You are on page 1of 3

1. Ano ang ugnayan ng kalikasan sa lipunan at kultura ng nasabing lipunan?

Ito ay nakapokus sa pag-ukol kung papano ang mga kultural na paniniwala ay


nakatulong sa pagpapanatili ng ekosistem. Nabigyan tuon rin ng mga kultural antropologo
kung papani ang mga aspeto ng kultural na pag-uugali magpapanatili ng balance o
„homeostasis‟ sa mga relasyon sa pagitan ng isang local na pangkat at kapaligiran upang
itaguyod ang pagmatagalang pagpreserba ng buhay nito.

2. Ano-ano ang mga mabubuti at di-mabubuting naidudulot ng kalikasan sa lipunan


at ng lipunan sa kalikasan.

Mabuting naidudulot ng kalikasan sa lipunan at ng lipunan sa kalikasan:

> Nakakapagbigay ng preskong hangin at maayos na pamumuhay

> Nakapagbigay ng ibat’ibang uri ng masusustansyang pagkain

> Nagbibigay ng maayos at malinis na tubig.

> Maaring mapagkukunan ng kabuhayan.

> Nakakatulong ito sa Import at export ng iba’t ibang lugar.

Mga di-mabubuting naidudulot ng lipunan sa kalikasan

> Overpopulation o ang pagdami ng populasyon na nakaapekto sa marawal na kalagayan


ng kapaligiran na nakasira ng ating ekosistem.

> Polusyon na nagdulot ng kapahamakan sa pamumuhay ng mga tao at hayop.

> Climate Change na nagpapainit sa mundo.

> Genetic Modification. Ito ay organismong henetikong binago na kinabibilangan ng mga


bakterya at yeast, mga insekto, mga halam, mga hayop, at mga mammal.

3. Paano nakatutulong ang eko-panitikan sa pagpapahalaga sa kalikasan?

Ang eko-panitikan ay greening o pagbeberde ng marami at iba-ibang mga lugar na ating


tinitirhan. Ang ekokritisismo ay eko-panitikang naglalahad ng kaugnay ng akda at kalikasan
bilang paraan ng pagbabago sa kamalayan ng mga mambabasa sa mundo ng hindi mga tao
(nonhuman world) at kanyang responsibilidad ditto. Hindo lamang ito malikhaing pagpapahayag
bagkus ito ay malikhain at taglay ang mapanuring katangian ng tungkulin ng tao at iba pang
nilalang sa kalikasan at kapaligiran.
4. Bakit mahalagang matukoy ang layunin ng isang akda sa pagbabasa?

Mahalaga ito dahil kapag natutukoy ng isang mambabasa ang layuning ng iasng akda,
masasabing taglay niya ang kasanayan sa pag-unawa at tagumpay ang may akda ng teksto sa
kanyang hangad para sa mga mambabasa.

5. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pabula at parabula?

Ang pabula ay panitikang pilipino na ang mga ginagamit na tauhan ay mga hayop na
kayang umastang parang tao. kathang isip lamang ngunit kapupulutan ng aral, samantalang
ang parabula ay mga kwentong nagmula sa bibliya o mga salita ng Diyos na kinapupulutan rin
ng aral.

Ang talinhaga ay isang maikling kwento na nagtuturo ng isang moral na aralin sa


mambabasa o nakikinig. Ang mga talinghaga ay naglalaman lamang ng mga character ng tao,
at sila ay iguguhit mula sa mga totoong sitwasyon sa mundo na may tunay na mga problema at
totoong pakikibaka ng mga tao.

Magkakapareho sila dahil parehong mapupulutan ito ng maraming aral at bagong


kaalaman. Parehong mga maikling kwento na nagdadala ng isang mensahe o isang moral para
sa mambabasa o nakikinig. Maaari rin silang tungkol sa isang unibersal na katotohanan, birtud,
o anumang iba pang konsepto. 

6. Mahalaga bang matukoy ng isang mambabasa ng isang akda ang moral na aral ng
kuwento? Bakit?

Oo, Dahil unang una mahalaga sa isang akda ang moral na aral sa buhay na maibibigay nito sa
kaning mambabasa. Ito dapat ang kanilang maging unang layunin. Mahalagang may itinuturo o
ibinabalik ang iba‟t ibang sangay ng panitikan sa mga mambabasa. Tungkulin nitong bigyan ng
kaayusan ang kaguluhan ng buhay.

7. Bilang isang mag-aaral na bahagi ng isang lipunan, paano mo naipapakita ang


pagpapahalaga mo sa kalikasan?

Naipapakita ko ito sa pamamagitan ng pangangalaga ng kalikasan, gaya ng lamang ng


pagtapon ng basura sa tamang tapunan. Pagtatanim ng iba’t ibang uri ng mga puno, bulaklak,
gulay at mga prutas. Hindi pagsakay sa anumang uri ng transportasyon na hindi nasusunod sa
batas ng pag-iwas sa polusyon.

You might also like