You are on page 1of 2

PROFILE

Karaniwang tinatawag na Negrito, ang mga Agta ay kabilang sa grupong etnolinggwistiko ng Negrito.
Maraming mga tribong Agta na nakakalat sa mula sa Rehiyon I hanggang V sa isla ng Luzon. Nakatira ang
mga Isarog Agta sa bundok ng Isarog, silangan ng Naga City sa Camarines Sur, Bicol Region.

Ang mga Agtas ay may katangiang maliit, maitim ang balat, kulot ang buhok, makapal ang labi, at maliit
ang ilong. Ang kanilang tradisyonal na kasuotan ay tapis para sa mga babae at bahag para sa mga lalaki.
Ang mga nanay na nagpapasuso ay nagsusuot ng uban, isang piraso ng tela na nakasabit sa balikat.
Karamihan sa mga lalaki ay sinusugatan nila ang kanilang mga katawan gamit ang iba't ibang mga
disenyo na ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno. Sa ngayon, karamihan sa mga Agta ay tinalikuran
ang kanilang panlipi na kasuotan para sa "sibilisadong" damit.

KULTURA AT TRADISYON

Ang mga tradisyunal na bahay ng Agta ay itinayo sa mga kumpol at gawa sa mga katutubong materyales
tulad ng kawayan, kahoy, talahib, dahon ng niyog, at balat ng abaka. Pangangaso ang kanilang
pangunahing paraan ng pamumuhay. Gumagamit sila ng matulis na patpat na tinatawag na galud para
pumatay ng mga ibon, ligaw na usa, unggoy, at baboy-ramo. Ipinagpapalit ng mga Agtas ang bahagi ng
karne at ilang produkto ng kagubatan para sa ibang mga pagkain at iba pang kalakal sa mga kalapit na
magsasaka. Ang iba pa nilang tradisyunal na paraan ng kabuhayan ay pagsasaka at pangingisda.
Gayunpaman, ngayon, maraming Agta ang nagsasagawa ng mga pana-panahong trabaho, tulad ng
paggawa ng kopra at uling, at pag-panning ng ginto.

Sinasamba ng mga Agta ang mga espiritu ng kanilang mga ninuno o Anito; ang kanilang mga ritwal ay
kinabibilangan ng mga sayaw at isang paglalarawan ng mga paggalaw ng pangangaso. Wala silang
pormal na pinuno. Ang mga matatandang lalaki sa kanilang komunidad ay nagsisilbi lamang bilang mga
tagakonsulta para sa mga layunin ng arbitrasyon.

DAHILAN

Ang tribong Negrito na ito ay nanganganib na dahil iilan na lamang ang populasyon na natitira ngayon,
samakatuwid, ang wikang Agta Isarog ay kabilang na sa tinatawag na “endangered languages”.

Ayon sa GMA news na iniulat ni Sandra Aguinaldo noong August 30, 2012, isa si Lolo Isidro Infante na
nakatira sa Ocampo Camarines Sur na nagsasalita ng Isarog Agta. Nais niyang ipamana pa ang wikang
kaniyang kinagisnan ngunit hinahadlangan ito ng kaniyang katandaan, kaya maging ang lenggwaheng
sinasalita ng kaniyang mga anak ay Bikol na Bikol na. Ayon sa UNESCO, ang Isarog Agta ang pinakaunang
wika na nanganganib na. Bilang karagdagan, limang matatanda na lamang ang nakakapagsalita ng Agta
Isarog. Sa Barangay Pinit na may populasyong 120 pamilya, tatlo na lamang ang marunong magsalita ng
Agta Isarog.

Ayon kay Prof. Jesus Fernandez, ang wika ay nanganganib sa kadahilanang ang mga katutubong Negrito
sa bundok ng Isarog ay malapit sa Naga, marami sa kanila ang lumilipat na kaya nakakagawian na nilang
makibagay sa pagsasalita ng Bikolano o Filipino.

Ayon naman kay Dr. Jesus Peralta, ang wika ay nanganganib dahil iba ang wikang ginagamit ng mga
tagapagturo sa loob ng paaralan. Bilang resulta, ang mga batang nagsasalita ng wikang agta isarog ay
napipilitang magsalita ng ibang wika na naiintindihan ng kanilang guro hanggang sa natatabunan na ang
wika na kanilang kingisnan. Dagdag pa ni Dr. Jesus Peralta “if a language disappears, the culture that
goes with it disappears.”

Ayon kay Glenn Stallsmith, namamatay ang isang wika kung hindi na ito naipapasa sa kasunod na
henerasyon.

Ayon naman kay Catherine Young, namamatay ang isang wika kung ito ay hindi ginagawan ng mga
dokumentaryo o manuskrito.

https://youtu.be/wzKJ_CZ4cR0

SONA: Isa sa pinakaunang wika ng Pilipinas na Isarog Agta, nanganganib nang mawala

Aug 30, 2012

http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-groups-in-the-philippines/agta-isarog/

https://kwf.gov.ph/wika/6/

You might also like