You are on page 1of 6

FIL102

MIDTERMS-REVIEWER

Ang kalikasan ayparang relasyon,nasisira 'pagbinabalewala.

EKOKRITISISMO
 ETIMOLOHIYA
 BATAYANG KAALAMAN
 PROPONENT NG KRITISISMO
ETIMOLOHIYA
 EKOLOHIYA- tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksyon sa pagitan ng mga hayop,
halaman at ng kalikasan
 KRITISISMO- teknikal na katumbas ng mga salitang puna,saloobin o persepsyon na
pawing bunga ng maagham na pagsusuri ng mga bagay-bagay sa paligid.
 EKOKRITISISMO- isang interdisiplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng
panitikan.
 Profesor Cheryll Burgess Glotfelty (1996) - Unang nagtambal sa dalawang salitang
nabanggit na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan
 “Samahan para sa Pagsulong ng Pag-aaral sa Panitikan at Kalikasan.” -samahan ng
mga manunulat na nagsusulong at tumatawag ng pansin hinggil sa pangangalaga ng
kalikasan
 Harold Fromm (1996) - Inilathala ang kauna-unahang “Klasikong Antolohiya ng mga
Piyesang Pampanitikan” na may kaugnayan sa ekolohiya. Maituturing itong bagong
teorya ng panitikan, kultura at kalikasan.

 MGA BATAYANG KAALAMAN SA EKOKRITISISMO


 “Ang tao at kalikasan ay maituturing na iisang katawan”
 Ang mga ito ay maihahalintulad sa iisang katawan, na kung saan ang isang bahagi nito ay
masasaktan, ang ibang bahagi nito ay maaapektuhan din.
 Ang panitikan ay maituturing na repleksyon ng lipunan at umiiral na kultura.
 Ang ekokritisismo ay isang dulog na nakaangkla sa pagpapahayag na may ugnayang
panitikan at ang pisikal na kapaligiran sa panitikan.
 Ayon kay Glotfelty (1996), tinatawag ding Green Studies ang ekokritisismo na
parehong nangangahulugang isang kritikal na dulog sa pagbasa ng panitikan.
 US 1980 – Glotfelty at Fromm “The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literacy
Ecology”
 UK 1990 – Jonathan Bate “Romantic Ecology: Wordsworth and Environment
Tradition”
TEORYA O DISIPLINA
 Bilang teorya, ito ay isang diskartesa kritisismong pampanitikanna may kinalaman
saugnayan ng panitikan at kapaligiran, at kung paano sinasalamin at hinuhubog ng
panitikan ang ating pag-unawasa natural na mundo.
 Bilang disiplina, sito ay kinabibilangan ng sistematikongpag-aaral ng relasyong ito,
kabilang ang pagsususri ng mga akdangpampanitikanna tumatalakay sa mgatema
sakapaligiran at ang pagsusuri samga paraan kung saan ang panitikan ay bumubuo at
sumasalim sa mga ideya tungkol sa natural na mundo.

 Intradisciplinary
 Multidisciplinary
 Crossdisciplinary
 Interdisciplinary
 Transdisciplinary

BAGONG TEORYANG PAMPANITIKAN


 Ekokritisismo – pinaikling salitang “Ecological Literacy Criticism”
 Ayon kay Glotfelty at Fromm:
 Ang oikos ay kalikasan na siyang pinakamalawak na tahanan.
 Ang kritos ay ang tagapaghatol sa kalidad at integridad o karangalan ng akda na
nagtataguyod sa kanilang diseminasyon. (Freen, 2015)
 Ayon kay Fenn, ang pinakatungkulin ng ekokritisismo ay ang preserbasyon ng kalikasan
para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
 Ang pag-unawa sa ugnayan ng kalikasan at panitikan ay naging batayan din ng dulog-
ekokritisismo ayon sa iba’t ibang bahagi ng kapaligiran.
 Tauhan at aksyon ay ang pinakamahalagang elemento sa isang akda para kay Aristotle.
 Tatlong (3) elemento ng banghay:
 Hamartia- nagsisiwalat ng kasalanan ng tauhan
 Anagnoris- o reyalisasyon o pagtuklas ng sarili sa kasalanan
 Peripeteia- o pagbabalintuna ng tauhan, kumbaga guhit ng tadhana (Barry, 2009)

PROPONENT NG EKOKRITISISMO
 WILLIAM RUECKERT - Ama ng Ekokritisismo "Literature and Ecology: An
Experiment in Ecocriticism,"
 CHERYLL BURGESS GLOTFELTY- Pioneer of Eco-criticism. Ang ecocriticism ay
ang pag-aaral ng ugnayan ng panitikan at ng pisikal nakapaligiran.
 HAROLD FROMM- Siya ang may-akda ng The Nature of Being Human: From
Environmentalism to Consciousness, Academic Capitalism and Literary Value, at co-
editor ng The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary Ecology.
 Noong 1991, nag-organisa ang Modern Language Association (MLA) ng isang sesyon na
pinamagatang "Ecocriticism, the greening of literary studies" na pinangunahan ni Harold
Fromm, isang literary critic at propesor ng English.
 JONATHAN BATE- Ang Romantic Ecology: Wordsworth and the Environmental
Tradition ni Jonathan Bate ay inilathala noong 1991.
 Sa monograph na itona nag-aaral ng Romanticism mula saperspektibo ng ekolohiya,
ginamit ni Bate ang terminong "ecocriticism" na tinatawag na "literary ecocriticism".
 THOMAS K. DEAN- Ang Eco-criticism ay isang pag-aaral ng kultura at mga
produktong pangkultura (mga gawang sining, mga akda, teoryang siyentipiko, atbp.) na
sa ilang paraan ay konektado sa relasyon ng tao sa natural na mundo.
 Henry David Thoreau: Walden; or, Life in the Woods (1854)
 John Muir: My First Summer in the Sierra
 Rachel Carson: "Silent Spring"
 Lawrence Buell: "The Environmental Imagination"
 Timothy Morton: "Ecology Without Nature"

WIKA NG EKOLOHIYA
 HIGAONON: WIKANG KAKAMBAL NG KALIKASAN
 Ang salitang Higaonon ayon kay Levita (1996), ay galing sa salitang “gaon” na ang ibig
sabihin ay “bundok”. Sa pinaikling salita ito ay “taong-bundok” o “taong tagabundok”.
 Nagmula sa tatlong mahahalagang kataga ang pangalan ng pangkat – higa (buhay), gaon
(bundok) at onon (tao) ayon sa UNAHI Mindanao. Samakatuwid, ito ay ang mga taong
namumuhay sa buhay na bundok.
 Sa ibang banda naman, ang higa ay binukid na salita na may kahulugang
“pinagkukutaan” at ang non naman ay taguri sa “taong taga-itaas” ayon sa papel ni
Tangian (2010).

 LUMAD
 Lumad ang taguri sa isang taong “isinilang at nabuhay sa iisang lugar”.
 Ang pangkat ng Higaonon ay bahagi ng 18 pangkat na etnolinggwistikong Mindanaon at
hindi naging Islam. Sa mga kapatagan na sila dating naninirahan, subalit, ayon sa
kasaysayan, sila ay sapilitang tumungo sa pusod ng kagubatan dahil na rin sa kalupitan
ng tao at modernisasyon.
 Ito ay pinaniniwalaang, ang mga Higaonon ay binubo ng walong pangkat na nasa mga
lugar ng Bukidnon, Misamis Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Lanao.

 WIKA NG KAPAYAPAAN
 Sa tuwing binabanggit ang wikang Higaonon, ang sinuman sa kanila ay palaging inaalala
ang mga nakaukit na kataga sa salasila (batas ng pangkat), ang “Bungkatol Ha Bulawan
Daw Nang Ka Tasa Ha Lana” na pinakamataas na tunguhin ng bawat katutubo sa lahing
ito.
 Ito ay nagpapahalaga sa kanilang pagkakaisa at kapayapaan. Ang pag-ibig at
pagpapahalaga sa kapwa ang isinasaad sa bawat titik nito upang makamit ang
katahimikan at masayang buhay.
 Maihahambing ito sa Bibliya ng mga Kristiyano.

KULTURA
 Sinasabing, kapilas ng dinanas ng iba pang Lumad na pawing nasa kabundukan sa
Mindanao ang kasaysayan ng mga Higaonon.
 Ito ang kadahilanang kung bakit kailangang bigyang-pansin ang kanilang wika. Ang mga
pamayanang malayo sa sentro ng sibilisasyon sa kapatagan sa ibaba ang kanilang
kinakatawan.
 Malinaw na matatagpuan sa kanilang wika na nagbibigay pansin sa yaman ng lupa na
sumasakop sa kanilang daigdig at tubig sa mga ilog na nasa kanilang paligid ang yaman
ng kanilang kultura.

 Pamuhat /Ipu (Ritwal para sa kapayapaan


 Ang pagsasagawa ng iba’t ibang ritwal sa mga kumba (banal na lugar) ng pamayanan ay
kaugnay ng kanilang paggalang at pagpapanatili ng kapayapaan.
 Sila ay naniniwala na ang mga espiritung sumusubaybay sa bawat tao sa simula ng
kanyang pagsilang ay nananahanan sa mga sagradong lugar na ito.
 Sa katunayan, may nakatakdang petsa taun-taon ang kanilang pagsamba sa pamamagitan
ng mga natatanging pamuhat. Kapag sumasapit ang Pista sa Lasang (Piyesta sa
kagubatan) na idinadaos sa Bundok Gabunan, ang mga Higaonon ay nagtutungo dito na
suot ang kanilang pagkakakilanlang kasuotan sa tribu at nag-aalay ng kadaliyan (ritwal
ng pasasalamat) para sa kasaganaan sa buong taon.

 Daigdig ng Pangkat
 Binubuo ito ng kalupaan, masinsing mga punongkahaoy, mga mamamayang nagtatangi
sa mga kulay pula, puti at asul, mga kabahayang gawa sa matitibay na mulawin, bundok,
batisan, mga hayop pansaka at pananim – ito ang daigdig ng mga Higaonon.
 Ang pagputol ng mga puno ay mahigpit na ipinagbabawal ng mga katutubong Higaonon.
Para sa kanila, ito ay kalapastanganan sa mga nagbabantay na espirito sa kalikasan.
Kapag ito man ay kanilang nilabag, ito ay may katapat na kaparusahan na mula sa
kalangitan.
 Ayon pa sa kanila, hindi maaaring bilhin o ipagbibili ang lupa dahil sila ay naniniwalang,
ito ay pag-aari ni Magbabaya.
 Para sa kanila, ang buhay ay nagsimula sa lupa. Ito raw ay ipinagkaloob ng Diyos sa lahat
ng tao. Ang anumang nagmumula sa lupa ay tumutustos ng buhay.
 Ang anumang papel na nagpapatunay ng pagmamay-ari ng lupa ay maituturing na
kalapastanganan ng sibilisasyon sa pangkat lalo na kung kasama ang mga “banal” na
lugar na pinagdadarausan ng iba’t ibang uri ng ritwal.
EKOKRITISISMO BILANG INTERDISIPLINARYO
 ANG EKOKRITISISMO SA PAGDALUMAT NG PANITIKAN
 Sa papel ni John Iremil E. Teodoro (2012), kanyang ginamit ang salitang “Bagong luma”
upang mabigyang kahulugan ang ekokritisismo bilang dulog sa pagdalumat ng mga
akdang pampanitikan na magtatanghal ng kalikasan bilang bida sa isang akda.
 Nangangahulugan din itong mga lumang akda na nilapatan ng bagong perspektiba sa
nakapaloob na isyu dito.
 Sa taong 2011, nagsagawa ng pag-aaral si Paz V.M. Santos sa mga tulang Bikol o
Rawitdawit gamit ang lente ng ekokritisismo.
 Dapat balansehin ng mga eko-makata ang agham at sining upang pagsamahin ang paksa,
adbokasiya, at ugnayan.
 Natatangi ang ekokritisismo sa ibang teoryang pampanitikan dahil ang karamihan sa mga
teorya ay nagsusuri sa ugnayan ng manunulat, teksto, at daigdig habang ang
ekokritisismo ay ang buong ecosphere.
 Isa sa mahalagang nagawa niya ay pagtanong kung nakakatulong ba ang mga Bikolano
makata sa pag-unawa sa epekto ng climate change upang makapag-ambag sa solusyon.
 Binigyang-diin naman ni Rina Garcia Chua (2017), sa kanyang papel na “Speculating on
the Ecological Literacy of Ecopoetry in a Third World Nation” ang malaking papel ng
edukasyon sa pagkakaroon ng eco-literacy.
 Pumapasok rin ang konseptong feminism sa dulog ekokritisismo.
 Sinuri ni Santiago (1992) sa kanyang pananaliksik na “Ang babae sa mga Piling Akdang
Pampanitikang Pilipino: Isang Feministang Kritisismo” ang mga feministang isyung
ipinapahiwatig ng mga awtor sa mga piling akda.
 Napag-alaman na may kaugnayan ang karahasan laban sa kababaihan at ang mga
karanasan ng kalikasan, ayon kay Santos (sipi mula kay Bryson, 2002).
 Ang bagong litaw na kilusang ito ay naisilang bilang reaksiyon sa hindi etikal at mapang-
abusong paggamit ng tao sa kalikasan.
 Ang paniniwala ni Mishra na ang pag-aaral ng panitikan ay maaaring humantong sa isang
higit na pagpapahalaga sa kalikasan ay nag-ugat sa ideya na ang panitikan ay
makakatulong sa mga indibidwal na kumonekta sa kapaligiran at makita ito bilang isang
bagay na nagkakahalaga ng pagprotekta.
 Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pagmamahal sa kalikasan, ang pag-aaral ng
panitikan ay makapaghihikayat sa mga tao na kumilos upang protektahan at pangalagaan
ang natural na mundo para sa mga susunod na henerasyon.
 Ang suliraning pangkalikasan ay pananagutan ng lahat kasama na ang mga kritiko ng
mga panitikan.
 Ang mga kritikong pampanitikan ay may natatanging pagkakataon na
maimpluwensyahan ang paraan ng pag-iisip ng mga tao tungkol sa kalikasan sa
pamamagitan ng kanilang pagsusuri sa panitikan na humipo sa mga isyung
pangkapaligiran.
 Sa pamamagitan ng aktibong papel sa pagtalakay at pagtataguyod ng kamalayan sa
kapaligiran sa pamamagitan ng panitikan, makakatulong ang mga kritiko sa panitikan na
hubugin ang opinyon ng publiko at magbigay ng inspirasyon sa pagkilos tungo sa isang
napapanatiling hinaharap.
 Naniniwala si Rina Chua na sa pamamagitan ng panitikan magkakaroon ng
pangmatagalang kilusan tungo sa pagpapahalaga ng kalikasan sa tulong ng paghikayat sa
kabataan na makilahok sa paghahabi ng pangmatagalang solusyon sa krisis
pangkapaligiran.
 "Today's youth are the stewards of our planet tomorrow. Their actions, attitudes, and
values towards the environment will shape the future of our world." - Ban Ki-moon
 Ayon din kay Lovino, tao ang sumusugat sa kalikasan, tao rin ang siyang gagamot rito.

You might also like