You are on page 1of 3

Noong mga nakaraang lingo at araw, ang aming klase ay inatasang mag-ulat ng

kaugnayan ng Ekokritisismo sa isang tiyak na disiplina at kaugnayan ng wika at


disiplinang inatas sa amin. Isang napakalaking responsibilidad para sa amin ang
mangalap ng mga tiyak na datos na kinailangang maihayag sa buong klase. Kaugnay
nito, bago tayo tutungo sa ugnayan ng mga nasabing disiplina, bibigyan muna namin ng
kaunting pagpapakahulugan ang mga tatalakaying salita kagaya ng aming ginawa sa
aming pag-uulat noong nakaraang linggo.

Sa aming pagtatanggal ng balakid sa mga salita, binigyan namin ng


pagpapakahulugan o deskripsyon ang disiplinang inatas sa amin, ito ay ang disiplinang
nakatutok sa mga Kahayupan at Katubigan. Ayon kay P. Uritee noong 2010, sinasabi
ang kahayupan at karagatan ay sangkap ng kapaligiran, masasabi na ang pangangalaga
sa kapaligiran ay isang mahalagang aspeto ng mundo. Ang pangangalaga ng kapaligiran
ay mahalaga sa paniniwala at ang tao ay may pananagutan na siguraduhin ang ligtas na
pag-iingat ng kapaligiran.

Sa pagtalakay ng ekokritisismo, ayon kay Santos, ito ay pag-aaral ng literature at


pisikal na kapaligiran na tumututok sa daigdig at hindi sa tao o lipunan lamang. Sa
madaling salita, ito ay nakatuon kung paano nailalahad ang isang konseptong
pangkapaligiran sa isang literatura.

Sa aming pag-uulat, paulit-ulit naming sinasabi na ang lahat ng bagay ay


magkaugnay kagaya ng Ekokritisismo at disiplinang pangkahayupan at pangkapaligiran.
Nais naming ihatid sa aming ulat na sa pamamagitan ng konseptong nakapaloob sa
ekokritisismo, naipapahayag ang mga diskursong ukol sa pangkahayupan at
pangkatubigan na usapan. Sinasabi na ang kalikasan ay nabibigyang puna sa masining
na paraan ngunit may pamantayang pinagbabasehan. Sa pamamagitan ng mga
literaturang maiuugnay sa nasabing disiplina binibigyang pansin ang mga usaping may
kinalaman sa pangkapaligiran.

Isang pamilyar na kuhulugan ng wika ang sinabi ni Gleason, na ang wika ay


masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong may iisang kultura. Kaugnay nito, ayon kay Edward Sapir,
isnag German anthropologist-linguist, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan
sa paghatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. Sa wika, kalikasan nitong magkaroon
ng iba’t-ibang rejister na salita sa isang partikyular na disiplinang kinabibilangan nito.
Ngunit bago iyan, ay binigyan rin naming ng pagpapakahulugan o deskripsyon ang
salitang “rejister”, ayon kay Salvador noong 2017, ang “rejister” ay tawag sa isang salita
o termino na may iba’t-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinanggagamitan
nito. Narito ang mga terminong madalas gamitin sa disiplinang pangkahayupan at
pangkatubigan. Coral reefs ito ay isang malaking kayarian na nasa ilalim ng tubig na
binubuo ng patay at buhay na mga koral. Ilog ito ay isang malaking likas na daanang
tubig. Waterfall ito ay isang anyo ng lupang mabuhangin na katabi ng katawang tubig ng
dagat. Marino ito ay isang tao na naglalakbay at naglilibot ng mga sasakyang pantubig o
tumutulong sa mga operasyon, pagpapanatili, at paglilingkod ng mga ito. Rabies ito ay
isang karamdamang sanhi ng birus na nagdurulot ng ensipalitis sa mga hayop na maiinit
ang dugo.

Ang kaugnayan ng wika sa disiplinang pangkahayupan at pangkatubigan o


kalikasan ay pareho itong sumasalamin sa kultura o indibidwal na kinabibilangan nito. Sa
pamamagitan ng wika , naipapahayag ng isang indibidwal o manunulat ang kaniyang
kaisipan at damdamin para sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsulat ng iba’t-ibang
akda na may kinalaman sa panitikan, kung gayon ang bawat isa ay nakadepende sa
kakayahang taglay nito, depende sa lawak ng kaalaman ng isang indibidwal na
gumagamit nito.
“Written Report
Compilation”
Ipinasa nina: Anna Michelle A. Magbanua
Precy Jane Dipus
Nino Rey Baylas
Adzmin Tabaddi

Ipinasa kay: G. Christofferson T. Del Sol

You might also like