You are on page 1of 16

MORPOLOHIYA

Morpolohiya
 ang pag-aaral ng pagsasama-sama ng mga ponema
upang makabuo ng salita.

 tinatawag din itong PALABUUAN


MORPEMA
ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan.

Halimbawa: Hindi na maaari pang


mahati dahil masisira
[kahoy] ≠ [ka], [hoy] ang kahulugan nito.

[babae] ≠ [baba], [e], [ba],


[bae]
 Bawat salita ay may tinatawag ding batayang salita
o salitang-ugat na maaaring lapian ng mga panlaping
nagkakaroon ng kahulugan kapag ito ay ikinakabit sa
salita.
Halimbawa:
matubig matalino
maputik magalang

“marami” “katangian”
MGA URI NG MORPEMA
1. Mga Morpemang may Kahulugang Panleksikal. Sa uring
ito, masasabing tiyak ang pangalan ng lugar, tao o bagay,
katangian nito, at diwa ng aksiyon.

Halimbawa:

Nanood ng sine sa Robinsons Mall sina Amna at Jana.


MGA URI NG MORPEMA
2. Mga Morpemang may Kahulugang Pangkayarian. Sa
uring ito, walang kahulugang ipinahahayag ang morpema
kapag nag-iisa.

Halimbawa:

ng, sa, sina, at ꟷ sa pangungusap kanina


Mga Anyo ng Morpema
1. Panlapi
 isang morpemang nagtataglay ng kahulugan.

Panlaping makauri

Panlaping makadiwa

Panlaping makangalan
Halimbawa:

Makauri
Panga + han = pangahan (malaki ang panga)

Makadiwa
sama + han = samahan (pagsabay sa iba)

Makangalan
tinda + han = tindahan (lugar ng pamimili)
Mga Anyo ng Morpema
2. Salitang-ugat/ Batayang salita
Payak na salita na walang kasamang panlapi. Taglay
nito ang kahulugan sa sarili.

Halimbawa:

awit ganda bayani


sayaw ulan gawa
kinis dasal laba
Mga Anyo ng Morpema
3. Morpemang binubuo ng isang ponema
 magkaiba sa kasarian ang tinutukoy ng mga
salitang propesor at propesora; dahil sa [-a] sa
pusisyong pinal ng ikalawang salita.
Halimbawa:
senador/ senadora doktor/doktora
senyor/ senyora mayor/mayora
Mga Alomorp ng Morpema
◦ Ang isang morpema ay maaaring magbago ng anyo dahil
sa impluwensya ng kaligiran. Halimbawa, ang morpemang
[pang-] ay may tatlong anyo ng tatawagin nating mga
alomorp:
[pang-] , [pam-] , [pan-]

/a, e, i, o, u /
k, g, h, m, n, /d, l, r, s, t/
b/ ,
ng, w, y/ /p/
Mga halimbawa:
pampito pangyarda pangngalan
Pambansa pangwalis pang-ihaw
Pantaksi pangkamay pang-ekonomiya
Pandikit panggabi pang-abay
Pansampu panghalip pang-opera
Panlaro pangmadla pang-uri
Panradyo pangnayon
Tulad ng [pang-] ang panlaping [mang-] at [man-]; gayundin ang
[sang-] at [sing-] na mya kanya-kanyang mga alomorp. Ang
distribusyon ng mga panlaping nabanggit ay tulad din ng sa [pang-].
Halimbawa:
mang-away mambato mandakma
manghakot sanlaksa mambola
sangkalupaan sing-ilap mantisod (manisod)
singganda simbango simputi
sindakila sinluwang
 ampangit
 ambango
 ambagal
 ambilis
 antulin
Magbigay ng tigdalawang halimbawa sa bawat
alomorp:

[pang-]
[mam-]
[sang-]
[sing-]
[pan-]

You might also like