You are on page 1of 3

MORPOLOHIYA

MORPOLOHIYA

 Makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema


 Isang pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang wika at pagsasama-sama nito
upang makabuo ng isang salita

MORPEMA

 Makabuluhang yunit ng isang salita


 Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan

DALAWANG MORPEMA

 Malayang morpema o salitang-ugat (ganda)


maganda
 Di-malayang morpema o panlapi (ma-)

ANYO NG MORPEMA

1. MORPEMANG PONEMA O MAKABULUHANG TUNOG


 Binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/
 Nagpapakita ng kasarian

Hal. Doktor Doktora

2. MORPEMANG SALITANG-UGAT
 Maituturing na malayang morpema dahil nakakatatayong mag-isa
 Morpemang may tagalay na kahulugan kahit walang panlaping nakakabit

Hal. Dagat takbo sulat

3. MORPEMANG PANLAPI
 Ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang taglay
 Matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa
 Ma- pagkamayroon
 Um- gawi o Gawain
 Mala- katangiang kahawig ng
MORPOLOHIYA

URI NG MORPEMA AYON SA KAHULUGAN

1. MORPEMANG MAY KAHULUGANG PANGNILALAMAN O LEKSIKAL


 Leksikal ang kahulugan ng isang morpema kung ang salita ay pangnilalaman
 Mga salitang panawag sa mga kongkreto at abstraktong bagay o pangngalan,
salitang panghalili sa mga pangngalan o panghalip, salitang kilos o pandiwa,
salitang panlarawan o pang-uri at mga pang-abay na nagsasabi ng panahon,
paraan ng pagsasagawa ng kilos o nagtuturo ng lugar at iba pa.

Pangngalan Aso, tao, sabon, paaralan, kompyuter, disket, telebisyon, vugi


(itlog ng isda, Ibanag)masjid (mosque, Tausog)
Panghalip Ako, ikaw, siya, kayo, tayo, kami, sila
Pandiwa Mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin,
nagsisipag-alisan
Pang-uri Banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami-rami
Pang-abay Kahapon, kanina, totoong maganda, doon, diyan, patalikod,
pasigaw

2. MORPEMANG MAY KAHULUGANG PANGKAYARIAN


 Walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto upang maging makahulugan

Pang-angkop na, -ng, -g


Panghalip at, o, saka, at iba pa
Pang-ukol Tungkol sa/kay, ayon sa/kay, at iba pa
Pananda Ang, ng, sa, si/sina, ni/nina, kay/kina, ay

3. DERIVASYUNAL
 Morpemang may pinaghanguan o pinagmulan
 May pagbabago sa kahulugan ng salita dahil sa pagbabagong nabubuong salita

Halimbawa:
 Awit (song) = mang-aawit (singer)
 Sulat (letter) = manunulat (writer)

4. INFLEKSYUNAL
 Paggamit ng mopemang panlapi sa pandiwa sa iba’t ibang aspekto.

Halimbawa:
 Kumain kumakain kakain

ALOMORP NG MORPEMA

Pang- k, g, h, m, ng, w, y, a, e, i, o, u
MORPOLOHIYA

Pam- p, b

Pan- d, l, r, s, t

You might also like