You are on page 1of 13

ETIMOLOHIYA,

KAHULUGAN at
KALIGIRAN NG
EKOKRITISISMO
EKOKRITISISMO

Ang salitang EKOKRITISISMO ay


nanggaling sa dalawang salitang
EKOLOHIYA at KRITISISMO.
EKOKRITISISMO

EKOLOHIYA - Tawag sa pag-aaral ng ugnayan o


interaksyon sa pagitan ng mga hayop, halaman at
ng kalikasan.
EKOKRITISISMO

KRITISISMO -Ang teknikal na katumbas ng


mga salitang "puna", "saloobin", o persepsyon
na pawang bunga ng maagham na pagsusuri ng
mga bagay-bagay sa paligid.
Si Propesor Cheryll Burgess Glotfelty, noong
1996 ang unang nagtambal sa kaugnayan ng
panitikan at kalikasan. Tinutukoy niya ang
maraming mga sanaysay na tumatawag ng
pansin sa sangkatauhan hinggil sa
kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
Sa taong ding iyon, kasama si Harold
Fromm, inilathala nila ang kauna-unahang
"klasikong Antolohiya ng mga piyesang
pampanitikan" na may kaugnayan sa
ekolohiya.
TEORYANG
EKOKRITISISMO

TEORYANG EKOKRITISISMO - Ito ang


bagong teorya ng panitikan, kultura at kalikasan.
Tinututukan sa teoryang ito ang pandaigdig na
krisis sa kalikasan sa pamamagitan ng panitikan
na detalyeng naglalantad ng mga di kanais-nais
na kaganapan sa kultura at pisikal na kapaligiran
dahil sa walang humpay na pagpapalalo ng tao
sa luntiang kalikasan.
Ayon pa rin kay Glotfelty (1996), ang
ekokritisismo ay tinatawag ding Green
studies na kapwa nangangahulugang isang
kritikal na dulog sa pagbasa ng panitikan.
Sa kabilang banda, ang paraan ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kalikasan ay nakakaapekto sa
kung paano makikipag-ugnayan ang kalikasan sa
sangkatauhan. Kapag nilapastangan ng tao ang
kalikasan, ang kalikasan ay may sariling paraan
sa pagbabalik sa sangkatauhan ng alinmang
kalapastanganang kaniyang natamo mula sa
sangkatauhan.
Sa pagbasa sa mga akda, ang ekokritiko ay
gumagamit ng mga metodolohiya mula sa iba
pang disiplina gaya ng sa agham at sosyolohiya
upang mapag-aralan ang kaugnayang
namamagitan sa panitikan at kapaligiran.
Sinusuri ng ekokritiko ang akda gamit ang
lente sa kalikasan. Nililimi ng ekokritiko ang
papel ng likas na kapaligiran na makikita sa
imahinasyon at ang pagkakaugnayan ng
kalikasan at tao, ang paraan ng paglalarawan ng
panitikan sa tao kasama ang kalikasan, at kung
paano naaapektuhan ang isa't isa.
 Mahalagang aparato din ang dulog na ito sa mga
magtatangkang basahin ang mga panitikang-
bayan na pumapaksa hinggil sa kalikasan.
Maaaring makita kung gayon, ang paraan ng
pagtatanghal ng kalikasan sa iba't ibang
perspektibo.
 Sa gabay at tuon ng ekokritisismo, maaaring
mailahad ang mga kaaya-ayang larawan ng isang
lugar o kaya ay ang mga banta ng pagkasira nito
na kailangang bigyang-diin upang mabawasan,
kung hindi man lubos na maiwasan ang impak ng
mga sakuna na bunga ng kawalan ng
pangangalaga sa kalikasan.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG! 

You might also like