You are on page 1of 1

Kim O.

Madarimot
FIL102 | B4-3

Binahagi sa mga bidyo na ang Ekokritisismo ay pinag-aralan ang panitikan sa


perspektibong pangkalikasan at pangkapaligiran. Ito ay ang pagtalakay at pagkakaroon ng
diskursyon tungkol sa mga problemang pangkalikasan at ang mga sanhi nito. Ito rin ay ang
pagtalakay na ang problemang pangkalikasan ay produkto ng kulturang nililikha o nalilikha
ng tao. Ayon nga sa unang batas ng Ekolohiya, “Everything is connected to everything else”.
Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng bagay o pangyayari ay konektado, maliit man ito o
malaki. Ang mga pangyayaring pangkalikasan o sa buhay ng tao ay may rason at dahilan.
Binigyang diin din na hindi lang tatalakayin ng Ekokritisismo ang pagkaka-isa,
pagkakatugma, at pagkakabagay-bagay ng kalikasan, binibigyang diskursyo rin nito ang
kapahamakan ng kapaligiran dala ng pagbabagong naganap na likha ng tao. Umiikot din ang
usapin ng Ekokritisismo sa kung paano nakikipag-ugnayan ang kalikasan na nagbubunga ng
sakuna sa mga taong dumedepende dito. Isa sa mga layunin ng Ekokritisismo ay ang bigyan
tuon ang kalikasan bilang sentro ng pag-uusap at diskusyon sa mga suliranin na kinakaharap
at mabigyan din ito ng mga panibagong alternatibong solusyon.
Nagiging interdisiplinaryong larang ang Ekokritisismo dahil ito ay tumutulong upang
maunawaan natin ang dahilan sa pagkakaroon ng krisis sa kapaligiran o sa kalikasan. Ito rin
ay tinuturing na interdisiplinaryo dahil sumasakop din ito sa iba’t ibang larang na siyang
maiuugnay sa halaga ng pagiging Ekokritisismo o nagkakaroon ito ng koneksyon sa iba pang
disiplina. Gaya sa larang ng Kultural-Antropolohiya. Sa larang na ito makikita ang malaking
kontribusyon ng kalikasan sa pagpapatibay, pagpapanatili, at paghubog sa kultura ng tao.
Ang larang ng Sosyolohiya naman ay makikita na ang kalikasan ay isa sa sanhi at solusyon sa
panlipunang suliranin. Nagiging interdisiplinaryo rin ang Ekokritisismo dahil hindi lamang
ito sa usaping panitikan, kundi ito ay tumatalakay sa prinsipyo ng wika. Dahil dito, ang
kalikasan ay may sariling paraan sa paghubog ng kultura ng isang indibidwal o ng pangkat.
Sa pamamagitan ng konteksto, binibigyan ng gampanin o papel ang kalikasan sa isang
babasahin. Sa pagbabasa ng isang babasahin, hindi lang teksto ang ating titingnan sa pagbabasa kundi
ang konteksto sa ating binabasa. Sa pamamagitan nito, sa larang ng Ekokritisismo, mabibigyan ng
panibagong kahulugan ang mga simpleng bagay na mababasa sa isang basahin gaya ng tagpuan,
lugar, at kapaligiran na makikita sa isang akdang pampanitikan. Kahit gaano pa kaluma ang isang
babasahin tungkol sa isyung pangkalikasan, ito ay na-aayon at napapanahon pa rin para talakayin at
bigyang diskursyon. Tatalakayin ng Ekokritisismo ang kalikasan, hindi lang tungkol sa ganda nito
kundi sa kung paano makikipg-ugnayan ang kalikasan sa mga taong gumagamit nito at ang
kapahamakan ng kalikasan o kapaligiran dala ng pagbabagong nagaganap sa likha ng tao.

You might also like