You are on page 1of 6

MORPEMA

Ang Morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtatglay ng kahulugan. Bawat salita sa
isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-samang mga pantig ay makabubuo ng isang salita.
May tatlong uri ng morpema

Morpemang di malaya (kilala rin bilng panlapi)

Morpemang malaya ( kilala rin bilang salitang ugat )

Ang morpemang di Malaya na may kasamang salitang ugat .

MGA ANYO NG MORPEMA

Morpemang binubuo ng isang ponema

(makabuluhang tunog)

Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitn ng

{-a} kinulong natin ang titik a dahil ito ay isang makabuluhang tunog o isang ponema.

Hal. Propesora ibig sabihin dalawang morpema ang mabubuo, ang salitang propesor at ang ponemang
(a)ay nagbago ang kahulugan ng salitang.

Morpemang salitang-ugat (salitang payak) mga salitang walang panlapi

Ang salitang ugat ay tinatawag ding malayang morpema dahil nakatatayo sila ng mag isa kahit wala
silang mga panlapi

Hal. bahay, bayani, kain

Ibig sabihin mayroong tigiisang morpema ang mga nabigay na halimbawa dahil hindi na sila maaring
hatiin pa.

Morpemang Panlapi (Mga panlapi) narito ang mga iba’t ibang gamit ng mga panlapi

a-an o-han

lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang ugat.

Hal. Aklat – aklatan, manok, manukan


Pook na ginagapan ng kilos na isinasaad

ng salitang ugat

hal. Luto – lutuan, tahi- tahian

Gantihang kilos

Hal. Damay- damayan, turo-turuan

Panahon ng pagganap o maramihang pagganap

Hal. Ani- anihan, tanim-taniman

-in o –hin

Nagsasaad ng salitang ugat

Hal. Kamot-kamutin, ihaw-ihawin

Relasyong isinasaad ng salitang ugat

Hal. Tiya –tiyahin, ama-amahin

Ka

Kasama sa pangkat

Hal. Lahi-kalahi, baro – kabaro

Nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng salitang ng ugat

Hal. Kambal-kakambal, galit, kagalit

Ka-an, han

Nagsasaad ng pinakagitna ng salitang ugat


Hal. Sama-kasamaan, sulat-kasulatan

Nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari

Hal. Tindi-katindihan, bagsik-kabagsikan

Mag

Nag sasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang ugat

Hal. Tindi-katindihan, bagsik-kabagsikan

Mag

Nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang ugat

Hal. Ina- mag-ina, lolo- maglolo

Pa an

Nagsasaad ng ganapan ng kilos

Hal. Aral-paaralan, limbag-palimbagan

Nagsasaad ng paligsahan ng kilos

Hal. Galing-pagalingan, taas-pataasan

Pala an

Nagsasaad ng sistema o pamamaraan

Hal. Bigkas-palabigkasan, tuldik-patuldikan

Pang/pam/pan

Nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang ugat

Hal. Bata-pambata, sahog-pansahog

Taga

Nagsasaad ng Gawain
Hal. Laba-tagalaba, masid-tagamasid

Nagsasaad ito ng doon nakatira

Hal. Bundok-tagabundok, baguio-taga baguio

Tag

Nagsasabi ito ng panahon

Hal. Lamig- taglamig, araw-tagaraw

Ma

Nagsasaad ng pagkakaroon ng katangian

Hal. Kisig-makisig, talino-matalino

Nagsasaad ng kampi o kapanalig

Maka

Nagsasaad ng kampi o kapanalig

Hal. Tao- makatao, bayan-makabayan

Mapag

Nangagahulugang may ugali

Hal. Usisa- mapag-usisa, biro mapagbiro

Pala

Nangagahulugang lagging ginagawa

Hal. Dasal-paladasal, tawa-palatawa

MGA ALMORP NG

MORPEMA- galing salitang ingles na ALLMORPH, na hinati sa salitang griyego na ALLO (kapara) at
MORPH (yunit/anyo) pang, mang, sing, pam, mam, sim, pan, man,

a,e,i,o,u
k,g,h,m,n,ng,w,y,b,p,d,l,r,s,

Panggabi

Manggagawa

Sanggaling Pambansa

Mambabatas

Sim Pandikdik

Mandamay

Sintalino

You might also like