Professional Documents
Culture Documents
Ayon kay Wendel (w.t.), “ang mga wika ay hindi umiiral sa kawalan”.
Ayon kay Dobie (2012), “ekokritisismo ang pag-aaral ng panitikan at kapaligiran mula sa
interdisipinaryong pananaw kung saan ang lahat ng mga agham ay pinagsama-sama
upang suriin ang kapaligirang sitwasyon”.
Ayon kay Einar Haugen sa kanyang sanaysay na The Ecology of Language noon 1972,
“higit na may makukuhang pakinabang sa pagbibigay ng higit na atensyon sa ugnayan ng
wika at ekolohiya mula sa pakikipagtulungan ng larang ng linggwistika at larang ng
antropolohiya, sosyolohiya, agham political, at maging sikolohiya”.
Binigyan ng kabuluhan ni Haugen (1972) ang wika ng ekolohiya bilang pag-aaral sa mga
interaksyon sa pagitan ng anumang wika sa kapaligiran nito. Ang tinutukoy rito na
kapaligiran ng isang wika ay ang lipunan na gumagamit nito bilang kanilang mga simbolo
o wika.
Ang ekolohiya ng wika ay nakilala sa ng mga taong nagsasalita ng wikang ito at inilipat sa iba.
May dalawang bahagi ang ekolohiya nito:
2. Sosyolohikal- ang interaksyon ng lipunan kung saan ito ginagamit bilang midyum ng
komunikasyon. Ang ekolohiyang binaggit rito ay ang entidad (mga taong gumagamit ng
wika) at ang pisikal na kapaligiran (ang lipunang kinabibilangan ng tao)
Ayon kay Levita (1996) ang salitang Higaonon ay galing sa 'gaon' na ang ibig sabihin ay
'bundok', "taong bundok" o "taong taga-bundok
Ayon kay UNAHI Mindanao nagmula ito sa tatlong mahahalagang kataga, 'pangkat-higa'
(buhay), 'gaon' (bundok), at 'onon' (tao). Taong nabubuhay sa bundok.
Sa papel ni Tangian (2010), ang higa ay salitang bukid na ang ibig sabihin ay
"pinagkukutaan" at ang non ay taong taga-itaas. "Pinagkukutaan ng taong taga-itaas.
Ang taas ay tumutukoy sa mataas na lugar halimbawa: bundok at burol
Higaono din ang tawag sa kanilang wika
Kilala bilang Lumad ang pangkat na ito para sa mga taga-Mindanao
Lumad
Ayon sa Kasaysayan, nakapalibot saw along malalaking ilog ang mga pamayanan ng indihenos