You are on page 1of 2

Momo, Mizpha Bianca M.

BSE FILIPINO 2A

Eko-alamat
Alinmang salaysay tungkol sa pinagmulan at pinanggalingan ng isang bagay, lugar, at tao ay
tinatawag na “alamat”. Taglay ng salaysay na ito ang paglalarawan ukol sa pagbuo ng bagay,
lugar, o tao kaya nagpapaliwanag ito sa nga sa mga salik at sangkap tungkol sa pinagmulan.
Marahil hindi man lantad ang talakayan o diskusyon hinggil sa isang partikular na akda, subalit,
ang talinghaga o metapora ay taglay naman nito para sa kalikasan at kapaligiran.
Ayon kay Doble (2012), ang ekokritisismo ay eko-panitikang naglalahad ng pagkakaugnay ng
akda sa kamalayan ng mga mambabasa sa mundo ng hindi mga tao at ang tungkulin at
responsibilidad dito. Ito ay hindi lamang malikhaing pagpapahayag , kundi , bukod sa malikhain,
ito’y nagtataglay rin ng mga mapanuring katangian na tungkulin ng isang indibidwal at iba pang
nilalang sa ating kapaligiran at kalikasan.
Masusuri sa araling ito ang mga ipinapahiwatig na mensahe ng bawat akdang pampanitikan na
pinaniniwalaang makatutlong sa pagtamo ng kamalayan ng bawat mambabasa hinggil sa
pagpapahalaga at pangangalaga ng kanyang kapaligiran at maging sa inang kalikasan.
Sa sanaysay na ito ay ating susuriin ang iba’t-ibang akda hinggil sa mga eko-alamat na
sumusunod; Talon ng Motong, Tudow, Ang Alamat ng Chocolate Hils ng Bohol, Ang Paglikha,
Kay Bai at Bong Bai, Ang Alamat ng Matubig na Bahagi ng Agusan, at ang Pinagmulan ng
Talacogon.
Di maikakailang Malaki ang papel ng kalikasan sa mga akdang nabasa. Sa alamat ng Talon ng
Motong ay sinasabing ang mga “bato” na kasing laki ng mga amotong ay namagitan sa dulo ng
ilog kaya nabuo ang Talon ng Motong. Sa alamat naman ni Tudow ay ginamit ang “puno ng
niyog” upang ilarawan ang laki ng tungkod na ginamit ni Tudow upang matalo ang mga taong
nagtangkang makipagtunggali kay Tudow. “Putik” naman ang siyang ginamit sa alamat ng
Chocolate Hills ng Bohol, dahilan upang mabuo ang mga bulubunduking ito. Sa alamat ng
Ifugao ay “Palay” ang nagging bida, na siyang bumuo ng rice terraces sa bayan ng Banawe sa
kasalukuyan. Sa alamat nina Kay bai at Bong bai ay Malaki ang nagging papel ng ”ilog”, maging
ng kulog, kidlat, at ulan. Sa alamat ng Matubig na Bahagi ng Agusan, ang “Tubig” ang may
malaking papel na ginampanan na siyang dahilan ng pagkabuo ng narsh land na sumasakop
ngayon saw along munisipalidad sa Agusan. Ang damong tinatawag naman na “cogon” ang bida
sa Alamat ng Pinagmulan ng Talacogon, dahil maraming cogon grass ang tumutubo sa lugar na
iyon kaya binansagan itong Talacogon.
Ano-ano ngaba ang papel ng mga nabanggit na likas na yaman sa ating kalikasan at kapaligiran
sa mga akdang binasa? Ano ang kaugnayan at pakinabang ng mga ito hindi lamang sa mga tao
kundi pati na rin sa iba pang nilalang dito sa mundo?
Ang mga bato sa ating paligid ay mayroong malaking pakinabang kagaya nalang ng pagkabuo ng
mga talon, sa pamamagitan ng bato ay nakakagawa ng apoy ang ating mga ninuno noon upang
sila ay maproteksyonan sila sa lamig at mababangis na hayop. Ginagamit din ang bato sa
paggawa ng mga kagamitan at kasangkapan. Ang mga puno ng niyog ay malaking bahagi rin sa
mga tao dahil ito ay isang sors ng “oil”, lambanog, at ang dahon naman ng mga ito ay maaring
gamiting bubong. Ginagamit naman ang putik sa paggawa ng mga seramika gaya ng palayok at
iba pa. Syempre, ang palay ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain nating mga tao. Ang ilog
naman ay isa sa mga daluyan ng tubig, nakakakuha tayo ng tubig at nakakapaglaba, ngunit sa
kasamaang palad, dahil sa polusyon ay bihira nalang tayong makakuha ng tubig maiinom na
galing sa ating mga ilog, ang ilog rin ay isang sors ng kuryente na tinatawag na hydropower. Ang
tubig naman ay di maikakailang pinaka-importanteng bahagi ng sa ating kalikasan sapagkat ito
ang nagpapapawi sa ating uhaw, ito ang isa sa pinakamahalagang pangunahing pangangailangan
ng tao at mga hayop.
Sa aking pananaw bilang isang mamamayan na nakikinabang sa mga likas na yaman ng ating
kalikasan ay di lamang dapat tayo kuha ng kuha sa mga likas na ito, bagkus ay kailangan din
nating bigyan ng atensyon sa pagpapahalaga sa mga ito. Nawa’y sundin natin ang mga
patakarang pang-kapaligiran upang mapanatili ang mga yamang likas.
Siguro ay napapanahon na upang ating bigyan ng aksyon at pagtuunan ng pansin ang
pangangalaga sa ating kalisakan. Hindi tayo mabubuhay kapag wala ang mga yamang likas, ano
nalang kaya ang mangyayari sa atin kapag Nawala at naubos na ang mga ito? Ano pa ang
gagamitin ng mga susunod pang henerasyon kung ngayon pa lamang ay atin nang sinisira ang
ating kalikasan? Marahil ay sa mga bagong teknolohiya ay unti-unting nawawasak ang ating
kalikasan. Nawa ay maging responsable ang bawat isa sa atin; tara na at atin nang simulan ang
pagbabago!

You might also like