You are on page 1of 10

ARALIN 2

ANG WIKA SA LIPUNAN


2.1 PANANAW SA UGNAYAN NG WIKA
AT LIPUNAN

Kahulugan ng wika = sistema ng simbolo. Simbolo na


may elemento tulad ng ponolohiya, morpolohiya,
sintaktika, semantika/pragmatika, at tuntunin gaya ng
gramatika.

Kahulugan ng lipunan = ay anumang grupo ng mga tao


na magkakasama para sa tiyak na layunin o mga layunin.
2.2 SOSYOLINGGWISTIKA
• Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng
lipunan nito at ang pag-aaral ng buhay
panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika
(Coupland at Kaworkski, 1997).

• ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa


pagitan ng wika at lipunan na may layuning
sa pag-unawa sa istraktura ng wika at kung
paano gumagana ang mga wika sa
komunikasyon (Wardhaugh, 2006).

• Heyograpikal na pagkakaiba ng wika ang


magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng
tagagamit nito.

• Samaktwid, ang sosyolinggwistika ay


nakatuon sa pagkakaiba-iba ng wika na mula
sa lipunan.
2.3 REHISTRO NG
WIKA
Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga
grupong gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan
ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi familyar sa
profesyon, uri ng trabaho o organisasyong
kinabibilalangan (Santos, Hufana, at Magracia, 2008).
2.4 ARGOT
.
Ay isang espesyal na bokabularyo o hanay ng
mga idyoma na ginagamit ng isang partikular
na uri o grupong panlipunan, lalo na ng mga
hindi sumusunod sa batas.
2.5 SOSYOLOHIYA NG WIKA
Sosyolohiya ng wika ay ang pag-aaral ng mga ugnayan sa pagitan ng wika at lipunan.
2.6 ANTROPOLOHIKONG
LINGGWISTIKA
• Bahagi ito ng larang ng linggwistika na
may kinalaman sa lugar ng wika sa
mas malawak na konteksto ng lipunan
at kultura nito, at ang papel nito sa
paggawa at pagpapanatili ng mga
kultural na kasanayan at mga
panlipunang kaayusan.

• Sinabi ni Foley (1997) na magkaiba na


larang ang antropolohikal na
linggwistika at linggwistikang
antropolohiya.
ANTROPOLOHIKONG V.S LINGGWISTIKANG
LINGGWISTIKA ANTROPOLOHIYA
• Higit diumano na binibigyan nang diin • ang huli naman ay nagbibigay raw ng
sa una ang larang ng linggwistika higit na empasis sa larang ng
upang maipaliwanag ang kultural na antropolohiya sa pagbabasa ng wika.
konteksto ng wika.
Pinutol ang dimarkasyong ito ni Dell Hymes (nasa Duranti, 2009) nang ginamit niya ang terminong
linggwistikang antropolohiya upang tukuyin ang pagdulog antropolohikal sa pag-aaral ng wika.
Nagpahayag si Duranti (2009) ng dalawang alalahanin ng antropolohiya sa wika o linggwistikang
antropolohiya: (1) upang panatilihin ang pag-aaral ng wika bilang isang sentral na bahagi ng disiplina ng
antropolohiya, at, (2) upang palawakin ang konsepto ng wika na lampas sa makitid na interes sa
estrakturang gramatikal.
2.7. ETNOLINGWISTIKA
Ayon kay Underhill (2012) pag-aaral ito sa
relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. May
konotasyon ang larang na ito kung
pagbabatayan ang kasamang salita nitong
etnik/o na maaaring tumukoy sa mga marhinal
na grupo mga Lumad, Igorot, Meranao, at iba
pa. Paliwanag ni Underhill, may dalang
konotasyon ang pang-uri na etnik (sa na iba
dahil sa mga marhinal na grupo.

You might also like