You are on page 1of 2

ARALIN 2.

3
EKOKRITISISMO AT SOSYOLOHIYA

Hindi bago ang suliraning pangkapaligiran sa lipunan o sa mundo sa kalahatan. Naroon ang
lindol, bagyo at pagbaha at may malaking kontribusyon para maghirap ang marami kung hindi
man mawalan ng ari-arian at mahal sa buhay.

Ano ba ang itinuturing na dahilan ng mga sakunang ito?

"We are facing a global crises today, not because of how our ecology systems function but
rather because of our ethical system function." -Glotfelty

Ang matinding pag-init ng panahon na nararanasan sa bansa, bunga ng pagkasira ng kalikasan


ay nakakabahalamg paksa sa larangan ng agham, ekonomiya, politika, antropolohiya at ng iba
pang ahensiya ng pamahalaan na may direktang tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan gaya
ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR).

Ayon kay Santos, napansin nina Glotfelty at Fromm na hindi gaanong binibigyang-pansin ng
literatura ang pandaigdigang krisis ng ekolohiya.
May ilang malikhaing sulatin man gaya ng awit at tula ukol sa kalikasan, dahil kakaunti sa uri ay
minamaliit o di-pinapansin ang mga ito kahit ng sosyal midya.

Kapag patuloy na winalang halaga ng tao ang pagwasak kabi-kabila ng likas na buhay ng
kalikasan, may sariling paraan ito ng paghihiganti upang ibalik sa tao ang lupit na ginawa nila sa
pagsira ng natural na kagandahan ng kalikasan mula sa Diyos.

ARALIN 2.4
EKOKRITISISMO AT ARALING PANPANITIKAN

Ang pagiging interdisiplinaryo ng ekokritisismo ay nag-uugat sa pagiging malawak ng saklaw


nito sa pag-aaral ng panitikan.

Ayon kay Barry (2009), ang dulong na ito ay maaaring unibersal na modelo. Mula sa pagsilang
ng Ekokritisismo noong 1990 bilang disiplinang pang-academiko, ito ay patuloy na umuunlad.

Katunayan sa papel ni Mishra na may pamagat na Literature Adapted into Film: An Acocritical
Analysis of Chander Pahar (The Mountain of the Moon), tinuran niyang:

Although ecocriticism emerged as a separate academic discipline of literary study during 1990's,
it is by its very nature interdisciplinary. It is not a unitary discipline. All sciences come together to
contribute to his theory Ecocriticism seeks to explore the interconnectedness of the human
(biotic) and non-human (a-biotic); finds the relationship between literature and the physical
environment since antiquity. Therefore, both History and Geography contribute to the field. It
discovers ecological implication in literature, therefore, it is science; likewise, it is related to
politics (as it tries to find a solution to present global environmental crisis), spriritualism (as it
helps developing an eco-wisdom among the readers), moral science, philosophy, etc. (2016)

You might also like