You are on page 1of 2

ANG TEORETIKAL NA HIBLA NG BARAYTI AT BARYAYSONG ANTROPOLOHIKAL

‘’ ANG KULTURA AY ISANG KOMPLIKADONG KABUUAN NA BINUBUO NG LAHAT NG MGA


KAKAYAHAN AT KASANAYAN NA NALINANG NG TAO BILANG KABAHAGI NG ISANG
LIPUNAN.” (Edward Taylor, 1871)

Mga punto ng artikulo


• Ihahanay ang ilang batayang kaalaman ukol sa pag-aaral ng pagsasalikop ng wika at kultura
at kung paanong mga prosesong nakapaloob dito ay umiiral ang mga barayti at baryasyong
antropolohikal.
• Binabalikan dito ang mahahalagang kaunlaran ukol sa disiplina ng kognitibo at linggwistikobg
antropolohiya bilang mga pangunahing sangay ng pag-aaral na may kinalaman sa mga
konseptong ito
• Lilinangin ang ilang mahalagang implikasyon sa ibayo pang paglikha sa wika bilang isang
natatanging phenomenon.

ANG TEORETIKAL NA HIBLA NG BARAYTI AT BARYASYON ANTROPOLOHIKAL


May dalawang teoretikal na diskusyon na higit na magbibigay linaw kung paano dapat unawain
ang phenomenon ng varayti at baryasyong antropolohikal.
May dalawang teorya na sumibol mula sa mga pagsusuring nalikha sa kasaysayan ng LA. Ito
ay ang:
-Linguistic Relativity nina Edward Sapir at Benjamin Lee Wolf
-Cognitive Appropriation na pinaunlad ng disiplina ng cognitive cultural
linguistics

Principle of Linguistic Relativity

 Ito ay ang pinagsamang mga resulta ng pag-aaral nina Sapir at Whorf, batay sa
mga naunang pag-aaral ni Boas.
 Narito ang mga mahahalagang pamamalagay ng dalawang dalubhasa na naging
pusod ng pag-unawa ng konsepto ng varayti at baryasyong antropolohikal:

Sapir:
• While all languages can do the same work of symbolic expression, the different techniques of
expression are salient and indicate relativities of understanding.

Whorf
• We cut up nature, organize it into concepts, and ascribe significances as we do, largely
because we are parties to an agreement to organize it in this way—an agreement that holds
throughout our speech community and is codified in patterns of our language.
Sa pamamagitan ng ganitong mga tuwirang pagpapaliwanag, nasagot nila ang pundamental na
tanong na:
“Ang mga wika ba ay totoong magkakatulad o totoong magkakaiba?”

Sa kanilang pagsusuri, natuklasan na lahat ng mga wika at paggamit nito ay nakalaan para sa
komunikasyon.
Bilang mga magkakatulad na natatanging sistema, pinaiinog ang mga wika ng tunog, salita, at
iba pang mga lingguwistikong manipestasyon ng komunikasyon.
Subalit ang common denominator, ayon sa kanilang mga pagsusuri, ng lahat ng paraan ng
pagbuo, paglikha, at paggamit ng wika ay hindi naman talaga komunikasyon, kundi kahulugan.

Sa pamamagitan ng kanilang mga kapaniwalaan, nasagot na rin ang tanong na:


“Sa anong kahanggahan maituturing na ang mga wika ay naghuhubog ng kultura?”

Ipinaliliwanag nito na ang mga wika ay totalidad ng pag-iral at ang pag-iisip at wika ay
magkawing na Mabuti kung kaya’t ang pagtukoy sa world view o kabuuang pananaw ng isang
pangkat sa mga penomenong natural at empirical ay kumakawang din sa kung paano ginagamit
ang isang wika

COGNITIVE APPROPRIATION
 Pangunahing layunin nito na tukuyin at tiyakin ang ugnayan ng habitual thought o
kinasanayang aanyo ng pag-iisip at pagkilos sa wika at paggamit nito.
 Sinabi nitong tanging sa mga manipestasyon ng karanasang kultural lamang
mauunawaan kung paanong nag-aangkop (appropriate) ang isang pangkat ng tao ng
isang kaanyuaang pangwika na lapat sa kanilang anyo ng pag-iisip at pag-uugaling
panlipunan.

FOLEY (1997)

MGA PAGPAPADRONG LINGGWISTIKO BILANG ESTILO NG


PAGSASSALITA

SISTEMA NG KONSEPTUWALISASYON AT REALISASYON NG


KARANASAN

MGA KAPANIWALAAN AT KASANATANG KULTURAL

 Ipinakikita ng dayagram na ang wika, pag-iisip o kognisyon, at kultura ay


magkakaugnay.
 Ang mga estilo at manipestasyon ng pagsasalin ng isang tao at ang kanilang kultural na
kaligiran, samakatuwid, ay pinag-uugnay ng sistemang konseptwal nag ginagamit niya
upang dumanas ng iba’t-ibang phenomenon sa kaniyang kalikasan.

You might also like