You are on page 1of 1

Pangalan: Katherine P.

Palconit Baitang 12 seksyon Avery Petsa:


Hulyo 8, 2019
Aktibity 1. 4
Paksa: Bionote

Si Virgilio S. Almario o mas kilala bilang Rio Alma sa mundo ng panitikan ay

isang premyadong makata at kritiko bukod pa sa pagiging natatanging tagasalin,

patnugot, guro, at tagapamahalang kultural. Kumuha siya ng kursong

edukasyon kasama sina Rogelio Mangahas at Lamberto Antonio ng taong 1963

at sila ang nagpasimuno ng ikalawang matagumpay na kilusang modernista sa

panulaang Filipino. Inilabas ang unang koleksiyon niya ang tula, Makinasyon

at Ilang Tula sa taong 1967 na nasundan ng kanyang sampu pang koleksiyon

kabilang ang bilingual na Selected Poems 1968-1985.

Naging bahagi ang kanyang panunuring pampanitikan sa koleksiyong Ang

Makata sa Panahon ng Makina (1972). Binaybay din ng kanyang mga gawa

mahalagang pag-aaral sa wikang pambansa na makikita sa mga publikasyong

Filipino ng Filipino (1993)at Tradisyon at Wikang Filipino (1998). Naisalin na

niya ang pinakamagaling na makata ng kontemporanyong panahon na makikita

sa koleksiyong Makabagong Tinig ng Siglo (1989), ang mga dula nina Nick

Joaquin, Bertolt Brecht, Euripides, and Maxim Gorki.

Ang kanyang gawaing pampanitikan ay tiyak namang kinilala ng iba't ibang

organisasyon at institusyon kabilang ang balanco awards, dalawang

pinakamataas na karangalan sa Cultural Center of the Philippines, ang Makata

ng Taon ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang TOYM for literature, at ang

Southeast Asia Write Award sa Bangkok. Kinilala at itinanghal rin siya bilang

isa sa natatanging manunulat at artista ng siglo sa CCP centennial celebration.

You might also like