You are on page 1of 10

UGNAYAN NG EKOKRITISISMO SA IBA’T IBANG

Modyul 2
LARANGAN

Pangkalahatang Ideya:

Ang mga akdang pampanitikan ay isang repleksyon ng isang lipunan. Isinisiwalat


nito ang reyalidad na siyang may kaugnayan sa aktwal na nagaganap sa pamamagitan
ng isang masining na paglikha ng isang akda. Sa talakay na ito, ilalahad ang
kaugnayan ng ekokritisismo sa iba’t ibang larangan upang mabuo ang nais iparating ng
Teoryang Ekokritisismo.

Mga Layunin:
1. Matukoy ang kahulugan ng panitikan;
2. Maunawaan ang ugnayan ng ekokritisismo sa iba’t ibang larangan; at
3. Makapagsagawa ng isang pagdukal sa mga umiiral na isyung pangkalikasan .

Mga Kagamitan:

laptop, selpon, modyul (e-copy, hard copy)

Itinakdang Oras: 1 ½ oras

Aralin sa Pagkatuto:

Ang panitikan ay repleksiyon ng isang lipunan. Karaniwan nang tumatalakay ito


sa mga nagaganap at sa mga maari pang maganap sa isang kumunidad. Inilalarawan
nito ang mga nakaraan at mga pangarap ng isang pamayanan. Kung paano namuhay
ang mga tao sa nakaraang panahon at kung anong mga bagay ang nakapagpapasaya
sa kanila na ninanais nilang abutin sa hinaharap.

Ayon kay Honorio Azarias (Panganiban,1987), “Ang panitikan ay nagpapahayag


ng mga damdamin ng tao sa lalong pinakamarangal na paraan hinggil sa lipunan at
pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha”. Mababanag ang
sinabing ito ni Azarias sa mga obrang sining ng maraming manunulat ng pampanitikan.
Naroon ang mga akda na nagtuturo at nagpapadama ng kasiyahan sa mambabasa o di
kaya’y tagapakinig. Ang mga akdang nagtataglay ng ganitong epekto sa mambabasa
ay umaayon sa prinsipyo ni Horace (c. 13 B.C., Ars Poetica, Epistula ad Pisones)
hinggil sa panitikan, lalo na sa panulaan, na dapat magtataglay ng dulce at utile o ang
kagandahan at kaalamang dala ng panitikan.

Ang mga katangiang ito ay hindi rin mawawala sa mga akdang likha at
ipinapalaganap nang oral o pasalin-dila. Ang mga akdang nag-ugat sa kanunu-nunuan
at nanatiling buhay sa bagong salinlahi ay tiyak na nagtataglay ng kariktan at may
dalang kaalaman na kailangan ng lipunan sa patuloy nitong pakikipamuhay sa mundo.
Ang kasiyahang nadarama at kaalaman na matamo mula sa panitikan ay tiyak na
madarama rin mula sa panitikang oral gaya ng mga panitikang matatagpuan saan mang
dako ng bansa.

1
EKOKRITISISMO AT KULTURAL-ANTROPOLOHIYA

Hindi mapapasubaliang ang kasiyahan ay kaalamang dala ng panitikan sa


lipunan kung saan ito umiiral. Ang panitikan, lalo na ang panulaan ayon kay Horace (c.
13 B.C. , Ars Poetica, Epistula ad Pisones) ay naglalayong mag-aliw at magturo. Ang
kasiyahang dala ng panitikan sa lipunan ay dala ng panitikan sa lipunan ay daan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa Maykapal habang ang kaalamang dala ng akda maging
gabay ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at kanyang kapaligiran sa
kalahatan.

Kung paano nakikipag-ugnayan ang tao sa kapaligiran ay masasalamin sa


maraming panitikang lumaganap sa tradisyong pasulat maging sa tradisyong oral.
Pinapalagay na ang mga panitikang oral ay maaring suriin, hindi lamang sa
pagtatampok sa tao bilang actor kundi pagtatampok naman sa kalikasan bilang
pangunahing protagonist ng mga akda.

Sa lente ng ekokritisismo, sinusuri ang ugnayan ng tao at kalikasan na naging


bahagi ng panitikan. Magsasanib dito ang mga tema ng pagbubunyi ng kalikasan at
pagbibigay-babala ng mga panganib sa kalikasan na mababakas sa panitikang-bayan.
Dahil interdisiplinaryo ang pagsusuri gamit ang ekokritisismo, papasok din ang pag-
aaral ng kultura at Antropolohiya, Agham Panlipunan at Kasaysayan at iba pang
teoryang pampanitikan upang higit na mas malalim ang pagpapakahulugan sa mga
akdang pampanitikan na pumapaksa sa kalikasan. Mahalaga ito sa ating panahon
ngayon. Ayon kay Glotfelty, (1994):

We are facing a global crisis today, not because of how


ecosystems function but rather how ethical system function.
Getting through the crisis requires understanding our impact on
nature as precisely as possible, but even more, it requires
understanding those ethical system and using that understanding
to reform them. Historians, along with literary scholars,
anthropologist, and philosophers, cannot do the performing of
course, but can help with the understanding (www.asle.orglwp-
content).

Samakatuwid ang lahat ay may katungkulan na makiisa sa pagpapalaganap sa


mga kaalamang may kinalaman sa paano nakipag-ugnayan ang tao sa kapaligiran, ano
ang naging epekto sa pakikipag-ugnayang ito at paano tugunan ang masamang epekto
ng tao sa kapaligiran. Ayon nga sa slogan ng TV Patrol (ABS-CBN Integrated News),
“Ligtas ang may alam”, na nagangahulugan lamang na kailangan ang lahat ay
makikialam sa isyung pangkapaligiran dahil ang mundo an gating tahanan.

Ang pagpapaunawa, gamit ang panitikan ay para na rin sa kaligtasan ng


sangkatauhan. Ito ay isa sa mga kasalukuyang hamon sa mga kritiko ng panitikan na
magdalumat ng mga panitikang-bayan na pangkalikasan upang makatugon sa hamong
makatulong upang makapagpaunawa sa papel na ginagampanan ng kalikasan sa
buhay ng tao. Sa dulog na ito, suriin ang ugnayan ng tao sa kalikasan at sa lipunan na
mababakas sa mga panitikan upang makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman sa
kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan. Ang pagsusuri sa mga panitikang-bayang
pangkalikasan ay maisasakatuparan gamit ang ekokritisismong pagdulog.

2
INTERKONEKSIYON NG KALIKASAN AT KULTURA

Magkabuhol ang kalikasan at kultura na ibinabandila sa mga akdang


pampanitikan. Tuon ng ekokritisismo ang interkoneksiyon sa pagitan ng kalikasan at
kultura, partikular na kultural na artifacts na wika at panitikan. Ayon kay Glotfelty (1994),
As a critical stance, ecocriticism has one foot in literature and the other on land; as a
theoretical discourse, it negotiates between the human and the nonhuman
(www.asle.orglwp-content/uploads/ASLE_Primer_DefiningEcocrit.pdf).

Ang kultura ng lipunan ay masasalamin kung paano sila nakikipag-ugnayan sa


kapwa-tao at sa mga hindi tao o ng kalikasan sa mga panitikan. Masusuri mula sa
panitikan gamit ang metapora ng wika, kung anong ugnayan ang namayani sa tao at ng
kalikasan, kung ito’y kanyang ipinagbunyi o di kaya’y kanyang sinisira at/o
isinasapanganib. Ang pagtatangkang masuri ang mga panitikan sa ating bansa… sa
lente ng ekokritisismo, hindi maiiwasang matatalakay din ang siyensiya ng ekolohiya; at
ang kulturang namayani sa lugar na mapapansin sa mga akda bilang tugon ng
panitikan sa kalikasan bilang aktor ng alinmang akda.

Ang panitikan at kultura ay tunay na may ugnayan. Ito ay ipinaliwanag nina


Gesdorf at Mayer (2006, Introduksiyon). Sinabi nila na ang pag-aaral ng Panitikan at
Kultura ay hindi maaaring paghiwalayin. Dagdag nila,

Europian and American scholars are united in an effort


to push the theoretical limits of ecocriticism towards a more
rigorous investigation of nature’s critical potential as a
concept of challenges modern culture’s philosophical
assumptions, epistemological convictions, aesthetic
principles, and ethical imperatives (p.1)

Ang paliwanag hinggil sa ugnayan ng kalikasan at kultura, ang magbibigay-daan


sa pagiging interdisiplinaryo ng ekokritisismo. Malilimi ang papel ng kalikasan sa mga
akdang susuriin sa pamamagitan ng mga bakas ng kultura, gaya ng wika (mga
metapora) at panitikan. Mula sa tanglaw ng mga kaalaman mula sa iba pang disiplina
na gaya ng agham, sosyolohiya, at iba pa na maaring kailangan upang higit na
maintindihan ang pagkakaugnay ng kalikasan at kultura. Magiging tulay ang dulog-
ekokritisismo upang matuhog ang interkoneksiyon ng kalikasan at kultura sa mga
akdang pampanitikan. Ito ang magpapatunay na ang mga ito ay naglalarawan sa
interaksiyon ng tao at kalikasan na lalong magpapalinaw sa kultura ng mga pangkat-
etniko kaugnay sa pangangalaga ng kalikasan.

EKOKRITISISMO AT SOSYOLOHIYA

Hindi bago ang suliraning pangkapaligiran sa lipunan o sa mundo sa kalahatan.


Naroon ang lindol, bagyo at pagbaha at may malaking kontribusyon para maghirap ang
marami kung hindi man mawalan ng mga ari-arian at mahal sa buhay. Ano ba ang
itinuturing na dahilan ng mga sakunang ito? Ayon kay Glotfelty (1996 p.xxi, sinipi mula
kay Worster), “We are facing a global crises today, not because of how our ecology
system function but rather because of our ethical system function.”

Maliwanag sa sinundang sipi na ang krisis sa lipunan na natamasa ng tao ay


dahil na rin sa hindi etikal na pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan. Ang tao ay

3
nakinabang sa kalikasan ngunit hindi nito pinapahalagahan ang kalikasan, sa halip,
nilapastangan nito ang kalikasan kaya nasira ang timbang ng ekolohiya sa mundo.

Ang matinding pag-init ng panahon na nararanasan sa bansa, bunga ng


pagkasira ng kalikasan ay nakababahalang paksa sa larangan ng agham, ekonomiya,
politika, antropolohiya at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan na may direktang
tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan gaya ng Department of Environment and
Natural Resources(DENR). Gayunpaman, malaki ang maitutulong ng mga manunulat
sa paglutas ng usaping ito nang kalikasan sa tulong ng mga akdang pampanitikan
upang maipaunawa sa tao ang etikal na pagkalinga sa kalikasan para na rin sa
kanyang kapakanan. Ayon kay Santos(2011,p.66),napansin nina Glotfelty at Fromm na
hindi gaanong binibigyang-pansin ng literatura ang pandaigdigang krisis ng ekolohiya.
May ilang malikhaing sulatin man gaya ng awit at tula ukol sa kalikasan, dahil kakaunti
sa uri ay minamaliit o di-pinapansin ang mga ito kahit ng sosyal midya.

Kapag patuloy na winalang halaga ng tao ang pagwasak kabi-kabila ng likas na


buhay ng kalikasan, may sariling paraan ito ng paghihiganti upang ibalik sa tao ang lupit
na ginawa nila sa pagsira ng natural na kagandahan ng kalikasan mula sa Diyos.

EKOKRITISISMO AT ARALING PAMPANITIKAN

Ang pagiging interdisiplinaryo ng ekokritisismo ay nag-uugat sa pagiging malawak ng


saklaw nito sa pag-aaral ng panitikan. Ayon kay Barry (2009,p.223), ang dulog na ito ay
maaring unibersal na modelo. Mula sa pagsilang na Ekokrisismo noong 1990 bilang
disiplinag pang-akadekiko, ito ay patuloy na umuunlad.

Katunayan sa papel ni Mishra na may pamagat na Literature Adapted into Film:


An Ecocritical Analysis of Chander Pahar (The Mountain of the Moon), tinuran niyang;

Although ecocriticism emerge as a separate academic discipline of literary


study during 1990’s, it is by its very nature interdisciplinary. It is not a unitary discipline.
All sciences come together to contribute to this theory. Ecocriticism seeks to explore the
interconnectedness of the human ( biotic) and the non-human (a-biotic); finds the
relationship between literature and the physical environment since antiquity. Therefore,
both History and Geography contribute to the field. It discovers ecologicam implication
in literature, therefore, it is science; likewise, it is related to politics (as it tries to find a
solution to present global environmental crisis), spiritualism ( as it helps developing an
eco-wisdom among the readers ), moral science, philosophy,etc. (2016,pp.70-71).

KALIKASAN BILANG PROTAGONISTA SA MGA AKDANG PANITIKAN

Karaniwan nang binabasa ang panitikan na nagtatanghal ng tao bilang sentro o


pokus ng mga akdang pampanitikan. Halimbawa, kung babasahin ang simpleng akdang
“Si Matsing at si Pagong” palagi nang ikinakabit ng mambabasa ang representasyon ng
dalawang tauhan bilang mga tunay na tao. Na si Matsing ay ang mga taong tuso,
mapanlinlang, at hindi tunay na kaibigan, habang si Pagong naman ay ang mga taong
mahina ngunit may angking talino upang maipaglaban ang sariling karapatan. Ang
pagbasang ito ng akda ay tinatawag na Ingles na Anthropocentric.

Ayon sa http://www.thefreedictionary.com/anthropocentric, ang antropocentric,


ay nagsaalang-alang sa tao bilang sentral na elemento ng sanlibutan at nagbibigay-
kahulugan sa mga katotohanan batay sa mga pagpapahalaga at karanasan ng tao.

4
Dahil sa nakagawiang paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga akdang
pampanitikan, hindi masyadong nabigyang-diin ang kalikasan at karaniwan na lamang
isinasantabi at karaniwang ang papel ay tagpuan o bahagi lamang sa mga akda.
Samakatuwid walang mahalagang papel na ginagampanan sa akda. Ang pananaw na
ito ay taliwas naman sa pananaw ng ekokritisismo. Sa lente ng ekokritisismo, isapokus
sa pagbasa ang kapaligiran bilang isang indibidwal na may malaking papel na
ginagampanan sa akda. Ituturing ma aktor at protagonista ang kalikasan sa halip na tao
ang pokus ng pagbabasa ng panitikan.

Inaasahang ang kasalukuyang dulog-ekokritisismo ay makatutulong sa


pagpapalaganap sa sistema ng pagbabasa ng panitikan. Bibigyang-halaga mula rito
ang kalikasan na makikita sa mga akda upang ang mga konsepto ng kahalagahan ng
kalikasan ay mapagtutuonan ng mga mag-aaral at guro ng panitikan. Sang-ayon ito sa
binibigyang-diin ni Larsson (2012, abstrak) sa kaniyang artikulong “The
Cosmopolitanization of Childhood: Eco-Knowledge in Children’s Eco-Edutainment,” ang
pagsisiwalat ng mga kaalamang manghikayat sa kabataan upang makisangkot sa
pagligtas ng mundo mula sa mga sakuna sa pamamagitan ng pag-analisa ng mga
aklat-pambata na pangkalikasan. Sinuri ni Larsson kung paano inilahad at ipinalaganap
ng mga aklat-pambata ang mga kaalaman ukol sa kalikasan na tinawag niyang “eco-
knowledge” na makatulong upang magiging maalam ang mga kabataan sa mga isyung
nauukol sa kapaligiran. Lumabas sa kaniyang pagsusuri na ang mga aklat-pambata na
nauukol sa kalikasan ay humimok sa kabataan hindi lamang upang magkaroon ng
disiplina sa sarili at maging tagapangalaga sa kalikasan kundi upang maging tulay sa
pagsiwalat ng mga kaalaman ukol sa kalikasan at maging mapagmatyag sa mga
pangyayaring maaring makasira sa kalikasan. Ang ressulta ng mga ginagawang
pagsusuri ni Larsson ay siyang inilalako ng ekokritisismo. Layon din ng teoryang ito ang
magbigay atensyon sa mga panitikang-bayang pinaniniwalaang kapupulutan din ng
kaalaman ukol sa kalikasan na maaring maisiwalat sa pamamagitan ng edukasyon.

Binalangkas ni Zapf sa kanyang aklat na “Literature as cultural ecology:


sustainable texts” ang bagong dulog sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan
(2016,p.7). Inilalahad sa akda ang mahalagang papel ng panitikan sa pagtamo ng
maayos na buhay sa pamamagitan ng pamumuna upang humamon at magpabago sa
uri ng ugnayan ng tao at ng kalikasan. Pareho ang dinadalumat ng ekokritisisyo sa
balangkas ni Zap. Bibigyang puwang din ng pagdulog ang mga umiiral na panitikang
pangkalikasan ng mga etnikong grupong upang magbukas ng panibagong pagtingin sa
mga akda sa pagsaling-dila. Itatanghal ang mga ito hindi lamang umiiral upang mang-
aliw at mangaral, kundi magpaunawang ang kalikasan ay may daing na kailangang
dinggin.

ANG EKOKRITISISMO SA PAGDALUMAT NG PANITIKAN

Bagong luma, salitang maituturing na ‘oxymoron’(literary device) na


nangangahulugang paggamit nang sabay sa dalawang salita na magkasalungat upang
mabigyang-diin ang ibig ipakahulugan ng salita.

Sa papel ni John Iremil E. Teodoro (2012), ginagamit niya ang bagong salitang
“Bagong luma” upang bigyang kahulugan ang ekokritisismo bilang dulog sa pagdalumat
ng mga akdang pampanitikan na magtatanghal ng kalikasan bilang bida sa isang
akda.Ang salita ay nangangahulugan lamang na ang isyung pangkalikasan ay luma na
ngunit bago pa lamang gumigitaw ang pagpupunyagi na mabigyang-tuon ang mga

5
isyung pangkalikasan sa mga panitikan.Ito ay nangangahulugan ding mga lumang akda
na nilapatan ng bagong perpekstiba o pagtingin sa isyung nakapaloob dito.Luma ring
istorya at hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga panitikang-bayan na ang bawat
lugar ay larawan hinggil sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa
kalikasan.Lumang isyu ngunit hindi napahalagahan ang pangangailangang seguridad
ng inang kalikasan laban sa mapangwasak na tao.

Sa ekokritisismo, mabibigyan ng bagong pakahulugan ang lugar,tagpuan at


kapaligiran na mababasa sa akda.Ayon kay Fenn,binibigyang-diin ng ekokritisismo hindi
lamang ang harmonya ng sangkatauhan at kalikasan,bagkus pag-uusapan din ang
kapahamakan ng kapaligiran dala ng mga pagbabagong naganap na likha rin ng
tao(2015,p.115).Matatandaan na ang salitang ekokritiko ay nagmula sa salitang Greek
na “Eco –oikos(house –mundo)” at “Critic –kritis (judge)” na kapag pagsamahin ay
nangangahulugan “house judge” o tumitingin kung maayos na napamahalaan ang
tanahanan (mundo).Kaalinsabay sa pagdalumat sa ugnayan ng tao at kalikasan sa mga
panitikang pangkalikasan,babaybayin din kung paano ang ugnayan ng tao at kalikasan
na maaaring nagdala ng kapahamakan dito.

Taong 2011, nagsagawa ng pag-aaral si Paz V.M. Santos sa mga tulang Bikol o
Rawitdawit gamit ang lente ng ekokritisismo.Sa kanyang papel ipinamumungkahi niya
na kailangang pag-aralan ng mga eko-makata kapwa ang agham at sining ng tula
upang matitimbang ng mabuti ang paksa,adbokasiya,sining at ugnayan ng mga
ugnayan.

Binanggit ni Santos, na sa ekokritisismo, ang pagbasa ng akda ay nakatutok sa


ekolohiya, hindi sa indibidwal na tao o lipunan.Mula sa tanong na “Sino ako?” patungo
sa “Nasaan ako?” sa konteksto ng kasalukuyang krisis ang maging direksyon ng
pagbasa.Natatangi ang ekokritisismo sa ibang teoryang panliteratura dahil ang
karamihan sa mga teorya ay nagsusuri sa ugnayan ng manunulat,teksto, at daigdig
habang ang ekokritisismo ay buong eco-sphere (2011,p.68). Dagdag ni Santos (sipi
mula kay Glotfelty at Fromm,1996) na ang literatura ay may tunkulin sa napakalaki at
masalimuot na sistemang pandaigdigan, kung saan naghahalubilo ang “enerhiya, bagay
at isip”(pp.xix-xx).

Sinuri ni Santos ang mga konsepto ng bagyo mula sa panulaang Bikol upang
malaman kung may malikhaing tugon ang mga makata sa pagbago ng klima sa tinawag
niyang Republika ng Kalamidad, ang Bikol.Isa sa kanyang pinakamahalagang ginawa
ay ang pagtingin kung ang mga makata ba ng Bikol ay nakatutulong sa pagdalumat sa
epekto ng malawakang pagbabago ng klima upang makakilos ukol dito ang mga may
katungkulan.Inaasahang sa ekokritisismo,masusuri ang paraan ng pagtatanghal ng
mga akdang pangkalikasan at panitikang pangkalikasan sa uri ng ugnayan ng kalikasan
at lipunan;kung ito ba ay “pagbubunyi sa kalikasan” o “pagbabala sa mga banta ng
kalikasan”.Ang mga matutuklasan ay inaasahang makapagsisimula ng aktibong
adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan sa paghikayat sa larangan ng edukasyon na
mapasama sa mga babasahin ang mga akdang nasuri upang magbinhi ng kamulatan
sa isyung pangkalikasan ng lalawigan.

Binigyang-diin ni Rina Garcia Chua (2017), sa kanyang papel na “Speculating on


the ecological Literacy of Ecopoetry in a Third World Nation” ang malaking papel ng
edukasyon sa pagkakaroon ng eco-literacy.Sinabi niyang,

6
Using literature in educating students definitely cultivates hope in the crises of
sustainability;it can also slowly cultivate a paradigm shift toward the idea of
‘ecocentrism’ by inspiring young citizens to partake or discover trial- and –error
solutions toward
sustainability(http://www.academia.edu/27380319/Speculating_on_theEcological
_Literacy_of_Ecopoetry_in_a_Third_World_Nation).

Isa ang panitikan sa mga nangungunang aralin sa larangan ng batayang


edukasyon.Ang mga kaalamang kanilang matamo ukol sa pangangalaga sa kalikasan
ay magiging binhi upang maipalaganap ang kaalamang makatulong sa pagligtas sa
kalikasan.Sa pag-aaral ni Chua ,mga tula ang naging pokus ng kanyang
pagsusuri,isang genre na maaaring magkaroon ng malaking kontribusyon sa eko-
literasi ng bayan at mamamayan.Sa ganitong punto, kailangang palalakasin ng mga
manunulat ang lahat ng genreng pampanitikan na interdisiplinaryo ang konteksto upang
higit na lalakas ang ugnayan ng agham,ekolohiya, at panitikan.

Sinuri ni Santiago (1992) sa kanyang pananaliksik na “Ang babae sa mga Piling


Akdang Pampanitikang Pilipino:Isang Femenistang Kritisismo” ang mga femenistang
isyung ipinapahiwatig ng mga awtor sa mga piling akda.Tinalakay kung paano
nakisangkot ang mga babae sa lipunan at kung paano niya ipinaglaban ang kalayaang
nakalaan sa kanya.Natuklasan niya na masasalamin sa mga akda na kanyang sinuri
ang pagsasamantala ng mga babae,pang-aabusong seksuwal,aktibismo at kamalayang
sosyal,kolonyalismo at materyalismo,kahirapan at iba pang isyung ekonomikal,isyu sa
sex,pag-aasawa,moralidad,paglabag sa karapatang pantao,politikal at mahigpit na
tradisyong Pilipino.Sa huli iminungkahi ni Santiago,ang isang karagdagang pag-aaral sa
progreso ng kilusang Fiminista sa bansa, ang katayuan nito sa lipunang pagbabago, at
implikasyon sa estado at kamulatang sosyal ng kababaihang Pilipino.

Napakahalaga sa kasalukuyan ang paghain ng mga akdang pampanitikan na


busisiin gamit ang ekokritisismo. Mahalagang bagay na maibahagi maimulat ang mga
batang mamayan sa mga isyung pangkalikasan ang pang-aabuso sa mga kalikasan ay
kahawig sa pagsasamantalang naranasan ng mga kababaihan. Magiging tulong sa
pagsusuri sa mga panitikang-bayan ang mga konsepto ng ekofeminismo na
naniniwalang magkaugnay ang pang-aabuso sa babae at kalikasan ayon kay Santos
(sipi mula kay Bryson,2002).

Sa ilang dekadang nagdaan marami-rami na ring mga kalamidad ang


nararanasan sa daigdig. Tinuturing ito ng mga ekofeminista na bunga ng
panggagahasa sa kalikasan na gaya ng pang-aabuso sa kalikasan. Ang kapaligiran ay
naghantad ng banta sa lipunan at sa kalikasan at sa mundo sa kalahatan. Ang
malawakang pang-aabuso sa mga likas na pinagkukunan gaya ng pagtotroso,
pagmimina, ay nagdadala sa atin sa bingit ng kalamidad gaya ng baha dala ng bagyo at
pagbago ng panahon, maging sa distraksyong dala ng mga lindol na dulot ng pagkasira
ng balanse ng ekolohiya. Binigyang-diin ito ni Mishra (2016) sa kanyang Ecocriticism: A
Study of.,. Sinabi niya na, “Under these circumstances, there arose a new theory of
reading nature writing during the last decade of the previous century called
Ecocriticism.” (p.168)

Ang bagong litaw na kilusang ito ay naisilang bilang reaksiyon sa hindi etikal at
mapang-abusong paggamit ng tao sa kalikasan. Naniniwala si Mishra, na ang pag-aaral
sa panitikan na nakatuon sa kapaligiran ay magdudulot ng ekolohikal na literasi na sa

7
proseso ng pagbabasa ay magtamo ng kamalayang pang-ekolohiya at matutung
magphalaga sa Inang Kalikasan.

Dagdag pa ni Mishra, dahil sa suliraning pangkapaligiran na kinaharap ng


mundo,

Ecocriticism has undergone rapid development during its short tenure since
introduction. It is interpretive tool of analyzing nature writing which is commonly
associated with Environmental criticism, Animal study, Green Cultural Study, Ecosophy,
Deep Ecology, Ecofeminism, Ecospiritualism, ang the like (2016, p.168).

Naging gabay ni Mishra (2016) sa kanyang ekokritisimong pag-susuri ng akdang


isinapelikula na pinamagatang “The Mountains of the Moon” ang mga sumusunod na
katungkulan ng isang eko-kritiko:

 Magbasa ng magagamit na piyesang panitikan at suriin ito sa lente ng


kalikasan.
 Maggalugad ng mga panulat pangkalikasan upang mtukalasan ang mga
implikasyon ng mga ito.
 Magtaya sa ugnayang namayani sa pagitan ng tao at kaliakasan.
 Magsikapa na makahanap ng solusyon sa mga kasalukayang krisis
pangkapaligiran kaugnay sa kaliakasan.
 Manawagan ng pangmatagalang debelopment,
 Maghantad kung paanong naapektuhan ang kalikasan sa kultura ng tao,
at
 Subuking lubos na mauunawaan ang kahalagahan ng kalikasan sa
kasalukuyang krisis pangkalikasan(pp.72-73).

Ang suliraning pangkalikasan ay pananagutan ng lahat kasama na ang mga kritiko ng


mga panitikan. Ayun pa nga kay Glotfelty (sinipi niya kay Worster),

Getting through the crisis requires understanding our impact on nature as


precisely as possible, but even more it requires understanding those ethical
systems and using that understanding to reform them.

Ang pagpapaunawa ay maisakatuparan sa pamamagitan ng mga pananaliksik


na nagsusuri sa mgha panitikang maaaring ituro bilang lunsaran sa mga aralin o di
kaya’y lokalisasyon sa mga akdang ipinabasa kaugnay sa mga aralin na maaaring
lapatan ng ekolohikal na literasi. Ang paraang ito ay makatulong din sa
pangmatagalang adbokasiya sa pagligtas ng kalikasan. Upang maipaunawa ang mga
impak ng kalikasan sa tao at sa lipunan, kailangan ang masusing pagdalumat ng mga
ito gamit ang lente ng ekokritisismo. Ito ang magiging batayan sa pagdalumat naman sa
ugnayan ng panitikan at kalikasan sa mga panitikang pangkalikasan.

Binigyang-diin naman ni Rina G. Chua (sa kanyang “Speculating on Ecological


Literacy…)ang malaking papel ng edukasyon sa pagkakaroon ng eko-literasi.
Naniniwala siyang sa pamamagitan ng panitikan magkakroon ng pangmatagalang
kilusan tungo sa pagpapahalaga ng kalikasan sa tulong ng paghikayat sa kabataan na
makilahok sa paghahabi na pangmatagalang solusyon sa krisis pangkapaligiran.

Kaalaman ang susi ng pagligtas ng kalikasan. Sinang-ayunan naman ito ni


Lovino (1996) na nagsabi na ang tao ang sumusugat o nananakit sa kalikasan.

8
Bagama’t ang sugat na tinutukoy ay impersonal o hindi pantao kundi sugat na gawa ng
tao sa kalupaan, karagatan, sa mga lungsod, selyula… Dagdag ni Lovino,

Ecocriticism and Italy is both the exposition and the reading of a landsacape of
wounds. If a wound is the sign of violence or pain, showing it is a way to resist to
such violence. Reading this wound and the bodies it affects, and interpreting all
this as a complex of signs, is a practice of liberation (Bloomsbury Literary
Studies, Culture Day 2).

Ang paghahantad ng sugat ayon kay Lovino, ay isang tiyak na hakbang sa


paghilom ng naturang sugat. Tulad ng sakit na kapag hindi nasuri ay hindi rin
malalapatan ng tamang lunas kung kaya hindi ito maghihilom

Natuklasan sa pag-aaral ni Santos (2011) na ang mga rawit-dawit Bikol ay


naglalahad ng malikhaing tugon ng mga manunulat sa pagbago ng klima ng mundo.
Nakita ni Santos na ang mga nangungunang motif ng mga rawit-dawit ng Bikol ay
pagbagunas (matinding paglilinis) at paglaum (pag-asa). Samakatuwid, ang tugon ng
mga manunulat ng rawit-dawit ukol sa mga krisis na dala ng pagbago ng klima ay
itinuturing na matinding paghuhugas o paglilinis ng mundo at pagsingaw ng pag-asa sa
gitna ng kalamidad.

Isa ang panitikan sa mga nangungunang aralin sa larangan ng batayang


edukasyon. Ang mga kaalamang kanilang matamo ukol sa pangangalaga sa kalikasan
ay magiging binhi upang maipalaganap ang kaalamang makatulong sa pagligtas ng
kalikasan. Ang ekokritisimo bilang kilusan sa pagbabago ay pagtatangkang iwasto ang
antroposentrikong pananaw upang mailigtas ang mundo sa mga kalamidad,
nanawagan ng para sa kasiya-siyang kinabukasan ng daigdig. Lubos itong nagsisikap
na mailagay sa maayos na order ang mundo, at sumusuporta pagpapanatili kaaya-aya
ng kalikasan para sa susunod na henerasyon (Mishra,2016,p.170). Ang panawagang
ito ng kilusang pangkalikasan ay nararapat na tugunan sa pamamagitan ng marami
pang pag-aaral na magtatangkang suriin ang mga akdang maaring magamit sa
pagpapalaganap ng eko-literasi para na rin sa kaligtasan ng kalikasan.

Pagsasanay:

A. Bigyang saysay ang kaibahan ng sistemang ekolohikal sa sistemang etikal


gamit ang sariling pananalita at sa tulong ng mga halimbawa.

Takdang-aralin

A. Ibigay ang mga salitang maaaring maiugnay o maikonekta sa salitang


Ekokritisismo.

9
10

You might also like