You are on page 1of 7

KALIGIRANG KAALAMAN SA EKOKRITISISMO

Etimolohiya kahulugan at kabuluhan ng Ekokritisismo

Introduksyon

Malayo-layo na ang narating natin, mula sa isang simple at payak na


pamumuhay ng bawat isa, ay namumuhay tayo ngayon sa daigdig na halos lahat ng
bagay ay maituturing na komplikado. Noon ang tanging iniisip lamang ng mga tao sa
isang komunidad ay kung paano nila matutugunan ang kanilang mga
pangangailangan sa araw-araw at iyon ay hindi suliranin dahil sa kasaganaan ng
kanilang kalikasan. Ang mga batis, ilog, at karagatan ay sagana sa iba’t ibang uri ng
mga isda. Ang kabundukan ay nagtataglay ng mga luntiang halaman at malalaking
mga puno na kinatitirhan ng mga ibon at iba pang hayop.

Sa pagdaan ng panahon ang kinagisnan natin sa ating palaigid ay unti-unting


nagbabago dahil sa estilo ng pamumuhay, pag-uugali, at dahil na rin globalisasyon
at industriyalisasyon. Ang mga luntiang kagubatan at asul na karagatan ay unti-unti
na ring naglalaho ang mga kulay at kasaganaan nito dahil sa iba’t ibang salik na
nakaaapekto sa kagandahan at kasaganaan ng kalikasan gaya na lamang ng pag-
uugali ng tao sa kaniyang kapaligiran. Isang pinakasimpleng halimbawa nito ay ang
kawalang malay sa batas na R.A 9003 o ang Proper Waste Segregation
Management na nagsasaad ng tamang pagtatapon ng basura.

Bilang tugon sa iba’t ibang uri ng mga suliraning pangkalikasan ay malaki ang
gampanin ng edukasyon partikular ng ekoliterasi sa pagpapalaganap ng kaalaman
tungo sa pagpapahalaga sa kalikasan.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Ekolohiya/ Ekolohikal - tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksyon sa pagitan


ng mga hayop, halaman at ng kalikasan. Pag-aaral ng masalimuot na ugnayan sa
pagitan ng mga komunidad ng biotic (buhay) at ng kanilang mga abiotic (dibuhay)
na mga kapaligiran.

Kritisismo- komparison, analisis, interpretasyon, at/o ebalwasyon ng mga akdang


pampanitikan. Maaaring ito ay ;
a) Impresyonismo/ pandamdamin (affective)- subhektibo. ang panghuhusga ay
mula sa personal na reaksyon.

FIL 102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan pg. 1


b) Practical/ judicial - likas na obhektibo na may consensus
na paghusga batay sa analitikal o iba pang katibayan.

Ekokritisismo – galing sa mga salitang Griyego na oikos (nature o kalikasan na


siyang pinakamalawak na tahanan) at kritos (arbiter of taste o tagahatol sa kalidad
at integridad o karangalan ng akda na nagtataguyod ng kanilang diseminasyon,
Fenn 2015:115). Ito ay pinagsamang dalawang salita eko (Ekolohiya) at Kritisismo.
Isang interdisisplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan. Isang
rin itong dulog o teorya na nakaangkla sa pagpapalagay na may ugnayan ang
panitikan at ang pisikal na kapaligiran (Barry 2009:216 mula kay Glotfelty at Fromm
1996).

KAHULUGAN NG EKOKRITISISMO

Ang ekokritisismo ayon kay Santos (2011) na sinipi ni Teodoro (2012) ay pag-
aaral ng ugnayan ng literatura at pisikal na kapaligiran na tumitingin sa daigdig at
hindi sa tao o lipunan lamang. Sa librong Ecocriticism ni Greg Garrard, sinipi niya
ang depinisyon ni C. Glotfelty mula sa introduksiyon nitong huli sa librong inedit na
“The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary Ecology” Glotfelty (1996) din ang
unang nagtambal sa salitang "Ekokritisismo" na nagpapahalaga sa kaugnayan ng
panitikan at kalikasan. Sa larangang ito, sinusuri ng mga awtor kung paano
mapalawak ng panitikan ang paksa hinggil sa pagiingat, pangangalaga at
pagbibigay babala ng kalikasan sa tao upang mapanatili ang kaayusan ng
mapayapang buhay sa Daigdig.

Sa taong ito, nailathala ang kauna-unahang "Klasikong Antolohiya ng mga


Piyesang Pampanitikan" kasama si Harold Fromm. Sumibol ang teoryang
Ekokritisismo na siyang tumututok sa pandaigdigang krisis sa kalikasan sa
pamamagitan ng panitikan na detalyeng naglantad ng mg kaganapan sa kultura at
pisikal na kapaligiran dahil sa walang humpay na pagpapalalo ng tao sa luntiang
kapaligiran.

Habang si William H. Rueckert (1978) Bumuo ng tambalang salitang


"Ecopoetics". Ito ay ang isang tula na tumatalakay at sumisiyasat sa kalagayan ng
kalikasan, kaugalian at pakikitungo ng tao sa kalikasan, sa hampas ng delubyo,
pagtataksil sa kalikasan at mga oportunidad at paghihirap ng mga tao sa lungsod.
Itinaas ng larangang ito ang bisa ng panitikan na siyang nagsilbing tagapagsiyasat
ng sa mga bagay na hinggil sa inang kalikasan tulad ng pag-iwas sa paggamit ng

FIL 102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan pg. 2


matapang na mga kemikal at pataba, pagpapanatili sa luntiang kagubatan,
pagbabantay sa kalinisan ng mga hangin at mga anyong tubig.

Pinangunhan nila Cheryll Glotfelty at Harold Fromm ang pagtatag ng Ekokritisismo sa


Estados Unidos noong 1980.

Nakilala ang kanilang koleksyon ng mga sanaysay na may pamagat na "The Ecocriticism
Reader: Landmark in Literary Ecology". Habang si Jonathan Bate Nagtatag ng
Ekokritisismo sa Reino Unido (United Kingdom) noong 1990. May akda siyang
pinamagatang "Romantic Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition" at "The
Song of the Earth".Aniya, "Literature scholar analyze texts they illustrate environmental
concern and examine the various ways of literature treats the subject of nature".
MGA PILIPINONG ECOPOETRY
• Jose Corazon de Jesus Huseng Batute(1932)- Isang Punungkahoy at Ulap
• Jose M. Villena - Sa Paglubog ng Araw
• Manuel Principe Bautista - Lupa
• Avon Adarna Kalikasan - Saan Ka Patungo?
• Jason Hamster - Puno at Ikaw at Tubig, Tubig, Tubig

TEORYANG EKOKRITISISMO
Pinaikling anyo ng ecological literary criticism na nagtatanghal sa kalikasan hindi
lamang bilang teksto kundi bilang isang indibidwal na may sariling entidad at may
malaking papel bilang protagonista ng akda. Nagtataguyod ito sa pangangalaga
ng kalikasan sa pamamagitan ng eko-literacy gamit ang glosaryo ng mga
konseptong matutuklasan hinggil sa ugnayan ng panitikan sa kalikasan mula sa
mga akda.

MGA EKOKRITIKO NG TEORYANG EKOKRITISISMO

MULA SA AMERIKA

A. Henry David Thoreau


Sinaunang manunulat ng Esatados Unidos na nagpapahalag sa kalikasan. Sinabi
niya na kapag ang tao’y nabigong matuto mula sa kanyang kalikasan, siya ay hindi
lubos na nabubuhay (Shaba at Nagaraj, 2013). Sa kanyang akdang “Life in the
Woods” nagpapaliwanag ito na ang kariwasaan na dala ng makabagong
pamumuhay ang hindi sapat upang masabing lubos na buhay dahil ang tunay na
kaligayahan ay kalikasan, pagtulong sa sarili at ang pagkasiya sa mga simpleng
bagay na nasa kalikasan mismo.

FIL 102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan pg. 3


B. JOHN MUIR

Isa ring manunulat mula sa Estados Unidos na namukodtangi sa kanyang akdang


my first Summer in the Sierra, ang akdang ito ay nagsasalaysay sa kanyang unang
pagpunta sa bundok ng Sierra Nevada at California. Nagsalaysay rin ito ng
kanyang nakatutuwang pakikipagsapalaran bilang isang pastol ng California. Sa
akdang ito kapansin-pansin ang kanyang lubos na pagpapahalaga sa kalikasan na
makikita sa linyang tinuran.

So extravagant is Nature, her choicest treasures, spending plant beauty as she


spends sunshine, pouting but fourth into land and sea, garden and desert. And so,
beauty of lilies falls on angels and men, bears and squirrels, wolves and sheep, birds
and bees, but as far as I have seen, man alone, and the
animals he tames destroy these gardens (Muir, 1869)

C. RALPH WALDO EMERSON AT MARGARETTE FULLER

Sa ni Waldo na Nature at Fuller na Summer on the Lakes during 1843 ay karaniwang


nang nagbubunyi sa kagandahang hatid ng kalikasan kung kaya't ang kanilang
pangkat ay kinilalang trancendetalists o pangkat na nagtataguyod sa paniniwalang
trancendentalism. Ayon sa yourdictionary.com ang trancendentalism ay “literary and
philosophical movement arising in 19th century New England, Ralph Waldo Emerson
and
Margaret Fuller asserting the existence of an ideal spiritual reality that transcends
empirical and scientific reality and is knowable through intuition"

MULA SA BRITANYA

A. JONATHAN BATE, LAURENCE COUPE,


RICHARD KERRIDGE, GREG GARRARD AT TERRY GIFFORD

Sila ay ilan sa mga ekokritikong mula sa Britanya na aktibong tagapagtaguyod ng


ekokritisismo.

Ang dalawang umiiral na pangkat ng mga ekokritiko mula sa Amerika at


Britanya ay magkaugnay ang dulog at layunin subalit magkaiba ang binibigyan ng
tuon.

FIL 102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan pg. 4


BANSA TERMINO DULOG AT LAYUNIN

Nagbibigay tuon sa
Amerika Ecocritism kagandahang dulot ng kalikasan

Nagbibigay tuon sa paglimi sa


Britanya Green Studies mga distraksyan o panganib na
dala ng tao sa kalikasan

TATLONG BAHAGI NG KAPALIGIRAN


Batayan ng dulog-ekokritisismo ang pag-unawa sa ugnayang ng kalikasan at
panitikan. Ayon kay Barry (1996) may tatlong bahagi ang kapaligiran.
1. Unang Bahagi - Kinabibilangan ng kaparangan gaya ng disyerto, karagatan,
dinatitirahang kontinente.

2. Ikalawang Bahagi o Nakakamanghang Tanawin- Bahagi rito ang kagubatan,


lawa, bundok, bangin, at talon. Pati ang kaanyuang kinapapaloaban ng burol, bukid,
at kakahuyan.

3. Ikatlong Bahagi - Mga lokal na tanawin tulad ng tulad ng parke, hardin, daan at
iba pang tanawing likha ng tao.

Mapapansin ang nasabing mga bahagi ng kapaligiran ay nagsimula sa pagiging purong


kalikasan (kagubatan) patungo sa pang-apat na pinangingibabawan ng kultura(mga
tanawing gawa ng tao). Sa makatuwid, ang ekokritisismo ay ang interdisiplinaryong
pagdulog sa panitikan. Sa aklat nila Ian at Sandoval sinipi nila ang sabi ni Thomas K.
Dean (1994) mula sa nilathala nila Shoba at Nagaraj (2013). Ang ekokritisismo ayon kay
Dean ang pag-aaral ng kultura at produkto ng kultura gaya gawang sining, ma akda, mga
siyentipikong teorya at iba pa. Na may ugnayan ng tao sa kalikasan. Ang ekokritisismo
ang tugon sa pangangailangan ng, suliranin, o krisis na pangkapaligiran. Ito ang
magtutulay sa siwang na namamagitan ng panitikan at agham. Dagdag ni Dean.

Sa pagbasa ng akdang pampanitikan, isinaalang-alang ang ilan sa mga anong na


binanggit ni Glotfelty, (994). Gaya ng sumusunod:

1.) Paano isinasagisag ang kalikasan sa akdang ito?


2.) Ano ang papel na pisikal na tagpuan/seting sa banghay ng akda?
3.) Ang pagpapahalaga bang ipinahayag sa akda ay naaayon sa pagpapahalaga sa
kalikasan?

FIL 102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan pg. 5


4.) Sa paanong paraan nakaaapekto ang karunungan sa relasyon ng tao at
kalikasan?
5.) Ano ang kaugnayan ng agham at ng ekolohiya sa pag-aaral ng panitikan?
6.) Ano ang posibleng bunga sa pagitan ng pag-aaral sa panitikan at usaping
pangkapaligiran kaugnay sa ibang disiplina tulad ng kasaysayan, pilosopiya,
sikolohiya, sining at etika?

TEORYANG NARATOLOHIYA

Ang teoryang ito ay ginamit ni Aristotle sa pagtatalakay sa anumang akdang


pamapanitikan nang nasa gayon ay makita ang ugnayang namayani sa panitikan
at pisikal na kapaligiran. Ayon kay Ian at Sandoval, isang teoryang panliteratura
na nagsusuri sa estruktura ng salaysay batay sa panahon na ito ay umiral. Pinag-
aaralan ng narratology kung ano ang magkakatulad sa mga kuwento at kung
paano naman nagkakaiba ang mga ito sa isa’t-isa (sinipi mula sa Britanica.com)
na sinang-ayunan ni Barry (2009) na nagsabing ang naratolohiya ay ang pag-
aaral sa estruktura ng kuwento. Dagdag ni Barry, ang naratolohiya ay ang pag-
aaral kung paano nakakalikha ng kahulugan ang diskurso at kung ano-anong
pamantayan at pamamaraan at pagsasalaysay ng kuwento ng akda.
Para kay Aristotle ang tatlong (3) elemento ng banghay ng alinmang
elemento sa isang akda, partikular na ang maikling kuwento ay ang mga tauhan
at mga aksyon. Kinilala ni Aristotle ang tatlong elemento ng banghay ng alinmang
elemento.
1. Ang hamartia na nagsisiwalat ng kasalanan ng tauhan, 2. Ang angnorisis o
reyalisasyon o pagtuklas ng sarili sa kasalanan, at
3. Ang peripeteia o pagbabalintuna ng tauhan, kumbaga guhit ng tadhana (Barry,
2009).

Ang tatlong elementong ito ay tulong na rin sa mga tungkulin ng banghay na


itinala ni Propp, ang mga batayan sa pagtasa ng lalim ng ugnayan ng panitikan
at kalikasan.

TEORYANG KULTURAL

Layunin ng panitikan na ito na ipakikilala ang kultura ng may akda sa mga


hindi nakakaalam. Katulad nang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyong minana

FIL 102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan pg. 6


sa mga mga sususnod na salinlahi. Pinapahalagahan ang materyal at di-materyal
na bagay at ipinapakita din dito na ang bawat lipi ay natatangi.

Ayon kay Alfred Louis Kroeber (1953) upang higit na maunawaan ang
konsepto ng kultura kailangan pag-uugnayin ang likas na agham at likas na pag-
unlad ng kalikasan. Nangangahulugang interdesiplinaryong lapit ang
pinakamainam sa pagsusuri ng mga akda upang matukoy ang ugnayan ng
panitikan at kalikasan

FIL 102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan pg. 7

You might also like