You are on page 1of 2

Ang kahulugan ng eko kritisismo

Ito ay tumutukoy sa kung paano inaanalisa ang kalagayan ng ating kapaligiran.

Kalakip ng eko kritisismo ay ang pagtingin sa suliranin na kinahaharap ng ating kapaligiran upang
mabigyang ng agarang aksyon sa ikaaayos ng ating kalikasan.

Ang ekokritisismo ayon kay Santos ay “pag-aaral ng ugnayan ng literatura at pisikal na kapaligiran na
tumututok sa daigdig at hindi sa tao o lipunan lamang.” Ayon kay Santos, kaakitbat ng ekokritisismo ay
ang mga sumusunod: ekotula, ekopanulaan, ekomakata, ekofeminismo, at eko-sublime.

Paano nakakatulong ang eko kritisismo sa pagpapahalaga sa kalikasan?

Upang mas mapaunlad ang ating ekolohiya marapat tayong magtanim ng puno, maglinis ng kapaligiran,
at sumunod sa batas. Sa simpleng bagay na ito mapapaunlad natin, mapapangalagaan at maibabalik ang
mundo sa dati nitong ganda.

Ang kalikasan ay pinagmumulan ng iba’t ibang pinagkukunang-yaman. Ang mga yamang ito ay maaaring
renewable at non-renewable.

2. Ang kalikasan ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng
produksiyon at pagkonsumo. Isang halimbawa ang absorption ng kagubatan ng carbon dioxide sa hangin.

3. Ang kalikasan ay tumutugon sa pangangailangan ng tao na magdudulot sa kanya ng kasiyahan. Ang


paggamit ng

iba’t ibang yamang likas ay nauukol din sa pagbibigay-kasiyahan sa sangkatauhan.

4. Ang kalikasan ay nagpapatatag ng sestema ng ekolohiya upang maging kapakipakinabang ito sa tao
at sa anumang anyong may buhay na naninirahan dito. Halimbawa, ang mga puno ay tumutulong na
protektahan ang lupa laban sa init ng araw.

Ang ekokritisismo ayon kay Santos ay “pag-aaral ng ugnayan ng literatura at pisikal na kapaligiran na
tumututok sa daigdig at hindi sa tao o lipunan lamang.” Na siyang nangangailangan din ng pag aanalisa sa
mga bagay bagay na nakatuon at may kaugnayan din sa litratura. Ang literatura, sa pinakamalawak na
kahulugan nito, ay isang solong katawan ng nakasulat na mga gawa. Ibig sabihin ito ay ang mga panitikan
ng isang bansa halimbawa dito sa pilipinas,ang ating literatura ay ang pagsusulat ng tula, kanta at kung
ano ano pa na tungkol sa ating panitikan. Na kaya siya nagging eko kritisismo sapagkat inuugnay siya sa
kalikasan at pisikal na kapaligiran, kaakitbat ng ekokritisismo ay ang mga sumusunod: ekotula,
ekopanulaan, ekomakata, ekofeminismo, at eko-sublime. Eko tula ay ay isang uri ng panitikan na
pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang
estilo, Kung minsan ito ay maiksi o mahaba.Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang
wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig na tumutukoy sa kalikasan at
kapaligiran. Ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang
mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang pangkapaligiran.

You might also like