You are on page 1of 8

General Prologue

Sa Tabard Inn, isang taberna sa Southwark, malapit sa London, sumali ang tagapagsalaysay sa
dalawampu't siyam na peregrino. Ang mga peregrino, tulad ng tagapagsalaysay, ay naglalakbay tungo sa
dambana ng martir na si Saint Thomas Becket sa Canterbury. Ang tagapagsalaysay ay nagbigay ng
mapaglarawang diskripsyon sa mga peregrinong ito, kabilang ang isang Kabalyero, Eskudero,
Tagapaglingkod, Priyora, Monghe, Prayle, Mangangalakal, Klerk, Tao ng Batas, May-ari ng lupa,
Tindero ng damit, Karpintero, Mananahi, Tagakulay ng damit, Tagagawa ng tela, Tagaluto, Mandaragat,
Manggagamot, Asawa, Parson, Mag-aararo, Tagagiling, Tagapag-tustos, Tagapag-hukom, Opisyal ng
batas, Tagapag-walang sala, at Punong-abala.
Ang punong-abala na si Harry Bailey, ay nagmumungkahi na ang grupo ay magsamasama at aliwin ang
isa't isa sa mga kuwento. Siya ay nagpasiya na ang bawat peregrino ay magsasabi ng dalawang kuwento
sa daan patungo sa Canterbury at dalawa sa daan pabalik. Ang sinumang huhusgahan niya bilang
pinakamahusay na mananalaysay ay makakatanggap ng pagkain sa taberna ni Bailey na libre ng iba pang
mga peregrino. Ang mga peregrino ay nagkasundo na ang kabalyero ang unang magsasabi ng kwento.

The Knight’s Tale


Ikinulong ni Theseus, duke ng Athens, sina Arcite at Palamon, dalawang kabalyero mula sa Thebes. Mula
sa kanilang kulungan, nakita at umibig ang mga kabalyero sa hipag ni Theseus na si Emelye. Sa
pamamagitan ng interbensyon ng isang kaibigan, napalaya si Arcite, ngunit siya ay pinalayas mula sa
Athens. Bumalik siya gamit ang pagbabalatkayo at naging isang mensahero sa silid ni Emelye. Nakatakas
si Palamon mula sa kulungan, at nagkita ang dalawa at pinag-awayan nila si Emelye. Dinakip sila ni
Theseus, gumawa ng siya ng paligsahan para sa dalawang kabalyero at si Emelye ang magiging premyo.
Nanalo si Arsite, ngunit hindi sinasadyang tumilapon siya mula sa kanyang kabayo at namatay. Sa huli, si
Palamon ang ikinasal kay Emelye

The Miller’s Prologue and Tale


Hiniling ng Host sa Monghe na sabihin ang susunod na kuwento, ngunit ang lasing na tagagiling ay
humarang at iginiit na ang kanyang kuwento ay dapat na susunod. Isinalaysay niya ang kuwento ng isang
naghihikahos na estudyante na nagngangalang Nicholas, na pinilit ang dalagang asawa ng may-ari ng
kanyang tinitirahan na si Alisoun, na magpalipas ng gabi sa kanila. Kinumbinsi niya ang may-ari ng
kanyang tinitirahan, isang karpintero na nagngangalang John, na darating ang ikalawang baha. Nilinlang
niya si John na magpalipas ng gabi sa isang batya na nakasabit sa kisame ng kanyang kamalig. Si
Absolon, isang batang klerk ng parokya na umiibig din kay Alisoun, ay lumitaw sa labas ng bintana ng
silid kung saan nakahiga sina Nicholas at Alisoun.
Nang humingi ng halik si Absolon kay Alisoun, idinikit niya ang kanyang puwitan sa bintana sa dilim at
hinayaan siyang halikan ito. Sa galit ay tumakbo si Absolon at kumuha ng lumiliyab at mainit na bakal na
tubo, bumalik siya sa bintana at humingi ng isa pang halik; nang ilabas ni Nicholas ang kanyang puwitan
sa bintana at umutot, pinaso siya ni Absolon sa puwitan. Ang humiyaw Nicholas ng tubig, narinig ng
karpintero at inakalang dumating na ang baha kaya't pinutol ng karpintero ang lubid na nagdudugtong sa
kanyang batya sa kisame, nahulog siya at nabali ang kanyang braso.
The Reeve’s Prologue and Tale
Dahil siya rin nagkakarpintero, ang tagapag-hukom ay nagalit sa kuwento ng tagagiling tungkol sa isang
hangal na karpintero. Sinalag niya ito gamit ang kanyang sariling kuwento tungkol sa isang hindi tapat na
tagagiling. Ikwinento ng tagapag-hukom ang istorya ng dalawang estudyante na si John at Alayn, na
nagpupunta sa tagagiling upang panoodin itong gilingin ang kanilang mga mais upang hindi nito
manakaw. Ngunit pinakawalan ng tagagiling ang kabayo nila at habang hinahabol nila ito, ninakawan ng
tagagiling ang harinang ginigiling niya para sa mga estudyante. Gabi na ng mahuli ng mga estudyante ang
kabayo kaya naman ay nakitulog muna sila sa bahay ng tagagiling. Nung gabing yon, inakit ni Alayn ang
anak ng tagagiling at si John naman ay inakit ang asawa ng tagagiling. Nang magising ang tagagiling at
malaman ito, sinubukan niyang bugbugin ang mga estudyante. Akala ng asawa niya ay isa siya sa mga
estudyante kaya pinalo nito ang ulo niya gamit ang tungkod. Kinuha ng mga estudyante ang ninakaw
sakanila at umalis.

The Cook’s Prologue and Tale


Nagustuhan ng tagaluto ang storya ng tagapag-hukom at nag-alay na siya ang magsasabi ng sunod na
storya. Ang kwento ay tungkol sa aprendis na si Perkyn, siya ay manginginom at parating nagsasaya kaya
naman siya ay binansagan na “Perkyn Mahilig sa kasiyahan”. Napagdisisyonan ng amo ni Perkyn na mas
mainam na umalis na lamang siya at magsaya kaysa manatili sa bahay at impluwensyahan ang ibang mga
katulong. Nakituloy si Perkyn sa kanyang kaibigan na manginginom at mahilig mag sugal na may
asawang patutot. Hindi natapos ang storya, tumigil ito pagkatapos ng limampung linya.

The Man of Law’s Introduction, Prologue, Tale, and Epilogue


Pinaalalahanan ng punong-abala ang kapwa nya peregrino na huwag mag aksaya ng oras. Sinabi niya sa
tao ng batas na siya na ang susunod na magsabi ng storya, sumangayon naman ang tao ng batas. Sa
Prologue ng storya niya, tinalakay niya ang paghihirap sa kahirapan. Sinabi niya na suwerte ang mga
mangangalakal at ang storya na sasabihin niya at kwinento lng din sakanya ng isang mangangalaka.
Sa storya, ang Muslim na sultan ng Syria ay pinalitan ng Kristyanismo ang kanyang buong sultanato para
lamang kumbinsihin ang emperador ng Rome na ipakasal sa kanya ang anak nitong babae na si Custance.
Ang ina ng sultan at ang kanyang mga tagasunod ay pasikretong nananatiling tapat sa Islam. Sinabi ng ina
sa kanyang anak na nais niyang maghanda ng kasiyahan para sa lahat ng mga Kristyano. Sa kasiyahan,
pinatay ng ina ang kanyang anak kasama ang mga Kristyano maliba kay Custance, na itinaboy niya sa
isang barkong walang timon. Pagkatapos ng maraming taon na palutang-lutang, Si Custance ay napunta
sa pampang sa Northumberland, kung saan ang isang opisyal at ang kanyang asawang si Hermengyld ay
nag-aalok sa kanya upang sumilong. Ginawa niya silang Kristyano. Isang gabi inutusan ni Satan ang
isang kabalyero na lumusot sa kwarto ni Hermengyld upang patayin ito. Nilagay niya ang kutsilyong
puno ng dugo sa tabi ni Custance na natutulog sa iisang kwarto. Nang makauwi ang opisyal kasama si
Alla, ang hari ng Northumberland, nakita niya ang patay niyang asawa. Ikwinento niya kay Alla ang
storya kung paano nila nahanap si Custance, nagsimulang maawa si Alla kay Custance. Napagdisisyonan
niyang magimbistiga sa pagkamatay ni Hermengyld. Habang iginigiit ng kabalyero na si Custance ang
may sala, may tumama sakanya at ang kanyang mata ay sumabog palabas sakanyang mukha na
nagpatunay sa mga tao at kay Alla na siya ang salarin. Hinatulan ng pagkamatay ang kabalyero, lumipat
si Alla at marami pang iba sa Kristyanismo, at ikinasal si Custance at Alla.
Habang si Alla ay nasa Scotland, isang batang lalaki ang ipinanganak ni Custance at ang pangalan ay
Mauricius. Ang nanay ni Alla na si Donegild ay pinalitan ang sulat ni Custance at sinabing pangit at
nakulam ang bata. Sumagot si Alla na kukupkupin at mammahalin niya parin ang bata kahit gaano pa ito
kapangit, ngunit pinalitan din ito ng nanay niya at sinabing lumayas na si Custance at ang kanyang anak
gamit ang kaparehas na barkong gamit ni Custance papunta. Nang bumalik si Alla at malaman niya ang
nangyare, pinatay niya ang kaniyang ina na si Donegild.
Pagkatapos ng maraming ingkwentro kasama na ang muntik nang paggahasa, napunta si Custance pabalik
sa Rome at nagkabalikan silang muli ni Alla. Gumasa si Alla ng peregrinasyon upang mabayadan ang
kanyang salang pagpatay sa kaniyang ina. Nagkita na din muli si Custance at ang kaniyang ama na
emperador. Bumalik sa England sila Alla at Custance ngunit pagkatapos ng isang taon ay namatay si Alla
kaya naman bumalik ulit si Custance sa Rome. Mauricius, ang kaniyang anak ang naging sunod na
emperador ng Rome.

The Wife of Bath’s Prologue and Tale


Ang asawa sa Bath ay nagbigay ng mahabang pagsasalaysay ng kanyang damdamin tungkol sa kasal Ang
asawa ay nakipag talo laban sa mga naniniwalang mali ang ikasal ng higit sa isang beses, kumukuha siya
ng sagot galing sa Bibliya. Ipinaliwanag niya kung paano niya pinamunuan at kinokontrol ang bawat isa
sa kanyang limang asawa. Pinakasalan niya ang kanyang pang limang asawa na si Janklyn dahil sa
pagmamahal at hindi para sa pera. Pagkatapos ng matagal na pagsasalita ng asawa, sumingit ang Prayle at
umangal na sobrang tagal na niyang nagsasalita. Sumagot naman ang opisyal ng batas at sinabing ang
mga prayle ay parang langaw, laging nakikialam. Nangako ang prayle na ang ikukwento niya ay tungkol
sa opisyal ng batas, ang opisyal ng batas ay nangako na ang kwento niya ay tungkol sa prayle. Sinuway
sila ng punong-abala at pinayagan ang asawa na ituloy ang kanyang kwento.
Sa kanyang kwento, may isang binatang kabalyero sa hukuman ni haring Arthur ang gumahasa sa isang
dalaga. Kapalit nito, naatasan siya ng reyna na alamin kung ano ang pinaka ninanais ng mga kababaihan.
Isang pangit na matanda ang nangako sa kabalyero na sasabihin nito ang sikreto kung ipapangako niya na
gagawin niya ang lahat ng ipinagagawa ng matanda. Sumangayon naman ang kabalyero kaya sinabi ng
matanda na gusto ng kababaihan na kontrolin ang kanilang mga asawa at ang kanilang sariling buhay.
Pumunta ang dalawa sa reyna at napagalaman nilang tama ang sagot ng matanda. Sinabi ng matanda sa
kabalyero na dapat silang magpakasal, umamin ang kabalyero na nagdadalawang isip siya dahil sa itsura
nito. Pinapili siya ng matanda kung pangit pero tapat o maganda ngunit hindi tapat. Sinabi ng kabalyero
na siya ang pumili kung anong gusto niya, natuwa ang matanda dahil binigyan siya nito ng kontrol sa
kaniyang sarili kaya naman ginantimpalaan niya ito. Ginawa niyang maganda at tapat ang kaniyang sarili.

The Friar’s Prologue and Tale


Sumangayon ang Prayle sa kwento ng Asawa sa Bath at inalok na pagaanin ang kapaligiran gamit ang
isang nakakatawang storya tungkol sa malaswang opisyal ng batas. Hindi tumutol ang opisyal ng batas
ngunit nangakong babawian niya ang Prayle gamit ang kanyang sariling storya. Kwinento ng Prayle ang
tungkol sa Pari na walang awa kung magpatupad ng batas. Ang Pari ay may opisyal ng batas na may mga
espiyang nagtatrabaho para sakanya upang sabihin sakanya kung sino-sino ang mga naging malaswa.
Ang opisyal ng batas ay naniningkil ng pera sa mga nahuhuli niya, sinisingil niya ito ng mas malaki kaysa
sa nararapat na penitensya. Sinubukan niyang lokohin ang isang tagapaglingkod na ang totoong anyo ay
isang diyablo. Matapos ihambing ang mga tala sa kanilang pagtataksil at pangingikil, ang diyablo ay
naglaho, ngunit nang ang opisyal ng batas ay sinubukang usigin ang isang mayaman na matandang byuda
nang hindi patas, ang matanda ay sumigaw na ang opisyal ng batas ay dapat dalhin sa impiyerno. Sinunod
ng diyablo ang utos ng babae at kinaladkad ang opisyal ng batas papunta sa impiyerno.

The Summoner’s Prologue and Tale


Nagalit ang opisyal ng batas sa storya ng Prayle kaya sinabi niyang siya na ang susunod na magkekwento.
Sinabi niya sa iba na may maliit na pagkakaiba sa pagitan ng mga prayle at mga diyablo. Sinabi niya din
na nang ang isang anghel ay nagdala ng isang prayle sa impiyerno upang ipakita sa kanya ang mga
paghihirap doon, ang prayle ay nagtanong kung bakit walang mga prayle sa impiyerno; pagkatapos ay
hinila ng anghel ang buntot ni Satanas at lumabas sa kanyang puwetan ang 20,000 prayle.
Sa storya ng opisyal ng batas, isang prayle ang namamalimos ng pera sa isang malapit nang mamatay na
lalaking nagngangalang Thomas at kaniyang asawa na kamakailan lamang namatayan ng anak. Ang
prayle ay walang hiyang pinagsamantalahan ang mga kasawian ng mag-asawa upang makakuha ng pera
sakanila. Kaya naman sinabi ni Thomas sa prayle na siya ay nakaupo sa isang bagay na kanyang
ipapamana sa mga prayle. Inabot ng prayle ang pamana, at naglabas si Tomas ng napakalaking utot.
Umangal ang prayle sa may-ari ng hacienda, ang eskedero naman ay nangakong hahatiin ang utot sa mga
prayle ng patas.

The Clerk’s Prologue and Tale


Sinabihan ng punong abala ang klerk na magkwento ng masayang storya. Sumangayon naman ang Klerk
na magkwento ng storya galing sa italyanong makata na si Petrarch. Si Griselda ay isang masipag na
magbubukid na ikinasal sa aristokrasya. Sinusubok ng kaniyang asawa ang kaniyang lakas ng loob,
nagpanggap din itong papatayin ang kaniyang mga anak at kunyaring hihiwalayan siya. Sinubok siyang
muli gamit ang pagpilit sa kaniyang paghandaan ang kasal nito sa panibagong asawa. Masunurin niya
itong ginawa lahat, pagkatapos ay sinabi ng asawa niya na siya lamang ang asawa at magiging asawa nito.
Namuhay sila ng masaya simula noon.

The Merchant’s Prologue, Tale, and Epilogue


Kinumpara ng mangangalakal ang palaaway niyang asawa nang dalawang buwan, at ang
mapagpasiyensyang si Griselde sa kuwento ng Klerk. Inatasan siya ng punong-abala na mag kuwento
tungkol sa kasamaan ng pagpapakasal at sinunod niya naman ito. Laban sa payo ng kanyang mga
kaibigan, isang matandang kabalyero na nagngangalang January ang nagpakasal kay May, isang
magandang dalaga. Siya ay hindi gaanong humanga sa kanyang masigasig na pakikipagtalik, at
nakipagsabwatan na lokohin siya kasama ang kanyang eskudero, si Damien. Nang dalin sa hardin ng
bulag na si January si May upang makipag-talik, sinabi ni May na gusto niyang kumain ng peras kaya
tinulungan siyang umakyat sa puno ni January. Doon, nakipag talik si May kay Damien. Ibinalik ni Pluto,
hari ng mga diwata, ang paningin ni January. Kahit pa nahuli na sa akto si May, niloloko niya parin si
January na bulag pa din ito. Nagdasal ang punong-abala sa Diyos na sanay huwag siya makapangasawa
ng babaeng tulad ng inilarawan ng Mangangalakal.

The Squire’s Introduction and Tale


Ang Punong-abala ay tinawag ang Eskudero na magsabi ng kung ano tungkol sa kanyang paboritong
paksa na pag-ibig, at ang Eskudero ay kusang-loob na sumunod. Si Haring Cambyuskan ng imperyo ng
Mongol ay binisita sa kanyang kaarawan ng isang kabalyero na may dalang mga regalo mula sa hari ng
Arabia at India. Binigyan niya si Cambyuskan at ang kanyang anak na babae na si Canacee ng isang
tansong kabayo na may mahika, isang mahiwagang salamin, isang mahiwagang sing-sing na nagbibigay
kay Canacee ng kakayahang maunawaan ang wika ng mga ibon, at isang espada na may kapangyarihang
gamutin ang anumang sugat na nalikha nito. Iniligtas niya ang isang naghihingalong babaeng palkon na
isinalaysay kung paano siya iniwan ng kanyang asawa para sa pagmamahal ng iba. Hindi natapos ang
kwento dahil sa may-ari ng lupa na sumingit at sinabing nais niyang ang kanyang anak ay kasinghusay
magsalita ng Eskudero. Ang Punong-abala ay nagpahayag ng inis sa paggambala ng May-ari ng lupa, at
inutusan siyang simulan ang susunod na kuwento.

The Franklin’s Prologue and Tale


Sinasabi ng Franklin na ang kanyang kuwento ay isang pamilyar na maikling tulang pasalaysay, isang
katutubong balad ng sinaunang Brittany. Si Dorigen, ang pangunahing tauhan, ay naghihintay sa
pagbabalik ng kanyang asawang si Arveragus, na pumunta sa England upang manalo ng karangalan sa
labanan. Nag-aalala siya na ang barkong mag-uuwi sa kanyang asawa ay masira dahil sa mga bato sa
baybayin. Pinangako niya kay Aurelius, isang binata na umiibig sa kanya, na ibibigay niya ang kanyang
katawan kung aalisin nito ang mga bato mula sa baybayin. Nag-hire si Aurelius ng isang estudyanteng
nag-aral tungkol sa mahika para lumikha ng ilusyon na nawala na ang mga bato. Umuwi si Arveragus at
sinabi sa kanyang asawa na dapat niyang tuparin ang kanyang pangako kay Aurelius. Si Aurelius ay labis
na humanga sa marangal na gawa ni Arveragus kaya pinawalang-bisa niya ang pangako, at ang
salamangkero naman, ay bukas-palad na pinawalang-sala si Aurelius sa perang inutang niya.

The Physician’s Tale


Si Appius na hukom ay nagnanasa kay Virginia, ang magandang anak ni Virginius. Hinikayat ni Appius
ang isang barbaro na nagngangalang Claudius na ideklara siyang alipin na ninakaw mula sa kanya ni
Virginius. Ipinahayag ni Appius na dapat ibigay ni Virginius ang kanyang anak kay Claudius. Sinabi ni
Virginius sa kanyang anak na dapat siyang mamatay sa halip na magdusa ng kahihiyan, at matapat siyang
pumayag na putulin na kanyang ama ang kanyang ulo. Hinatulan ni Appius si Virginius ng kamatayan,
ngunit ang mga Romano, na alam ang mga kalokohan ni Appius, ay itinapon siya sa bilangguan, kung
saan pinatay niya ang kanyang sarili.

The Pardoner’s Introduction, Prologue, and Tale


Ang Punong-abala ay dismayado sa trahedya at kawalang hustisya sa storya ng Manggagamot, at hiniling
sa Tagapag-walang sala na magkuwento ng masaya. Ang ibang mga peregrino ay sumasalungat sa
Punong-abala, humihingi ng moral na kuwento. Sumangayon ang Tagapag-walang sala at sinabing
pagkatapos niyang kumain at uminom. Ang Tagapag-walang sala ay sinabi sa lahat kung paano niya
dinadaya ang mga tao sa kanilang pera sa pamamagitan ng pangangaral na ang pera ang ugat ng lahat ng
kasamaan. Ang kanyang kuwento ay tungkol sa tatlong kabataan na hindi makontrol ang pag-uugali at
naghahanap kay Kamatayan, iniisip na maaari nilang patayin ito. Isang matandang lalaki ang nagsabi sa
kanila na makikita nila si Kamatayan sa ilalim ng isang puno. Sa halip, natagpuan nila ang walong timba
ng ginto. Binalak nila na ipuslit sa bayan sa pagdating ng kadiliman.
Ang bunso ay pumunta sa bayan upang kumuha ng pagkain at inumin, sa halip ay bumalik na lason ang
dala, umaasang mapasakamay niya ang ginto. Pinatay siya ng kanyang mga kasama upang paalakihin ang
kanilang parte, pagkatapos ay uminom sila ng lason at namatay sa ilalim ng puno. Pagkatapos ng kanyang
kuwento, nag-alok ang Tagapag-walang sala na bentahan ang mga peregrino, at sinabihan ang Punong-
abala na halikan ang kanyang mga relik. Ginalis ng Punong-abala ang Tagapag-walang sala sa
pamamagitan ng pagbibintang sa kanya ng pandaraya, hinikayat ng Kabalyero ang dalawa na maghalikan
at ibaon ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

The Shipman’s Tale


Itinatampok sa kuwento ng Mandaragat ang isang monghe na nililinlang ang asawa ng isang
mangangalakal na makipagtalik sa kanya sa pamamagitan ng paghiram ng pera sa mangangalakal,
pagkatapos ay ibibigay ito sa asawa upang mabayaran niya ang kanyang utang sa kanyang asawa, kapalit
ng pakikipagtalik. Nang sumunod na makita ng monghe ang mangangalakal, sinabi niya sa na ibinalik
niya ang pera na inutang niya mangangalakal sa asawa nito. Napagtanto ng asawang babae na siya ay
niloko, buong tapang niyang sinabi sa kanyang asawa na patawarin ang kanyang utang at babayaran niya
na lamang ito sa kama. Pinuri ng Punong-abala ang kuwento ng Mandaragat, at humiling ng kuwento sa
Priyora.

The Prioress’s Prologue and Tale


Ang Priyora ay nanawagan sa Birheng Maria upang gabayan ang kanyang kuwento. Sa isang lungsod sa
Asya, isang paaralang Kristiyano ang matatagpuan sa gilid ng isang Jewish na kaiskwateran. Isang mabait
na pitong taong gulang na batang lalaki, anak ng isang byuda, ang pumapasok sa paaralan. Siya ay isang
debotong Kristiyano, at mahilig kumanta ng Alma Redemptoris. Kinakanta ang kanta habang papunta
siya sa kaiskwateran, binayaran ng ilang Hudyo ang isang mamamatay-tao para laslasan ang kanyang
lalamunan at itapon siya sa isang palikuran. Tumanggi ang mga Hudyo na sabihin sa byuda kung nasaan
ang kanyang anak, ngunit himalang sinimulan niyang kantahin ang Alma Redemptoris, kaya nabawi ng
mga Kristiyano ang kanyang katawan. Nag bigay ng utos ang mahistrado na ipakaladkad sa mga kabayo
ang mga Hudyo pagkatapos ay binitay.

The Prologue and Tale of Sir Thopas


Ang Punong-abala, pagkatapos ng panunukso kay Chaucer, ang tagapagsalaysay tungkol sa kanyang
hitsura, ay hiniling sa kanya na magkuwento. Sinabi ni Chaucer na isang kuwento lang ang alam niya,
pagkatapos ay inilunsad sa isang mga patawang tula—ang Kuwento ni Ginoong Thopas. Sinimulan ni
Ginoong Thopas ang kwento sa paghahanap ng isang reynang engkantada na mapapangasawa hanggang
sa makaharap siya ng isang higante. Ang doggerel ng tagapagsalaysay ay nagpatuloyhanggang sa hindi na
makatiis ang Punong-abala at pinatigil na siya. Tinanong ni Chaucer kung bakit hindi niya pwedeng
ituloy ang kanyang kuwento, ito ang pinakamagandyang alam niya. Ipinaliwanag ng Punong-abala na ang
kanyang tula ay walang halaga. Hinikayat niya si Chaucer na magkwento ng isang prosa.

The Tale of Melibee


Ang pangalawang kuwento ni Chaucer ay ang mahabang moral na prosa na kwento ni Melibee. Ang
bahay ni Melibee ay sinalakay ng kanyang mga kalaban. Ang mga ito ang nambugbog sa kanyang
asawang si Prudence, at nagbigay ng matinding sugat sa mga paa, kamay, tainga, ilong, at bibig ng
kanyang anak na si Sophie. Pinayuhan siya ni Prudence na huwag padalus-dalos na maghiganti sa
kanyang mga kaaway. Sinunod ni Melibee ang payo ng kanyang asawa na ilagay na lamang ang
pagpaparusa sa kanyang mga kaaway sa kamay nito. Pinatawad ni Prudence ang mga pang-aalipusta na
ginawa sa kanya, isang modelo ng Kristiyanong pagtitiis at pagpapatawad.

The Monk’s Prologue and Tale


Nais ng Punong-abala na ang kanyang asawa maging kasing tiyaga ni Prudence, at tinawag ang Monghe
upang susunod na mag kuwento. Una niyang tinukso ang Monghe, sinasabi na ang Monghe ay malinaw
na hindi mahirap na nakatira sa monasteryo. Ang Monghe ay kalmadong sinabi ang isang serye ng mga
trahedya, kung saan ang mga marangal na tao ay bumagsak: Lucifer, Adam, Sampson, Hercules,
Nebuchadnezzar, Belshazzar, Zenobia, Pedro ng Castile, at paglipas ng mga panahong iyon.

The Nun’s Priest’s Prologue, Tale, and Epilogue


Matapos ang labing pitong mga trahedya na isinalaysay ng Monghe, ang Kabalyero ay sumabat, at ang
Punong-abala ay nanawagan sa Pari ng Madre upang maghatid ng isang kuwento na mas masigla. Ang
Pari ng Madre ay nagkuwento tungkol sa isang tandang na si Chanticleer, na dinala ng isang
nakakahumaling na soro na nanlinlang sa kanya upang ipikit ang kanyang mga mata at ipakita ang
kanyang mga kakayahan sa pagtilaok. Hinarap ni Chanticleer ang soro sa pamamagitan ng paghikayat sa
kanya na buksan ang kanyang bibig at ipagmalaki sa kamalig bakuran ang kanyang nagawa, kung saan
nahulog si Chanticleer sa bibig ng soro at nakatakas. Pinupuri ng Punong-abala ang kuwento ng Pari ng
Madre, at idinagdag na kung ang Pari ng Madre ay wala sa mga banal na utos, siya ay magiging kasing
lakas ng pakikipagtalik ni Chanticleer.

The Second Nun’s Prologue and Tale


Sa kanyang Prologue, ipinaliwanag ng Pangalawang Madre na ikukuwento niya ang buhay ng isang
santo, ang buhay ni Santa Cecilia, dahil ang santong ito ay nagpakita ng isang mahusay na halimbawa sa
pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa at mahusay na mga turo. Tinutukan niya ang kuwento ng
pagiging martir ni Santa Cecilia. Bago makuha ng bagong asawa ni Cecilia, si Valerian, ang kanyang
kapurihan, pinapunta niya ito sa isang peregrinasyon kay Pope Urban, na nag lipat sa kanya sa
Kristiyanismo. Isang anghel ang bumisita kay Valerian, na hilingin na ang kanyang kapatid na si Tiburce
ay pagkalooban din ng biyaya ng paglilipat sa Kristyanismo. Ang tatlo—si Cecilia, Tiburce, at Valerian—
ay pinatay ng mga Romano.

The Canon’s Yeoman’s Prologue and Tale


Nang matapos ang kuwento ng Ikalawang Madre, ang iba ay naabutan ng isang Kanon na nakasuot ng
itim at ng kanyang Tagapaglingkod, na nakarinig tungkol sa mga peregrino at kanilang mga kuwento at
nais na lumahok. Ipinagmamalaki ng Tagapaglingkod sa lahat kung paano siya at ang Kanon lumikha ng
ilusyon na sila ay mga alkemiko, at ang Kanon ay umalis sa kahihiyan dahil natuklasan ang kanyang mga
sikreto. Ang Tagapaglingkod ay kwinuwento kung paano niloko ng isang kanon ang isang pari sa
pamamagitan ng paglikha ng ilusyon ng alkemi gamit mahusay na panlilinlang.
The Manciple’s Prologue and Tale
Pinagtawanan ng Punong-abala ang Tagaluto, nakasakay sa likuran ng lahat, bulag na lasing. Hindi
nagawang tuparin ng Tagaluto ang kahilingan ng Punong-abala na magkwento siya, at pinuna siya ng
Tagapag-tustos dahil sa kanyang kalasingan. Ang Tagapag-tustos ay nagsalaysay ng alamat ng isang
puting uwak, na kinuha mula sa Roman na makata na si Ovid's Metamorphoses at isa sa mga kuwento sa
The Arabian Nights. Sa loob nito, ipinaalam kay Phoebus ng kaniyang nagsasalitang puting uwak na
niloloko siya ng kanyang asawa. Pinatay ni Phoebus ang asawa, hinugot ang mga puting balahibo, at
isinumpa ito na maging itim.

The Parson’s Prologue and Tale


Sa pagpasok ng mga peregrino sa isang nayon ng hapon, ang Punong-abala ay tumawag sa Miyembro ng
klero upang bigyan sila ng isang pabula. Ito ay tumanggi na magkuwento ng isang kathang-isip na
kuwento dahil labag ito sa panuntunang itinakda ni St. Paul, sa halip ay naghatid ang Miyembro ng klero
ng isang mahabang pormal na paksa tungkol sa Seven Deadly Sins.

Chaucer’s Retraction
Nanawagan si Chaucer sa mga mambabasa na bigyang-katwiran si Hesukristo bilang inspirasyon para sa
anumang bagay sa kanyang aklat na gusto nila, at ipatungkol ang hindi nila gusto sa kanyang sariling
kamangmangan at kawalan ng kakayahan. Binawi at nanalangin siya para sa kapatawaran para sa lahat ng
kanyang mga gawa na may kinalaman sa sekular at espirituwal na paniniwala at gawain maliban sa
Judaismo, Islam, lalo na ang Kristiyanismo, humiling siya na alalahanin lamang ang kanyang isinulat
tungkol sa mga buhay at homiliya ng mga santo.

PAGPAPALIWANAG

 Ang pagiging bago ng mga tema at ang kanilang tumbalik na pagtrato ay nagdala sa The
Canterbury Tales sa pokus ng talakayan. Bukod dito, ang Canterbury Tales ay kahanga-hangang
tanyag dahil nakasulat ito sa Ingles. Noong panahon ng medyebal, ang mga panitikan ay
pangunahing nakasulat sa Pranses, Italyano, o Latin.
 Ang mga kuwento ay maaaring inilarawan kapwa bilang makatotohanang panlipunan at bilang
pangungutya sa tatlong estado, o sosyopolitikal na mga grupo sa England noong siya ay
nagsusulat.. Kasabay ng pag-iingat ni Chaucer na tapat na ipakita ang pananaw ng bawat isa sa
kanyang mga karakter, nilalayon din niyang ibunyag ang panloloko ng simbahan at ang mga
suliraning panlipunan na dulot ng Medyebal na politika at kaugalian sa lipunan.

You might also like