You are on page 1of 17

EKO-ALAMAT

ANG PAGLIKHA
ALAMAT NG IFUGAO
Kabunian= naglikha sa mundo at sinira dahil sa labis na pagkamakasalanan ng mga tao.

Montalog= ang diyos na nagtuturo ng lahat ng kaugalian at paniniwala ng mga Ifugao.

Mutinig= asawas ni Momtalog isang diyosa.

Bugan at Wigan= anak nina Montalog at Mutinig


= may taglay na pambihirang kapangyarihan hindi lamang ordinaryong
kapangyarihan kundi higit pa rito dahil ginagabayan sila ng mga diyos at diyosa.

inihulog niya ang mga tanim at ibang mga punong-kahoy na naging mga hibla.

Isang bahag (G-string) ang kay Wigan at tapis naman para kay Bugan.

kulay at disenyo mula sa kaniyang panaginip. Ito ngayon ang mga damit ng mga babae sa Ifugao.

kaingin upang gawing taniman ng palay. Pumili siya ng mga baton a maayos upang maging tukod sa
gagawing niyang hagdang-lupa (terraces).

nagkaroon sila ng una nilang supling. naitapon nito ang kaniyang gatas sa lupa. Isang magandang
halaman na may masarap na bunga. Ang halaman na tinutukoy ay ang palay at ito ang kauna-
unahang palay.

Lidum (Lechum)= isang makapangyarihang nilalang

nasabi niyang, “Oh si Wigan ay naghahanda na naman ng isa pang taniman ng palay!” biglang
nakaramdam si Wigan ng pagod at pangamba at dali-dali itong umuwi sa bahay.

Hinumbian= unang tinawag ni Wigan

“Mas makabubuting hanapin moa ng isa pang Diyos na makapagsasabi kung bakit ka
nagkakaganyan.”

Kabunian= pangalawang tinanong ni Wigan

“ Ikukunsulta ang iyong katanungan sa taong magbubukid (handman)”

natuklasan ni Kabunian na si Ledum pala ang nakaaalam ng nararamdaman ni Wigan.

“ Nakita ka ni Ledum”, ang pagpapatuloy nito. “ at ayon kay Lidum lagi ka niyang nakikitang
nagsasaka sa iyong palayan, lagi kang nagtatanim at nag-aani subalit wala kang isa man lang na
isinagawang paghahandog sa amin na iyong mga Diyos.”

Kaya inutusan ni Kabunian si Hinumbian upang bumaba sa lupa at sabihan si Wigan na mag-aalay ng
sakripisyo para sa kaniyang mga Diyos.

kailangang pagkatapos nilang magtrabaho ay maghahandog sila sa kanilang mga Diyos.

nagtipun-tipon sila sa bahay ni Wigan at naghanda ng alak.


nagkatay sila ng manok. Isinagawa nila ang unang cañao kung saan sinunog nila ang manok na
kinatay at ang usok at amoy nito ay umakyat sa itaas kung saan naroroon sina Kabunian at Lidum.

Bago umalis ang dalawa sinabi nila kay Wigan, “ Kung sakali ang pananim ay hindi magiging maganda
at masagana o kung ang iyong palayan ay masisira o kung lulusubin ng mga piste o uod, tawagin
ninyo lamang kami sa ganitong paraan at kayo ay aming tutulungan.”

Kaya pinananatili ng mga taga-Ifugao ang ganitong tradisyon hanggang sa kasalukuyan.

KAY BAI AND BONG BAI


Kay Bai and Bong were neighbors. One day, Kai Bai wash her kumot and albong in the river. All of a
sudden. Her clothes were washed down the river by heavy current. She went after them by
following the course of the riverbank. They were her only clothes. soon she found her clothes
hanging on the fence of Lambsungfu.

“Fiu Flabi, Ye Bong”, Kay Bai greeted the woman. At this time the sun had already passed the zenith
and Kai Bai was hungry.

“I think you are hungry”, Lamsungfu said. “Come and eat some of my boiled Kamotes”.

“No, thank you. The sun will hide behind the mountains very soon and my house is very far. I just
came to get my “Albong” and “kumot” which were washed away by the flood. They are on your
fence”, replied Kay Bai.

Lamsungfu said, “ Get your clothes now and hurry. When you passed that tree, at the same time
pointing to a betel palm in her yard, pick the young nuts and take them with you”.

She tucked her clothes under her arm and held the betel nuts in her palm just as the sun was about
to hide behind the mountains, she noticed that a handsome young man was following her. She
walked faster. Suddenly she became afraid.

But the man was very kind. “ Lamsungfu told me to bring you home. It is not safe to walk alone”.

“ Why chosen to accompany me?” said Kay Bai.

“ Because you pick the young nuts”, replied the man.

So Kai and the young, handsome man reached the house. Seeing that she was alone in her house,
the young man married Kay Bai the following day.

Bong Bai learned how Kay Bai got a handsome husband. She promised to see Lamsungfu.

In the next morning, Bong Bai went to the river and washed her “kumot” and “Albong”. She got
angry because the flood didn’t come at once. She uttered words. Suddenly there was a lightning and
thunder. The clouds became very dark and it started to rain. She was happy because the flood came
at last. But the flood didn’t washed her clothes away. So she took a very long stick and pushed her
clothes downriver. She succeded in hitching them to Lamsungfu’s fence.

She went to Lamsungfu’s yard and demanded that she be allowed to see the woman. She didn’t
know that she was already talking to Lamsungfu herself.

“What can I do for you?” Lamsungfu asked.

“I’m very hungry. I smell roasted meat. Can I come in and eat”,

The sun was beginning to setwhen Bong Bai finished eating. She forgets all about her clothes.

“Please sent somebody to accompany me home. It’s getting dark and I’m afraid”. Bong Bai finally
said. She didn’t even thank Lamsungfu for the roasted meat.

“Somebody will join you when you get to the forest. Be sure to get some nuts from the tree from the
tree”. It was the same tree from which Kay Bai picked the young nuts.

It was already very dark when Bong Bai reached the tree so she wasn’t able to choose the kind og
nuts she killed. She just filled her hands with the nuts. She continued her journey. Then she heard
somebody’s footsteps behind her. She was thrilled. She walked very slowly so the one following her
could catch up.

When she looked back, she saw a very old man who was bent because of his age.

“Why are you here, old man? It’s late and you should be in your house”.

“I followed you because I am to become your husband. The old nuts mean you want me for a
husband”.

Bong Bai had to marry the old man. If Kai Bai lived happily, Bong Bai lived miserably.

PINAGMULAN NG TALACOGON
Sa kagubatan ng Agusan may naninirahan na isang datu, ito’y nagngangalang

Datu Mentake-e= naninirahan sa Agusan

Tagakupan = anak ni Datu Mentake-e

may mga kalalakihang nagtangkang siya’y pigilin at doon ay nagpambuno ang mga ito. ngunit dahil
sa angking katapangan at kabihasaan sa paglalakbay ay nagapi ni Tagakupan ang mga humarang at
sa wakas ay nakaarating sa kinaroroonan ng dalaga.

Datu Tumalik= ama ng dalaga na si Labnigan, Datu sa Kapatagan


Labnigan = anak ni Datu Tumalik, ang dalagang naibigan

Masayang nanirahan ang mag-asawa sa itaas ng bundok na malapit sa ilog. Isang araw, isang
napakalas na tunog ng tambol ang kanilang narinig hudyat ng kalabang paparating. Sa ilog nakatira
ang isang napakalaking Bangka sakay ang mga kastila. Hindi nagtagal ay naglaban ang mga ito at
dahil sa malakas ang pwersa ng mga outi at dahil na rin sa makabagong kagamitan pandigma ay
natalo ang pangkat ni Tagakupan kasabay pa nito ang kaniyang pagkasawi. Ang buong pangkat ay
nasakop at nabihag ng mga ito maging sina datu Tumalik at Labnigan.

Hindi matanggap ni Labnigan ang pagkawala ng iniirogkaya’t nagpakamatay ito sa


pamamagitan ng pagtarik ng kutsilyo sa kaniyang dibdib. Kinaumagahan natagpuan ang mga
kapangkat ang walang buhay na katawan ni Labnigan sa mismong bahay nito.

Inilibing ang katawan ni Labnigan sa kanilang mismong lupang tinirhangaya ng hiling nito. Sa
puntod nito’y maraming tumubong dami na tinawag na Cogon. Dahil nga sa maraming tumutubong
Cogon sa lugar na iyon tinawag ito ng mga tao taga Cogon (Cogon Land). Hanggang sa paglipas ng
mga taon ito’y naging “talacogon”.
EKO-KWENTO
KUWENTO NG HARI
Noong unang panahon may isang hari na nagmamay-ari ng napakalawak na latian. Siya ay may kaisa-
isang anak na prinsesa. Mahal na mahal ng hari ang kanyang anak at wala ni isa sa mga tao ang
puwedeng lumapit dito. Ang mga pangangailangan nito tulad ng pagkain, inumin at iba pa ay
inihahatid lamang sa kanyang silid upang matiyak ng amang hari na hindi makihalubilo sa ibang tao.
Ngunit malaking pagtataka ng hari dahil ang prinsesa ay nabuntis.

Nang nanganak ang prinsesa , nagdesisyon ang hari na ipatawag ang lahat ng kalalakihan sa palasyo
upang malaman niya kung sino sa kanila ang ama ng kanyang apo. Hindi mabuti ang pakikitungo ng
hari sa kanyang apo kaya gumawa siya ng isang sinyales.

Kung ang bata ay lalapit sa sinumang lalaki roon, ibig sabihin ‘yon ang kanyang ama. Ngunit walang
nangyari dahil kahit sino sa mga ito ay hindi nilapitan ng bata, dahil dito nagalit ang amang hari.
Paglipa sng ilang araw, nagpatawag muli ang hari ng isang pagtitipon nang mga kalalakihan kasama
ang mga kalalakihan na nakatira sa gubat. Isa sa mga lalaki nito ay isang bugyas (manggagawa ng
panghuli ng isda) na siyang kanyang ikinabubuhay.

Nang dumating ang lalaking tagagubat, lumapit dito ang bata na ang ibig sabihin siya nga ang ama ng
apo ng hari. Dahil dito galit na galit ang hari at pinaalis ang mag-ina kasama ang tagapaggawa ng
bugyas. Umalis nag mag-ina na wala dala kahit na ano sa kagustuhan ng amang hari maliban lamang
sa kanilang saplot sa katawan.

Pagdating nila sa gubat, kung saan doon nakatira ang bugyas wala silang pagkain at nakatawag ng
pansin sa bugyas ang kuwintas na suot ng bata. Nagtanong siya kung anong bagay ang nasa leeg nito
dahil marami daw iyon sa bukas na kanyang pinaliliguan. Sinagot siya ng prinsesa na ito ay “pera”

Pinuntahan ng mag-inang prinsesa ang bukas kasama ang tagapaggawa ng bugyas na sinasabing
maraming pera roon at natuklasan nila na totoo nga napakaraming ginto. Kaagad na inutusan ng
Prinsesa ang tagapaggaw ang bugyas na pumunta sa bayan kasama ang talaan ng mga bibilhin tulad
ng bigas, asin at iba pangangailangan para sa kanilang pagkain.

Pagkatapos kumuha siya ng mga tao upang itayo ang kanilang mansyon sa halagang 3 milyong piso.
Binigyan nila ng sang laksang pera bilang pambayad sa gagawa nito. Nagtala muli ang prinsesa ng
mga bagay na kinakialangan para sa kanilang bahay. Kailangan ang isang bapor na lulunanan ng mga
materyales para sa pagpapatayo nito. Bumili rin sila ng sampung pares ng kalabaw, dalawampung
baka at apat na kambing. Masayang-masaya sila dahil nasa kanila na ang lahat na kinakailangan ng
kanilang pamilya.

Isnag araw, inanyayahan nila ang hari na kasalukuyang may sakit. Magkahalong lungkot at hiya ang
naramdaman nito sa tagapaggawa ng bugyas, sa kanyang anak at kanyang apo.
SI ABAKITA
NI: FE BERMISO
Ayon sa lolo at lola na tagakuwento, si

Abakita =ay anak ng isang doktor.

Nang isinilang si Abakita, isang diwata ang kumuha sa kanya at pinalitan lamang ng katawan ng
saging. Naniwala naman ang ina na ang kanyang anak ay patay na.

Ibinigay lahat ng diwata ang mga pangangailangan ni Abakita. Lumaki na siya ngayon at mas lalong
luminaw ang kanyang balat sa bahagi ng kanyang puwet.

Isang araw, nang ang mag-asawa ay nagbakasyon sa lugar kung saan nakatira si Abakita at ang
kanyang ama-amahan, may ankita silang isnag bata na naliligo sa ilog. Maya-maya , nakita nilang
muntik ng malunod nag bata. Agad silang pumunta sa sapa upang iligtas ang bata. Nang pinunit nila
ang damit nito, nakita nila ang balat na katulad na katulad ng balat ng kanilang namatay na anak.
Pinaghinalaan ng mag-asawa na ang nailigtas nilang bata ay ang kanilang sariling anak. Hinayaan
nilang makauwi siya sa kanilang bahay at bumalik sa lugar na iyon upang imbistigahan kung totoo
bang namatay na nga ang kanilang anak.

May pinag-atasan ang ama sa paghukay ng kabaong ng bata. Natuklasan nilang wala naman palangh
lamang ang kabaong. Sa pagtataka, bumalik sila sa lugar kung saan nakita nila ang bata. Nang
dumating sila, ang taong kumuha kay Abakita ay natakot. Tinanong nila ang diwata kung nandoon ba
ang bata. Ngunit sinagot niya ito na walang bata s alugar niya. Ilang sandali , nagtaka na lang ang
batang si Abakita kung bakit may kaguluhan. Nakita niya ang taong sumagip sa kanya at mabilis
niyang niyakap ito at nagsabing “Maraming Salamat”. Niyakap din ng mag-asawa si Abakita. Nang
nakita ito ng diwata, umiyak siya. Pagkatapos nito , sinabi niya ang buong katotohanan tungkol sa
bata. Sinabi niya na kinuha niya si Abakita nang isinilang at nilinlang lamang sila upang hindi
malaman na inagaw sa kanila ang bata.

Umiyak ang bata at nag-yakan silang lahat. Ipinagtapat ng diwata kay Abakita na hindi siya ang tunay
na magulang nito. Habang umiiyak, niyakap ni Abakita ang kanyang ama-amahan.

Pauwi na sana ang mag-asawa nang bigla silang tinawag ng bata at nagsabing hintayin siya. Paharap
sila s aanak habang tumatakbo ito papunta sa kanila. Niyakap nila ang bata at isinama sa kanilang
bahay. Doon nagtapos ang kuwento ni Abakita,
ANG KAHARIAN NG KAWAYAN
NI: FE BERMISO
May apat na magkakaibigan na sina Malikh Malikhain, Lino Matalino, Sinang Usisera at si
Kaloy Makalikasan. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang kakayahan.

Malikh= kilala sa paggawa ng mga bagay na mapapakinabangan ngunit madalas ang kanyang
ginagamit ay nasasayang. Halimbawa na lamang kung puputol siya ng isang buong puno bilang
kagamitansa paggawa ng kuwaderno, hindi man lang niya pinapalitan ang mga punong kanyang
pinuputol.

Lino =naman ay madiskarte, ngunit madalas niyang inaaksyahan ang tubig. Sa tuwing maglilinis siya,
hinahayaan niya lamang ang tubig na umapaw sa timba.

Sinang =Kilala naman sa pagiging matanong , mausisa siya sa lahat ng bagay at lagi’t lagi niyang
inaalam ang impormasyon sa kahit sinong tao.

Kaloy =naman ang kilala bilang masinop at maalaga sa kalikasan.

Isang araw, may nagpakitang diwata sa apat na magkakaibigan.

Kailangan ko ang inyong tulong, Ako si Diwatang Pina mula sa Kaharian ng mga Kawayan. Mayroong
nagbabadyang panganib sa aming kaharian ! Si Bondoy, ang halimaw mula sa karagatan na
nanggugulo sa aming kaharian. Maaari niyo ba kaming tulungan?

“Maaari akong gumawa ng mga sasakyan at kasangkapan, upang makatulong sa inyong paghahanda.
(Wika ni Malikh)

“Mag-iisip naman ako ng paraan upang makaiwas sa maaaring panganib na hatid ni Bondoy (Alok ni
Lino)

“Kakalap naman ako ng impormasyon tungkol kay Bondoy at sa kanyang mga kayang gawin upang
mapaghandaan natin” (Sabi ni Sinang)

“Tutulong nalang ako, kung ano pa ang kinakailangan gawin” , sabi ni Kaloy dahil naisip niyang wala
na siyang halos maitulong dahil nakaya ng gawin ng kanyang mga kaibigan.

Natuwa ang diwata sa magkakaibigan, kaya sa isang senyas ng kanyang kamay agad silang
napunta sa mahiwagang kaharian. Nabighani sila sa lawak ng lupain na mayroong maliit na
pamayanan. Maraming malalaking puno ng kawayan at hindi pangkaraniwan ang mga laki at tiyak na
napakatibay nito.

Ipinakilala sa kanila ng diwata si Reynang Pili, nangako ang Reyna sa apat na magkakaibigan
na magbibigay siya ng gantimpala kung malalampasan ang darating na pag-atake ni Bondoy.

Reyna Pili: “Maaari ninyong gamitin lahat ng yamang likas ng aming kaharian. Inalagaan
namin ang mga yamang likas na nandito upang sa pagdating ng panahon ay kami naman ang
kanilang alagaan”

Agad na kumilos ang apat na magkakaibigan.

Agad na lumikom ng impormasyon tungkol kay Bundoy si Sinang,


Sinang: “Napag-alaman kong hangin at tubig ang kapangyarihan ng halimaw. Bumubuga siya ng
malakas na hangin upang matangay kasama ang tubig upang agusin lahat ng makikita niya sa daan”

Malikh: “Magaling!” Ngayon ay alam na natin ang dapat gawin. Gagawa tayo ng matitibay na bubong
at mga bangka.” Agad na humingi ng tulong si Malikh sa mga kawal ng Reyna at nagputol sila ng
maraming mga puno ng kawayan. At katulad ng kanyang ugali dati, maraming puno ng kawayan ang
nasayang.

Kaloy: “Huwag mong putulin ang puno!” “Kapag pinutol mo ang mga kawayan , mawawalan ng
poprotekta sa lupa at maaaring gumuho o bahain ito pag dumating ang maraming tubig.

Malikh: “Huwag mo nang intindihin yun!”. “Marami naman tayong gagawing bubungan at mga
bangka, mas makakatulong ang mga kasangkapan ito para sa atin”

Lino: Kung tubig ang kapangyarihan ni Bondoy, mas makakabuti yatang patuyuin natin ang ating mga
ilog!. Sa ganitong paraan walang magagawa ang kapangyarihan ni Bondoy. Magtira na lamang tayo
ng sapat upang inumin.

Kaloy: Huwag ninyong tanggalan ng tubig ang mga ilog. Kapag nawalan ng daluyan ang mga tubig sa
mga ilog at batis, maaring kumalat ang tubig na dadalhin ni Bondoy kung saan saan at maaaring
bumaha sa buong bayan.

Lino: Kapag walang tubig sa buong bayan, walang tubig na babaha.

Maraming nasayang na puno at tubig dahil sa paghahanda. Hindi sumang ayon si Kaloy at
pinili na lamang niyang lumagi sa isang lugar sa gubat at iningatan ang ilang punong kawayan at hindi
niya hinayaang masama ito sa ginagawang bubong at bangka ni Malikh. Nag-ipon din siya ng tubig
mula sa mga ilog at batis bago pa man ito matuyo.

Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na kanilang pinaghahandaan. Malaking
bahagi sa gubat ang nakalbo. Natuyo na rin ang mga batis at ilog.

Dito nagsimulang sumalakay si Bondoy, bumuga ito ng malakas ng hangin na agad na


natangay ang mga matitibay na bubong na ginawa ni Malikh at ng mga kawal ng Reyna. Nanlumo si
Malikh, dahil kahit sa sobrang tibay nito ay hindi nagawang proteksyunan ng mga bubong ang mga
naninirahan sa kaharian ng kawayan.

Mas nagulat sila sa mga sumunod na ginawa ni Bondoy. Humila siya ng tubig mula sa dagat
at hinatak niya ito upang bahain ang buong kaharian.Dahil sa maraming puno ang naputol ni Malikh,
wala nang mga puno ang sumisipsip sa tubig. Wala na ring dadaluyan ang mga tubig baha dahil sinira
na rin ni Lino ang mga daluyan ng tubig.

Lumubog sa baha ang malaking bahagi ng kaharian ni Reyna ngunit hindi ang bahagi ng
gubat na inaalagaan ni Kaloy. Hindi ito tinablan ng hanging ibinubuga ni Bondoy dahil yumuyuko lang
ang mga kawayan. Maging ang tubig baha ay sinisipsop lamang ng ugat ng mga puno.

Sinang: May isang bahagi ng gubat ang inaalagaan ni Kaloy! Hindi iyon aanurin ng tubig baha

Agad nag-utos ang Reyna na dalhin ang lahat sa bahaging iyon ng gubat. Nakita nilang malaki
ang pinsalang dinulot ni Bondoy . Lumambot ang lupa at nadulas sa tinatapakan si Bondoy at
tumilapon siya pabalik sa dagat kung saan siya nanggaling. Natuwa ang lahat ng makitang nawala
ang higanteng halimaw, ngunit nalungkot sila ng makita ang kinahihinatnan ng malakig bahagi ng
kanilang kaharian. Marami sa mga bahay ang inagos sa tubig baha, ang ilan naman ay nababad sa
putik.
Ang maliit na bahagi ng gubat na inalagaan ni Kaloy ang tanging naligtas at nagligtas sa
kanila. Nagpasalamat si Reyna kay Kaloy at binigyan silang apat ng mga ginto bilang gantimpala.
Ngunit higit pa rito ay ang aral na kanilang natutunan sa nangyari.

Malikh: Hindi na ako ulit magpuputol ng puno at papalitan ko na ang punong pinutol ko.

Lino: Hindi ko na rin hahayaang mag-aksaya ng tubig, upang hindi masira ang tamang pagdadaluyan
nito.

Sinang: Higit sa paglilikom ng impormasyon, ako’y kikilos na lamang para mas makatulong sa pag-
aalag ng likas-yaman.

At nang makabalik na sila sa tunay na mundo, doon nila naalala ang mga katagang sinabi ng
Reyna.

“Inaalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, para sa pagdating ng panahon ay kami
naman ang kanilang alagaan”
EKO-PABULA
SI UBAL AT SI BAW

Si Ubal at si Baw ay magkaibigan. Isang araw,nagkayayaan silang manligaw sa mga anak ni Lagia
Sulayman.

“Baw, manligaw nga tayo sa mga anak ng Datu,” ang umpisa ni Ubal.

“Sige,” mabilis naming pagsang-ayon ni Baw.

“ Sa panganay ako at ikaw naman doon sa bunso,” ang dugtong ni Uban.

Ganoon nga ang nangyari.

Niligawan ni Ubal ang panganay na anak ng Datu samantalang si Baw naman ay ang bunso.
Nagkatuluyan sila. Sabay pang kinasal ang dalawa.

Nang sila’y makasal na sinabi ng datu na, “ Magtrabaho kayo sa bukid! Magsaka kayo!” at
binigyan sila ng datu ng mga gamit sa pagbubungkal ng lupa.

Maliit na itak lamang ang ibinigay kay Baw, sap ag-aakala ng datu na hindi rin naman niya
kayang gamitin ang malaking itak. Binigyan si Ubal ng malaking itak dahil sa matangkad daw siya.

Nang sila ay nasa bukid na, matiyagang nalinis ni Baw ang bahaging ibinigay sa kaniyang ng
datu upang sakahin. Si Ubal naman ay walang inatupag kundi magpalipat-lipat sa mga puno at
masayang nagtatatalon sa mga sanga nito.

Lumipas ang pitong araw ng kanilang paglilinis, handa nang sunugin ang mga damong tuoy.
Tinipon lamang sa isang tabi ni Ubal ang mga damong tuyo ngunit ang kay Baw na naipon ay sinunog
niyang talaga upang malinis ang bukid.

Natanaw mula sa palasyo ng datu ang usok na sinunog na mga damo. Sabi ng datu, “tingnan
niyo si Ubal masipag talaga ang kapal ng usok ng kaniyang siga.” May paghanga ang pagsasalita ng
datu. “siguro’y malawak na ang nahawan niyang pinitak para sa pagtatanim.” Pagmamayabang nito.

Nang sila’y dumating mula sa pagsisiga ng damong tuyo, tinanong si Ubal ng datu, “Gaano
kalawak ang hinawan mong bukid Ubal?”

“Napakalawak datu,” pagsisinungaling ni Ubal. “Kay Baw ay makitid lamang dahil sa matagal
siya at bansot pa.”

Hindi nakapagsalita si Baw dahil pinigil siya ni Ubal. Ang tangi lamang niyang nasabi sa asawa
ay, “Ok lang putli, Pabayaan na lamng natin siyang magsalita. Hayaan mo at bubukod tayo ng sariling
bahay.”

Nagtayo nga si Ubal ng sariling bahay at bumukod silang mag-asawa. Ilang araw pa ang
lumipas, binigyan sila ng datu ng mga binhi at palay. Kaunti lamang ang binigay kay Baw samantalang
marami ang kay Ubal.

Lumipas uli ang pitong araw, pinuntahan ng datu ang kanikanilang bukid. Tinanong niya si
Ubal, “Kaninong tanim ang mga palay na ito,” sabay turo sa mga tanim ni Baw.
“ akin ho ang mga iyan, datu” ang sagot ni Ubal. “Ang kay Baw ay ang maliit pa.”
pagsisinungaling nito.

Nang dumating na ang panahon ng anihan, iniutos ng dati na dalhin sa palasyo ang tubali
nina Ubal at Baw. Gusto niyang Makita kung sino sa dalawa aniyang manugang ang mas maraming
ani.

Nagulumihanan si Ubal dahil wala siyang madadala sa palasyo. Samantala, si Baw ay


abalang-abal sa paghahakot ng mga palay na kaniyang inani. Ang binhing palay na ibinigay ng datu
kay Ubal ay inubos lamang nito sa halip na itanim sa bukid.

Kaya nga ang nangyari’y umuwing walang hawak-hawak na tubali si Ubal,. Nang malaman ng
datu ang katotohanan, pinatawan niya ng parusang kamatayan si Ubal. Galit nag alit siya dahil
matagal nap ala siyang niloloko ng manugang.

Ang sabi ni Ubal, “ Hindi ko naman talaga ang datu eh. Ano ako, alipin niya?
Magpapakamatay ako sa pagtatrabaho para sa kaniya? Hindi ako ganoon kagago. Kung papatayin
niya ako, mabibiyuda ang kaniyang anak,” nagmamayabang pa ang kaniyang tinig.

At pinarusahan nga ng kamatayan si Ubal. Naging biyuda nang maaga ang panganay na anak
ng datu.

Bumango ang pangalan ni Baw sa datu. Hangang-hanga na siya ngayon sa maliit na si Baw.
Isang araw, niyaya ni Baw ang kaniyang asawa na maligo sa ilog. Nang nasa tabing ilog na sila,
sinabihan ni Baw ang asawa na maligo sa bandang timog at siya naman ay maliligo sa bandang
kanluran.

Tumanggi si Putli, “Ayoko, dito ka lang sa tabi ko, baka malunod ka”.

“basta’t diyan ka lang, hindi na maano,” mapilit ang tinig ni Baw kaya’t walang nagawa si
Putli.

Nang matiyak niyang hindi na siya nakikita ng kaniyang asawa, inalis ni Baw ang kaniyang
damit. Sa isang iglap ay naging napakasimpatiko niyang prinsipi. Isang larawan nang matikas,
matipuno at matapang na lalaki.

Nagbabalat-kayo lamang pala si Baw sapagkat ang tunay niyang pangalan ay Sumidsing sa
Alongan, sinadya niyang ipaanod ang kaniyang maliit na damit maya-maya pa’y biglang lumitaw
naman ang puting kabayo na napakaganda ang tikas. Sumakay siya rito.

Sa kabilang dako, sumunod sa agos ng tubig ang ipinaanod na damit ni Baw. Nahawakan iyon
ni Putli at nagsimulang umiyak sa buong pag-aakalang namatay na ang bana. “Sabi ko nga sa iyo’y
huwag kang aalis sa aking paningin. Tingnan mo tuloy ang nangyari, nalunod kang hindi ko nakita,”
laking pagdaramdam ni Putli.

Humahangul-ngol siya habang hawak niya nang mahigpit ang damit ng bana. Maya-maya
pa’y may tumawag sa kaniya.

“Halika na Putli, umuwi na tayo,” ang himok na tinig ng makisig na lalaki.

Hindi niya nakilala ang kaniyang bana. “Sino ka at bakit mo ako tinatawag, hindi kita kilala,”
may pagtataka sa kan iyang tinig habang patuloy ang pag-iyak.

“Sige na, halina at umuwi na tayo,” namimilit ang tinig ni Sumidsing sa Alongan.
“Huwag mo akong binabastos lalaki, may asawa ako,” ang naiinis na sagot ni Putli.

Hindi pa rin tumitinag si Putli sa pampam ng ilog at yakap-yakap ang kamisita ni Baw.

Ilang oras pa ang lumipas, sa kapipilit ni Sumidsing sa Alongan na umuwi na ng bahay si Putli
ay nahimok din niya ito. nagpahatid si Putli sa kanilang bahay. Nang malapit na doon ay bumolong si
Sumidsing sa Alongan at sa isang iglap ay napalitan ang dampa ng isang magarang palasyo na pawing
salamin ng mga dingding. Lumaon ay natuklasan din ni Putli ang bumabalot nabhiwaga sa kaniyang
bana na si Baw ay ngayo’y isang napakakisig na prinsipi.

Kinabukasan, bagong palasyo ang paksa ng mga usap-usapan sa bayan. Bawat bibig ay
humahanga sa napakalaking palasyo. Ang mainit na balitang ito ay nakarating sa pandaigdig ng datu.
Inutusan kaagad ng datu na pukpukin ang agong ipinatawag niya ang kaniyang mga tauhan upang
ipagawa ang isang maselang bagay. Nang dumating na ang lahat, nag-umpisa na siyang magsalita.

“Nais kong malaman sa inyo kung sino ang tusong tao na naglakas-loob magpatayo ng
palasyo sa aking nasasakupang lupain nang wala man lamang pasabi o pahintulot mula sa akin. Kung
sino man siya, makikita niya ang kaniyang hinahanap. Mamatay siya! Patayin ninyo! Wala pang
lumapastangan siya sa aking malatabat dito”, mapusok na nag-uutos ang datu.

Noon din ay tinungo ng mga tauhan ng datu ang palasyo ni Sumidsing e Alongan. Malayo pa
sila ay nakikita na nila ang kanilang itsura mula sa mga salamin nitong dingding. Bumalik sila sa
palasyo at sinabi sa datu na mahirap pasukin ang palasyo dahil ang kanilang mga sarili ay nakikita
nila sa mga dingding na salamain.

“bumalik kayo roon!” utos ng datu. Bumalik nga sa palasyong salamin ang mga tauhan datu.
Sa pagkakataong ito ay nakita sila ni Putli kaya’t pinapasok sila sa magarang mansion.

“Pasok kayo.” Anyaya ni Putli sa mga tauhan ng kaniyang amang datu.

Bumaba mula sa kanikanilang kabayo ang mga tauhan ng datu at pumasok sa pambihirang
palasyo. Tinanong ni Putli kung ano ang kanilang pakay.

“Nais po lamang malaman ng datu kung sino ang naglakas-loob na magpatayo ng palasyong
ito na walang pahintulot sa kaniya,” ang sabi ng pinuno.

“Sabihin ninyo kay ama na ang may-ari ng palasyong ito ay sa ang dating hinahamak-hamak
niyang si Baw. Sabihin niyo rin sa kaniya na ang tunay na pangalan ni Batil Baw ay prinsipi Sumidsing
sa Alongan.”

Agad nagpaalam ang mga tauhan ng datu at sinabi nila sa kaniya ang lahat ng sinabi ni Putli.
Mabilis na nagbihis ang datu at dumalaw sa anak. Humingi siya ng tawad sa maagang paghuhusga sa
pagkatao ni Baw. Mula noon ay hinangaan na ng datu si Baw at siya ang piniling tagapagmana ng
kaniyang trono.
SI PARUPARO AT SI ALITAPTAP
(PABULA NG MGA KATAGALUGAN)
Isang araw habang namamasyal si Paruparo sa isang hardin ay nahuli siya ng isang batang
lalaki at pinaglalaruan siya nito. Nagpupumiglas siyang maakaalis sa palad ng bata pero hinawakan
nito ang dalawa niyang pakpak sanhi ng pagkabali nito at hindi na siya makalipad. Buti na lang at
binitawan din siya ng bata nang malingat ito sa iba pang mga lumilipad na insekto sa paligid.

Kakawag-kawag ang Paruparo sa lupa at natakot siyang hindi siya makalipad o makaalis doon
at tuluyan na siyang mamatay dahil sa posibleng siyay’y maapakan ng mga magdaraan. Sumigaw ng
saklolo si Paruparo sa mga kaibigang insekto na nagdaraan.

Napadaan si Langgam sa kinalalagyan ni Paruparo,

“Saklolo! Saklolo! Tulungan po ninyo ako rito” “Pero pasensya na ako’y nagmamadali dahil
kailangan kong makaipon ng makakain at malapit na ang tag-ulan”, ang paliwanag ni Langgam.

“Baka po maapakan ako rito sana’y makaalis lang ako rito sa lugar na ito”, ang pagsusumamo
ni Paruparo.

Subalit iniwan siya ni Langgam at nagpatuloy ito sa paghahanap ng makakain naghihintay na


lamang siya kung sino sa mga kaibigan ang tutulong sa kaniya. Nabuhayan siya ng loob nang dumaan
si Gagamba.

“Kaibigang gagamba, maaari bang ako’y tulungan mo at makaalis lang dito at baka
maapakan ako? Maaawa po kayo kaibigan. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo.” Nang
patuloy niyang pagsusumamo. Napatingin si Gagamba sa kaniya na may halong pagkaawa.

“Kawawa ka naman kaibigan, pero hindi kita matulungan sa ngayon. Kailangan ko nang
makaalis at magmadali dahil sa pagagandahin ko pa ang aking bahay. Kailangan ko na itong gawin
bago pa umulan nang malakas.” Ang paliwanag ni Gagamba.

Naiyak na lamang si Paruparo na iniwan mag-isa ng kaniyang mga itinuturing na kaibigan.

“Oh Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisimula nang umulan at lalong di na
ako makikita ng iba pang kulisap sa paligid.” Panalangin ni Paruparo. “Kayo nap o ang bahala sa akin,
Oh! Bathala ko.” Patuloy niya

Makatuwiran baa ng pag-ayaw ni Langgam na tulungan si Paruparo sa kabila ng kalagayan nito?

Dumilim na talaga ang paligid. Naiyak na lamang siya dahil wala nang makakita sa kaniya.

“Kaibigang Paruparo, anong nangyari sa iyo?” ang tawag sa kaniya ni Alitaptap na napadaan
sa kinalalagyan niya.

“Di po ako makalipad kaibigang Alitaptap. Nabali po ang aking mga pakpak nang pinaglaruan
ako ng batang lalaki kanina. Naghahanap po ako ng nectar kanina nang mahuli ng batang lalaki rito.”
Ang paliwanag ng Paruparo.

“Nanghihina na po ako. Maawa ka, tulungan mo po ako.” Ang pagsusumamo niya.


“Oh sige kaibigan, huwag kang mag-alala tutulungan kita. Maghintay ka lamang ng ilang
sandal at tatawagin ko muna ang aking ibang mga kasama para ika’y mabuhat namin at maialis diyan
sa kinalalagyan mo.” Ang wika ni Alitaptap.

“Salamat po panginoon ko! At ipinadala mo sina Alitaptap at ibang mga kasama para ako’y
tulungan”.

“Marami pong salamat kaibigan Alitaptap.” Ang masayang pagpapasalamat niya sa kaibigang
tumulong.

“Walang anuman kaibigan ang mahalaga’y nailigtas ka sa kapahamakan. “Oh sige ligtas ka na
rito at magpahibga ka’t ang mga pakpak mo’y magiging maayos na bukas.” Ang sabi ni Alitaptap.

Lumalim na ang gabi at mahimding siyang natulog. Napagtanto niya kung sino ang tunay na
mga kaibigan at ang kaibigan ay nasusubukas sa panahong ng kagipitan.

“Salamat sa iyo Bathala” ang muli niyang sambit.

ANG HARING KULIGLIG AT ANG LEON


(PABULA NG KABISAYAAN)
Isang hapon, habang masayang sumisipol si haring Kuliglig, naparaan sa kaniyang harapan si Haring
Leon. Tumatakbo ng mabilis si Haring Leon kaya natapakan niya si Haring Kuliglig.

“Aray koo! Haring Leon, ang sakit-sakit niyon, a! Dahil bas a malaki kayo at tatapak-tapakan
niyo na lamang ako?” ang galit na reklamo ni Haring Kuliglig.

Ngunit tinawanan na lamang siya ni Haring Leon.

“Oh, nagrereklamo ka pa Haring Kuliglig. Ikaw kasi eh ang haharang-harang diyan eh,.
Tandaan mo nagkamali ka yata ng binabangga mo. Ngayon pa’y sasabihin ko na sa iyo na ako ay
pinakamalakas na nilalang sa buong mundo at maaaring gawin ko alinmang bagay na gusto ko! Kaya,
huwag kang magrereklamo riyan!” pagmamayabang ng Leon. “Patunayan mong pinakamalakas ka!
Ngayon pa’y hinahamon na kita sa isang digmaan, kasama ang iyong mga tagasunod, gayundin ang
sa akin!” ang hamon ni Haring Kuliglig.

“Aba! Oo! Tinatanggap ko ang iyong hamon baka pagsisihan mo ito sa bandang huli. Kalian
mo gustong maganap ang digmaan?” tanong ni Haring Leon.

“Sa darating na ikatlong araw. Pagdating ng bukang liwayway sa may paanan ng bundok na
may kaingin,” ang matapang na sagot ni Haring Kuliglig.

Sa pangatlong araw mula nang sila ay maghamunan makikitang si Haring Kuliglig ay siyang
nangunguna sa mga ibon at mga hayop na nakalilipad. Si Haring Leon naman ay nangunguna sa lahat
ng hayop sa lupa. Katulad ng napagkasunduan, nagmartsa sa kaingin si Haring leon kasama ang
kanyang mga tagasunod. Sumusnod sa kaniya ang Tigre, ang kabayo, ang aso, ang kalabaw, ang
baboy, ang uso, ang pusa, ang kuneho at iba pa.

Sa kabilang dako naman, si Haring Kuliglig at ang mga tagasunod niyang mga ibon, mga
pukyutan, mga bubuyog at iba pang mga insektong may pakpak ay mapapansing handing makiharap
sa labanan.

“Ang kakalabanin natin ay mga hayop sa lupa,” sabi ni AHring Kuliglig. “Puro malalaki! Kung
ating gagamitin ang mga utak natin, natitiyak kong madadaig natin sila. Kaya ang bawat isa ay
kailangan mag-ingat at talasan ang mga mata at kilos. Ipakikita natin na kaya natin silang lipunin!
Naiinitindihan ba ninyo ang utos ko?”

Ang lahat ay taimtim na nakinig. Pagkatapos, mabilis na lumipad si Haring Kuliglig, kasama
ang kaniyang mga tagasunod.

Sino kaya ang mananalo sa labanan, ang malalaking hayop na magaling sumpia, kumalpot o
tumapak o ang maliliit na insektong umuugong, tumutuka at kumakagat?

“NAriyan na sila! Sipain niyo na!” ang utos ni Haring Leon sa mga kasama.

Ngunit, mabilis na nakaiwas ang mga kasama ni Hring Kuliglig sapagkat sila;y lumulutang
lamang sa hangin. Nang ang mga hayop ay naoagod na sa kakasipa sa hangin ang mga ibon at
insekto sumagupa sa kanila.

“Sige, dapuan at kagatin sila! Huwag huminto hangga’t silay magmamakaawa!” ang utos ni
Haring Kuliglig.

Nangyari ang dapat mangyari matagumpay na nadaignina Haring Kuliglig ang mga kalaban
dahil lalong dinagdagan ang mga tagasunod ang kanilang tapang at lakas sa pagsagupa sa mga hayop
sa lupa. Nanalo ang mga ibon at mga insekto at natapos ang digmaan.

Si Haring Leon ay maginoong sumuko.

“Haring Kuliglig, kayo’y nanalo sa aking inihamong labanan,. Nararapat lamang na bigyan
kayo ng kasiyahan. Mula ngayon, ang lahat ng mga ibon at insekto ay magkakaroon na ng mga
halamanat mabangong bulaklak sa lupa. Samantalang kami at ang mga tagasunod ko ay masisiyahan
na sa mga tira-tirahan dito sa lupa!” ang pangako ni Haring Leon kay Haring Kuliglig.

Masayang-masayang umuwi sina Haring Kuliglig, mga ibong at mga insekto at nagdaos sila
ng salo-salo bilang pasasalamat sa kanilang tagumpay.
EKO-BATAS

REPUBLIC ACT 9003 ECOLOGICAL SOLID WASTE


MANAGEMENT ACT OF 2000
In partnership with stakeholders, the law aims to adopt a systematic, comprehensive and ecological
solid waste management program that shall ensure the protection of public health and
environment. The law ensures proper segregation, collection, storage, treatment and disposal of
solid waste through the formulation and adaptation of best eco-waste products.

REPUBLIC ACT 9275 PHILIPPINE CLEAN WATER ACT OF 2004


The law aims to protect the country's water bodies from pollution from land-based sources
(industries and commercial establishments, agriculture and community/household activities). It
provides for comprehensive and integrated strategy to prevent and minimize pollution through a
multi-sectoral and participatory approach involving all the stakeholders

REPUBLIC ACT 8749 PHILIPPINE CLEAN AIR ACT OF 1999


The law aims to achieve and maintain clean air that meets the National Air Quality guideline values
for criteria pollutants, throughout the Philippines, while minimizing the possible associated impacts
to the economy.

REPUBLIC ACT 6969 TOXIC SUBSTANCES, HAZARDOUS AND


NUCLEAR WASTE CONTROL ACT OF 1990
The law aims to regulate restrict or prohibit the importation, manufacture, processing, sale,
distribution, use and disposal of chemical substances and mixtures the present unreasonable risk to
human health. It likewise prohibits the entry, even in transit, of hazardous and nuclear wastes and
their disposal into the Philippine territorial limits for whatever purpose; and to provide advancement
and facilitate research and studies on toxic chemicals.

PRESIDENTIAL DECREE 1586 ENVIRONMENTAL IMPACT


STATEMENT (EIS) STATEMENT OF 1978
The Environment Impact Assessment System was formally established in 1978 with the enactment of
Presidential Decree no. 1586 to facilitate the attainment and maintenance of rational and orderly
balance between socio-economic development and environmental protection. EIA is a planning and
management tool that will help government, decision makers, the proponents and the affected
community address the negative consequences or risks on the environment. The process assures
implementation of environment-friendly projects.

You might also like