You are on page 1of 8

MODYUL SA FIL102

Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

KURSO Filipino 102


(Subject)
YUNIT
(Chapter) YUNIT 1

PAMAGAT NG KALIGIRANG KAALAMAN SA EKOKRITISISMO


ARALIN
(Lesson Title)  Etimolohiya
 Kahulugan
 Kabuluhan

LAYUNIN NG Sa loob ng dalawang linggo , ang mga mag-aaral ay inaasahang


ARALIN makakamit ang mga sumusunod na layunin:
(Lesson Objectives)
1. nakatutukoy sa kahulugan ng ekokritisismo;
2. nakapagtatala nang wasto at tiyak na kaalaman/impormasyon hinggil sa etimolohiya
ng ekokritisismo;
3. napahahalagahan ang ekokritisismo sa paglalarawan ng pinagmulan nito
sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan mula panahon
ng katutubo hanggang sa kasalukuyang panahon.

LAGOM NG Ilalahad sa yunit na ito ang kahulugan at kabuluhan ng ekokritisismo.


PANANAW Tatalakayin din dito ang etimolohiya ng ekokritisismo. Ipaliliwanag ang
(Overview/ Introduction) pinagmulan ng salitang ekokritisismo at ang ekoritisismo bilang teorya sa
pagsusuri ng mga akdng pampanitikan mula sa iba’t ibang pananaw ng mga
nagpasimula ng ekoritisismo at iba pang mga ekokritiko.
PAGGANYAK Plantitos at Plantitas sa Panahon ng Pandemya- Novaliches Quezon City
(Activity) Panonood ng dalawa at kalahating minuto na downloaded video clip
(54:40-57:30) mula sa 24 Oras Setyembre 18, 2020
https://www.youtube.com/watch?v=TTroUDe8kPE&t=1244s9/25/2020

PAGSUSURI 1. Ano-ano ang epekto ng pandemya sa kalikasan?


(Analysis) 2. Paano mo napahalagahan ang kalikasan sa panahon ng pandemya?

PAGLALAHAD Depinisyon ng mga Termino


(Abstraction) Ekolohiya/ Ekolohikal - tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksyon
sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng kalikasan.
pag-aaral ng masalimuot na ugnayan sa pagitan ng mga
komunidad ng biotic (buhay) at ng kanilang mga abiotic
(di-buhay) na mga kapaligiran.
Kritisismo- komparison, analisis, interpretasyon, at/o ebalwasyon ng
mga akdang pampanitikan.
MODYUL SA FIL102
Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

Maaaring:
a) Impresyonismo/ pandamdamin (affective)- subhektibo.
ang panghuhusga ay mula sa personal na reaksyon.
b) Practical/ judicial - likas na obhektibo
may consensus na paghusga batay sa analitikal o iba
pang katibayan

Ekokritisismo – galing sa mga salitang Griyego na oikos (nature o kalikasan


na siyang pinakamalawak na tahanan) at kritos (arbiter of taste o tagahatol sa
kalidad at integridad o karangalan ng akda na nagtataguyod ng kanilang
diseminasyon, Fenn 2015:115)
- pinagsamang dalawang salita eko (Ekolohiya) at Kritisismo. Isang
interdisisplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan.
- isang dulog na nakaangkla sa pagpapalagay na may ugnayan ang
panitikan at ang pisikal na kapaligiran ( Barry 2009:216 mula kay Glotfelty at
Fromm 1996).
Panimula
Ang ekokritisismo ayon kay Santos (2011) na sinipi ni Teodoro (2012)
ay pag-aaral ng ugnayan ng literatura at pisikal na kapaligiran na tumitingin sa
daigdig at hindi sa tao o lipunan lamang. Sa librong Ecocriticism ni Greg
Garrard, sinipi niya ang depinisyon ni C. Glotfelty mula sa introduksiyon nitong
huli sa librong inedit na “The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary
Ecology” Glotfelty (1996) din ang unang nagtambal sa salitang "Ekokritisismo"
na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan. Sa larangang ito,
sinusuri ng mga awtor kung paano mapalawak ng panitikan ang paksa hinggil sa
pag-iingat, pangangalaga at pagbibigay babala ng kalikasan sa tao upang
mapanatili ang kaayusan ng mapayapang buhay sa Daigdig.
Sa taong ito, nailathala ang kauna-unahang "Klasikong Antolohiya ng
mga Piyesang Pampanitikan" kasama si Harold Fromm. Sumibol ang teoryang
Ekokritisismo na siyang tumututok sa pandaigdigang krisis sa kalikasan sa
pamamagitan ng panitikan na detalyeng naglantad ng mg kaganapan sa kultura at
pisikal na kapaligiran dahil sa walang humpay na pagpapalalo ng tao sa luntiang
kapaligiran.
Habang si William Rueckert (1978) Bumuo ng tambalang salitang
"Ecopoetics". Ito ay ang isang tula na tumatalakay at sumisiyasat sa kalagayan ng
kalikasan, kaugalian at pakikitungo ng tao sa kalikasan, sa hampas ng delubyo,
pagtataksil sa kalikasan at mga oportunidad at paghihirap ng mga tao sa lungsod.
Itinaas ng larangang ito ang bisa ng panitikan na siyang nagsilbing
tagapagsiyasat ng sa mga bagay na hinggil sa inang kalikasan tulad ng pag-iwas
MODYUL SA FIL102
Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

sa paggamit ng matapang na mga kemikal at pataba, pagpapanatili sa luntiang


kagubatan, pagbabantay sa kalinisan ng mga hangin at mga anyong tubig.
Pinangunhan nila Cheryll Glotfelty at Harold Fromm ang pagtatag ng
Ekokritisismo sa Estados Unidos noong 1980. Nakilala ang kanilang koleksyon
ng mga sanaysay na may pamagat na "The Ecocriticism Reader: Landmarks in
Literary Ecology". Habang si Jonathan Bate Nagtatag ng Ekokritisismo sa Reino
Unido (United Kingdom) noong 1990. May akda siyang pinamagatang
"Romantic Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition" at "The Song of
the Earth".Aniya, "Literature scholar analyze texts they illustrate environmental
concern and examine the various ways of literature treats the subject of nature".

Mga Pilipinong Ecopoetry

 Jose Corazon de Jesus Huseng Batute(1932)- Isang Punungkahoy at


Ulap
 Jose M. Villena - Sa Paglubog ng Araw
 Manuel Principe Bautista - Lupa
 Avon Adarna Kalikasan - Saan Ka Patungo?
 Jason Hamster - Puno at Ikaw at Tubig, Tubig, Tubig

Mga Bagong Teoryang Pampanitikan


1.) Teoryang Ekokritisismo
Pinaikling anyo ng ecological literary criticism na nagtatanghal sa
kalikasan hindi lamang bilang teksto kundi bilang isang indibidwal na may
sariling entidad at may malaking papel bilang protagonista ng akda.
Nagtataguyod ito sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng eko-literacy
gamit ang glosaryo ng mga konseptong matutuklasan hinggil sa ugnayan ng
panitikan sa kalikasan mula sa mga akda.
Mga Ekokritiko sa Teoryang Ekokritisimo
Mula sa Amerika
A.Henry David Thoreau
Sinaunang manunulat ng Estados Unidos na nagpapahalaga sa kalikasan.
Sinabi niya na kapag ang tao’y nabigong matuto mula sa kanyang
kalikasan, siya ay hindi lubos na nabubuhay (Shaba at Nagaraj, 2013). Sa
kanyang akdang “Life in the Woods” nagpapaliwanag ito na ang
kariwasaan na dala ng makabagong
pamumuhay ay hindi sapat upang masabing lubos na buhay dahil ang
tunay na kaligayahan ay kalikasan, pagtulong sa sarili at ang pagkasiya
sa mga simpleng bagay na nasa kalikasan mismo.
MODYUL SA FIL102
Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

B.John Muir
Isa ring manunulat mula sa Estados Unidos na namukod-tangi
sa kanyang akdang my First Summer in the Sierra, ang akdang ito ay
nagsasalaysay sa kanyang unang pagpunta sa bundok ng Sierra Nevada at
California. Nagsalaysay rin ito ng kanyang nakatutuwang pakikipagsapalaran
bilang isang pastol ng California. Sa akdang ito kapansin-pansin ang kanyang
lubos na pagpapahalaga sa kalikasan na makikita sa linyang tinuran.

So extravagant is Nature, her choicest treasures, spending plant beauty


as she spends sunshine, pouting but fourth into land and sea, garden and
desert. And so beauty of lilies falls on angels and men, bears and squirrels,
wolves and sheep, birds and bees, but as far as I have seen, man alone, and the
animals he tames destroy these gardens (Muir, 1869)

C. Ralph Waldo Emerson at Margarette Fuller


Sa ni Waldo na Nature at Fuller na Summer on the Lakes during 1843 ay
karaniwang nang nagbubunyi sa kagandahang hatid ng kalikasan kung kaya't
ang kanilang pangkat ay kinilalang trancendetalists o pangkat na nagtataguyod
sa paniniwalang trancendentalism. Ayon sa yourdictionary.com ang
trancendentalism ay “literary and philosophical movement arising in 19th
century New England , Ralph Waldo Emerson and Margaret Fuller asserting
the existence of an ideal spiritual reality that transcends empirical and
scientific reality and is knowable through intuition"
Mula sa Britanya
A. Jonathan Bate, Laurence Coup, Richard Kerridge, Greg Garard at Tery
Gifford

Sila ay ilan sa mga ekokritikong mula sa Britanya na aktibong


tagapagtaguyod ng ekokritisismo.
Ang dalawang umiiral na pangkat ng mga ekokritiko mula sa Amerika at
Britanya ay magkaugnay ang dulog at layunin subalit magkaiba ang binibigyan
ng tuon.

TERMINO DULOG AT LAYUNIN


Nagbibigay tuon sa kagandahang
Amerika Ecocritism
dulot ng kalikasan

Nagbibigay tuon sa paglimi sa mga


Britanya Green Studies distraksyan o panganib na dala ng tao sa
kalikasan
MODYUL SA FIL102
Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

Tatlong Bahagi ng Kapaligiran


Batayan ng dulog-ekokritisismo ang pag-unawa sa ugnayang ng kalikasan
at panitikan. Ayon kay Barry(1996) may tatlong bahagi ang kapaligiran.
1. Unang Bahagi - Kinabibilangan ng kaparangan gaya ng disyerto, karagatan,
dinatitirahang kontinente.

2. Ikalawang Bahagi o Nakakamanghang Tanawin- Bahagi rito ang


kagubatan, lawa, bundok, bangin, at talon. Pati ang kaanyuang
kinapapaloaban ng burol, bukid, at kakahuyan.

3. Ikatlong Bahagi - Mga lokal na tanawin tulad ng tulad ng parke, hardin,


daan at iba pang tanawing likha ng tao.

Mapapansin ang nasabing mga bahagi ng kapaligiran ay nagsimula sa


pagiging purong kalikasan (kagubatan) patungo sa pang-apat na
pinangingibabawan ng kultura(mga tanawing gawa ng tao). Sa makatuwid, ang
ekokritisismo ay ang interdisiplinaryong pagdulog sa panitikan. Sa aklat nila
Ian at Sandoval sinipi nila ang sabi ni Thomas K. Dean (1994) mula sa
nilathala nila Shoba at Nagaraj (2013). Ang ekokritisismo ayon kay Dean ang
pag-aaral ng kultura at produkto ng kultura gaya gawang sining, ma akda,
mga siyentipikong teorya at iba pa. Na may ugnayan ng tao sa kalikasan. Ang
ekokritisismo ang tugon sa pangangailangan ng suliranin, o krisis na
pangkapaligiran. Ito ang magtutulay sa siwang na namamagitan sa panitikan at
agham. Dagdag ni Dean.
Sa pagbasa ng akdang pampanitikan, isinaalang-alang ang ilan sa mga
anong na binanggit ni Glotfelty(1994). Gaya ng sumusunod:
1.) Paano isinasagisag ang kalikasan sa akdang ito?
2.) Ano ang papel ng pisikal na tagpuan/seting sa banghay ng akda?
3.) Ang pagpapahalaga bang ipinahayag sa akda ay naaayon sa pagpapahalaga
sa kalikasan?
4.) Sa paanong paraan nakaaapekto ang karunungan sa relasyon ng tao at
kalikasan?
5.) Ano ang kaugnayan ng agham at ng ekolohiya sa pag-aaral ng panitikan?
6.) Ano ang posibleng bunga sa pagitan ng pag-aaral sa panitikan at usaping
pangkapaligiran kaugnay sa ibang disiplina tulad ng kasaysayan, pilosopiya,
sikolohiya, sining at etika.
2. Teoryang Naratolohiya
MODYUL SA FIL102
Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

Ang teoryang ito ay ginamit ni Aristotle sa pagtatalakay sa anumang


akdang pamapanitikan nang nasa gayon ay makita ang ugnayang namayani sa
panitikan at pisikal na kapaligiran. Ayon kay Ian at Sandoval, isang teoryang
panliteratura na nagsusuri sa estruktura ng salaysay batay sa panahon na ito ay
umiral. Pinag-aaralan ng narratology kung ano ang magkakatulad sa mga
kuwento at kung paano naman nagkakaiba ang mga ito sa isa’t-isa (sinipi mula
sa Britanica.com) na sinang-ayunan ni Barry (2009) na nagsabing ang
naratolohiya ay ang pag-aaral sa estruktura ng kuwento. Dagdag ni Barry, ang
naratolohiya ay ang pag-aaral kung paano nakakalikha ng kahulugan ang
diskurso at kung ano-anong pamantayan at pamamaraan at pagsasalaysay ng
kuwento ng akda.
Para kay Aristotle ang tatlong (3) elemento ng banghay ng alinmang
elemento sa isang akda, partikular na ang maikling kuwento ay ang mga tauhan
at mga aksyon. Kinilala ni Aristotle ang tatlong elemento ng banghay ng
alinmang elemento.
1. Ang hamartia na nagsisiwalat ng kasalanan ng tauhan,
2. Ang angnorisis o reyalisasyon o pagtuklas ng sarili sa kasalanan, at
3. Ang peripeteia o pagbabalintuna ng tauhan, kumbaga guhit ng tadhana
(Barry, 2009).
Ang tatlong elementong ito ay tulong na rin sa mga tungkulin ng ng
banghay na itinala ni Propp, ang mga batayan sa pagtasa ng lalim ng ugnayan
ng panitikan at kalikasan.
3. Teoryang Kultural
Layunin ng panitikan na ito na ipakikilala ang kultura ng may akda sa
mga hindi nakakaalam. Katulad nang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyong
minana sa mga mga sususnod na salinlahi. Pinapahalagahan ang materyal at
di-materyal na bagay at ipinapakita din dito na ang bawat lipi ay natatangi.
Ayon kay A.L Kroeber (1953) upang higit na maunawaan ang konsepto
ng kultura kailangan pag-uugnayin ang likas na agham at likas na pag-unlad ng
kalikasan. Nangangahulugang interdesiplinaryong lapit ang pinakamainam sa
pagsusuri ng mga akda upang matukoy ang ugnayan ng panitikan at kalikasan.
Mga Sanggunian:
Dizon, Rosario B., Ijan, Melba B, Pantorilla, Chem R, Sandoval, Mary Ann
S. 2018. Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. Mutya Publishing
House Inc. Lungsod ng Malabon
Fenn, Vathana 2015. Roots of Ecocriticism: an Exploration of
the History of ecocriticism, a Literary Theory of the
Post-modern world
http://joell.in/wp-content/uploads/2015/08/Ecocriticism1.pdf 9/25/2020
MODYUL SA FIL102
Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

Eco Book The Ecocritism Reader


https://www.ecobooks.com/books/ecocrit.htm
24 Oras September 18, 20202. Gulayan sa Novaliches (54:40-57:30)
https://www.youtube.com/watch?v=TTroUDe8kPE&t=1244s 9/18/2020
lasalyanongguro.weebly.com
https://www.google.com.ph/search?sxsrf=ALeKk0322BHZ3M8HevvR2rLUqm
2upBENfQ%3A1601008160234&source=hp&ei=IHJtX_SZC7HWmAW-v6Tg
DQ&iflsig=AIN
Rubric sa Pagbuo ng Timeline https://brainly.ph/question/688670

PAGLALAPAT Panuto: Iugnay ang Etimolohiya ng Ekokritisismo sa bawat Panahon ng Panitikan sa Pilipinas sa p
(Application) pamamagitan ng pagsulat ng isang akdang pampanitikan (tula,awit, alamat, sanaysay, atbp.) na
nagpapakita/naglalarawan sa ekokritisimo mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyang

Gawing batayan ang krayterya na nasa ibaba.

KRAYTERYA
KAHINGIAN 1-3 4-6 7-10
Kaangkupan
Angkop ang panitikan.
Naipakita ang bawat Hindi gaanong Bahagyang Angkop na angkop
panahon ng panitikan ayon angkop angkop
sa etimolohiya ng
ekokritisismo.
KASININGAN
Nakapupukaw ng kamalayan at Hindi gaanong Bahagyang
damdamin ng mga mambabasa.. masining masining .Masining na
Gumamit ng mga simbolismo . masining
Idyoma/tayutay.

MEKANIKS
Wasto ang pagkaka-
balangkas maging ang Humigit sa 2 1 ang mali. Walang mali.
paggamit ng mga ang mali.
salita, baybay, at
bantas.

KABUOANG PUNTOS 30
MODYUL SA FIL102
Ekokritisismo at
CSSH-ABFIL-A310301
Pagpapahalaga sa Kalikasan

UNANG PAGSUSULIT

PAGTATAYA
(Evaluation)
Magkakaroon ng unang pagsusulit. Saklaw nito ang mga
paksang tinalakay sa Modyul I. Itatakda ng guro ang iskedyul ng
pagsusulit na gagawin sa pamamagitan ng Moodle (VLE).

ANGELES Digital Signer:ANGELES E. YSMAE


L
DN:C=PH, E=leamsygie@gmail.co

E. YSMA m, O=MSU-GENSAN, OU=FILIPIN


O DEPARTMENT, CN=ANGELES E
. YSMAEL

EL Date:2021.10.07 05:06:21 +08:00

Inihanda ni: ANGELES E. YSMAEL, mA

You might also like