubre 30) - Ipinabatid sa pamamagitan ng Memorandum Pangka- gawaran blg.
187, s. 1975 nanilagdaan ni Juan L. manuel ang tungkol sa pagkakalimbag ng aklat na Mga
Katawagan sa Edukasyonng Bilinggwal na inaasahang makakatulong sa pagpapalaganap ng
Edukasyong bilinggwal.1987 (Artikulo 14, seksyon 6 - 7 ng Saligang Batas) - Nagpapatupad ng
Wikang Filipino.

Kasalukuyang Saligang Batas (1987)


Ito ang kasalukuyang namamayaningsaligang batasna nalikha nang naupo si Corazon
Aquino bilang pangulonoong 1986.Binuo niya ang isang komisyon upang ibalangkas ang
bagong saligang sa aming sarili at angkanangsusunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya
sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ngkatotohanan, katarungan, kalayaan,
pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ngKonstitusyong ito."

1899 (Unang Republika)


Sinundan ng pagkahayag ng pagiging malaya mula saEspanyang Rebolusyunaryong Pamahalaan,
isang kongresoang nagpulong sa Malolos, Bulacannoong 1899upang ibalangkas sa Saligang Batas
ng bansang Cuba. Ito ay binuonila Isabelo Artacho at Felix Ferrer Ito ang unang republikang
saligang batas sa Asya. Sinasabi sa dokumento naeksklusibong malaya ang mga tao. Inilahad ang
mga pangunahing karapatang sibil, pagkakahiwalay ng estado at simbahan,at ang pagtawag para
sa pagbuo ng isang Kapulungan ng mga Kinatawan na gaganap bilang isangkatawan ng mga
gagawa ng batas. Tinatawag din nito ang pagbuo ng isang Presidensyal na uri ng pamahalaan
naihahalal ng mayorya ng Kapulungan ang pangulo para maglingkod sa termino na apat
na taon.Ang sabi sa Panimula:
"Nosotros los Representantes del Pueblo Filipino, convocados legítimamente para establecer
la justicia, proveer a la defensa común, promover el bien general y asegurar los beneficios de la
libertad, implorandoel auxilió del Soberano Legislador del Universo para alcanzar estos fines,
hemos votado, decretado y sancionado la siguiente:"
(Kami, ang mga Kinatawan ng mga Pilipino, nagpulong ayon sa batas upang itatagag ang
katarungan,magbigay ng karaniwang pagtatanggol, itaguyod ang pangkalahatang kabutihan, at
tiyakin ang mgakapakinabangan ng kalayaan, sumasamo sa tulong ng Malayang Tagapagpagawa
ng Batas ng Sansinukob para matamo ang mga ganitong mithiin, binoto, iniutos, at pinasiyahan ang
mga sumusunod.)

1935 Saligang Batas (Ang Komonwelt at ang Ikatlong Republika)


]Isinulat ang 1935 Saligang Batas noong1934, at pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946)
at ginamit saIkatlong Repulika ng Pilipinas (1946-1972).Itinadhana ang orihinal na 1935 Saligang
Batas para sa isang Kongresona may isangKapulungan ng mgaKinatawan. Sinusugan ito
noong 1940 upang magkaroon ng parehong SenadoatKapulungan ng mga Kinatawan. Sasaligang
batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa
dalawangtermino.Isang Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong1971upang baguhin ang
Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsyon. Marahil ang
pinakakontrobersyal ang isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa
gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos saikatlong termino. Sa anumang usapin, sinuspinde
ng pagpapahayag ng batas militar ang 1935 Saligang Batas.

1943 Saligang Batas (Ikalawang Republikang inayunan ng mga Hapon)


Pinagtibay ang 1943 Saligang Batas noong Ikalawang Republika (1943-1945) sa panahon
ng pananakop ng mgaHaponnoongIkalawang Digmaang Pandaigdig. Hinirang si Jose P.
Laurel bilang pangulo dahil tinitingala siya ngmga Hapon sa pagpuna niya sa paraan ng
pamamalakad ngEstados Unidos sa Pilipinas at dahil may titulo siya sa
Tokyo International University
. Nagbigay ng matibay na tagapagpaganap ang 1943 Saligang Batas. Binubuo ito ng mga
tagapagbatas sa PambasangKapulungan at iyon lamang mga di sang-ayon sa Estados Unidos ang
kinukunsidera para ihalal, bagaman karamihanhinihirang ang mga tagapagbatas sa halip
na inihalal. Naging instrumento ng mga Hapon ang 1943 Saligang Batas upang gawing lehitimo ang
pagsakop nila sa pamamagitan ng papet na pamahalaang Pilipinas.

Ang 1973 Saligang-batas (Panahong ng Batas Militar at Bagong Republika)


Ipinakilala ang 1973 Saligang-batas bilang parlamentong-uri ng pamahalaan. Ipinagkaloob ang
kapangyarihan ngtagapagbatas sa isang Pambansang Kapulungan na hinahalal ang mga kasapi sa
anim na taong termino. Inihalal angPangulo bilang masagisag na pinuno ng estado mula sa mga
Kasapi ng Pambansang Kapulungan at maaaringmahalal ng ilang ulit. Kapag nahalal, hindi
na kasapi ang Pangulo sa Pambansang Kapulungan. Sa panahon ngtermino, hindi
pinapahihintulang maging kasapi ng isang partidong pulitikal o maupo sa puwesto ng
ibangtanggapan. Nasa Punong Ministro ang kapangyarihan ng tagapagpaganap na inihalal ng mga
Kasapi ng PambansangKapulungan. AngPunong Ministro ang pinuno ng pamahalaan at Punong
Tagapag-utos ng hukbong sandatahan.Binago ng ikatlong ulit ang saligang batas na ito.

Pagbabago noong 1981


Noong1981, itinatag muli ang parliamentonganyo ng pamahalaang kasama ang diretsong pagboto
ng mga tao sa pangulo.

Pagbabago noong 1986


Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 3
, pinalayaw na

1986 Malayang Saligang Batas


, ang pinakamalayong naabotna kumpol ng pagbabago sa 1973 Saligang Batas na halos
isang Saligang Batas na sa kabuuan. Bagaman,malalaking kumpol ng mga pagbabago ito
sa katotohanan, na inalis ang mga ilang probisyon mula sa saligang batas.Ipinagkaloob ang
Pangulo ng ilang kapangyarihan na tanggalin ang ilang mga opisyal sa puwesto, isaayos
ang pamahalaan at magpatawag ng kapulungan para sa magbalangkas ng bagong saligang
batas.Pagkatapos ng Unang Rebolusyon sa EDSAna nagtanggal sa Pangulong Ferdinand E.
Marcos sa puwesto,ipinahayag ng bagong Pangulo, Corazon Aquino, ang
Proklamasyon Blg. 3
at ang pagpapatibay sa probisyunal nasaligang-batas na naging 1987 Saligang-batas.

Kasaysayan ng Wika

1934 Nagsimula ang kasaysayan ng Wikang Pambansa noong unang Kombensyong Konstitusyonal
na naganap sa taong 1934. Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa
ay si Deligado Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte. Ang orihinal na resolusyon ay ang
sumusunod:
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong diyalekto.

1935 Ang resolusyon ay naisa-batas at matatagpuan sa Seksyon 3, Artikulo XIV ng Saligang Batas
ng 1935.

1936 (Okt. 27) Itinagubilin ni Pangulong Quezon sa kanyang mensahe sa Pambansang Asemblea
ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas sa layuning mapaunlad at mapatibay ang isang wikang panlahat.

1937 (Nob.13) Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt blg. 184 na lumikha ng
isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.

1937 (Enero 12) Humirang ang Pang. Quezon ng mga Kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang
pambansa. Si Jaime C. D. Veyra ang unang Tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa.
(Tingnan sa aklat ang iba pang miyembro).

1937 (Nob.9) Nagpasa ng isang resolusyon na gawing Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa
at itinagubilin ito ng Pang. Quezon na pagtibayin na.

1937 (Dis. 30) Alinsunod sa Batas Komonwelt blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap 134, ipinahayag ng Pang. Quezon na batay sa Tagalog ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas.

1940 (Abril 1) Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 ay binigyang-pahintulot


ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at ang Gramatika ng Wikang Pambansa na itinakdang
ituro sa mga publiko at pribadong paaralan mula Hunyo, 1940.

1954 (Marso 26)Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklama blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa
tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.

1955 (Set.23) Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang Proklama blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon.

1959 (Agos. 13) Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
Pilipino ang gagamitin.

1967 (Okt. 24) Itinakda ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg.96 na
nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino.

1968 (Marso 27) Nagpalabas si Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ng Memorandum


Sirkular blg. 172, nag-aatas na isulat sa Pilipino ang mga letterheads ng mga kagawaran at sangay
ng pamahalaan.

1968 (Agos.6) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 na nag-aatas
sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay na gamitin ang wikang Pilipino,
hangga’t maaari, sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
1970 (Agos.17)Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular
blg. 384 na nagtatalaga ng tauhang mamamahala ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng
departamento, kawanihan , tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga
korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan

1971(Marso 16) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 na
nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa. Naging Tagapangulo nito si Dr. Ponciano BP.
Pineda. Nanungkulan siya hanggang taong 1999.

1972 (Dis. 1) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Panlahat blg. 17 na ang panukalang
Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at Ingles .
1974 (Hunyo 9) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 25 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang
edukasyong bilinggwal sa mga paaralan mula taong aralan 1974-75.

1974 (Okt.22) Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Roberto Reyes ang pahintulot sa Surian ng
Wikang Pambansa ang pagsasagawa ng mga seminar at iba pang katulad na pagpupulong para sa
programang bilinggwalismo.

1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusan blg 22,
1978 na nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo.

1987 Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang


Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.

1987 Sa rekomendasyon ng Linangan ng Wikang Pambansa, dating Surian ng Wikang Pambansa,


nilagdaan ni Sek. Quisumbing ang Kautusang Pangkagawaran blg.81 na nagtatakda ng bagong
alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino.

1988 (Agos.25) Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino ang kautusang Tagapagpaganap blg. 335 na
nagtagubilin sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin sa mga opisyal na transaksyon ang
wikang Filipino.

1990 (Marso 19)Pinalabas ni Sek. Isidro Carino ng Edukasyon, kultura at Isports ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa
Saligang Batas

You might also like