You are on page 1of 7

Asignatura: Filipino 102

Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

YUNIT I: ANG EKOKRITISISMO

Aralin 1: Etimolohiya, Kahulugan at Kaligiran ng Ekokritisimo

 Ekokritisismo galing mula sa salitang ekolohiya at kritisimo.


 Ekolohiya-pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng
kalikasan.
 Kritisismo-puna, saloobin o persepsyon (maagham na pagsusuri).
 Propesor Cheryll Burgess Glotfelty (1966)- siya ang nagtambal sa dalawang salita
at tinutukoy niya ang mga sanaysay na naglalaman ng kahalagahan ng
pangangalaga sa kalikasan.
 Karamihan sa manunulat ng sanaysay-ekolohikal ay mga babae.
 Sa larangang ito, sinusuri ng mga awtor kung paano ang panitikan ay
napalalawak ang pangangalaga at pagbibigay-babala ng kalikasan sa tao.
 Harold Fromm- kasama siya sa naglathala ng kauna-unahang “Klasikong
antolohiya ng mga Piyesang Pampanitikan” na may kaugnayan sa ekolohiya.
Mula rito ay ipinanganak ang teoryang ekokritisismo.
 William Rueckert (1987)- binuo niya ang “ecopoetics” na ang lunsaran ay tula.
 Dahil sa ekokritisismo, naitaas nito ang bisa ng panitikan.
 Malaki ang kaugnayan nito sa lipunan at kultura ng tao upang makamit ang
timbang na ekolohiya.
 Ang paglapastangan ng tao sa kalikasan ay may balik sa mga tao sa sarili nitong
paraan.

Aralin 1.1: Mga Batayang Kaalaman sa Ekokritisimo

 Hindi dapat ipagkibit-balikat ang relasyon ng tao at kalikasan.


 Mapapansain ang kaugnayan ng tao at kalikasan dahil sa mga umiiral na
panitikan.
 Ang panitikan ay repleksiyon ng lipunan at kulturang umiiral.
 Ang lipunan at kultura ay hinuhulma ng panitikan dahil natuto rito ang mga tao.
 Binanggit ni Barry (2009) ang sinabi ni Glotfelty at Fromm na tulad ng
peministang kritisismo na sumusuri sa wika at panitikan mula sa pespektibong
kasarian, ang Marksistang kritisismo sa pagdadala ng kamalayan sa
ekonomikong estado sa pamamagitan ng pagbabasa ng teskto, ang ekokritisimo
naman ay nakasentro sa dulog kalikasan sa pag-aaral pampanitikan.
 Tinatawag rin ang ekokritisimo bilang “Green Studies” ayon kay Glotfelty.
 Sa Estados Unidos nagsimula ang ekokristismo bilang isang kilusan sa
pangunguna nina Glotfelty at Fromm sa kanilang sanaysay na The Ecocriticism
Reader: Lndmarks in Literary Ecology at umusbong rin ito sa UK bilang Green
Studies.
 Jonathan Bate- nagtatag ng ekokritisismo sa UK, may-akda ng Romantic
Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition at The Song of the Earth.
 Interdisiplinaryo ang pag-aaral ng ekokritisismo.
 Gagamit ang mga kritiko ng metodolohiya mula sa iba pang disiplina.
 Tiyan na layunin ng ekokritisismo: maibalik ang pagpapahalaga sa kalikasan.
 Ang buhay na walang kalikasan at buhay na walang panitikan ay halos imposible
ayon kay Hitesh Parmar.

Pamantasang Bayan ng Mindanao-Pangunahing Kampus


Lungsod ng Marawi
Asignatura: Filipino 102
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

 Hindi tinitignan ang ekokristisismo bilang isang konteksto lamang, tinitingnan


ito bilang isang entidad na may katumbas na halaga sa mga bidang tauhan ng
akda.
 Nailalarawan sa ekokritisismo ang kaaya-ayang mukha ng kalikasan o ang mga
banta ng pagkasira.

Aralin 1.2: Bagong Teoryang Pampanitikan

 Mula Griyego, oikos (kalikasan) at kritos (tagapaghatol sa kalidad at integridad)


 Hindi hihinto ang teoryang ito bagkus magpapatuloy bilang eko-literasi.
 Henry David Thoreau- isang ekokritiko na nagwikang kapag ang tao ay nabigong
matuto mula sa kalikasan, siya ay hindi lubos na nabubuhay.
 John Muir- isang ekokritiko na nagsalaysay ng kanyang nakatutuwang
pakikipagsapalaran bilang isang pastol sa California.
 Ang mga ekokritiko ng Amerika ay ginagamit ang salitang ekokritisismo na
nakatuon sa kagandahang dulot ng kalikasan habang ang mga ekokritiko ng
Britanya ay nakatuon sa paglimi sa mga distraksyon o panganib na dala ng tao
sa kalikasan.
 Ayon kay Fenn, ang pinakatunguhin ng ekokritisismo ay ang preserbasyon ng
kalikasan. Hinihikayat ang mga mambabasa na masinsinang pag-isipan ang
astetiko at etikal na suliraning dala ng krisis pangkapaligiran at kung papaano
ipinapahayag ng wika at panitikan ang mga pagpapahalaga sa kaliksan.
 Iba’ ibang bahagi ng kapaligiran ayon kay Barry (1996): unang bahagi ay ang
mga kaparangan (hal. disyerto, karagatan), ikalawang bahagi ay kagubatan,
lawa, bundok atbp., ikatlong bahagi ay ang kanayunan na kinapapalooban ng
burol, bukid, at kakahuyan, panghuling bahagi ay ang mga lokal na tanawin
(mga likhang tao).
 Thomas K. Dean- ayon sa kanya, ang ekokritisismo ay pag-aaral ng kultura at
produkto ng kultura. Ang ekokritisismo ay ang magdudugtong sa siwang ng
panitikan at agham.
 Mga gabay na tanong sa pagbasa ng akdang pampanitikan (1. Paano isinasagisag
ang kalikasan sa akdang ito?, 2. Ano ang papel ng pisikal na tagpuan sa banghay
ng akda?, 3. Ang mga pagpapahalaga bas a akda ay naaayon sa pagpapahalaga
sa kalikasan?, 4. Sa paanong paraan nakaapekto ang karunungan sa relasyon
ng tao at kalikasan?, 5. Ano ang kaugnayan ng agham ng ekolohiya sa pag-aaral
ng panitikan? At, Ano ang posibleng bunga sa pagitan ng pag-aaral ng panitikan
at usaping pangkapaligiran kaugnay sa ibang disiplina tulad ng kasaysayan,
pilosopiya, sikolohiya, sining at etika?
 Narratology- isang teoryang pampanitikan na sumusuri sa estruktura ng
salaysay batay sa panahon na ito ay umiral.
 Para kay Aristotle, ang tauhan at ang aksyon ang pinakamahalagang elemnto ng
akda.
 Kinilala ni Aristotle ang 3 elemento ng banghay: hamartia (nagsisiwalat ng
kasalanan ng tauhan), anagnorisis (realisasyo o pagtuklas ng sarili sa
kasalanan), at peripeteia (pagbabalintuna ng tauhan).
 Ang teoryang kultural ay tumutukoy sa pagpapakilala sa kultura ng may-akda
sa mga hindi nakakaalam.

Pamantasang Bayan ng Mindanao-Pangunahing Kampus


Lungsod ng Marawi
Asignatura: Filipino 102
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

Aralin 2: Ugnayan ng Ekokritisimo sa Iba’t Ibang Larangan

 Ang panitikan ay repleksiyon ng isang lipunan.


 Ayon kay Honorio Azarias, ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin
ng tao sa lalong pinakamarangal na paraan hinggil sa lipunan at pamahalaan,
at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathlang Lumikha.
 Dulce at utile (kagandahan at kaalaman) mula kay Horace.

Aralin 2.1: Ekokritisismo at Kultural-antropolohiya

 Ang kasiyahang dala ng panitikan sa lipunan ay daan ng pakikipag-ugnayan ng


tao sa Maykapal habang ang kaalamang dala ng akda maging gabay ng tao sa
kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at kanyang kapaligiran sa kalahatan.
 Nakita ang koneksyon ng tao at kapaligiran sa pasulat at pasalitang panitikan.
 Sa lente ng ekokritisismo, ang kalikasan ang protagonista ng may akda.
 Pumapasok ang pag-aaral ng kultura at antropolohiya, agham panlipunan at
kasaysayan dahil ang ekokritisimo ay interdisiplinaryo.
 “Ligtas ang may alam” (TV Patrol-ABS-CBN)

Aralin 2.2: Interkoneksiyon ng Kalikasan at Kultura

 Nakatapak ang dalawang paa ng ekokritisismo, ang isa ay sa panitikan at ang


isa ay sa lupa (kalikasan) ayon kay Glotfelty.
 Metapora ng wika sa ugnayang tao at kalikasan: ipinagbubunyi
(pianangangalagaan) o isinasapanganib (sinisira).
 Ang pag-aaral ng panitikan at kultura ay hindi maaaring paghiwalayin.

Aralin 2.3: Ekokritisismo at Sosyolohiya

 Ayon kay Glotfelty, kinakaharap natin ang global na krises ngayon hindi dahil sa
paano nakapangyayari ang ekolohikal na sistema kundi dahil sa ating
nakapangyayaring etikal na sistema.
 Napansin ni Glotfelty at Fromm na kaunti lang ang pumapansin sa
pandaigdigang krisis ng ekolohiya at maging sa sosyal midya.
 Sa patuloy na pagwawalang-bahala ng tao sa kalikasan ay may sarili itong
paraan ng lupit at ganti sa mga tao.

Araling 2.4: Ekokritisismo at Araling Pampanitikan

 Ang ekokritisismo ay unibersal na modelo (Barry, 2009).


 Simula ng ipinanganak ang teoryang ekokritisismo ay patuloy itong umunlad at
lumawak sa paghahanap ng ugnayang panitikan at pisikal na kapaligiran.
 Nakadagdag sa larangang ito ang kasaysayan at heograpiya.
 Ito rin ay maituturing na agham dahil sa pagsaklaw nito sa ekolohiya na
nauugnay rin sa politika, ispirituwalismo, agham moral, pilosopiya atbp.

Aralin 2.5: Kalikasan bilang Protagonista sa mga Akdang Panitikan

 Karaniwan sa mga nababasang akda ay antroposentrik (nakasentro sa tao bilang


karakter ng akda).

Pamantasang Bayan ng Mindanao-Pangunahing Kampus


Lungsod ng Marawi
Asignatura: Filipino 102
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

 Sa ekokritisismo, ang kalikasan ang sentro ng akda bilang protagonist kaysa tao.
 Sa pananaliksik ni Larsson (2012), sinuri niya ang mga aklat pambata na
naglalaman ng eco-knowledge na makakatulong upang maging maalam ang mga
bata na nauukol sa sitwasyon ng kapaligiran.
 Kay Zap (2016), inilahad sa kanyang akda ang mahalagang papel ng panitikan
sa pagtamao ng maayos n buhay sa pamamagitan ng pamumuna.
 May puwang rin sa dulog ang panitikang pangkalikasan sa mga etnikong grupo.
 Itinatanghal ang panitikang ito mula sa pangkat-etniko hindi upang mang-aliw
at mangaral kundi magpaunawa hingiil sa daing ng kalikasan.

Aralin 2.6: Ang Ekokritisismo sa Pagdalumat ng Panitikan

 Inilarawan ni John Iremil E. Teodoro (2012) ang ekokristismo na “bagong luma”


upang maging bida ang kalikasan sa akda. Ang usaping kalikasan ay luma
ngunit bago pa ang pagpupunyagi na pagtuonan ang mga isyung pangkalikasan.
 Mabibigyang pakahulugan ang lugar, tagpuan, at kapaligiran sa ekokritisismo.
 Pag-uusapan sa akda ang panganib na kinakaharap o kakaharapin ng kalikasan
dahil sa gawa ng tao (Fenn, 2015).
 Sa pag-aaral ni Santos (2011) gamit ang ekokritisismo sa pagsusuri sa Tulang
Bikol o Rawitdawit, iminungkahi niya ang pag-aaral ng eko-makata sa agham at
sining upang matimbang nang mabuti ang ugnayan ng mga ugnayan
(relationships).
 Sino ako? Patungo sa Nassan ako?.
 Sinuri rin ni Santos kung ang mga tula at makata ay may malikhaing tugon sa
pagbabago ng klima na tinawag niyang Republika ng Kalamidad, ang Bikol.
 Gamit ang panitikan ay natuturuan ang mga mag-aaral na magkaroon ng pag-
asa sa krises sa sustinabilidad sa tuon ng ekosentrismo sa sumubok ng solusyon
(Chua, 2017).
 Kay Santos, ang pang-aabuso sa babae at kalikasan ay magkaugnay at
nagkakatulad kaya lumabas rin ang ekofeminismo na konsepto.
 Naniniwala naman si Mishra na ang pag-aaral sa panitikan ay magdudulot ng
ekolohikal na literasi.
 Katungkulan ng ekokritiko batay kay Mishra:magbasa ng magagamit na
piyesang panitikan at suriin ito sa lente ng kalikasan, maggalugad ng mga
panulat pangkalikasan, magtaya ng ugnayang namayani sa pagitan ng tao at
kalikasan, magsikap na makahanap ng solusyon, manawagan ng
pangmatagalang debelopment, maghanatad ng epekto kalikasan sa kultura ng
tao, at unawain ang kahalagahan ng kalikasan.
 Ayon kay Lovino (1996), ang tao ang sumusugat sa kalikasan.
 Batay sa natuklasan ni Santos sa pag-aaral niya ng tula ng Bikol, nanguna sa
solusyon ng mga eko-makata ang pagbagunas (matinding paglilinis) at paglaum
(pag-asa).
 Ang ekokritisismo bilang isang kilusan sa pagbabago ay pagwawasto sa
antroposentrik na pananaw upang mailigtas ang mundo.

Pamantasang Bayan ng Mindanao-Pangunahing Kampus


Lungsod ng Marawi
Asignatura: Filipino 102
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

Aralin 3: Wika ng Ekolohiya

 Wika ang pangunahing gamit sa pakikipagkomunikasyon.


 Kalikasan naman ang nagbibigay pundamental sa pangangailangan ng tao.
 Pinag-uugnay ng wika ang tao at kalikasan.
 Sabi ni Wendel, ang wika ay hindi umiiral sa kawalan.
 Ayon kay Dobie, an ekokritisismo ay interdisiplinaryong pananaw na
pinagsasama-sama ang iba’t ibang disiplina upang tukuyin ang posibleng
solusyon sa kasalukuyang pangkapaligiran.
 Sa pag-aaral ng wika at ekolohiya ay nakikilala natin ang interaktibong paghubog
ng kalikasan sa wika at bise bersa (Wendel).
 Ayon kay Haugen, ang wika ng ekolohiya ay pag-aaral sa mga interaskyon sa
pagitan ng anumang wika at kapaligiran nito.
 2 bahagi ng ekolohiya ng wika: saykolohikal at sosyolohikal.

Aralin 3.1: Higaonon: Wikang Kakambal ng Kalikasan

 Ayon kay Levita (1996), ang Higaonon ay galling sa sa salitang gaon na ang ibig
sabihin ay bundok. Sa maikling pakli, mga taong nakatira sa bundok.
 Ayon naman sa UNAHI Mindanao, nagmula ang salitang Higaonon sa tatlong
mahahalagang salita: higa (buhay), gaon (bundok) at onon (tao).
 Kilala ang mga Higaonon, na ang wika rin ay tinatawag na Higaonon, na mga
lumad.
 Lumad ang tawag sa isang taong isinilang at nabuhay sa iisang lugar.
 Bahagi ang Higaonon sa 18 etnolinggwistikong Mindanaon at hindi naging Islam.
 Dati silang naninirahan sa kapatagan ngunit dahil sa kalupitan ng tao at
modernisasyon ay napilitang silang lumipat sa bundok.
 Nanatili ang paniniwala ng mga Higaonon sa kanilang paggamit sa lupa,
kapatiran, ritwal, karunungang-bayan, kwento at awitin.
 Isa sila sa orihinal na angkan na kabilang sa proto-Philippine stock. Mas nauna
pa sila sa Pilipinas kumpara sa mga Ifugao.
 Higit-kumulang 400,000 ang populasyon ng Higaonon na nahahati sa 3
kategorya: primitibong komunidad, pinaghalong komunidad ng mayoryang di-
Higaonon, at nagsasamang Higaonon sa kapatagan at baybaying bayan.
 Nakapalibot ang lumad na ito sa mga malalaking ilog: Tagoloan, Pulangi, Agusan,
Gingoog, Linugos, Balantukan, Odiongan at Cagayan de Oro.
 Datu ang tawag sa namumuno sa kanilang tribo.
 Dasang- katutubong panitikan na naglalaman ng kanilang kaugalian at
paniniwala na maaaring basahin sa loob ng 8 araw at 8 gabi sa pamamagitan g
Dumagondong (banal na asambleya).
 Para sa kanila, ang kahulugan ng datu ay guro at tagapang-ingat.
 Sinasakop ng datu ang walong angkang namumuhay sa 8 ilog ng Mindanao: datu
sa agrikultura (Imbabasok), datu sa pangangaso (panumanod), datu sa
panananggol (Alimaong), datu sa paggaang sa tubig (Bulalakaw), datu sa
pananalapi (Pamahandi), datu sa kalusugan (Mananambal), datu sa kabuhayan
(Pamumuhi), datu sa ritwal (Salikot), datu sa pagdarasal (Palayag), datu sa banal
na asambleya (Dualondong baylan), at datu sa pagtatala (Giling).
 Parating isinaisip ng mga Higaonon ang nakaukit sa kanilang salasila (batas ng
pangkat). Ang mga ito ay huwag kang susuway sa batas, huwag mong lalabagin
ang mga banal na utos, huwag kang maging makasarili, huwag ihambing ang

Pamantasang Bayan ng Mindanao-Pangunahing Kampus


Lungsod ng Marawi
Asignatura: Filipino 102
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

sarili sa iba, iwasang mainggit, humingi at magbigay, mahalin ang kapwa,


mamuhay ng mapayapa, pantay-pantay ang lahat ng tao, at making sa sinuman
o lahat.
 Ang kanilang kultura ay sumasalamin sa mayamang pagpapahalaga na may
kaugnayan sa kalikasan o kapaligiran.
 Magbabaya- tawag sa kanilang Diyos.
 Naniniwala sila sa mga Espiritu na tagabantay ng kalikasan.
 Agulanga- nakatatandang Higaonon
 Ipu/Pamuhat (ritwal)
 Asul, pula at puti-karaniwang kulay ng kanilang damit na pagkakakilanlan.
 Bawal magputol ng kahoy at bawal magbenta ng lupa.
 Nagkakaroon na rin ng pagbabago sa mga magkakahiwalay na pangkat ng mga
Higaonon dal ng teknolohiya, politika at mga karanasan tulad ng: pagkawaglit
ng mga katutubo dahil sa pagdeklara ng pampublikong lupaon sa mga lupa ng
ninuno, pagrerenta ng mga lupain nila bunsod ng National Development
Company, pagdagsa ng iba’t ibang dayo sa Bukidnon.
 May lantad at di lantad na kahulugan ang mga salita hg wikang Higaonon.
 Agil-il: uri ng kuliglig na humuhuni tuwwing nag-aagaw ang dilim at liwanag.
 Agulanga: iginagalang na nakakatanda sa pangkat.
 Agutay: uri ng punong saging na pataas ang bunga.
 Alumo: pakikipagkasundo sa kaaway sa pamamagitan ng paghingi ng tawad.
 Ambubunaw: punongkahoy na may bungang parang lansones.
 Apo: lolo o lola; espiritung iginagalang ng ninunong namatay na.
 Apusaw: halamang namumulaklak ng kulay puti at may malalapad na dahoon.
 Anibung: maliit na kahoy tila niyog.
 Bagani: matapang na kawal o mandirigma.
 Bagyang: punong may malalapad na dahoon na maaaring gamiting
pansamantalang bubong sa kamaisan o kamotehan.
 Bakusan: ahas na walang lason at kinakain ng mga katutubo.
 Baloy: mga dahoon na pinapatuyo at ginagawang banig.
 Binaki: isang suman na niluto gawa sa mais na dilaw.
 Binakion: mais na tamang-tamang gawin para gawing binaki.
 Bito: bagay na pagalaw-galaw at nakikipaglaro sa hangin.
 Buuy: lola sa tuhod.
 Gitamod: saling bibig na paniniwala mula sa magulang at baylan.
 Ilian: tagong lugar na piunupuntaha sa panahon ng digmaan.
 Iligan: daanan pababa sa bundok; gilid ng matarik na daanan.
 Ipuan: taong pinag-aalayan ng ritwal.
 Kaamulan: piyesta, panahon ng pagsasayaw ng mga Higaonon na ginaganap
tuwing Mayo.
 Kapu-un: pinagmulan ng lahi.
 Kaya-kaya: punongkahoy na namumunga mula ibaba hanggang dulo nito.
 Kolubi- punongkahoy na mahaba at ang bunga ay matatagpuan sa lupa katabi
ng puno.
 Kumba: sagradong lugar sa kagubatan na pinagriritwalan.
 Lab-o: kamoteng kinakain ng mga Higaonon.
 Limbay: balangakas ng mga araling kultral kabilang na ang salasila na dapat
isaulo.
 Liyang: yungib na may tubig.
 Lugimit: punongkahoy na ang bunga ay kinakain ng ibon.

Pamantasang Bayan ng Mindanao-Pangunahing Kampus


Lungsod ng Marawi
Asignatura: Filipino 102
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

 Magnana-u: gurong iginagalang sa pangkat, tagapayo.


 Manggad: mamahaling gamit.
 Manlulunda sa kinaiyahan: espiritung nagbabantay sa iba’t ibang aspeto ng
kalikasan.
 Oway: punongkahoy na payat at kapag pinutol ay pinatutuyo na maaaring
gawing basket; balagon.
 Padedeng: hindi nakikitang nilalang na nakatira sa puno.
 Pagbaton-baton:n makikipagpalagayang-loob.
 Pait-pait: maliit na isda na kulay puti at karaniwang pinapakain sa bagong
panganak na ina.
 Pulot: maliit na puo na may dagtang ginagamit sa panghuli ng isda.
 Sudsod: damong ginagamit sa paggawa ng banig.
 Sudsud: magbungkal ng lupa.
 Tagabito: espiritung nagbabantay sa labas ng kuweba.
 Tagaliyang: espiritung nag-iingat sa loob ng kuweba.
 Tangkul: instrumentong pangmusika na yari sa kawayang may taling lubid.
 Nakasalalay ang mga kultural na salita ng mga Higaonon at ang pagkasira ng
kalikasan ay magdudulot sa kanila ng pagbabago at pagkawala.
 Ang wika ng Higaonon ay mahalaga upang mapanatili ang kanilang identidad sa
pamamagitan ng pangangalaga ng kalikasan.

Reperensya:

Dizon, R., Ijan, M., Pantorilla, C., & Sandoval, M. A. (2018). Ekokritisismo at
Pagpapahalaga sa Kalikasan. Mutya Publishing House Inc.: Malabon City,
Philippines

Pamantasang Bayan ng Mindanao-Pangunahing Kampus


Lungsod ng Marawi

You might also like