You are on page 1of 3

Balangkas Teoritikal

Ang pananaliksik na ito na may pinamagatang Rehistro ng Wika ng mga Parakalo sa Bulusan ay
nakaangkla sa ilang mga teorya o ideya na naging batayan ng pag-aaral.

Ang una ay teoryang Sosyolinggwistiko. Ang teoryang sosyolinggwistiko na ayon kay Augusto
(2021), ito ay naniniwala na ang wika at kultura ay magkasama at nagpapahiram ng kahulugan
sa isa't isa . Ibig sabihin, ang wika ay hindi lamang isang simpleng sistema ng komunikasyon,
dahil mayroong iba't ibang konteksto at kahulugan sa bawat gamit nito sa lipunan. Dahil dito,
napakahalaga ng pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal o grupo sa kanilang wikang ginagamit,
upang maihulma ang kanilang kultura at makasama sa mga mahalagang gawain at papel sa
kanilang lipunan. Nagagamit ang teoryang ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil ipinapakita ng
teoryang sosyolinggwistiko na ang wika ay hindi lamang isang likas na sistema ng
komunikasyon, kundi ito rin ay isang produktong panlipunang interaksyon. Ito ay nagbibigay-
diin sa kung paano ang wika ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng mga tao, grupo, at kultura sa
pamamagitan ng pagsusuri ng mga istruktura ng wika, ideolohiya ng wika, at wika bilang
kasangkapan ng kapangyarihan at pagkilala.

Ang pangalawa at panghuling teorya ay ang Systemic Functional Linguistics (SFL) ni Michael
Halliday. Ito ay isang kilalang teorya sa larangan ng linggwistika na nagpapakita kung paano ang
wika ay nauugnay sa lipunang ginagampanan. Ipinapakita ng SFL ang koneksyon sa pagitan ng
wika, lipunan, at kultura.Sa ilalim ng SFL, ang wika ay hindi lamang itinuturing na sistema ng
mga tunog o mga simbolo, kundi isang instrumento ng komunikasyon na nagbibigay-kahulugan
at nagpapahayag ng mga ideya, karanasan, at pag-uugali. Ipinakikita ng teorya kung paano ang
mga aspeto ng wika, tulad ng leksikon (salita) at gramatika (pangungusap), ay nakabatay sa mga
layunin o gawain ng isang tao o isang lipunan sa isang partikular na konteksto. Ang Teoryang
Systemic Functional Linguistics (SFL) ay may mahalagang kaugnayan sa rehistro ng wika. Sa
konteksto ng SFL, ang rehistro ay nauugnay sa aspetong ideational, textual, at interpersonal ng
wika. Sa aspektong ideational ng SFL, ang rehistro ng wika ay nagpapakita kung paano ang mga
ideya, mga konsepto, at karanasan ay naipapahayag sa wika. Sa aspektong textual ng SFL, ang
rehistro ay may kaugnayan sa pagbuo at interpretasyon ng teksto. Ang mga tekstong nakaayos
o isinulat para sa iba't ibang layunin o rehistro ay nagpapakita ng pagkakaiba sa porma, estilo,
at estruktura ng mga pangungusap. Ang aspektong interpersonal ng SFL ay kaugnay sa
pagsusuri ng ugnayan ng mga taong gumagamit ng wika. Sa rehistro ng wika, ito ay nauugnay sa
pag-aaral kung paano ang mga indibidwal o mga grupo ay naghahatid ng kanilang mga kaisipan,
damdamin, at intensyon sa iba't ibang sitwasyon. Ang wika ay nagiging daan upang maipahayag
ang relasyon, kapangyarihan, at ugnayan sa pagitan ng mga tagapagsalita.

Mahalaga ang mga teoryang nabanggit sa pagbuo ng pananaliksik na ito. Ang mga ito ay
nagsisilbing saligan upang matukoy ang Rehistro ng Wika ng mga Parakalo sa Bulusan. Ito ay
nagsilbing gabay upang magkaroon ng malawak na perspektibo ang mga mananaliksik tungkol
sa suliraning.

Teoryang Teoryang Systematic


Sosyolinggwistiko Functional Linguistics

Pigura 1. Paradaym ng Balangkas Teoritikal

Tala

Augusto, W. (2021). Mga wika sa sining ng kulit: Implikasyon sa kultura at pagtuturo.

Rehistro ng Wika ng
mga Parakalo sa
Bulusan

International Journal of Research Studies in Education, 10(4), 13-24.


https://doi.org/10.5861/ijrse.2021.5081http://consortiacademia.org/10-5861-ijrse-2021-5081/
Nordquist, R. (2021). Overview of Systemic Functional Linguistics.
https://www.thoughtco.com/systemic-functional-linguistics-1692022

You might also like