You are on page 1of 2

Stephanie Kate Garin

PSY 183

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

TAON MGA PANGYAYARI


1934 KUMBENSYONG KONSTITUSYUNAL
Ito ay binubuo ng mga delegado mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dito pinag-usapan
ng mabuti kung anong wika ang itatag bilang wikang pambansa. Nagkakaroon ng
pagtatalo kung wikang katutubo ba o wikang ingles ang gagamitin

1935 SALIGANG-BATAS NG 1935, ARTIKULO XIV, SEKSYON 3


Dito ay itinadhana na ang Kongreso ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng pangkalahatang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika.

1936 BATAS KOMONWELT BLG. 184


itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa batay sa Batas
Komonwelt Blg. 184. Tungkulin ng Surian ay mamuno sa pag-aaral at pagpili ng wikang
pambansa. Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng
estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking
bilang ng mga Filipino.” Si Jaime de Veyra, ang pinuno ng komite na nagsagawa ng pag-
aaral ay napili ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa”.

1937 KAUTUSANG TAGAGANAP BLG. 134


Sa bisa ng saligang batas 1935 pinahayag ni Pangulong Manuel Quezon na ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa wikang Tagalog. Magkakabisa ito pagkatapos ng dalawang taon.

1940 KAUTUSANG TAGAGANAP BLG. 263


Pinalabas ni Pangulong Manuel Quezon ang Kautusang Taggaganap Blg. 203 . Ito ay
nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng talatinigang Tagalog-Ingles at Bararila sa Wikang
Pambansa. Pinasimulan nito ang paguturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralan sa
buong bansa.

1946 ARAW NG PAGSASARILI (HULYO 4, 1946)


Sa panahong ito ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng mga Pilipino. Ipinahayag na
ang opisyal na wika ng bansa ay Tagalog at Ingles na binatay sa Batas Komonwelt blg. 570

1954 LINGGO NG WIKANG PAMBANSA (MARSO 26, 1954)


Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ibinase ng Surian ng Wikang Pambansa ang
proklamasyon sa karaawan ni Francisco Balagtas (March 29-April 4).
1955 LINGGO NG WIKANG PAMBANSA (SETYEMBRE 23, 1955)
Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 upang ilipat ang Linggo ng
Wika mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel
L. Quezon.

1959 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7 (AGOSTO 13, 1959)


Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Si Jose E. Romero, ang kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon, ay ipinalabas ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na
nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin ng Pilipino.

1963 PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS


Nilagdaan ni dating Pangulong Macapagal ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 na
nagsasabi na dapat awitin ang pambansang awit ng Pilipinas sa titik nitong Filipino.

1967 KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 96 (OKTUBRE 24, 1967)


Ang lahat ng epidisyo, gusali, at tanggapan at pamahalaan ay pangangalanan sa Filipino
ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 ni dating Pangulong Marcos.

1973 1973 SALIGANG BATAS, ARTIKULO XV, SEKSYON 3, BLG. 2


Ang Saligang Batas ng 1973 ay dapat ipahayag sa wikang Ingles at Filipino (Mga wikang
opisyal) . Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa.

1987 1987 SALIGANG BATAS, ARTIKULO XIV, SEKSYON 6-9 (PEBRERO 2, 1987 AT AGOSTO 6
1987)
Dito nadeklara ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino
na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay kikilalaning Wikang Filipino.
Ayon naman sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, nagtakda ng Alpabetong Filipino na
binubuo ng 28 letra .

1997 Ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwang ng Wikang Filipino.

You might also like