You are on page 1of 12

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA

TAGALOG

1937 (NOBYEMBRE 9)
 Ipinapahayag na ang TAGALOG ay siyang halos lubos na nakatutugon sa
mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184
1937 (DISYEMBRE 30)
 Ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na
batay sa TAGALOG
1940 (HUNYO 7)
 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570
 Ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
1954 (MARSO 26)
 LINGGO NG WIKANG PAMBANSA

PILIPINO

1959 (AGOSTO 13)


 Nagsasaad na kalian ma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
PILIPINO ay siyang gagamitin.
1967 (OKTUBRE 24)
 Lahat ng gusali, edisipyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino
1968 (MARSO 27)
 Letteread
 Panunumpa

FILIPINO

1987 (PEBRERO 2)
 SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO
1997 (HULYO)
 Buwan Ng Wikang Filipino

1935

 Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang


wikang pambansa na batay sa isa sa mga uniiral na katutubong wika (SEKSIYON 3,
ARTIKULO XIV)

1936 (OKTUBRE 27)

 Ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na gagawa ng isang pag-aaral ng
mga wikang katutubo sa Pilipinas.

1936 (NOBYEMBRE 13)

 Ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at
itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

ANG MGA NAGING TUNGKULIN AT GAWAIN NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA AY ANG


MGA SUMUSUNOD:

1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino


man lamang
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto
3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayang ng wikang pambansa na
dapat umaayon sa:
a) Pinakamaunlad at mayaman sa panitikan
b) Ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino

1937

 Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang
Pambansa
 Alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog sa Batas
Komonwelt Blg. 333.

Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:

JAIME C. VEYRA (Visayang Samar)

 Tagapangulo

CECILIO LOPEZ (Tagalog)

 Tagapagpaganap

SANTIAGO A. FONACIER (Ilokano)

 Kagawad

FILEMON SOTTO (Visayang Cebu)

 Kagawad
 Di nakaganap ng tungkulin dahil sa kapansan

FELIX SALAS-RODRIGUEZ (Visayang Hiligaynon)

 Kagawad

CASIMIRO F. PERFECTO (Bikol)

 kagawad

HADJI BUTU (Muslim)

 Kagawad
 Di nakaganap ng tungkulin dahil sa maagang pagkamatay
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga sumusunod na Kagawad:

1. LOPE K. SANTOS (Tagalog)


 Pinalitan ni INIGO ED. REGALADO
2. JOSE I. ZULUETA (Pangasinan)
3. ZOILO HILARIO (Kapampangan)
4. ISIDRO ABAD (Visayang Cebu)

1937 (HUNYO 18)

 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang seksyon ng Batas
Komonwelt Blg. 184

1937 (NOBYEMBRE 9)

 Ipinapahayag na ang TAGALOG ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng


Batas Komonwelt Blg. 184

1937 (DISYEMBRE 30)

 Ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa TAGALOG

Hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng
Pilipino sa ganitong ayos
Mga Pangunahing Wika sa Pilipinas:
59.6% Kapampangan
 Cebuano
48.2% Cebuano  Hiligaynon
 Samar
46.6% Hiligaynon
 Leyte May aabot na 9 hanggang
39.5% Bikol  Bikol 10 libong salitang
 Ilokano magkakatulad at
31.3% Ilokano
 Pangasinan magkakahawig sa bigkas,
 kapampangan baybay at kahulugan.

TAGALOG
 Siyang naging batayan ng Wikang Pambansa ay nagtataglay ng humigit kumulang:
 5,000 salitang hiram sa Kastila
 1,500 sa Ingles
 1,500 Intsik
 3,000 sa Malay

 Ayon sa SWP, mayaman daw ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalapi at


pagtatambal ay dumarami ang mga salita niyon.
 Napakadali ring pag-aralan ang Tagalog.
 Kahit hindi pormal na pinag-aaralan, maraming Pilipino ang natuto agad ng wikang Tagalog.
 Madali nilang nauunawaan ang diwa, kahulugan at nilalaman ng mga Tagalog na
pangungusap sa pagsubaybay sa takbo at agos ng mga pangungusap.
 Hindi lamang mga Pilipino ang nagsabing medaling matutunan ang Tagalog kundi pati na
rin mga dayuhan sa ating bansa nang unang panahon at ngayon.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

1940 (ABRIL 1)

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263---Paglilimbag ng diksyunaryo at gramatika ng wikang


pambansa
 Mula Hunyo 19, 1940 sisimulan nang ituro ang wikang pambansa ng pilipinas sa lahat ng
paaralang-baya at pribado.

1940 (ABRIL 12)

 Pinalabas ni kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang


Pangkagawaran
 Ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng patnugot ng Edukasyon Celedonio
Salvador
 Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.

1940 (HUNYO 7)

 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570


 Ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa
Hulyo 4, 1940.

1954 (MARSO 26)

 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsusog sa Proklama
Blg. 12, serye ng 1954
 Inilipat ang pagdiriwang ng LINGGO NG WIKANG PAMBANSA simula sa Marso 29-Abril 4
taon-taon
 Araw ni Balgtas (Abril 2)

1955 (SETYEMBRE 23)

 Inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng lingo ng Wikang Pambansa taon-taon, August


13-19.

1959 (AGOSTO 13)

 Pinalabas ng Kalihim Jorge Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran Blg. 7 na;
 Nagsasaad na kalian ma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay
siyang gagamitin.

1967 (OKTUBRE 24)

 Naglagda ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang kautusang Tagapagpaganap Blg.


96, na nagtatadhana na ang LAHAT NG GUSALI, EDISIPYO, AT TANGGAPAN NG
PAMAHALAAN AY PANGALANAN SA PILIPINO.

1968 (MARSO 27)

 Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg.


172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
 Ang mga LETTERHEAD ng mga KAGAWARAN, TANGGAPAN, AT MGA SANGAY NA
PAMAHALAAN AY NARARAPAT NA NASUSULAT SA PILIPINO
 PANUNUMPA SA TUNGKULIN ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino
gagawin.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

1968 (AGOSTO 6)

 Seminar
 Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap
Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo
sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng SWP sa lahat ng purok pangwika.

1968 (AGOSTO 5)

 Paggamit ng wikang Pilipino sa Linggo ng Wikang Pambansa


 Ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat
ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa
lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

1969 (AGOSTO 7)

 Ang Memorandum Blg. 277 ay pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda


na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at
empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos bg SWP sa
lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang
pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.

1970 (AGOSTO 17)

 Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg.


384 na nagtatalaga ng mga kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng
komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.

1971 (MARSO 4)

 Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg.


443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa
alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril
2, 1971

1971 (MARSO 16)

 Nilagdaan ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na


nagpapanauli sa SWP at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin.M

Mga Kagawad ng Surian ay kumakatawan sa sumusunod na mga pangunahing pangkat


linggwistika:

 Bikol
 Cebuano
 Mga wika ng mga minoryang cultural
 Hiligaynon
 Ilokano
 Kapampangan
 Pangasinan
 Samar-Leyte
 Tagalog
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Binubuo ng mga sumusunod:

Director Ponciano B.P. PINEDA (Tagalog)


 Tagapangulo
Dr. Lino A. Arquiza (Cebuano)
 Kagawad
Dr. Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon)
 Kagawad
Dr. Lorenzo G. Cesar (Samar-Leyte)
 Kagawad
Dr. Clodualdo H. Leocadio (Bikol)
 Kagawad
Dr. Juan L. Manuel (Pangasinan)
 Kagawad
Dr. Alejandro Q. Perez (Pampango)
 Kagawad
Dr. Mauyag M. Tamano (Tausog; mga wika ng mga minoryang kultural)
 Kagawad
Pangalawang Direktor Fe Aldave-Yap
 Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap

Ang SWP ay nagkaroon ng sumusunod na mga kapangyarihan, tungkulin at gawain:

1. Maghayag ng mga kinakailangang panuntunan at mga alituntunin na alinsunod sa mga


pamantayang umiiral at tumutugon sa mga pinakabagong kaunlaran sa agham ng
lingguwistika tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng wikang pambansa
2. Ialinsabay sa panahon ang gramatika ng wikang pambansa
3. Magpanukala ng diksyunaryo, tesauro, ensayklopidya o anumang kasangkapang lingguwistik
ayon sa mga pinakabagong leksikograpiya, pilosopiya at pagkatha ng ensayklopidya
4. Magpanukala at maghayag ng mga patakarang pangwika na naaangkjop sa progresibong
pagpapaunlad ng edukasyonal, cultural, sosyal at ekonomikal ng bansa
5. pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa wikang pambansa
6. magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksiyon ng mga aklat,
pamphlet at katulad ding babasahin sa wikang pambansa sa uri at obrang orihinal at
7. isagawa ang iba pang kaugnay na gawain

1971 (HULYO 29)

 Lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng


LINGGO NG WIKANG PAMBANSA, Agosto 13-19 (na ngayon ay Buwan ng Wika, Agosto 1-
31)

1972 (DISYEMBRE 1)

 Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17, na nag-uutos na


limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Gazette at gayon din sa mga pahayagang may
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratipikasyon nf Saligang Batas
noong Enero 5, 1973

1972 (DISYEMBRE)

 Nag-atas ang Pangulong (Blg. 73) Ferdinand E. Marcos sa SWP na ang Saligang Batas ay
isalin sa mga Wwikang sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan,
alinsunod sa probisyon ng Saligang batas (Artikulo XV, Seksyon 3 (1))

1973 SA SALIGANG BATAS Artikulo XV, Seksyon 3, ganito ang sinabi:

 Ang saligang batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga
wikang opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong
taong-bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang
mananaig.
 Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino.

1974 (HUNYO 19)

 Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel g Edukasyon at Kultura ang Kautusang


Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
patakarang edukasyong bilingguwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan
1974-1975.
 Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972

1978 (HULYO 21)

 Ang Pilipino ay bahagi na nang kurikulum ng pankolehiyo.


 Kalakip sa kautusang ito ang pagkakaroon ng palatuntunan ng pagsasanay ng mga guro
upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino sa
Pandalubhasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at Kultura.

SIMULA SA UNANG SEMESTRE NG TAONG 1979-1980, ITUTURO ANG ANIM NA YUNIT NG


PILIPINO SA KOLEHIYO; MALIBAN SA KURSONG PAGTUTURO NA 12 YUNIT.

PILIPINO 1

 (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan (Communication Arts)

PILIPINO II

 (3 yunit) Panitikang Pilipino; Pahpayaw na Kasaysayan at mga Piling Katha

1986 (AGOSTO 12)

 Nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa wikang


pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng
Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.
 Dahil dito, ipinahayag niya na taon-taon, ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng
pagsilang ng naging Pang. Manuel L. Quezon, itinuturing na ama ng wikang pambansa, ay
Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan
sa bung bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayon din ng
mga lider ng iba’t ibang larangan ng buhay.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

1987 (PEBRERO 2)

 Pinagtibay ang bagong konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaad
ang mga sumusunod:
 SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.
 SEKSYON 7. Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang
itinatadhana ang batas, INGLES.
 SEKSYON 8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles
 SEKSYON 9. Dapat magtatag ang kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa
na binubuo ng mga kinakatawan ng iba’t ibang mga rehiyon

DESKRIPSYON SA FILIPINO

 Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang mga wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t
ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

1987

 Pinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamnebto ng Edukasyon Kultura at


Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakarang edukasyong bilinggguwal
 Tungkulin ng patakarang edukasyong bilinggguwal na pahusayin ang pagkatuto sa
pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng
edukasyon gaya ng hinihingi ng konstitusyong 1987; palaganapin ang Filipino bilang wika
ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang lingguwistikong sagisag ng
pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na intelektuwalisasyon ng wikang
Filipino. Sa isang banda, pananatilihing wikang internasyunal para sa Pilipino ang Ingles at
bilang di-eksklusibong wika ng agham at teknolohiya.
 Sa rekomendasyon ng linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dating SWP), nilagdaan ng
kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura ta Palakasan ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa
pagbabaybay ng wikang Filipino.

1988 (AGOSTO 25)

 Nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na


nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan
ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakvbang para sa paggamit ng
wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korepondensya

1989 (SETYEMBRE 9)

 Pinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Plakasan ang


Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na
isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang
Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

1990 (MARSO 19)

 GAMITIN ANG FILIPINO SA PAGBIGKAS NG PANUNUMPA SA SALIGANG BATAS AT SA


BAYAN NATIN.

1996

 Pianalabas ng CHED ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng;


 Siyam (9) na unit na pangangailangan sa Filipino
 FILIPINO I (Sining ng Pakikipagtalastasan)
 FILIPINO II (Pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang Disiplina)
 FILIPINO 3 (Retorika)

1997 (HULYO)

 Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda
na ang..
 Ang Buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan Ng Wikang Filipino lahat ng
pamahalaan at paaralan ay MAGSASAGAWA NG MGA GAWAIN KAUGNAY SA TAUNANG
PAGDIRIWANG.

2001

 Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino,


ipinalabas ng KWF ang…
 2001 REVISYON NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO AT PATNUBAY SA ISPELING NG
WIKANG FILIPINO.

2006

 Pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng


wikang Filipino
 Magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987

2009

 Ipinalabas ng KWF sa pamamagitan ng kanilang Sangay ng Lingguwistika ang Gabay sa


Ortograpiyang Flipino.
 Tuluyan nang isinantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, bagamat
anumang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 Gaby ay mananatiling
ipatutupad.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

MGA BATAS

BATAS KOMONWELT BLG. 184

 Lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan


at tungkulin niyon.

BATAS KOMONWELT BLG. 184

 Ipinapahayag na ang TAGALOG ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga


hinihingi ng

BATAS KOMONWELT BLG. 570

 Ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula
sa Hulyo 4, 1940.

MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 172

 Nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96

MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 199

 Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga


pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na
idaraos ng SWP sa lahat ng purok pangwika.

MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 384

 Nagtatalaga ng mga kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng


komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng
pamahalaan.

MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 443

 Hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa


alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa
Abril 2, 1971

MEMORANDUM BLG. 277

 Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago sa


Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos bg SWP sa lahat ng
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang


pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 263

 Paglilimbag ng diksyunaryo at gramatika ng wikang pambansa

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 96

 Ang mga LETTERHEAD ng mga KAGAWARAN, TANGGAPAN, AT MGA SANGAY NA


PAMAHALAAN AY NARARAPAT NA NASUSULAT SA PILIPINO
 PANUNUMPA SA TUNGKULIN ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa
Pilipino gagawin.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 187

 Nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at


iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 304

 Nagpapanauli sa SWP at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335

 Nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na


nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at
kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakvbang para sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korepondensya

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 84

 Nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan

KAUTUSANG PANLAHAT BLG. 17

 Nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Gazette at gayon din sa mga


pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa
ratipikasyon nf Saligang Batas noong Enero 5, 1973

PROKLAMASYON BLG. 19
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

 Nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa


wikang pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab
ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

You might also like